boyfriend ng lahat

anonymous asked:

Kuya kasi nung monday naholdap kami ng boyfriend ko, lahat nakuha sakin pero sa kanya wala kase wala syang dala nun. Ngayon lagi ko siyang sinisisi kasi nga ang bobo niya di man lang niya pinagtanggol yung bag ko. Kagabi nagaway kami tas sinisi ko nanaman sya don ang sabi nya kung galit daw ako sa kanya ipakita ko na lang hindi ung araw-araw ko siyang babanggitan non. Tamang-tama yung ex ko nagpaparamdam ang sabi ko ibbgay ko yung number ko dun para makaganti ako sa kanya. Advice naman please

  1. How dare you?
  2. Holdaper ‘yon, kung pinagtanggol ka niya, baka namatay pa kayo parehas
  3. Bakit mo siya kailangang sisihin?
  4. Anong trip mo sa buhay?
  5. Bakit mo kailangan gumanti sa boyfriend mo at idadamay mo pa 'yung ex mo?
  6. May sira ba utak mo?
  7. Tigil-tigilan mo 'yang ganyang pag-iisip at wala kayong patutunguhan ng boyfriend mo.
  8. At kung puro paghihiganti at galit ang laman ng utak mo, mabuti pang hiwalayan mo na lang boyfriend mo kesa 'yang hihilahin mo siya diyan sa whirlpool ng kakupalan mo.