bisikleta

Para sa first boyfriend mo

Para sa lalaking laging nagtatanggol sayo kapag may nakakaaway ka sa patintero

Para sa lalaking hindi ka papaiyakin at sasaktan

Para sa lalaking laging ang reply sayo ay “K”

Para sa lalaking nagturo sayo kung paano mag-basketball

Para sa lalaking hatid sundo ka noong JS Prom

Para sa lalaking nakaabang na sa gate ng bahay kapag ginabi ka

Para sa lalaking puro kalyo na ang kamay pero masarap hawakan

Para sa lalaking umalis para sayo

Para sa lalaking naging buhay mo

Para sa lalaking itatayo ka kapag natumba ka sa bisikleta

Para sa lalaking sasabihing “Sana sinapok mo nung tinawag kang bakla”

Para sa lalaking unang tumanggap sa kung sino ka

Para sa lalaking hindi mo nakitang umiyak at naging mahina

Para sa lalaking minsan mo ng napabili ng napkin

Para sa lalaking nagbuhat sa bag mong parang maleta nung elementary

Para sa lalaking pinapasan ka kapag pagod ka ng maglakad nung bata ka pa

Para sa lalaking takbuhan mo pag pinagalitan ka ng nanay mo

Para sa lalaking ni minsan ay di ka pakakawalan

Para sa lahat ng Tatay, Tata, Tay, Pa, Ama, Papa, Dada, Daddy, Dad, Pudra, Pudang, Tang, Fafa o kung ano pa…

HAPPY FATHER’S DAY PO.

Buhat nitong lumang bisikleta,
nilagom ng puso kong palaboy ang bawat eskinita, tinawid ang bawat kalsada, at binagtas bawat daan.
Naghahanap.
Ngunit ang lungsod na ito'y bihag ng alaala mo.

Ang bawat anino sa kalye ay anino ng iyong ngiti.
Ang bawat sigaw, ang nakakabinging hiyaw
ng busina ng mga nagdaraang jeep,
ay mga iniwang musika ng iyong mga tawa.

Sa paglalaboy ko'y biglang bumuhos ang ulan,
at tinanggap ko nang buong puso ang basa at lamig.
Ngunit maging ang ulan ay ngalan mo ang pasan.
Sa bawat ihip ng hangin, boses mong malamig,
nagsusumamo, naglalambing,
ang yumayakap sa'king pandinig.

Buhat nitong lumang bisikleta,
nilagom ng puso kong palaboy ang bawat eskinita, tinawid ang bawat kalsada, at binagtas bawat daan.
Naghahanap.
At ikaw ang natagpuan ko.

“Paghahanap Sa Lungsod Ng Isang Pusong Palaboy”, ni Dominic Dayta (Hunyo 2017)

Ang Saging. Bow!

ang saging ay mahaba
kulay nito'y dilaw
medyo nakakasilaw
maganda sa mga atleta
lalo na sa mga mahilig mag bisikleta
sa mga ayaw ng saging
kumain ka nalang ng baging
baka sakaling ang buhay mo ay humaba
tulad nitong saging kong mahaba
maraming uri ng saging
mayroong maliit
pero wag mamaliitin
sapagkat dito di ka mabibitin
ang tamis nito'y parang asukal
mayroon ding mahaba
yung hindi saba,
madalas niluluto
dun sa kanto
binabalot at inaasukal
piniprito’t inihihaw.

Ang Saging. Bow.

this is the current stats of bisikleta as of 01 october 2013. i honestly haven’t been paying attention to the numbers. i was surprised that the blog even hit 500 followers a several months after i started it and now after two years … O____O

all that the numbers tell me is that the peeps who follow this blog are a fun-loving lot who likes bikes and likes to ride bikes. you guys and gals made this blog so i’d like to shout out a huge THANK YOU! to everyone. you inspire. ^_^

- noel of bisikleta

Narealize ko na para pala talagang pagbibisikleta ang buhay. Sa una takot kang itapak ang dalawang paa mo sa pedal sa pangambang matutumba ka kapag inalis mo ang pagkakatapak ng iyong mga paa sa lupa. Andami mong naiisip na nakapagpapadalawang isip sa'yo na magpatuloy. “Paano kung hindi ko pala talaga kaya?”, “Paano kung matumba lang ako at masugatan?” “Paano kung masira ko pa ang bisikleta?” Andami mong tanong. Puro “paano?”. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? 

Kahapon, pinahiram ako ng bisikleta ng isang kaibigan. Nagdalawang isip ako noong una. Hindi ko na kasi maalala kung kailan ako huling sumakay ng bisikleta. Hindi ko alam kung marunong pa ba ako pero sige pa rin. Masubukan nga ulit. Bahala na. Sa mga unang mga pagpadyak sa pedal, pagewang-gewang ang takbo ko. Nanginginig. Kinakabahan. Muntik pa ngang mahulog sa kanal. Buti na lang may preno. phew! Ayun, tuloy lang ako sa pagpedal hanggang sa hindi ko na namalayan na balanse na pala ang pagtakbo ko.Hindi na nanginginig. “Smooth-sailing” ika nga nila. Ansarap lang sa pakiramdam na napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko pa rin pala, na napagtagumpayan ko ‘yung takot na baka sumemplang na naman ako kagaya noong unang beses na sinubukan kong magbisikleta. Sobrang saya na hindi ko maipaliwanag. Basta.

Huwag kang matakot na sumubok o sumugal, bahagi lang iyan ng buhay. Mas masaya nang madapa at masugatan kaysa mamatay sa kakaisip ng “Ano nga kaya kung..?” Sa bawat pagkakadapa, bangon lang. Kung wala ka ng lakas para tumayo, eh di gumapang ka. Basta sa kahit anong paraan, umabante ka patungo sa gusto mong puntahan. Walang imposible. Maniwala at manalig ka lang. :)

J. Deanon.

Sasakyan kita.
Buong araw.
Wala akong pakialam kahit mapagod.

Sasakyan kita.
Dadalhin sa iba’t ibang lugar.
Pabilisin mo ang aking paghinga.

Huwag mo akong paibigin
Dahil sa paglubog ng araw
Iiwan rin natin ang isa’t isa 

Alam kong ibabalik lang din kita sa kanya.

Kay J. Deanon. 

hmmmm, una akong nakahawak ng bisikleta nung grade 1 ako.

Naalala ko pa si tatay, nilagyan pa nya ng dalawang gulong na maliit ung gilid ng bike ko (este bike pala naming tatlong lalaking magkakapatid) para pang-alalay sakin para hindi ako magtuwad o matumba. Gabay eka nga para matuto magbalanse.

Paikot ikot lang ako sa bakuran namin nun maghapon, pag martes-thurs nga lang kasi sa ibang araw naman naka-sked ung paggamit ng dalawa kong kapatid. Pero minsan naiisahan ko din sila, tinatakas ko ung bike habang pinapatulog sila sa tanghali ng tita ko (para daw lumaki, matulog sa tanghali).

Nang simulang matuto na ko magbisikleta ng walang alalay na dalawang gulong, lalong lumakas ang loob ko (syempre, confident at mayabang si gago).

Nakukuha ko ng makipagkarera sa mga kalaro ko sa dike ( elevated part na daanan na minsanan lang daanan ng mga sasakyan).

Nung minsan, naabutan ko na lang ang aking sarili na nagdurugo ang braso at panay gasgas ang tuhod dahil sa aksidente dulot ng kaharutan sa pagba-bike. S'yempre kapag bata ka, mapusok. Mabilis dapat ang takbo ng bisikleta. Ayun mabilis nga, hindi kinaya ng preno (brake) yung bilis, ayun.. nagsemplang. nagpagugulong gulong sa lupa. kumain ng alikabok. At ang masama pa, maduming madumi ang suot na damit (tiyak lagot kay nanay mamaya pag-uwi).

FACT NO.1

Hindi pala alam  ng nanay ko na marunong ako magbisikleta. Lately lang niya nalaman.

FACT NO.2

Hindi po ako nagbibisikleta sa main road/malalaking kalsada at hindi nakikipagsabayan sa mga truck, tricycle at kotse.

FACT NO.3

Ngayon, mas feel ko pang magkulong sa bahay.

bisikleta

shutupnhearme:

Gustong gusto ko magbisikleta kasi ang pakiramdam ko lumilipad ako.

Gustong gusto ko yung hangin na humahaplos sa mukha ko.

May pulosyon man o wala. Mabilis o mabagal.

Pakiramdam ko malaya ako.

Kakanta. Tatawa. Sisigaw. Iiyak.

Walang makakapigil. Walang makikialam.

Ako ang may desisyon kung bibilis o babagal.

Nasa akin kung gusto kong tumigil.

Kung sesemplang man ako tatawanan ko lang ang sarili ko at tatayo.

Babalik sa pagbibisikleta. Kahit pa may sakit na iniinda.

I wrote this last year, around September or October, but it seems like it’s still undone. I don’t know how to complete this. :(