bonakids

9

BONAKIDS: Mga BATANG MAY LABAN

Sa bona ako nakahanap ng pamilya. Pamilyang gugustuhin mong makasama araw-araw. Kahit kadalasan di nagkakaintindihan, nag kakagalit o nagkakatampuhan, masaya na makasama sila. Yung parang hindi makukumpleto yung araw mo pag hindi mo sila nakasama or hindi ka nila mapatawa sa jokes nila.

Nung first day of classes, natatakot ako pumasok kasi natatakot ako sa magiging reaction nila pag napansin nila yung brace ko. Na baka mandiri sila or kaawaan ako. Pero hindi, hindi sila ganon. Mejo naamaze pa nga sila eh. 1st-2nd qrtr yung non-stop questions nila sa akin. Akala nga nila bakal yung scoliosis brace na suot ko kaya binibiro nila ako na baka daw makuryente ako, and akala din nila na hindi ko na to matatanggal yung parang nakadikit na to sa buto ko, but i never got tired of explaining. Tinanggap nila ako kung sino ako, kahit kadalasan masungit at madamot ako. 

Natutuwa ako pag naaalala ko pag sobrang vane natin. As in! Grabe ngayon pa lang namimiss ko na sila pano pa kaya pag grumaduate na kami. Mahal ko sila. Mahal na mahal. Alam ko na may ginawa sila na hindi tama, pero hindi naman siguro tama na husgahan natin sila, na parang wala na silang tama. Naging mabuti silang kaibigan, kapatid na lagging handing tumulong. Opo, nung narining ko yung kumakalat na balita mejo nag-iba ang tingin ko sa kanila, pero as time paas by… nawala din yun. Yung mas pinili kong tignan yung mga ginawa nilang tama kaysa sa maling ginawa nila. Mabait po sila, mabait po kami. Siguro po nagkamali kami/sila, pero sana po wag niyo po kalimutan na tao po kami/sila nagkakamali, at nagsisisi at handang matuto sa pagkakamaling yun.  

Sana BONAKIDS walang kalimutan ha! I love you all! Sorry lahat ng mga maling bagay na ginawa at nasabi ko. Kaya natin to! LABAN!

“Never say goodbye because goodbye means going away and going away means forgetting.”  - Peter Pan