baka makita niya

ipopost ko sana dito picture nung crush kong grade 11 Hahaha fck ang pogi kingina kaso may jowa na tas ang sweet pa nila tas super goals yung mga picture nila together ahh i love them so much kahit parehas sila pogi 😍 haha pogi nilang dalawa promise tas ayun may tumblr nga pala jowa niya baka makita nya pag pinost ko pic ng jowa nya he he

Pero takot ka?

Baka kasi hindi siya magreply at malungkot ka lang?
Baka kasi magalit siya sayo dahil nagtext ka?
Baka kasi seenzoned niya lang ang text mo?
Baka kasi mag reply siya bigla?
Baka kasi makita nung bago niya ang text mo?
Baka kasi isipin niya na hinahabol habol mo pa din siya?
Baka kasi isipin niya na mahal mo pa din siya hanggang ngayon?

Mahirap talaga mag move on sa taong alam mong hindi sayo o wala na sayo. Pero kailangan mo talaga mag move on kasi hindi naman pwedeng habang buhay ka na lang malungkot. Ganito diba gusto mo siya itext? Punta ka sa notes, tapos dun mo ibuhos lahat ng gusto mong sabihin sa kanya at isave mo. Alam mo after mong gawin yun ay mababawasan yung sakit na nararamdaman mo.

Kaya mo yan, mahirap mag move on lalo na kung naging seryoso ka talaga sa taong minahal mo. Pero isipin mo na lang na habang ikaw ay halos mamatay na sa sakit, siya naman ay nandun lang sa malayong lugar, masaya sa kanyang buhay at hindi kana niya naaalala pa.