birthday2013

Gusto ko lang humingi ng konting saglit para sabihing “Salamat.” Salamat sa lahat ng taong bumati sa akin. Sa mga tumawag, nagtext, nag-advance Happy Birthday, nagchat, nagpost sa fb wall ko, nagtweet at nagTA. Sa mga bumati kasi nakita nilang birthday ko salamat din kasi aleast binatin niyo pa rin ako. Kahit na nakita niyo lang sa fb na birthday ko. Salamat pa rin. At syempre salamat dun sa mga taong lubos na nakaalala ng birthday ko. 

Sobrang malaking bagay sa akin na bigyan ng ilang segundo o minuto para magbigay ng konting mensahe para sa akin. Simpleng greetings. At salamat sa mga pamilya ko, kaklase ko, kay God at syempre sa mga kaibigan ko. Pasaway man kami kapag magkakasama, loko-loko at magugulo pero sila ang dahilan kung bakit ‘yung malulungkot kong araw napapalitan ng saya. (Hashtag Medyo Madrama)

Basta 'yun, salamat talaga sa lahat. Hindi na ako magbabanggit ng pangalan kasi baka may makalimutan pa ako. Alam niyo naman kung sino kayo. Saka, nagpapasalamat ako kasi kung minsan nakakalimutan ko na kailangan ko pa lang pasalamatan 'yung mga taong niregalo sa akin ni God. Oha. :)