batangmariee

No Classes.

Salamat kay Tito Noy at tinext niya na ang mga secretary of the secretary niya para mawalan ng pasok ngayon..

Pero hindi talaga ako pumapasok kapag Birthday ko :)

Salamat..

Kay Marie(batangmariee), na unang naggreet sa akin. Hanggang ngayon wala parin ang mangga ko kaya wala parin ang libre mo. Magbantay ka na lang muna ng tindahan niyo ha.. Dalagang Marie :) Thanks..

Kay Chelsea Anne(supertamad) na kahit hindi ko alam ang birthday niya ay grineet parin ako. July din siya pinanganak. Kaya naman siguro ay pareho kami ng zodiac sign na hinahantay sa tuwing Zenaida Seva na.(Tama ba spell?) :P Thanks..

Kay ate Jorms(jormalites)  Kahit na wala parin ang bibingka ko. at ang isa sa mga unang member ng PDSM. Thanks..

Kay Myx(30secondsurfer) na pumasok ngayon kahit suspendido ang klase dahil sa Admin nilang may pinaglalaban na kailangan may pasok ngayon. Thanks..

Kay Micah(thelaughingbaboy) na magpapadala sa akin next week ng inimport ng Pilipinas sa Canada na Mango Juice. Wow galing Canada na Mango Juice na gawa sa Pinas! excited na ako! Thanks..

Kay Rose(rowsmarini) na nakakaiyak na message T.T hindi ko alam bakit ako ang lumalabas na matanda? Bakit!!!! porket ba mukhang 16 lang si Rose!!!!! :( HAHA ingat sa Trabaho.. Thanks..

Kay SASA. SASA. SASA.. alam kong si sasa ang may gamit sa abakadamachine. Thanks SASA! alam ko din na siya ang nagtype at nagpakahirap na todo effort at nakakatouch na gawa THANKS SASA! Thanks..

SALAMAT Monica!(abakadamachine/MANAWARI) kahit na madalas pinagtatanggol mo ang mga pinariringgan ko, salamat doon sa mahaba at sa effort kahit nagrereview ka para sa PE Class mo.. ikaw ang number 1 fan ni Kimpoy Feliciano. Thanks..

Kay Maria RAKEZA(rakeztah), isipin mo nalang may kaaway ka.. sabihin mo lang pangalan nito aatras kalaban mo.. Kaya ka iniiw*n ng Boyfriend eh.. HAHA Love and Peace! :P Yung buhangin ko at Shawarma ha!  Thanks..

Kay Rox(misscebuana), dapat ba english? Okay thank you,Thanks Rox .. Thanks again.. You know.. I like to say thank you.. because its kinda thanks.. but it is really thanks.. :P

Kay Dorcas(edangeh-eh), sorry di ko sure kung yan ang pangalan mo. HAHA Dor! salamat! Hindi ko alam na isa ka pa sa magegreet! Salamat! kahit na parang Hi lang yung ginawa mo! :) Pero thanks talaga pati kay fail justin bieber shirt :) Thanks..

Kay aling Liza(buhayprinsesa), eto ang dahilan kung bakit dumami ang sumali sa Please Deactivate Sopas Movement, isa si Liza sa mga fans ko dito, mula palang sa angsopasnamabagal ay andiyan na siya :P Pero thanks, hindi ko alam kung kaninong bahay ang nakita mo at sinabi mong malaki, baka nagpakumbaba ka lang at nakita mong maliit at tagpi tagpi ang bahay namin.. Thanks! :)

Kay Bet bet(supermighty-dindin), paano ba yan. Bihira na tayong makakapagligtas ng mga naaapi. HAHA Ayusin mo lang pagaaral mo.. Naks! lapit na magcollege! TABA! :p Thanks..

Kay Sheena(TAMBAYSABAHAII), na nasa Facebook na nagpopost dahil nagdeactivate, nakakagulat lang parang “BOOM!” na grineet niya pa ako kahit wala na siyang Tumblr, nakigamit pa sa kaibigan niyang matalin na si.. yanzterr. Thanks..

Kay Pat!(patchiechie), ang kapatid kong matalino, mabait, magaling sumuong sa baha ng UST.. Ingat parati! si Pat ay isa sa mga nagtiyagang basahin ang love letter ko para kay kwan.. Teka past is past.. HAHA salamat Pat! pasensya na kung di na tayo nakakapagchat at wala din naman akong kwento kasi :) Kung may problema ka.. TA mo lang Message mo lang.. Ingat parati! Thanks..

Kay Kriz(everyoneisunique), Thanks daw sabi ni Triple H.. Siya lang grineet mo.. :( HAHA Tadhana na nga atang Sopas ang maging ulam nito. PNU Girls future Teacher.  :) Thanks..

Kay Abbie(abbienana), Wala kang bagong GIF ah. Umiikot naman ang ulo ha. :| PNU Girls future Teacher. Thanks..

Kay Almira(Mangoroyale) TA nalang kita kapag OK na ang resto ko :) Thanks..

Kay Pots(Potskilove) hindi ko na maalala name mo talaga. sorry.. :( Pero naaalala kita mula palang noong nagstart ako dito nadiyan ka na :) Thanks..

Kay Lino Tang(Matalinongtanga) Babae ka ba talaga? Thanks..

Kay Caryl(nadiscaryl) May joke ako. Thanks..


Kay Tin(Soloatsobrio) Tinskilovesyou ba yun? :) Ang dami mong kinakainan! natry mo na yung kilawin? Thanks..

Kay Yesterly(Masakitpusonko) Magaral ka muna, tama na ang pagtutumblr.. Baka sumakit puson mo :) Thanks..

Kay Mavy(Mabina) isa ka sa mga PNU Girls diba? :) Thanks..

Kay Nanding(Leyoniechambers) Hi Nanding.. Leyonnarding teka tama ba yung spell Leyonard? Bakit ka pinapahirapan ng magulang mo sa pangalan mo pero cool! :) Thanks..

Kay Gicela(misswhatif) At ikaw nga ang nasatweeter na yun, may kamukha ka kasi yung GF ng tropa ko kaya akala ko ikaw yun pero ikaw pala yun.. kaya hindi palak ikaw yun.. ayun..Thanks..

Kay Tinny(otsoholic) Graduate ka na! Thanks..

Kay Angelica(papansinpokasiako) Ano nga pala pangalan mo ulit? Angelica. Hindi ko na malilimutan yan! :) Thanks..

Kay Kim(oigivemeyourheart) Kamusta ang mga baka sa New Zealand? Dont break your heart Thanks..

Kay Anj(biskwit-na-panis) Thanks kay Tito Noy.. SONA daw kasi noong Monday kaya ayun wala lang :) Anj na hindi ako namiss. :) Thanks..

Kay Ley(Paistar101) anong sayo? anong sayo? Hi mo ako kina Sandara. Yup kina kasi magkakamukha sila. HAHA  Thanks..

Kay Debb(sinosidebb) Ang rakista na na karatista.. si Mah men na magaling sa ano mang language.. Hindi ko talaga gets yung mga post niya noong una. HAHA. Thanks..

Kay Olive(akosiolive) Akala ko talaga hindi ka nagpopost.. Noong una parang sumali ka lang dito para tumingin.. HAHA Alam ko noon pa man finollow na kita.. Salamat! nakaready na ang XL na size ng Sopas shirt para sayo :) Thanks..

Kay Mara(hapinay) Ikaw yung halos 1 taon di nagpost diba? HAHA Salamat! Thanks..

Kay Lian(aivilianne) 1 2 3 FEU! Teka ikw yun alam ko! Pero hindi pala.. haha Tumblrmahiyain Thanks..

Kay Mikkey(mikkeytuazon) sensya na di ko nakita twitter ko :) FEU ka pala, pero di ko sure. HAHA Thanks..

Kay Venice(lovelynice) mangan tamo! HAHA Kapampanggan ka ba o Ilocano? pero Mix siguro.. Thanks..

Sa mga hindi ko nabanggit pero alam ko kumpleto pero nagloloko ang track tags kaya di ko makita lahat.. Si Micah nga nagtampo agad di pa naman tapos magreblog. HAHA pero kung may nalimutan ako hindi talaga kita nalimutan.. promise! kahit hanapin mo pa pangalan mo diyan sa taas.. Hindi kita nalimutan. :) Alam kong hindi mo ako itTA na wala ka dito at nalimutan kitang pasalamatan.. Kaya naman SALAMAT SAYO! IKAW NA NAKALIMUTAN KO! :)

Sa iba na sa isip na lang ako grineet salamat! :)

at sa nalimutan kong itag.. Tag mo nalang sarili mo :)

God bless..

NGA PALA TINAG KO KAYO PARA MARAMING NOTES. 

OK naman ang handa ko, Bicol express.. At sabi ni mama.. Ulam lang talaga namin yun ngayon.. HAHA 

Salamat 21 na ako.. pero Bakit?

Salamat sa Magulang ko 21 years na kayong naghihirap para sa akin.. SALAMAT! :)

God, thanks sa higit 2 dekada! Ikaw ang BOSS ko. :)

Crush ni Marie si Justin Bieber.

Hindi ko “idol” si Justin Bieber, hindi ko sinasabing ayaw ko siya pero hindi ko trip ang pinaggagawa niya sa publiko. 

Kung may utak kang matino, alam mong marami kang fans na kids pero kailangan mo pa talagang hawakan sa pwet ang girlfriend mo para makitang sweet kayo.

Kpop/Jpop—

Ang isa lang naman sa mga nakakabadtrip ay ang pagiging immature ng “ibang” mga may gusto nito.

Yun lang.

Walang masamang maging “idol” o kung ano man ang mga yan. 

DAHIL TAO KA LANG.

OK nga may inspirasyon ka. 

Hinding hindi mawawala ang pagiging “PILIPINO” mo kung sila ang tatangkilikin mo. Dahil sa paguwi mo sa bahay “Filipino” mo parin kakausapin ang magulang mo, sa skwela, pagpumara ka sa jeep, at kung ano man ang gawin mo(maliban na lang kung English class).

Nasa dugo mo ang pagiging PILIPINO, wala yung kung ano ang gusto mo.

Kapag ba kumain ako ng siomai ibig sabihin noon hindi na ako PILIPINO?

Huwag ka lang maging immature na gumawa ng page na..

OPM sucks, T-POP is the best!

Dahil pati ako magiinit ang ulo ko, dahil may sayad ka na sa ulo. G@g0! :P

Gusto ko ang Airsupply.. at walang makakapigilil sa akin kahit bigyan pa ako ng free album ni Willie Revillame.