basag

BEST PALUSOT KAPAG NADAPA KA SA HARAP NI CRUSH

Very given na yung ‘Mahirap ma-fall ng walang sumasalo.’ Pero what if literal kang nadapa sa harapan ni crush?

Una, dapat poise at maganda ka pa din. Yung chill lang ganun.

Expectation,

Reality,


Anong palusot ang gagawin mo para maisalba ang iyong sarili sa labis na kahihiyan?

#1. Kunware Medyo G-Force. Teacher Jorcel levels.


“Okay ba yung step na naisip ko para sa competition namin? Oh tatanggalin ko yung part na medyo nadapa ako?”


#2. Magpakahumble all the time.

“Kaya kong magpakababa para lang sayo. Sana naman magkaroon ako ng puwang dyan sa puso mo.”


#3. Act normal lang bes.

“Okay lang ako crush. hihi”

Nakangiti ka pa din kahit putok na yung labi mo at basag na yung kaliwang pisngi mo.


#4. Magpanggap na tropa ng XB Gensan,


“Whoo! Konti na lang mapeperfect ko na tong break dance na ‘to. ayos ba?”


#5. Prangkahin. ‘Coz ang pagsasabi ng tapat is pagsasama ng maluwat.

“Oh ano? Kelangan ko pa talagang ipahiya ang sarili ko para mapansin mo ko? Pakyu ka pala eh!”


#6. Protect your crush from harm. Dahil siya ang future mo.

Yakapin bigla si crush.

”Okay ka lang? May gusto kaseng bumato sayo. Buti na lang nailigtas kita. “


#7. Apply the Law of Physics.

“I think i just fall for you,

( tapos biglang tayo sabay sabi )

“Gravity should not be blamed for two people falling in love ngunit sadyang hinatak ako ng lupa papunta sayo.”


#8. Unleash the kakatihan within you.

Hala!!! Akala ko kasi labi mo yung lupa kaya sinunggaban ko. Pa-isa naman diyan.


#9. Maging selfless. Magpakabayani the haliparot way.

“Inunahan na kita. Madulas kasi diyan. Nagsakripisyo na ako para di ka madulas.”


#10. Tuluyang magpakain sa sistema,

“Kala ko totoo yung napanood ko sa Kdrama, yung nadulas yung girl tapos tinulungan ng boy tapos holding hands, hindi pala.”


#11. Magpasalamat sa lahat ng blessings na natatanggap araw-araw.

“Thank God, i fell for the right person. Tara Lunch?”


#12. Let him feel na okay lang kahit ang sakit-sakit na.

“Wag ka mag-alala, sinubukan ko lang madulas sa harapan mo. Kasi yung pagkahulog ko pa lang sa’yo ang nagagawa ko.”


#13. Damhin ang pain until it hurts no more.


“Oh my gahd! Ang sakit ng paa ko! Nabalian ata ako. Kelangan ko ng mouth-to-mouth resuscitation.”  

( Pumwesto na parang hahalikan.)

Kapag biglang pinaspell ni crush ang “resuscitation”, walk out na lang.