beijingbetia

RAMONA FLOWERS.

Natapos ko na rin sa wakas.

matagal ko na ring gustong gumawa ng sarili kong version ni ramona flowers, pinaghalo ko ung fashion niya sa comics and dun sa movie, and kaya din ako napilitin gumawa dahil sa week na toh 3 o apat na beses ko na napanood ung scott pilgrim v.s the world sa tv at sa laptop. :D

POST GIFT AND IPON. 

natuwa ako ngaung araw kasi nabili ko na ung pinagiipunan kong maws, and then kahit sa tiange sa may metropolis nabili ko na ung batmun arkham city!! hahahahhaahha, at dahil gud boy si koya kaya ako nabilhan.

pero nagsimula lahat nung makita ko ung maws sa may festival mall, gusto kong mag ipon para dun, tapos nung pasko ung batman ung hiniihingi ko sa tito ko kasi gusto din nyang maglaro nung batman akham asylum palang, tapos sabi nya nung pasko bibilihan na lang daw nya ako one of this days, so eto na nabili ko na ung mouse na pinagipunan ko at ung gift sa akin ng tito ko :D muahahahahahhahahahahahahahah!!! 

MALL, LARO, BIBINGKA AT LIBRO

halos buong hapon ko kasma ko ung pamilya ko para mamili sa festival mall, natuwa naman ako kasi pinyagan ako ng mami ko na mag ikot pero sa kasmaang palad 80 pesos lang ung dala ko TT v TT kaya di ako pwede mamili ng kung ano, ang una kong sinubukang hanapin ay ung power books, kaso nasaakbilang parte ng festival mall, aun napunta ako sa digital section, dun ko na naisip na hanapin kung nagbebenta na sila ng Batman Arkham City na game, dun sa unang shop na nakita ko meron ng imitation ng laro for about 350 php tapos umalis na ako, napadpad ako sa data blitz, dun ko na nakita na meron na palang sila nung batman, nung huli ko kasing punta wala pa, meron ding skyrim ( sana makuha ko ung isa sa mga larong ito ngaung pasko ) so habang nagiikot ako sa shop napagtanto ko ung gaming mouse na worth 400 php. napaisip ako bigla at gusto kong bumuli para sa paglalaro :D ang naalala ko lang dun sa specs ay may 2600 dpi siya :D tapos nung paalis na ako may nakita akong xbox contoller na nakalagay malapit sa entrance ng shop nung tinanong ko kung magkano TT v TT almost 4 numbers na… TT v TT nadismaya ako, pero natuwa ako kasi pwede siya sa pc laptop and x box :D kaya ko siya nagustuhan :D hindi ko siya ilalagay sa aking wishlist kundi sa mga bagay na pagiipunan ko pero matagal ko pa un mabibili :D 

sa pag alis ko sa shop nakita ko ung katabi na store, nakita ko kasi may tripod na binibenta, sa pagtingin ko nakakita ako ng lens cap with strap, para hindi mawala ung lens cap ( sa kadahilanan na ung isa ay nawala at ung isa di ko mahanap ) gusto ko riing isama sa mga pagiipunan ko, and atlast napunta na ako sa power books, ang unang hinanap ko ay ung looking for alaska sa kadahilanang nabasa na ng mga kaibigan ko at na intriga ako sa storya :D sa kasamaang palad di ko nahanap naghanap na lang ako ng libro na pwede ko ring bilhin para sa sarili, nakita ko ung good omen ni neil gaiman tapos ung kay manix abrera (tama ba? ) gusto ko sanang bilhin kaso kulang na lang ung pera ko ng 40 pesos para mabili, pero naisip ko kung hihingi ako kay mami maglalakbay ako mula dun papunta sa kabilang dulo at babalik dun at babalik sa shopwise.

nagtapos ang aming pamimili at syempre nawala ang pagod ko dahil sa pinsan kong si kylee na gustong gustong kumain ng bibingka :D at mahilig magturo ng kung anu ano.