balatan

HOW TO COOK CHICKEN ADOBO WITH FEELINGS

Step 1. Ihanda ang mga sangkap at rekadong gagamitin. Alangan namang manok na minassacre lang di ba? Ihanda ang bawang, sibuyas, toyo, suka, brown sugar, at paminta. Masarap daw kapag may kasamang pagmamahal. Eh di try mong maghanap sa palengke ng sinasabi mong pagmamahal. Pakyawin mo para masarap na masarap.

Step 2. Simulan sa paggigisa ng bawang at sibuyas gaya ng panggigisang ginawa mo sa jowa mo nung nahuli mo siyang nilike yung DP ng ex niyang lamang ng isang dangkal yung dede kesa sa’yo. 

Step 3. Kapag medyo nagbbrown na ang bawang, ilagay ang chinop-chop na manok. Isuot ang shield at full-faced armor dahil maaari kang mapilantikan ng mantika. #BakaMasaktanKaNaNaman. Hindi ka pa rin ba nadadala?

Step 4. Lagyan ng toyo. Kung wala, magmadaling tawagin ang ex jowa mong makitid ang pang-unawa. May toyo din utak nun. Balatan mo ng buhay tapos patuyuin mo sa likod ng ref.

Step 5. Pakuluan ang manok hanggang lumambot. Kung alam lang sana ito ni Popoy, hindi sana naging ganung katigas si Basha. Tusuk-tuskin para malaman. Mahirap ng mag-assume, alam mo yan.

Step 6. Lagyan ng paminta. Kung wala, dakpin si Piolo. Itaktak ang braso nito. Kung hindi pa siya sapat, mamili sa mga sumusunod kung sino ang mas effective na sangkap (a) Enchong Dee (b) Chicsers © Eric Santos.

Step 7. Haluin ng mabuti at tikman. Kapag medyo maalat, lagyan ito ng konting suka. Tapos kapag umasim naman, lagyan ulit ito ng toyo. Tapos kapag umalat na naman, lagyan mo ulit ng suka. Lagay lang ng lagay. Makukuha mo din yung lasang gusto mo. try lang ng try. #ParangPagibig

Step 8. Lagyan ito ng konting konting asukal para maranasan mo naman yung konting sweetness na nung simula mo lang ata naramdaman sa piling ng jowa mong nagpapakasweet na ata sa iba. Di ko sure.

Step 9. Kapag hindi mo pa rin feel yung lasa, bahala ka na sa buhay mo maarte ka. Andami mong reklamo please. Yung iba nga walang makain eh. Ang mahalaga may chicken adobo ka. Hindi naman nila malalaman yung lasa kapag naiinstagram mo na.

8 Kinds of Friends Na Dapat Mo Nang I-Unfriend

Lahat tayo may mga kaibigan, lahat tayo gusto natin ng mas healthy na friendship pero hindi maiiwasan na magkaron tayo ng mga kaibigan na nakakainis, na minsan, ayaw mo ng kasama o lagi ka na lang nababadtrip kapag magkakasama kayo. Sila yung mga toxic friends na hindi worth it sa time at friendship na inooffer mo sa kanila. Eto yung mga examples ng klase ng friends na dapat mo ng iunfriend dahil wala silang magandang maidudulot sa buhay mo:

1. The Jealous Friend

Ito yung kaibigan mong never naging happy for you. Yung kapag may magandang happenings ka sa buhay, nagiging bitter siya. Nagpo-post ng kung ano-anong parinig na status na nagsasabing siya din daw, magaling din daw siya. Yung tipong kapag exam, tatanungin ka agad niya kung anong score mo tapos kapag mas mataas ka, titignan niya yung test paper mo para i-check kung nandaya ka. Pero kapag mas mataas naman siya, magpapa-humble pa yan na kesyo hindi daw siya nagreview. Edi siya na genius! O kaya naman kapag may bago kang boylet na gwapo, magpapa-cute yan ng patago para lang mapatunayan na mas maganda siya sa’yo. Taray! Hindi lang pala sa gubat nakikita ang mga ahas, sa group of friends mo din. Lahat gagawin niya para hindi mo siya maangatan at para hindi mo siya malamangan. Wag ka na magsayang ng panahon diyan, unfriend mo na yan!

2. The JOHN MICHAEL Friend

Ito yung kaibigan mong John Michael— AnJOHN lang pag MICHAELangan. Siya yung kaibigan mong hingi ng hingi ng favor pero kapag ikaw naman yung may kailangan, deadma lang siya. Kakausapin ka lang niya pag may kailangan siya. Dun siya magaling. Siya yung kaibigan mong matagal ka nang hindi kinakausap pero bigla na lang magcha-chat sa facebook out of nowhere ng “Hello. Kumusta? Miss you.” tapos ikaw naman tong na-miss mo siya, rereplyan mo. Tapos bigla ka niyang babanatan ng “Pwede favor?” Edi wow, di ba? Minsan, magpapa-like ng picture or post sa facebook na para daw sa project niya sa school o kaya naman magpapa-pasaload kasi emergency lang daw. Galawang friends with benefits, literal! Yung ganitong klaseng kaibigan na daig pa ang parasite kung makakapit dahil lang may kailangan, sila dapat yung mga fina-flush sa toilet.

3. The Plastikerang Friend

Kung may kaibigan ka na wala ng ibang ginawa kung hindi siraan yung iba niyong kaibigan kapag wala sila, siya yung tinutukoy ko. Plastikera-backstaberang friend! Kung ginagawa niya to sa iba niyong kaibigan, malamang sa malamang, ginagawa niya din to sa’yo kapag nakatalikod ka. Siya yung kapag lalabas kayo together, walang ibang bukambibig kundi puro chismis at issue tungkol sa iba niyong friends. Yung tipong lahat pala ng mali sa mga kaibigan niyo, napapansin niya. Malakas siya mang-okray kapag hindi nakaharap pero mas mabait pa siya sa anghel kapag nakaharap. Maloloka ka na lang talaga dahil isa siyang two-faced bitch. Doble kara. Minsan mas malala pa yan, umaabot na siya sa point na pinag-aaway na niya kayo ng iba niyong friends. Sarap balatan at pagulungin sa rock salt!

4. The Nagkaroon-Ng-Jowa Friend

Oh, lahat tayo mayroong ganitong friend. Kung wala naman, baka ikaw yun. Charot. Siya yung friend mo na nung single, eh lagi niyong kasama, kalabit-sama, at madalas mag-aya ng mga lakad o hang-out. Pero taas na ni friend ngayon, cannot be reached na. Madalas na siya mang-seen ng mga messages sa facebook. Madalas na rin hindi sumagot sa mga tawag at text. Madalas na rin siyang mang-talkshit sa mga gala at lakad niyo. Bakit kamo? Eh kasi hindi pinayagan ng jowa. Siya yung nagkaroon lang ng jowa, nawalan na ng friends. Yung tipong magpaparamdam na lang kapag magka-away sila ng jowa niya. Panigurado yun, manlilibre siya ng inom dahil broken hearted siya. Kinakalimutan niya ang tropa kapag masaya sila ng jowa niya, pero kapag magka-away naman, todo iyak at drama at bigla kayong mamimiss. Bongga ni friend, no? Dipende sa jowa niya ang friendship niyo.

5. The Bad-Influence Friend

Eto yung friend mong mahilig mag-aya sa kung saan saan at gumawa ng kung ano ano. Walang mabuting madudulot sa buhay mo. Siya tipong mag-aayang wag na pumasok  dahil magdidiscuss lang naman daw si Ma’am. Siya yung friend mo na suki na ang magulang niya sa guidance office. Siya yung wala ng ibang ginawa kung hindi mag-aya uminom, mag-aya gumimik, mag-aya mag-try ng kung ano anong drugs. Siya din yung mag-aadvice sayo na okay lang makipaglandian sa iba kahit friend niya din yung jowa mo. Hindi siya concern sa welfare mo, gusto niya lang mag-good time at gumimik palagi. Siya yung friend mong papasok ng lasing kapag exam tapos kokopya sayo. Siya yung friend mo na isasama ka sa bar tapos iiwanan ka bigla dahil nakahanap siya ng awra (kalandian). In short, friend mo lang siya sa good time pero in bad times, missing in action siya!

6. The Nega Friend

Negamall, Negastar, Negalicious. Siya yung friend mo na sa sobrang nega niya, nakakahawa na. Never na nagkaroon ng positive outlook sa friendship niyo. Siya yung friend na kapag worried ka sa result ng exams mo, eh lalo ka lang kakabahan kapag kinausap mo siya. Ang lagi niya lang reaction kapag may sasabihin kang problema sa kaniya ay “Hala… Lagot ka.” Eh mapapamura ka na lang talaga ng malutong pa sa crispy pata dahil ang lakas makahawa ng negativity niya sa buhay. Yung lagi siyang nakasimangot, daig pa niya ang pinagsakluban ng langit at lupa kahit wala namang ginagawang masama ang mundo sa kaniya. Siya yung friend mo na laging wala sa mood, laging masungit. Kapag magpapapicture lang siya nags-smile. O kaya kapag birthday niya. Siya din yung friend na walang masasabing maganda sa kapwa niya. Nakakasira ng araw lagi!

7. The Attention-Seeker Friend

Eto yung friend mong walang buhay maliban sa friendship niyo kaya ang ending, gusto niya ganun ka din. Siya yung friend na nagagalit pag may mga bago kang friends. Possessive! Mas malala pa sa jowa mo. Siya yung friend na inaaway ka kapag lumabas ka ng hindi mo siya inaaya, nagtatampo kapag hindi ka nakakareply sa mga text niya o mga chat niya sa facebook. Malala to! Nagkaron ako ng friend na ganito dati, nakakasakal ang eksena. Very magjowa ang peg namin. Gusto niya lagi kaming magkasama, gusto niya magkaklase kami sa lahat ng subjects, gusto niya hintayin ko siya pauwi. Hindi ko kinaya. Kaya ikaw, wag mo na rin kayanin. Pipigilan ka lang niya sa pag-grow mo as a person.

8. The Bida-Bida Friend

Lahat tayo may kilalang ganito. Siya yung friend mo na daig pa si Jollibee kung maka-bida, daig pa ang showtime at araw kung magpasikat. Siya yung gusto niya siya lagi ang bida. Siya yung gusto niya siya lagi ang magkukwento, ayaw niyang pa-daig, ayaw niyang makinig sa mga kwento mo. Basta dapat siya lang masaya, siya lang yung may mga bagong friends, siya lang yung may mga bagong experiences. Maririndi ka na lang sa mga kwento niyang paulit ulit na wala ka naman talagang pakialam dahil hindi mo naman kilala yung mga kinukwento niya. Hindi yan titigil kakasalita hanggat hindi nya nasasampal sayo na mas magaling siya, mas maganda, mas bongga ang love life niya, at mas masarap yung ulam niya kaysa sa ulam niyo!

THE FAULT IN OUR CHOPSUEY

“Kuya, isang chopsuey rice nga. Take Away.”

( Take away kasi yung tawag sa take-out dito sa Chowking Doha kaya nakikigaya ako para cool. )

“Okay sir.”

At dahil bilang sanay naman akong naghihintay, naghintay ako ng walang pag-aalinlangan at buong pagpapakumbaba. Medyo hindi naman ako nabagot kase Uma-Arianna Grande ang  tugtog. Eh di medyo napapaindak na ako ng slight tapos gumagalaw-galaw na yung balikat ko habang hinihintay yung chopsuey ko. Yung  tipong kapag di ko pa napigilan ang sarili ko baka bigla na lang akong mapasayaw tapos mapabirit pa ako ng wala sa oras. Hanggang sa may bwakananginang nagpalit ng playlist tapos biglang tumunog yung “Dati”. ( Yung kanta ni Sam Concepcion at  Tippy Dos Santos.) Natigilan ako. Yung hyper kong energy kanina napalitan ng poker face. Medyo nagiging mas vulnerable kasi ako kapag nakakarinig ako ng malungkot na kanta. Lalong nattrigger yung pain. At ayoko na ipaliwanag pa kung bakit.

Sa madaling salita, lumapit ako sa counter. “Kuya. Yung order ko po. Pakibilisan po. importante lang po.”

Ayoko kasing marinig yung kanta. Pero tuloy pa rin sa pagplay. Hanggang dumating dun sa lyrics na,

♫♫  Ngunit ngayo’y marami ng nabago’t nangyariiii….

Tanginuhhh. Gustong-gusto ko ng umalis nun. Pero dahil gutom na ako at sayang naman yung order kong chopsuey, tiniis kong maghintay pa ng konti sa ngalan ng kumakalam kong sikmura at para sa bayan na din. Pero tangina kahit ayokong pakinggan yung kanta, lalong nagsisink-in sa utak ko yung lyrics. Emotional torture ampota. Feelings o sikmura? Tipong ganyan.

At lumapit na naman ako ng counter with conviction. “Kuyaaaa. Parang awa mo na. Kelangan ko ng makuha yung order kooo.” na medyo nangingilid ngilid na yung luha sa left eye.

( Parang anytime kase baka bigla na lang akong sumabog. At baka tissue na pala yung inaabot sa’kin ni kuya at hindi na yung chopsuey ko.)

“Sir, 3 minutes pa po.”

Nng narining ko yun, dalawa lang yung gusto kong gawin. Una, sugudin yung cook, tampalin siya ng sandok at kunin ang chopsuey ko at pangalawa, gripuhan at balatan ng buhay ang kung sino mang nagplay ng kantang yun. Wrong choice of music!!!

Tapos narinig ko na naman yung kanta dun sa parteng,

♫♫  Pangarap na lang din…. Na gaya pa rin ng… ( wait for it )… ng dati…

At hindi ko na talaga kinaya. Nag-walkout na ako at iniwan ko na yung order ko. Bastus na kantang yun. Walang respeto sa customer na gaya kong may pinagdadaanan. Tangina din dun sa chopsuey. 

9

That soothing feeling when you get to ease your deepest longing for the ocean. Finally. That sound and smell of the warm sea breeze, sand in my hair, breathtaking sunrise and sunset, long walk on the beach, etc. A place full of magic and happiness.

This year’s Rotary Club of Isarog’s Family Day was in Balatan. It was the first time I’ve been there. I never thought that they have this such beauty. The water is so clear. You can effortlessly see your feet on the sea floor. (I wish I have an underwater camera or a GoPro.) I tried to open my eyes and was amazed by the sun rays that shines through the water surface. Plus that aura of tranquility. I felt so alive at that time.