balotion

Kung isang araw, maisip mo ako at itanong mo sa sarili mo kung minahal nga ba kita, sana mabasa mo ang liham na ito.

Yung unang beses na nagtagpo ang ating mga mata, kasabay ng ngiti, kasabay ng pagbati, kasabay ng walang katapusang mga tanong— kamusta? O kumain ka na ba? At nung sinabi kong, sabi na sayo, hindi ako maganda. Isa yun sa pinaka-hindi ko makakalimutang simula. Dahil alam ko, sa gabing iyon, magsisimula tayo.

Biglang naroon ang mga mensaheng pinadala. Ang tsokolate na sa sobrang dami, ipinamigay ko na. Ang manok na tumamis din ang luto dahil siguro naitutulay sa bawat hiwa at bawat buhos ng suka ang tamis na nadarama. Kung paano hindi nagtatapos ang mga paksa na wala naman talagang kabuluhan ngunit walang hanggan nating napag-uusapan dahil sa bawat tawa at bawat nakakatangang bagay na nangyari sa buhay ko— kinakausap kita. Tila ba ang mga parte at estorya na dati ay masakit ay naghihilom, baka dahil sa bawat pagmumura ko, nakikinig ka at nakikinig lang, hindi naghuhusga.

Kung may isang salita na maisasalamin ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon, ito ay ang salitang “Masaya” dahil bawat araw na nagtatagpo ang ating mga landas, o nagsasayang tayo ng oras ng magkasama, iyon lang ang nararamdaman ko. Maligaya ako pag nakakatabi kita sa kama— at naroon na naman ang tila hindi nagwawakas at walang katapusang pag-uusap. Tungkol sa akin, tungkol sayo, tungkol sa mga komplikadong bagay na ang gusto natin pero hindi natin makuha, tungkol sa kung gaano kagulo ang mundo, tungkol sa masasakit na nakaraan o sa masasayang pagkakakilala at kung ano pang “kung ano ano lang”. Maligaya ako tuwing kasalo kita sa katahimikan, at titingin lang ako sa maamo mong mukha na tila ba'y namumuong bagyo na nagkukubli lang sa napakatamik na dagat. Alam kong isang araw, pipinsalain mo ako, pero sa mga oras na yun, hinihiling kong sana tumila ka at tuluyang maglaho ang mga takot mo upang maglaho rin ang mga takot kong isang araw, uulan na naman at sasaktan mo ako.

Makahulugan sa akin ang bawat paghawak mo sa aking kamay. At kahit gaano karaming beses man nangyari iyon, isa isa ko paring naaalala ang bawat pagkakataon na nilalapat mo sa palad ko ang palad mo at tinatahak natin ang daan ng magkasama. O kahit nasa sulok lang tayo ng iyong silid, pinapakiramdaman ang tibok ng puso ng bawat isa. Kung inaakala mong hindi ko iyon sinasaulado at itinatago sa isang kahon dito sa aking memorya, nagkakamali ka. Dahil gusto ko ang pakiramdam ng higpit o hapit o bawat pagkapit mo sa akin. At minsan ko ring inakala na ang ibig sabihin nito ay hindi pagbitaw, minsan din akong nangako sa sarili ko na kahit kailan hindi kita iiwanan at hindi kita susukuan kahit dumating man ang oras na itakwil mo na ako palayo at kalimutan nalang. Makahulugan sa aking ang bawat halik na idinadampi mo sa aking balat. Bawat paglalapat ng ating mga labi. Sana naramdaman mo rin na hindi ako ni-minsan napilitan na tanggapin ka at hayaan kang lakbayin ako— sa pinaka malalalim na parte ng pagkatao ko na ikaw lang ang nakakaalam at ikaw palang ang nakarating. At oo, naaalala ko ang lahat. Kahit yung nakaw na halik lang nung gabi na ikaw ay nalasing, sa lahat, iyon ang pinaka hindi ko malilimutan, dahil baka, doon, kahit sa gabing yun lang, naramdaman ko na baka, baka lang naman, may posibilidad na pareho tayo ng nararamdaman.

Naaalala ko ang bawat kwento at bawat salitan na minsan o kadalasan pwede ng gamiting kotasyon. Parang biglang may tumutunog na theme song o sa isang iglap, parang eksena sa pelikula na ikaw at ako ang bida. Yung mga senaryo na hinihiling ng ibang maranasan kasama ang taong mahal nila, nangyayari sa ating dalawa. Perpekto na sana, hanggang sa dumating ang tanong na “ano ba talaga tayo?” At ang mas nakakatawa pa, sa mga oras na iyon, wala akong pakialam. Sumasabay lang ako sa indayog ng kaligayan at iba’t-ibang sensasyon na inihahatid ng pakiramdam kapag kasama kita— masaya. Ni hindi ko na kinailangan ng rason o kung ano mang eksplinasyon kung bakit walang tayo o kung meron man, ano ba. Ni hindi na ako humiling ng kung ano mang estado o kung dapat ba klarado tayo. Hinayaan ko nalang na malaglag ang mga tala na gabi-gabi nating tinitingala at kasabay narin ang mga bagay na hindi ko mabigyan ng tamang katawagan. Sa pagkakataong yun, sapat ng nasisilayan kita at mas higit pa.


Ngunit naaalala ko rin ang bawat pagpapaalam. Malinaw rin sa aking kaisipan ang bawat hakbang ko palayo na kung maaari ko lang hilingin na tumigil ang oras doon sa panahong nasa tabi lang kita, ginawa ko na. Naaalala ko ang pagkasabik na makita kang muli. Naaalala ko ang pakiramdam ng iyong init tuwing niyayakap kita at ang dahan-dahan na pagpikit ng iyong mga mata tuwing siniil mo ako ng iyong mga halik. Naaalala ko ang tuwa at galak tuwing nasisilayan ko ang iyong mga ngiti o kahit pag hinahayaan mo akong guluhin ka sa kabila ng iyong pagkakaabala. Naaalala ko ang bawat pagtatapos ng araw na ibig sabihin ay kailangan ko na namang umalis ngunit alam kong gugustuhin kong makita kang muli.

At mas masakit ang huli.

Ang detalye ng huli nating pagtatagpo at pag papaalam. Dahil sa araw na iyon, naramdaman kong hindi at walang pag-asang maipaglalaban ko ang nararamdaman dahil alam kong hindi tayo pareho. Ang huling araw ay ang tanging araw na hindi masaya kahit kasama kita. Dahil balot ang puso ko ng pangamba. Ayokong mawala ka ngunit ayoko ring ipagpilitan ang sarili ko sa taong hindi naman talaga ako gusto.

Kung isang araw, baka sakali lang, maaalala mo ang huling beses na nagkita tayo, nais kong malaman mo na nilingon kita pero wala ka na. At umiyak ako habang tinatahak ko ang daan pauwi ng mag-isa. Batid ko na sa oras na iyon na oras na para sumuko dahil hindi ko kayang ipaglaban ka kasi hindi ka naman akin. Hindi kita kayang panghawakan kasi wala naman akong karapatang pigilan kang maging masaya. Naaalala ko parin ang sakit ng mga sandaling iyon. Dahil iyon ang ating pagtatapos.

Mali, hindi naman kasi talaga tayo nag-umpisa. Paano magtatapos kung hindi naman nag umpisa?

Kung isang araw, maisip mo kung iniisip parin ba kita. Oo, hanggang ngayon, laman ka parin ng bawat buod na ginagawa ko. At nagsusulat parin ako ng mga liham para sayo, ngunit hindi ko ipapadala. Kung isang araw, magtanong ka, kung hinintay ba kita? Oo, hinintay kita kahit ibig sabihin ng paghihintay ay gabi-gabing pagparak at pagluha. Kung magkikita man tayong muli, hiling ko lang, masaya ka. Dahil susubukan kong maging masaya kahit wala ka.

Kung isang araw, maisip mo at itanong mo sa sarili mo, kung minahal kita— Sobra-sobra. Minahal at minamahal pa.

Araw-araw, naiisip ko at tinatanong ko sa sarili ko,
Ikaw ba, minahal mo ba ako?

At “hindi” ang laging sagot ko.

Pagod na ako.

Limang taon na yung nakalipas simula nong minulestya ako ng boyfriend ng nanay ko. Nakakatawa diba? Hindi naman ako naisex o ano, pero nahipuan pa din ako. Noong una galit na galit si mama pero makalipas ang isang buwan sila na ulit. Hanggang ngayon masama yong loob ko, kasi hanggang ngayon sila pa din. Hanggang sa nagaway kami ni mama nong nakaraan, sabi niya kasalanan ko naman daw yon kung bakit ako nagsusuot ng maikli at malandi daw ako, pero nung araw na yon halos balot na balot ako kasi nilalagnat ako at nakakatawa kasi sa bibig ng nanay ko mismo nanggaling na malandi ako. Hindi ko alam kung anong gayuma ginawa nong lalake sa nanay ko na pati pera na dapat samin lang nang kapatid ko nahahati pa sakanya at sa anak nong lalake na yon. Magaapartment ako ngayong pasukan, natatakot ako kasi babalik nanaman yong lalake sa bahay ganoon naman lagi e pag wala ako saka umaatake yong impakto. Ang sakit. Pagod na pagod na ako.

2

Aaaaaaaah this is one reeeeeally lovely ask! Thank you so much! 8′D<3
Aight, these are the times that the war is over and they are going around the world. This time, they are visiting my freakin homeland! The Philippines! Eating fishball! I dunno if they can eat balot so I chose fishball.
… Coz I don’t eat balot myself. >U>

Solly’s hat and shirt, I know he doesn’t wear anything that isn’t American-made, but Engie bought it for him so he couldn’t resist. <x’D

I drew background and I am rolling dsjifga Thank you so much for the request! Been working on this for days with excitement! Thanks thanks thanks!

me: loming batangas po yung special dalawa.
tindera: balot po?
me: lomi nga diba!? anong balot?
tindera: O_O

di ko alam kung anong trip meron ako ngayon hahaha 

Young Communicators’ Guild presents “KWEKKWEK KITA”.

So yun, dapat magtitinda kami ng Kwek Kwek ni Ess sa UB Days kaya lang eh di tuloy hahaha. Balot na lang ulit ang ibebenta ng org namin. Hahaha. Achieved ko ang Empoy pocha hahaha. Ge.