bolpen ko

8 THINGS NA DAPAT ILAGAY SA GOOGLE MAP

  1. C.R. NA MAY JERBAKS. Para hindi ka na mapamura kapag bigla mong binuksan yung cubicle na may hukbong sandatahan ng taeng daig ka pa kung makapagpasarap sa buhay kung makapagfloat.
  2. ‘HOPELESS PLACE’ NI RIHANNA. Para hindi ka na mahirapan pang maghanap ng tunay na pag-ibig. Para alam mo na kung saang lugar mo siya palaging hihintayin. Proper timing at tamang panahon na lang ang kulang na may pakonti-konting paglandi with dignity.
  3. YUNG FEELINGS NIYANG NAGLAHO NA LANG BIGLA.  Dahil baka lumubog na din kasama ng Atlantis. Kelangan mong malaman hindi para patuloy mo pang hanapin at piliting ibalik ang dating sa'yo. Kundi para malaman mo kung napunta ba yun sa karapat-dapat na tao at kung magiging masaya siya ng higit pa sa naranasan niya nung kayo pa. Dahil minsan, yun din ang eksaktong address para tuluyan kang makapagmove-on, kahit walang closure. 
  4. SECRET LOCATION KUNG SAAN NAPUPUNTA ANG MGA NAWAWALANG TAKIP NG BOLPEN.  Buong buhay ko hindi pa ako nakaubos ng tinta ng bolpen. Katulad ngayon, nawala na naman bolpen ko. Pag hindi bolpen ang nawawala, minsan yung takip. Wala ng magpahiram sa'ken. Para akong isinumpa letche. Kaya naniniwala akong may isang sikretong lugar na sasagot sa misteryo kung nasaan ang mga nawawalang bolpen sa mundo.
  5. BOUNDARY NG 'FRIENDZONE’. Para mabigyan ng suggested route ang mga taong malapit ng lumampas sa boundary ng friendship. At para hindi ka na mahirapang ipaliwanag sa kanya na hanggang kaibigan lang talaga. Ituturo mo lang sa google map, “Bitch please. Andito ka ngayon.” 
  6. MAXIMUM AREA NG 'I NEED SPACE’ NA SINABI NIYA.  Para alam mo kung  gaano kalawak ng sakop at kung saan yung sinasabi niyang 'space’ na pupuntahan niya. Para kapag medyo natagalan ka sa paghihintay, alam mo kung saan mo siya pupuntahan para hampasin ng napkin na may dugo.
  7. EXACT LOCATION KUNG NASAAN ANG 'PAKE’ MO. Para pwede mong sabihin na, “Oh eto google map, pakihanap na lang ng pake ko.” kapag may mga epal na taong bigla na lang darating sa buhay mo para bwisitin ka lang.
  8. KUNG ILANG KILOMETRO ANG REQUIRED PARA MATAWAG NA L.D.R. Para marealize ng iba na hindi distansya ang naglalayo sa dalawang tao kundi oras at atensyon lang. Katawan lang ang pinaglayo pero hindi ang puso. Dahil minsan kahit magkatabi lang, parang long distance na rin dahil sa layo ng agwat ng feelings. 

PINAKA MALUPET NA BALLPEN SA BUONG KLASE NAMIN. HAHAHAHA.

Eh kasi guys ganto yun. Nauto ako neto eh. Pinapapindot sakin ng kaklase ko yung may bilog dun sa picture. Tangina may ground. Hahahahaha badtrip eh. Ginawa ko naman sa iba. Yung isa naming kaklase OA. Parang mamamatay na. Waht. Hahahaha. Tawa ako ng tawa. Puta. Priceless yung mukha. Yung bestfriend ko naman parang tanga, pinindot yon. Tili ng tili. Hinagis yung ballpen sakin tapos sinuntok ako ng sinuntok. Huhuhu.

Ito ginagamit kong panangga kapag may nag bubully sakin. HAHAHAHA. KSHARE.

Rich Kid vs Poor Kid (Estudyante Edition)
  • Rich Kid: “Can I borrow your pen?”
  • Poor Kid: “Peram bolpen dali! Number 69 na si Sir. Bilis!”
  • Rich Kid: “Where’s my pen?”
  • Poor Kid: “Kinuha mo bolpen ko ‘no? ‘Di mo ilalabas?! Abangan kita mamaya sa labas!”
  • Rich Kid: “What’s your answer in number 69?”
  • Poor Kid: *siko, tadyak, batok* Hoy! Anong sagot sa number 69? Tae, bilis!”
  • Rich Kid: “That exam, stress me! Ugh!”
  • Poor Kid: Tangina ang hirap! Wala na bagsak na ‘ko dun!”
  • Rich Kid: “Wanna join us in the club? 6:00 pm?”
  • Poor Kid: “Tara, dre! Dota tayo 5v5! Pustahan?”
  • Rich Kid: “I love you, babe! Take care always!”
  • Poor Kid: “Labyu, bhe! Ingat ka ha? Tanga ka pa naman. Joke!”
  • Rich Kid: "Hahahahaha! You're so funny."
  • Poor Kid: "Hahahahaha! Laftrip ka dre! Tae! Hahahahaha!"