blogger ako

Suggest new/old bloggers please?

Mag backreads ako bukas. Gsto ko munang iwan yung facebook at dito nalang muna tumambay.

Then sa tingin ko medyo madami dami na din akong finafollow na inactive kaya wala na masyadong laman dashboard ko. 😭

Basta suggest kayo ah? Dto na ako sa office eh. Bukas ako mag backreads. Thanks!

2

So, me and my sisters went to Hideout 52 located in our town Angono Rizal. The food is good, but we’re disappointed in their nachos. Why? Because its a siomai wrapper not nachos. Huhu. The place is great, wall art but not fully airconditioned (or sadyang mainit lang talaga ang panahon kaya hindi ramdam ang aircon). So food blogger naman pala ako. Hahaha. Yun lang! Masarap and affordable naman ang food nila :)

therealmissadviser  asked:

Claaaaaaaaaa T_T Anon blogger kasi ako nung bumalik ako dito. Hahaha! Then naging inactive. Hanggang sa active na talaga 'ko ngayon. :D Ang tagal na natin di nag-usap, kelangan mo pa rin ng closure? HAHAHAHAHA! Mwaaaaaaaaaa :*

kaya pala hindi kita mahanap hanap!! nakakainis ka chels!!! sobrang namiss kitaaaaaa!! Oo hanggang ngayon kailangan ko pa rin ng closure! hahahaha

Tumblr blogger ako dahil dito, meron akong kalayaan. May nakakarelate sa mga ipinopost kong kadramahan. Walang pumupuna sa mga sinasabi kong katarantaduhan. Hindi ako masasabihan ng bastos kapag sex ang usapan. Walang humuhusga sa malulutong kong murahan. At higit sa lahat, natututo ako sa mga nababasa kong katangahan.
—  Walang Taong Bobo. Tanga Meron. #267
03.17.17 8:37AM: #TGIF

So I’m building up a ton of courage to do video blog pero sobrang nakakahiya talaga mag shoot sa kalsada. I wonder how vloggers can do that. Ugh~ Pero sige, tuloy natin ito para sa ekonomiya. Hahaha. Dami ko kasing oras e no? Hahaha. Stay tuned for that. Iniisip ko pano na ang pagiging anon blogger kung makikita na ako sa vid. HAHAHA. Magmamask ako. Chot. Anyway, goodmorning! #TGIF :)

PS: Sobrang nakalimutan ko na birthday ni nay kahapon. Not literally my Mom, uh, kaibigan ko na tinuring ko ng nanay dahil para ko na siyang nanay na tropa ganon. Gulo. Ewan. Hahaha. Yun. Laters~

That "nahihiya ako sa bloggers" feeling

Madami akong gustong kausapin na bloggers dito. Pero syempre cliche na shy type ako (potah). Nahihiya ako kasi minsan feeling ko lang…….wala nahihiya ako kasi mahiyain ako duh. Pero seryoso nahihiya ako, kaya nga kapag hyper ako as much as possible random yung mga taong kinakausap ko kasi dun lang ako nagkakaroon ng confidence para kausapin sila. Tapos naman yung isang reason ko kung bakit medyo ilang ako ang ibang bloggers they tend to have this current mood of not talking or entertaining any bloggers din. Feel ko kasi parang ayaw nila akong kausap or sadyang feelingera ako right from the start. Mahiyain talaga ako eh, walanghiya lang kapag hyper, pero guys nyeta kausapin nyo naman ako hindi ako boring pwede nyo akong kausapin na mura yung unang babati saakin. Hinayupakers talk to me! Hahaha

AKO 'YUNG BLOGGER NA...

Ako ‘yung blogger na scroll lang ng scroll sa dash tapos out na.

Ako 'yung blogger na kapag nasa mood lang naiisipang mag blog.

Ako 'yung blogger na hindi mahilig magbasa ng long post.

Ako 'yung blogger na litong lito sa paggamit ng “nang at ng” o kaya “raw at daw”.

Ako 'yung blogger na masaya na kahit sa isang note man lang.

Ako 'yung blogger na ang ibang blog ay hanggang pang draft lang talaga.

Ako 'yung blogger na maraming naiisip iblog pero hindi alam kung paano at saan magsisimula.

Ako 'yung blogger na mahilig mag like ng blog nila.

Ako 'yung blogger na hindi pinapaalam ang username sa iba.

Ako 'yung blogger na mahilig mag follow.

Ako 'yung blogger na mahilig mag back-read.

At ako 'yung blogger na madaling humanga sa galing ng mga kapwa ko bloggers.

Old & New (I hope you guys read this)

Let me tell you about something I really really love about being a blogger in Tumblr… over the past few years of endless scrolling and posting and all the nonsense stuff I’ve done in this site which took a very long time of my life, one thing really amazed me. It’s how bloggers come and go here and well, I’m still here. And no, me being here until now is not my point but the bloggers who are no longer active in this online home of ours.

This is how it happens: over the years, new batches of Tumblr people will come and go. Those bloggers who “go” are like the ones who just graduated from a university. They’ve finally reached the stage where they’re off to something new in their life. While those bloggers who just “came” are like the freshmen students who have no idea yet of what they’re about to do. They’re still silent and observing but as time passes by, they learn what it’s like to be here. They realize how this site feels like trash and home at the same time. Somewhere tat feels like you belong even if no one really talks to you that much.

While me (and the other bloggers who have been here for years) feel like we’re the walls of the university these students are living in. We hear things. We see things.  And most of the time, we just laugh at things. Don’t get me wrong I get to enjoy some issues in here, too even if over the years they’re all the same. Trust me. Aside from seeing these people grow (and leave, sadly, but it’s okay), I get to see their lives outside this site. Even if it’s just online but at least, I see the other sides of them.

And yes it’s true that we will all eventually leave this site because what do you expect? That you’ll be feeding your kids someday and be like, “honey. wait a minute. i just need to reblog this gifs from the grammy’s 2030″? And it’s okay. But the point is, Tumblr is a phase of our lives even if we wasted so much time in it instead of being so productive. It will always be a part of us and it’s just really satisfying to see bloggers grow out of it.

10

#PLAYWITHOREO

I had a hard time to think of an outstanding concept for this playwithoreo promo (I’m not really that creative and imaginative tho) So, to help me improve my artistic and imaginative skills I asked my friend and my mom to randomly put pieces of oreo and oreo minis on the blank bond paper and I will draw something out of it. And there are the results.

That’s it. It’s all that I can give. I want to give credits to my amazing highly-skilled photographer friend Denji for helping me and ofcourse to my mom.
(note: not all are original concept)

hateblogph

Disclaimer: Tahimik na blogger lang talaga ako rito sa Tumblr at hindi ko ugaling pumatol sa kung anu-anong issues lalo pa’t di naman ako involved dahil actually ayoko ring napapakialaman ang mga diskarte ko at ang buhay ko. Pero I think this is too much. Masyado nang hitting below the belt.

First observation, yung hate blogs ng ibang bansa tungkol sa mga social issues nila like racism, gender discrimination, women abuse, etc. Ano 'tong emote ng hate blog natin pakiexplain pls. Haha. Pero seryoso, ano bang purpose ng blog na 'to? Magshoutout forever sa kung sinu-sinong blogger at manira ng reputasyon nila? Ediwow.

Second and what I really want to emphasize is the transition from the first paragrapah. Ano ba talagang ipinaglalaban ng blog na 'to? Osige, kahit hindi na yung mismong gumawa ng blog eh. Ano na lang ipinaglalaban ng mga anon na pumapatol at nagpapadala ng mga hate messages dito?

Ayoko talaga nung napakaraming ipinaglalaban pero puro pasaring lang. Yung puro pagtatago lang sa likod ng anonymous na yan. Oo, sabihin na nating pwedeng makatulong sa ibang bloggers na makakabasa yung mga ipinagpopopost niyong TA lalo yung tungkol sa mga warnings at pagbebeware sa certain bloggers na itina-tag pa pero you could do it in a nice way. You could confront them. Harap-harapan. Lalo na kung alam niyo namang nasa tama kayo. Bakit kayo magtatago sa likod ng anon? Anong sense? Kung hindi niyo kayang iconfront, at least don’t anonhate them. Huwag ninyong isampal nang bongga sa mga mukha nila yung mga chuchu niyong malalandi sila, creepy, user friendly, etc. Kasi puta naman, alam niyo ba yung mga pinagsasasabi niyo? May limit ang hatred pls lang. If I know nagrereblog kayo diyan ng mga posts regarding psychological disorders, feelings of a suicidal, atbp pero anong ginagawa niyo? Hindi niyo ba kinakapa na baka may mga sari-sariling problema lang din ang mga bloggers na ihine-hate messages niyo tapos ganyan pa kayo? Impokrituhan pala tayo rito eh. Hindi niyo ba naisip, sa isang anonhate message ninyo, baka may blogger diyan na may mababang emotional quotient, tapos hindi niyo na namalayan nagpakamatay na pala (sana naman po wala, what if lang ito) dahil sa mga nabasa nila? Konsiderasyon din naman Tumblristas. Hindi yung puro sarili lang. Maging sensitive din sa feelings ng iba. Oo may ipinaglalaban kayo pero sana sa tamang paraan idinadaan ha.

Third na kadugtong pa rin ng second point, ano bang issues ninyo sa mga famous bloggers o pa-famous bloggers na hindi nagfa-followback o hindi masyadong nakaka-interact sa inyo? Mga normal na bloggers lang din sila. May kanya-kanyang set of friends. Kung hindi kayo kinakausap o hindi ganun ka-enthusiastic sa pagrereply sa inyo, bakit ba ipagpipilitan ang sarili? Oo masakit yung feeling ng rejection pero pls lang wag tanga ha. Marami pang ibang bloggers diyan na pwede kausapin, wag masyadong makitid ang utak. Hindi nila kasalanan na hindi ka nila feel kausap, may mga ganun talagang instances. Hindi nila kasalanan kung ayaw nilang magfollowback kasi choice ng bawat isang blogger dito ang lalamanin ng dash niya. Wag din issue ang paga-unfollow okay? Nagbabago ang taste ng tao. Nagbabago ang isip. Bakit ba big deal ‘tong mga 'to? Ganito ba ka-famewhore at ka-pathetic ang mga Pilipino? Malapit na talaga akong mawalang ng faith sa humanity neto. Hahajk.

Fourth, sa mga nagsa-shoutout diyan tungkol sa mga pagpapaasa ng ibang mga bloggers sa inyo at pang-iiwan na brokenhearted, wag kayong inam makamura at makasumpa sa kanila, ha. Aminin niyo man o hindi, choice niyo rin ang nangyari. Once na pumasok sa relationship o kahit magdecide na mainlove, ma-fall, dapat lagi nang ready masaktan kasi wala namang permanente dito sa mundo lalo pa’t sus, eto eh internet lang. Para kasing timang. Hindi ko kayo sinisisi kasi syempre gusto niyo lang naman eh magmahal at mahalin din pabalik pero minsan, kailangan din talaga gamitin ang utak saka kapag nabrokenhearted naman, pwedeng magmove on okaay. Mahirap daw oo pero hindi imposibleng malagpasan. Nasa tamang mindset lang yan.

Fifth, tangina nung magpopost pa na kung non-sense naman pala ang blog na yan eh bakit pa nagtTA diyan, aba eh paano ipapaalam sa iba na non-sense yan kung hindi rin diretso sa blog mismo aapela. Para lang yang pang-aakusa sa mga gumagamit ng internet para patalsikin ang imperyalistang US na binabash ng iba na non-sense magpost sa internet ng mga pagkontra sa US kasi dun nanggaling yung internet na kesyo kung tutol pala sa imperyalismo, bakit gumagamit ng internet. Tanga eh kung gustong matigil yun, syempre yun yung iooptimize mo kasi yun yung ginagamit ng mga tao eh. Yun yung may malawak na reach sa mga gusto mong pagpahayagan ng saloobin mo. Common sense naman aynako.

Disclaimer 2: Actually marami pa akong naiisip pero masyado na yata mahaba ang post na ito. Ready na ako sa mga anonhate niyo kung marami mang tatamaan sa post na ito pero sana kahit paano may mga magsink-in sa mga utak ninyo. Hindi ako nagmamagaling o kung ano kaya ako nagpost nito. Hindi rin ako pasikat, masyado na lang talagang nakakairita yung mga issues. Wag ninyo akong masabi-sabihan na i-unfollow ang mga nakakairitang nakikita ko kasi puta ang gusto ko lang makapagmulat sa inyo na may mali sa ginagawa niyo. Kung patuloy lang na itotolerate, walang mangyayari ganun.

P.S. hateblogph baka gusto mo po i-reblog. Baka lang. Hindi naman ako namimilit. Baka maharass ka eh, ayoko mangyari yun hoho.

P.P.S. Spread love not hate. I, thank you. Chos. Hahahaha.

8

Para sayo, kaya kong ipakita ang sarili ko kahit na anon blogger ako.
Gusto ko lang malaman nila kung gaano tayo ka saya sa bawat isa dahil sa mga kalokohan at mga ngiti sa bawat litratong ito. Gusto kong makita nila kung gaano kasaya tuwing magkasama tayong dalawa, mga oras na hindi sinasayang, at kahit naba distansya ang kalaban natin ay gumagawa parin tayo ng paraan para magkita. Sobra nating mahal ang isa’t isa, yung mga tiwala, at ramdam na ramdam natin yon. Thank you, sobra. Hindi sapat ang mga ito kung paano ko sasabihin kung gaano ako kasaya sa nangyayari sa atin since day 1. 
Simula nung dumating ka sa buhay ko, nung naging tayo, mga unang pagkikita at pagsasama, hindi sapat ang sandamakmak na salita o letra para sabihin kung gaano mo ako pinapasaya o kung gaano natin pinapasaya ang bawat isa.
Basta ang mahalaga ay alam natin isa’t isa na masaya tayong dalawa at kuntento na ako doon. I love you, reynanangkatamaran.

Hindi ko alam kung ano ba talagang totoong definition ng BLOGGER or kung anong kailangan para masabi mo na blogger ka. Ewan ko, may nabasa kasi ako dito. Tapos parang ang ewan at ang random lang nung post niya. Well, di ko alam kung random yun or ganon lang talaga siya mag-isip. Parang “hindi” na kami welcome dito. Parang “hindi” na welcome ang katulad ko. Uy, fyi. Hindi man kami magaling magsulat katulad mo, hindi man kami magaling bumuo ng magagandang talata. Hindi man kami kasing talino mo gumawa ng tula. Hindi naman ata tama na ipamukha mo sa mga “feeling bloggers” as what you call us na wala kaming K dito. Yes, natamaan ako. Kasi, I, myself… Masasabi kong “blog” lang ang meron ako at hindi ko pwedeng sabihin na “blogger” ako. Most of my blogs are reblogs, some of them are “nakakasawang” hugot about love and life. But that doesn’t mean na walang kwenta na ang blog ko. Tumblr is both an escape and a sacred place for me… Dito ako pwedeng hindi magpanggap. I can be myself kapag nandito ako. Ewan ko ba.

Yung post kasi niya e. Oo, magaling naman siya. Lumaki nga lang ang ulo at naging hambog. Hindi mo kailangan mangmaliit ng mga co-tumblrista mo. Kasi yan ang hihila sayo pababa. O ayan ha, hindi “co-blogger”. Happy? Oo, defensive ako. Oo, may pinaglalaban ako. Ayoko kasi sa hambog.