bayaning 3rd world

Jose Rizal: Bayaning 3rd World (Movie Summary)

MONTECILLO, JULIENNE MARIA THERESE G.

BSCS-IT III-1

 

 

BAYANING 3RD WORLD

 

Ang pelikulang ito ay tungkol sa dalawang manunulat ng pelikula (filmmakers) na naghahangad ng makagawa ng isang pelikula o dokumentaryo na magpapakita ng mga tunay na pangyayari sa buhay ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. At hindi lamang isang ordinaryong pelikula ng buhay ni Rizal, kundi isang pelikula na maglalahad ng mga isyu tungkol sa kanyang pagkabayani na hindi pa nalalaman ng karamihang Pilipino.

 

Ang naging isang problema ng mga manunulat ng pelikula ay kung ano ang magiging pangunahing paksa ng gagawin nilang pelikula o dokumentaryo. Ang buhay ni Rizal ay naisapelikula na ng mga banyagang director, at ayaw nilang ihalintulad ang kanilang proyekto sa mga nauna nang pelikula. Nais nilang maiba naman ang anggulo. Isa pang problema nila ay kung paano nila ito isusulat at kung paano nila ipaparating sa mga manunuod ang mensaheng nais nilang iparating.

 

Sa kalagitnaan ng pelikula, naging malinaw na ang kanilang nais na iparating sa kanilang proyekto ay ang tungkol sa retraksyon ni Rizal. Ang retraksyon na ito ay isang pahayag na sinasabing isinulat ni Rizal na nilagdaan ng mga pari, na nagsasabing si Rizal ay nagbabaik-loob sa pagiging Anak ng Katoliko. Ito ay marahil sa pagsali niya sa Masonerya, na mahigpit na ipinagbabawal sa Simabahang Katoliko. Ginawa niya ito dahil nais niyang makaganti sa mga Espanyol na gumamit ng Relihiyon sa pagaalipin sa mga Pilipino. Maraming lumabas na isyu at argumento. Nakuha nilang ipaliwanag ang tungkol sa retraksyon ni Rizal sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga tauhan sa buhay ni Rizal, sina Doña Lolay (ina), Josephine Bracken (babaeng pinakasalan ni Rizal), Doña Narcisa at Trining (mga babaeng kapatid), Paciano (lalaking kapatid), Padre Obach (ang pari na nagkasal kina Rizal at Bracken), Padre Balaguer (isa sa mga pari na nakasama ni Rizal sa kanyang mga huling oras) at syempre si Jose Rizal.

 

Bawat isang tauhan ay nainterbyu ng dalawang manunulat. At sa pamamagitan ng mga interbyung ito, marami pang lumabas na mga isyu na noon lamang nila nalaman. Isa rito ay ang tunay na estado ng pag-iibigan nina Rizal at Bracken. Isang malaking tanong ay “Mahal ba talaga ni Josephine Bracken si Rizal?” Dahil ayon sa kapatid ni Rizal na si Doña Narcisa, malamang ay isang espiya o kasabwat lamang siya ng mga Espanyol sa pangangatwiran at panghihikayat kay Rizal na gawin ang retraksyon. At ipinakita rin na hindi gusto ng pamilya ni Rizal si Bracken dahil ito raw ay “makire” at nagkukulang sa intelektwal na kaalaman. Isa pang isyu tungkol dito ay sumulat “daw” si Rizal ng retraksyon dahil hindi papayag ang pari na magkakasal sa kanila hangga’t hindi siya sumulat ng retraksyon. Sa huli, pumayag si Rizal sa kanyang pamilya na magkaroon na lamang ng pribadong kasalan, sa gayon ay makakaiwas sa karagdagang isyu tungkol sa Relihiyon.

 

Ayon sa kapatid na si Paciano, hindi nagsisi si Rizal na magsakripisyo para sa kanyang bayan. Ngunit pinakita sa pelikula ang tanong na pipiliin pa kaya ni Rizal ang pagiging sakripisyo para sa Inang Bayan kung alam niyang magiging ganito ang turing sa kaniya ng mga Pilipino? Sa aking palagay ay paninindigan pa rin ni Rizal ang kanyang desisyon na magpabaril para sa bayan. Dahil sinabi na rin ng kanyang mga kapatid na desidido na siya at buong-puso niyang tatanggapin ito.

 

Isa pang isyu ay ang pagimbita kay Rizal na sumali sa Himagsikan. Hindi niya pinaunlakan ang imbitasyong ito. Sa pelikula, binigyan ng mga manunulat ang mga manunuod ng isang tanong: kung totoo nga ba na kaya hindi sumali si Rizal sa Himagsikan, ay dahil hindi siya ang mamumuno nito. Sa aking palagay, hindi siya sumali dahil ayaw niyang makipaglaban sa mga Espanyol nang gumagamit ng karahasan. Panatag na siya na pinaglalaban niya ang bayan sa pamamagitan ng pagsulat ng mga tula at iba pang kasulatan.

 

Ang buong pelikula ay naging isang misteryo. Ang dalawang manunulat ay hindi pa rin sigurado sa kung paano nila gagawin ang kanilang proyekto. Hindi nila alam kung ano ang paniniwalaan. Marami pa ring katanungan na sila mismo ay hindi masagot. Matapos ang lahat ng pagsusuri sa mga tauhan sa buhay ni Rizal, masasabing ang kanyang buhay ay mananatiling isang misteryo, dahil sa pagkukulang ng mga ebidensyang magpapatunay sa isang opinyon.

 

Sa bandang dulo ng pelikula, ipinakita ang dalawang manunulat ay nagsasagawa ng interbyu kay Jose Rizal, pagkatapos ng kanyang kamatayan. Nagbabato ng tanong ang mga manunulat, at sinasagot naman nito ng kathang-isip na si Rizal. Ngunit sa huli, sinabi ni Rizal na kaya nila nakukuha ang ganitong mga sagot galing sa kanya ay dahil siya ay kathang-isip lamang at gawa lamang siya ng imahinasyon ng dalawang manunulat. Parang sinasabi niya na nakikita nila ang gusto nilang makita, naririnig nila ang gusto nilang marinig at sa gayon, isusulat nila ang proyekto tungkol kay Rizal, ang basehan ay ang kanilang mga opinyon at hindi ang makatotohanang mga pangyayari.

3

Bayaning 3rd World 1999

Directed: Mike de Leon

Story of the two filmmakers to create a film venturing the life of Philippine National Hero Jose Rizal. they trying to investigate and question the heroism of Rizal. The Real Rizal. Rizal whom been questioned on his Refraction and her woman Jaqueline Bracken. they end up interviewing people involved and Rizal as himself. 

this is a amazing film. i have fun watching it. So witty. You are brilliant true Mike de Leon. another thank to geeksturr for recommending this film :)