bakit ako umiiyak

Him: Wag ka ng umiyak. Hinding hindi ako mawawala.
Her: Pangako yan ah.
Him: Ayokong mangako, gagawin ko na lang para sayo.. kasi mahal kita.

You’re not alone. Dahil sa kanya nawala na yung takot ko na maging mag-isa sa buhay. Sya yung naging lakas ko. Sya yung naging best friend ko at the same time, taong minamahal ko ng sobra sobra. Masuwerte daw sya dahil napunta ako sa kanya pero para sa akin mas masuwerte ako kasi sakin sya. Palagi akong masaya dahil sa kanya. Kahit na minsan sya rin yung dahilan kung bakit ako umiiyak, wala eh.. mahal ko kasi sya kaya minsan hindi ko maiwasang magtampo o magselos. Pero ang pinaka-gusto ko sa lahat ng ginagawa nya eh niyayakap nya ako ng mahigpit sa tuwing napa-praning ako. Paulit-ulit nyang sinasabi sakin kung gaano nya ako kamahal. At palagi ko ring naririnig mula sa kanya na hindi nya ako kayang mawala. Tinanggap nya ako nilang ako, yung ako na walang halong pagkukunwari o bahid ng pagmamalinis. Minahal nya ako sa mga panahong hindi ko na alam kung paano mamahalin yung sarili ko. Sya yung naging inspirasyon ko para matuto ulit lumaban at harapin ang buhay. Mahal na mahal ko sya. Natatakot na akong mawala sya. Pero alam ko naman na walang dapat ikatakot kasi kahit kailan hindi nya ako binigyan ng rason para matakot sadyang praning na girlfriend lang ako.