bahala ka na. :)

Not your 'babe'

10 years na tayo. Okay naman. Masaya tayo hanggang ngayon. Mas matibay kesa dati. Going to forever. Or so i thought.

3 weeks na rin nung nagbreak tayo. Masakit pa din. Syempre. Pero di ako naiiyak. Seryoso. Hindi ko alam, parang kulang yung pag-iyak. Parang wala yun maitutulong sakin. Parang di nun mababawasan yung bigat o kung ano man tong nararamdaman ko ngayon.

Okay naman tayo diba. Masaya pa tayo. Ang dameng plano. Magkikita sa ganitong araw. Pupunta sa ganitong lugar. Pero naudlot kase nga isang beses nadulas ka. Tanda mo ba? Tinawag mo kong “"babe”“. Na sa loob ng 10 years, hindi naten naging tawagan kase ayaw naten non pareho.

Nagulat ako non. Gustong gusto ko itanong sayo, ”“Sino si Babe?”“ or ”“Gago ka, hindi babe tawagan naten.”“ Pero di ko ginawa. Pinigil ko sarili ko kase naisip ko, lulusutan mo lang naman din at pipiliin ko lang na paniwalaan kung ano man explanation mo. But not that time.

Restday mo. Nagtext ka saken sabe mo maghapon ka matutulog, wag na muna tayo magkita. Pumayag ako kase mas gusto ko naman yung magpahinga ka e. Alam ko kasing nakakapagod talaga magtrabaho. Pero hindi ko din alam kung bakit ko naisip na umalis ng bahay at pumunta sa inyo.

Hindi mismo sa bahay nyo. Sa bahay ako ng tropa mo ako tumuloy, si Janeth, diba sa harapan lang yon ng bahay nyo. Yung may tindahan. Nagstay ako sa kanila, buti nalang medyo close kame. Nagtataka nga sya bakit sa kanila ako tumambay. Sinabe ko gusto ko lang na malapit ako sayo pero di kita iistorbihin kase nagpapahinga ka. Naniwala naman sya. Di ko alam kung ano yung hinihintay ko. Halos maghahapon na rin non. Binabalak ko ng umuwe kase baka kalokohan lang naman yung tumatakbo sa isip ko. Hanggang sa nakita kitang lumabas ng gate nyo. Naka porma ka. Tumingin ako sa cellphone ko, walang text na galing sayo na aalis ka o may pupuntahan ka.

Hindi mo alam nandon ako at nakita kita. Hindi mo alam na sinundan kita.

Sumakay ka sa tricycle, dun din ako sumakay sa tricycle na sinakyan mo mismo. Sakto kase busy ka non sa cellphone mo kaya di mo ko napansin. Tinignan ko yung phone ko, baka kase nagtext ka pero wala. Wala ka pa ring text saken. Sa backride ako, nasa loob ka. Nung bababa na binilisan ko ang pagbaba at nagderecho agad sa mga stalls don sa terminal para di mo ko makita. Swerte. Hindi mo nga ako nakita. Kaso pagsakay mo ng jeep, dalawa nalang ang kulang. Hindi na ko pwede sumakay don kasi makikita mo ko kaya sa sumunod nalang na jeep ako sumakay. Hindi ko alam kung pano pa kita masusundan non pero sumakay pa din ako. Medyo matagal pa ko naghintay mapuno yung jeep na sinasakyan ko. Malayo ka na sigurado. Alam ko hindi na kita mahahabol pero hindi pa din ako bumaba ng jeep hanggang sa umalis na yon sa terminal. Pero akalain mo nga naman, nagtraffic banda sa Lianas. At sakto din, yung jeep na nasakyan ko e panay sa overtake. Hanggang naabutan pa rin namen yung jeep na sinasakyan mo. Magkatabi na yung jeep na sinasakyan naten. Pero di mo ko nakita kasi nakatalikod ka. At oo, alam kong likod mo yon. Kilala kita kahit nakatalikod ka.

Hanggang nakarating sa Crossing, pagkababa mo, nasundan pa din kita. Sumakay ka ng jeep pa-Batangas. Dun din ako sumakay sa jeep mismo na sinakyan mo. Sa harapan ka umupo. Ako doon banda malapit sa bukana. Hindi mo ko napansin kase kumukuha ka ng pambayad mo.

Saktong pamasahe ang binayad ko non para hindi mo ko makita kapag nagsalita ako at sinabe sa driver kung saan ako bababa. Narinig ko kasi na nagtanong ka sa driver kung magkano hanggang sto.tomas kaya ganun na din yung binayad ko. Baka kasi marinig mo yung boses ko, at makilala mo. Baka malaman mo na nandon ako. Medyo nagfeeling ako don. Nung nakisuyo kase ako ng pamasahe sa katabi ko, medyo napalakas ang boses ko. Sapat na para marinig mo, pero hindi mo napansin. May tinatawagan ka kase nung oras na yon. Sinilip ko ulit yung phone ko baka kase nakasilent, baka ako yung tinatawagan mo, di ko lang namamalayan pero hindi. Hindi ako yung tinatawagan mo.

Nung oras na yon, gustong gusto ko na magpakita sayo. Gusto kitang itext ng ”“san ka pupunta?”“ or ”“Gago akala ko ba tulog ka?”“ Pero di ko ginawa. Pinigil ko sarili ko kase alam kong lulusutan mo lang. Kapag sinabe mong wala kang load, o kaya lowbatt ka o baka naman wala kang signal, e maniniwala na naman ako. Kaya hindi ako nagpakita sayo.

Hanggang sa pumara ka, hindi muna ako bumaba. Pinaabante ko ng konti bago ako bumaba, yung sapat lang na nakikita pa rin kita. Nakita ko pumasok ka sa fastfood resto. Habang naglalakad ako papunta don, kinakabahan na ko. Hindi ko alam kung natatae ako o nasusuka basta iba yung pakiramdam. Hanggang nasa harap na ko ng fastfood resto na pinasukan mo. Iniisip ko kung anong gagawin ko kapag nakita mo ko kase hindi ko alam kung san ka pumwesto. Bahala na sabi ko sa sarili ko. Pagpasok ko, sayo unang tumama yung tingin ko. Nakatalikod ka. May katabi kang babae. Hindi ko alam kung ako ang swerte kase hindi mo pa din ako nakikita, o ikaw kase hindi pa kita sinusugod hanggang ngayon. Sa itsura nyo, masyado kayong close, na maiisip ng makakakita, e mukha kayong couple.

Hinang hina na ko non. Kaya umupo na ko sa gilid, medyo malayo sa inyo pero kung lilingunin mo, makikita mo ako. Ni hindi ka lumingon. Masyado kang nakatingin sa kasama mo na parang may sarili kayong mundo. Kumakain na kayo’t lahat, nandun pa din ako. Di ko alam kung baket. Baket nandon pa ko. Baket hindi ko kayo sinusugod. Baket wala akong magawa. Hindi ko rin magawang umiyak. Tuyo na yung mata ko sa kakatitig sa inyo. Sa pagsandal nya sa balikat mo. Sa paghawak mo sa bewang nya. Minsan pa sinasabunutan ka nya ng pabiro. Hinahampas ng mahina. Nagselfie pa nga kayo sa phone nya e. Sobrang dikit kayo. Hanggang sa natapos na kayo kumain. Tumayo na kayo. Lumabas. Naiwan ako sa loob. Pero tanaw ko pa din kayo sa labas. Wala na kong balak sumunod. Di ko alam kung ayaw ko na ba kase pagod na ko. O ayaw ko na kase sobrang sakit na. Parang pareho. Nasa harap lang kayo ng resto, naghihintay ng sasakyan habang nagtatawanan. Hanggang may jeep na dumating, pinara mo, humalik sya sa pisngi mo bago sya sumakay tapos nababye.

”“tangina.”“ Yan nalang naibulong ko sa sarili ko e. Di ako palamura alam mo yan, pero tangina kase talaga. Malapet lang ako sa inyo kung tutuusin, pwede tayo magkita. Kahit ako na pupunta sayo kung gusto mo. Kung niyaya mo ko. Kung sinabe mong gusto mo magkita tayo. Pero hindi e. Sabe mo magpapahinga ka maghapon pero tangina nakarating ka pa ng Batangas para kumain sa fastfood? Pero bute sana kung kumain ka lang e. Kaso may kasama ka pa. Tangina.

Pagkasakay nung babae, tumawid ka. Uuwi ka na siguro. Nakita ko kinuha mo yung phone mo, iisipin ko pa ba na itetext mo ko? Syempre hindi na yun yung inisip ko ngayon. Hanggang sa nagvibrate yung phone ko. Nakita ko, text galing sayo.

”“Honey <3 : Hi hon, kakagising ko lang. :) Sarap ng tulog ko. :*”“

Pumatak na luha ko non. Kase grabe na. Sinungaling ka. ߘ⠎ireplyan kita ng ”“Ayoko na. Break na tayo.”“ tapos pinatay ko yung phone ko. Di ako umuwi ng 2 weeks sa bahay sabe ko kay mama dun muna ko kila tita mag-i-stay. Pumayag naman sya. Di mo alam kung san yon kaya hindi mo ko napuntahan. Di ako nagFB para talaga lumayo sayo. Hanggang kahapon, nagulat nalang ako nasa pintuan ka na nila tita. Wala na kong nagawa kundi kausapin ka.

Umiiyak ka. Nagagalit ka saken. Tinatanong mo ko kung ano bang nangyare. Ano bang nagawa mo baket bigla akong nakipagbreak. Di ako sumasagot. Pinakinggan lang kita sa mga sinasabe mo. Ni wala akong naabsorb sa drama mo. Umiiyak ka pero wala akong pakielam sa luha mo. Hindi ko yan pupunasan. Punasan mo yan mag-isa mo. Hanggang nanahimik ka na kase naghihintay ka ng sagot ko sa tanong mong, ”“Ano bang problema hon? Sasayangin ba natin yung 10 years?”“

At mula sa simula nitong kwento na to, yun yung sinabi ko sayo. Pagkatapos tumigil ka sa pag-iyak. Hindi ka na makatingin sakin ngayon. Hindi ka na makapagsalita.

Binalik ko yung iphone na binili mo saken kase ayokong dumating yung araw na isumbat mo saken yan. Alam ko hindi ka ganun, pero para lang sigurado. Alam ko rin kase dati hindi ka manloloko pero niloko mo pa din ako. Alam ko din dati hindi ka sinungaling pero nagsinungaling ka pa rin saken. Hindi na kita sasabihan ng kung ano-ano, kase kulang pa yon at hindi na nun mababago yung mga nangyare. Imbis na sumbatan kita, magpapasalamat na lang ako sayo, hindi ko alam kung bakit pero salamat pa din. Siguro salamat sa sampung taon kahit hindi ko alam kung ilang taon yung sakin don.

Babaeng napipi ng pag-ibig
College of Science and Computer Studies
(CSCS) 2010

(DLSU-D Secret Files)

jeancaryl  asked:

ARTE ARTE MO KALDRINE INUNFOLLOW MO RIN AKO HAHAHAHAHA wag ka na tampo oi follow mo na ko ulit baka mamiss mo pa ako masyado

Bleh ikaw unang nag unfollow bahala ka dyan, dalawang araw na, 400 na tao na ang nauna sakin. Tsk tsk.

MEDTECH 101 (Long post ahead. Pardon)

Ano nga ba ang medtech?

Simpleng tao sasabihin:“Ahhh ano ba yun?” some will be like “Ahh yung tagakuha ng dugo sa ospital?” may pahabol pa: “Yung nagte-test ng poopoo saka weewee!”

Kala nila, simple lang. Pero ang daming principles na kelangan mong isapuso once na nag decide kana na “Medical Technology. Eto na. Eto na yung gusto kong degree program sa college.”

Mahirap? I’ll be a hypocrite if I’ll say “No.” Because indeed it is.

Am I discouraging someone here? Hell no. Let’s be realistic people.

Dahil ako mismo, dumanas at dumaranas ng agony inflicted by this. Pero eto plano ni God eh. So I must take my part and do my best.

So let me just give you some sort of “insight” kung ano ba talaga ang “Medical Technology” at anong mangyayari sayo while you’re studying this degree program.

Pre-med. Yes.

Maraming aralin. Yes na Yes.

So sa mga incoming first year studentsmadali lang yan. Petiks. Minor subjects eh. Yung tipong English 1 & 2, Filipino 1 & 2, Philippine History, PE, Inorganic Chemistry at Analytical Chemistry (Wag masindak sa chem ng 1st year. Wala ka pang Clinical Chemistry). Pero sa 2nd sem may tinatawag na “Introduction to Medical Technology” training grounds for memorization purposes (I’m talking by experience here). Let’s say, challenging. Pero dito mo na matutunan kung paano kumuha ng dugo (Phlebotomy/Venipuncture). Exciting di ba? 

Para sa incoming 2nd year students naman, may minor pa rin katulad ng PE, Philippine Literature, pero mayAnatomy and Physiology (1st sem) and then Zoology (2nd sem). Masaya mag dissect ng palaka. Swear! Kung worried about sa chem, kapag first sem, Organic Chemistry (Madali? hmmm medyo. Kelangan lang ng memorization skills dito). Second sem naman, Biochemistry (Mahirap? OO. Dahil muntik na akong bumagsak dito. Kung kelangang mag memorize sa Org Chem, dagdagan mo pa dito since mas complex tong bwisit na ‘to hahaha)

Second year ka pa lang pero, ang dami mo ng reklamo kesyo ang daming kelangan ipasa, ang daming quiz! Ang daming test! (Been there, done that. I feel you.) Pero wag mag-aalala, isipin mo na lang, “Incoming 3rd year na ako!!” Nakakaexcite pero pag nandun ka na… Iyak tawa sabay laslas ng pulso (joke lang yung latter part kasi di naman ako naglaslas hahahaha). Kung nadadamihan ka sa inaral nung 2nd year, mas marami ngayong 3rd year. (Disclaimer: I am not discouraging. Sinasabi ko 'to para makapagprepare ka. OO IKAW NA NAGBABASA NITO KUNG INCOMING JUNIOR KA.Para sa kinabukasan mo 'to! hahahaha)

Ayan, 3rd year ka na! Ayan na si First Sem, coming with Bacteriology, Parasitology, Histology, Clinical Chemistry 1, Cytogenetics, Medtech Laws and Ethics at Laboratory Management.

Madali ba? Hindi. Hindi naging madali.

Natatakot ka ba? Nangangamba? Wag. Kung ako kinaya ko, syempre ikaw rin! Wag ka na nga lang magulat na isang gabi, di ka na matutulog dahil may quiz ng sabay ang Bacteriology at Parasitology. May tendency na araw-araw kang makakaranas ng quiz. Kakaquiz mo lang kaninang umaga, may quiz ka na naman sa hapon. Nagquiz kayo ngayon, pero may quiz nanaman bukas. Stop whining if that happens. Pinili mo 'tong degree program na 'to, panindigan mo. 3rd year ka na, susuko ka pa ba?

Kelangan ba ng memorization skillsOO. Matuwa ka na kung magaling ka sa ganyan. Dahil hindi lahat ng estudyante (kahit ako) ang magaling sa memorization. Sabi nga ng prof ko “Familiarization will do” pero sa isip-isip ko “Parehas lang naman yun eh!” So bahala ka na sa diskarte kung paano mo isisiksik sa utak mo ang sandamukal na bacteria at parasites na ni minsan di mo inakalang nageexist pala sa mundo.

Makakatulog ka pa ba ng matiwasay? Wag ng umasa. Baka masaktan ka lang. Kaya, itulog mo na lahat ngayong summer vacation para marami ka ng reserba once AY 2014-2015 begins. Nandyan kasi yung final exam (pinakamadugo sa part ko… bakit?). COVER TO COVER ang coverage. Assessment kuno ng mga prof nyo kung may natutunan talaga kayo (Kasi po, preparation for board exam).

Punta naman tayo sa Second Semester

Bubungad sayo si Immunology and Serology, kasama ang best friend nyang si Hematology accompanied by Clinical Chemistry 2, with special participation of Mycology and Virology, Pharmacology, Analysis of Urine and Body Fluids at ang star ng lahat dahil pag ito ginago mo kahit anong taas ng grade mo di ka gagraduate, RESEARCH 1.

Mahirap? Wag makulit. Expect mo na yan. Pero kung matalino ka na yung tipong kakabasa mo pa lang alam mo na kaagad, eh di ikaw na! 

Wala ulit tulog? Syempre meron! Mga 3-4 hours a day na nga lang. Dahil ito po ay second sem na punung-puno ng mga di mo mawaring bakasyon na nakatala sa kalendaryo, siksik ang lessons. Pero kung kaya mo namang wag mag-aral eh di matulog ka na lang (loljk) Pero nasanay ka na nung first sem di ba? keribels mo na yan!

Madali subjects? Di issue dito kung madali o mahirap dahil depende sa estudyante pero kung ako, syempre hindi! nakailang puyat din ako ngayong sem! Tapos sandamukal pa yung practical exam nyo. Lalo na sa Hematology. Simulan na ang “search and retrieval” operation ng ugat sa mga braso ng mga kaklase mo para pag may practical, alam mo na kung saan tutusok.

Anong meron sa Research 1THESIS. Dito ako nahihirapan. At gusto ko ng magpatiwakal pag naiisip ko to (joke lang! hahaha) Sa amin kasi, inumpisahan na ang Chapter 1-3. Ang kelangan dito eh may mga kagroupmates kang “madaming alam”,“madaming resources”, at higit sa lahat, “madaming pera” hahahaha. Bakit? MAGASTOS.

Pero, ang maipapayo ko lang eh, wag kang sumuko. Wag kang panghinaan ng loob kung may mga times na feeling mo di mo na-exert yung pinaka best mo… at higit sa lahat, wag kalimutang humingi ng tulong kay God. He’ll be always there to enlighten you.

Ngayon outgoing 3rd year na ako… Finals is not yet over baby. Hell week will officially start next week at may defense pa kami ng 3 chapters ng aming pinag-alayan ng dugo na thesis.

Mahaba yung post? Already warned. Nasa title naman. Pero SORRY. Oh well at least na share ko yung mga experiences ko. So kung ikaw ay medtech student or pinagiisipan pa lang na medtech ang kukunin, maraming salamat dahil tinuunan mo 'to ng iyong “precious time”. Wala lang kasi akong magawa kaya naisipan kong gumawa ng isang maala-nobela na post. Patawad na po. I plead. Choss. Kung may mga queries, o di kaya'y confused ka, kelangan mo ng tulong, my ask box is always open 24/7. Feel free to drop some bomb :)

Bye na, mag-aaral pa ako. 

hindi ako pinagpapansin ng crush ko sa office kanina tangina ano na naman ba ginawa ko pota. pero ang alam ko lang ayaw niyo ako mag resign eh tapos hindi daw ba ako nabibigla sa mga ginagawa ko. kahapon kasi absent ako sa office kasi may nilakad ako ganon tapos kinausap niya yung isa sa close ko. pwede mo naman kasi ako kausapin about sa resignation ko, ititigil ko haha harot. deh basta para kang timang??? aayaw naman ako basta pigilian mo lang ako haha joks. bale ayun, lately para lang kaming hangin sa isa’t isa. naks wala na ba? ayaw mo na ba? kasi ako, gusto ko pa ge bahala ka na muna. 

ps: tho ramdam ko na umiiwas ka kasi sabi mo last time naguguluhan ka. kupal naman pota.

Drunken Musings

1. Damn, bruh. I hate how low tol I am. But whatever, alcohol is alcohol.
2. I love my short hair so much BUT!!! It’s so hassle sometimes since super ticklish ako sa may neck, nape, and ear area (where the length of my hair is!!!!). Just imagine me being giggly because of my hair. HAHAHA.
2.2 A lot of people have been complimenting me because of my hair so I get all shy and go “aaaaw, bih. thank you. kilig ako. huhu.” Even Dr. C., my fave professor, said that I look ‘blooming’ and 'in love.’ HAHAHAHA How I wish, ma'am. Jooooke. HAHAHA.
3. I’ve been thinking about you (ikaw oo ikaw bahala ka na if feeling mo ikaw 'to HAHAHA) and how I wish that you’d somehow see me with my new hair. And we’d have thay conversation we had two days before my 20th birthday. But syempre joke lang. HAHAHAHAHAHAHAHA. Asa pa, bui, na mangyari ulit 'yun. That aside, I hope you’re okay and that the sun has been kissing you good morning. I still sometimes connect the stars to write your name, and wish upon them to keep you safe. Big smiles for you!
4. I’m really good at hiding my feelings. HAHAHAHAHAHA. This warrants a differrent post when I’m sober.
5. I still look for you in everyone that I meet. I know, ang loser ko. It’s been more than a year but go me and my katangahan!!! Sobrang bobo lang. HAHAHA.
6. I just want to hold hands. No more, no less.
7. Someone told me today how animated I am when I make kwento so it’s such a treat daw when I got lots of kwento and feelings. HAHAHAHA
8. I feel like I’ve changed. Or baka feeling ko lang 'yun. I’m exhausted with throwing up. So I hope this is the beginning of an ending. HEHEHE
9. I actually have a little quirk of wanting things to be in even numbers so I’d obviously add one more after this. But that aside, uhm, people apparently really like my hugs. And I’m happy to be of service. Better put 'em squishes to use. Hehe.
10. Okay, time to get sleep!!! I’ll be going around again tomorrow. Hehe. And hey, to you reading this, thank you. I’m sending you kisses on the cheeks.

Dear SK,

Hindi ko akalain na ganun kabilis mokong ipagpapalit HAHA Sabagay mas okay siya compared to me. Sanay naman akong laging binibitawan kaya di na bago sakin to. Hindi ko lang akalain na ikaw pa mismo. Sabagay wala nga palang TAYO, naalala ko. Kasalanan ko pala. Masyado akong naniwala na okay lang tayo kahit hindi naman pala talaga. Mas okay ba siyang kausap? Ewan, bahala ka na! Ayaw ko ng mag isip pa. Nakakapagod ! Last na to. Bibitaw na rin ako. Alam mong ayaw na ayaw kong nag papapaalaam pero huli na to. Paalam aking Superhero. -Batgirl

10:59pm

hahahahaha atay magkatawa nalang jud ko. mukatawa jud kog kusog kung masakitan napud ka hahaha wa nakoy pake nimo, kapoy kaayo ka. grabi ka kakapoy di ka maminaw. bahala ka. i promised myself na di najud ko muduol nimog una, okay rakog wa ka. okay jud kaayo.

Saw this.

The problem is, hindi ko sya maopen. Nakakaleche. I was wondering kung ano ba sinulat ko dito. Nung ioopen ko na, boom! Hindi ko maalala yung password. Enebe. Nakita ko sa settings na pwede iclear yung password, pero madedelete yung notes na may lock. Ayoko sya madelete. Curious ako kung ano ba pinagsusulat ko dyan. (Hindi ko na kasi maalala.)

Natry ko na lahat ng password na pwede ko gamitin, pero ayaw pa din talaga. Medyo nakakaiyak na.

So, ano na? Dyan ka na lang. Bahala ka na sa buhay mo. Wag po pilitin ang ayaw. Hahahaha. Kbye.

HOW TO COOK CHICKEN ADOBO WITH FEELINGS

Step 1. Ihanda ang mga sangkap at rekadong gagamitin. Alangan namang manok na minassacre lang di ba? Ihanda ang bawang, sibuyas, toyo, suka, brown sugar, at paminta. Masarap daw kapag may kasamang pagmamahal. Eh di try mong maghanap sa palengke ng sinasabi mong pagmamahal. Pakyawin mo para masarap na masarap.

Step 2. Simulan sa paggigisa ng bawang at sibuyas gaya ng panggigisang ginawa mo sa jowa mo nung nahuli mo siyang nilike yung DP ng ex niyang lamang ng isang dangkal yung dede kesa sa’yo. 

Step 3. Kapag medyo nagbbrown na ang bawang, ilagay ang chinop-chop na manok. Isuot ang shield at full-faced armor dahil maaari kang mapilantikan ng mantika. #BakaMasaktanKaNaNaman. Hindi ka pa rin ba nadadala?

Step 4. Lagyan ng toyo. Kung wala, magmadaling tawagin ang ex jowa mong makitid ang pang-unawa. May toyo din utak nun. Balatan mo ng buhay tapos patuyuin mo sa likod ng ref.

Step 5. Pakuluan ang manok hanggang lumambot. Kung alam lang sana ito ni Popoy, hindi sana naging ganung katigas si Basha. Tusuk-tuskin para malaman. Mahirap ng mag-assume, alam mo yan.

Step 6. Lagyan ng paminta. Kung wala, dakpin si Piolo. Itaktak ang braso nito. Kung hindi pa siya sapat, mamili sa mga sumusunod kung sino ang mas effective na sangkap (a) Enchong Dee (b) Chicsers © Eric Santos.

Step 7. Haluin ng mabuti at tikman. Kapag medyo maalat, lagyan ito ng konting suka. Tapos kapag umasim naman, lagyan ulit ito ng toyo. Tapos kapag umalat na naman, lagyan mo ulit ng suka. Lagay lang ng lagay. Makukuha mo din yung lasang gusto mo. try lang ng try. #ParangPagibig

Step 8. Lagyan ito ng konting konting asukal para maranasan mo naman yung konting sweetness na nung simula mo lang ata naramdaman sa piling ng jowa mong nagpapakasweet na ata sa iba. Di ko sure.

Step 9. Kapag hindi mo pa rin feel yung lasa, bahala ka na sa buhay mo maarte ka. Andami mong reklamo please. Yung iba nga walang makain eh. Ang mahalaga may chicken adobo ka. Hindi naman nila malalaman yung lasa kapag naiinstagram mo na.

Kapag sinabi niyang kailangan niya ng "SPACE"

Tip #1
Mag-imbestiga kung ano yung dahilan at kung bakit niya kailangan ng “space”

Tip #2
Kung isa sa mga hobby mo ay magpakatanga dahil naniwala ka sa dahilan niya at sa tingin mo walang iba. Edi go bigyan mo. Tanga ka naman kaya pangatawanan mo na.

Tip #3
Lagi mo siyang i-stalk. Baka may kalandian na yan. Okay ng maging praning kesa naman pagtawanan ka na lang niya pag-iniwan ka na niya. Atlit updated ka na maghihiwalay na din kayo.

Tip #4
Hindi porket sinabi niyang kailangan niya ng space kailangan talaga na wala talagang usap-usap. Pero pag nanlalamig na siya sa tuwing nag-uusap kayo. I-check mo yung pulso baka patay na yang forever mo.

Tip #5
Dahil sa mala-Kingsman ang pangsstalk mo at nalaman mong may iba pala. Kalma ka lang, kailangan mo na din i-expect na mangyayari yan. Wala e, tanga ka! kaya humanap ka na ng iba. Optional yan kung malandi ka, gora lang pero kung loyal ka, bahala ka sa buhay mo. Remember! Daig ng malandi ang mga magaganda at gwapo.

Tip #6
Kung mukhang kabayong bastos yung kalandian niya, sumuko ka na. Wala kang laban sa true love! Pero kung mas gwapo or maganda kaya mong ibalik yan. Minsan kasi libog lang talaga yan.

Tip #7
At dahil nalaman mo na may iba na pala siya. Hiwalayan mo na. Ikaw na mauna para badass ka kunwari. Pag hinabol ka pero hindi ka hahabulin non.

Tip #8
Bago ka makipaghiwalay, contact-in mo yung NASA baka kailangan nila ng astronaut nang ipadala mo na siya kailangan niya ng space diba kaya ibigay mo na bh3. Pero kung wala kang time para tawagan pa ang NASA, bili ka na lang ng 100 keyboard sa cd-r king tapos ihampas mo sa kanya, mahilig naman siya sa space diba? Kaya bahala ka na sa trip mo.

Tip #9
Wag kang maniwala sa sinabi ko dito kasi malay mo kayo talaga para sa isa’t isa. Kaso walang forever! Kaya maniwala ka na sa akin. Please!!!

Paano gumawa ng Halo Halo?

Langka, Sago, Gulaman, Evaporada, Kaong, Red Beans, Leche Flan, Ube at bahala ka na sa iba pa.

Okay. Umpisa na tayo.

Tangna, Yun nga, tutal magaling ka naman sa maramihan. Yan, pagsama samahin mo lahat. Parang dati, lahat ng sahog na kailangan ko sa isang tao iniliagay mo sa puso ko na parang basong walang laman. Binilog mo ako na parang sago,  akala ko sing lapot na ng syrup ng langka ang pagsasama natin pero hindi pala hayop ka. Yung matatamis mong salita dati na parang Leche Flan na bukod sa pan display lang ay tumatabang na rin habang tumatagal hayop ka. Tuwing lalapit ako sa ‘yo tinataboy mo ako. Ang hard mo sa ‘kin. Para kang kaong! Tapos ngayon ang puso ko parang Red Beans na hiwa hiwalay dahil sa ginawa mo sa ‘kin. Tapos gulaman, kasi parang ikaw din yan kung paano mo ako kausapin, makulay lang pero wala naman talagang laman. Tapos ang huli mong ilagay YELO AT GATAS!! Para ka kasing YELO! Bukod sa malamig ka na, hindi ka pa sweet. pero wala akong magawa kaya no choice ako.. Crash pa rin kita :”>

Suggest Blog.

Para dun sa anon,nabura ko yung TA mo. eto na. 

Yung iba active sa dash, yung iba magaling magblog, yung iba friends ko, yung di ko close at yung iba trip ko lang ilagay. Bahala ka na anon heheheh XD

abbbywaitingforyou aiconessakoisme akoaysuperhero akonadentistamo alingduday allyngmaliit alykalawakan alypin angdakilangpetot angelasiopao angelflzrdo anongshityan antukingchix anonyymiss aranolaarfchiichii athenapontipedra backreader babaengenergetic baekebyanbakapeymus baliwnabasteee banaterongbinataa batangilocanabatangiyakinnnnn bawal-sabihinurl beabheyaatifulicious binatilyongrhun binibinih boydashbored brytamins buhaybabae buhaypaasa caffuchinito charcharoar chariieyoww chinitongfuckyouth chinitongnakangiti chunchaiii coffeenelly colleenfinity dakilang-doodlero dakilangboyyfriend dakilanggerlpren dalagangchixx daldalerangtinteng daniellaarida dbqueenofqueens definitelyhandsome denicecornetto diabria dikokabisado dodstormon donyaina dumadalandan dyosangchismosa ecamazing ecodistractor edgardoniguian emmabato enricosakanto eunicesapusomo ewankoeh friesandburger gellibeee ginniemouse girlbehindthisblog girloption girlsabaaaw goodgirlreallygonebad gracielleism guianniedgardo gwapokokase gwapongchik hardmoputangina heeeymich hershatteredthoughts hindiakochinito hoihoikrista hulyanity hydrokulit iamforeverphotographer iamjpgabila iamjvee  illtakeyouaway illuminatingkeys imahenasyon imrenceee imyouraugustus isangbasongchuckie ishpectacular itsmeeeeemich jahzoned jakepullsthetrigger jannahsanchez jetramos jheiology jhellovesyou jikboyjohnpaulpenuliar journalngbabae juankulangot juantonudels jumbastardkaibigangbabae kamotechi kapeprince kawenano kensukecrayonskissaydalaga
korneeto lalakepoako letbiancaspeakmaeminamahalll makulaynadoodoolero maliitnasingkit marcelosantosiii masterpaker matabangpusooo matabangutak mckngrjy meandmyfluffycheeks meowchiichii mhayonnaise mhownaaai mikanggutom miss-chinita mssfammsshearty mistercapslock misteristupido misterkiddo movingreflection mrfriesandsundae msshearty mykeyloves nakangitingprinsesa napakongpramices natakenforgranted nessathefilipina neverthegoodguy ngitizoned nickastig nikkitheskeptic nobodysqueen omgsheezy onepaolo onewordenglish ordinaryongprinsesa pahiramngurlmo pangilnamo paolokoloko paparhodspeaks payakap pengengcherifer phampotphiijey pilyangpogi pilyonghari pogingbutterfly potayeto purosungki
putawaitlang rentalmemories reynangchinitaroseybeybe sadistine sampintwo samwtf sarcasticlester segwayking selpilurd seryosoakodre seryosokadre setfiretothereine shambucket sijennawalangmalay simsimich sirangeroplano sleepingbeautiki spadhetty superbensthegreat takaslord the-conjuri thedakilang-assumera thekamikazee themagulongbabae thumbelish unlovejeii utakbiyak vincentangpangalan vivalafatima wreckitrap youreunreachable zachapronzelhaart

Magsawa ka po hahahah XD like nalang sa mga ibang nakalimutan ko hahahahXD effort yan dahil wala akong magawa hahaha

Alam mo ba...

Alam mo ba, minsan gusto kitang gantihan kasi hindi lingid sa kaalaman mo na nasasaktan na ako dahil sa mga ginagawa mo. Kaso naisip ko na hindi pala ako ganun kasama para gantihan ka sa mga ginagawa mo. Hindi kaya ng kunsensya ko na makitang nasasaktan ka gaya ng ginagawa mo sa akin. Pero sige, bahala ka na. Basta ang gusto ko lang, maging masaya ka. Kapag masaya ka, masaya na rin ako. // (-l.m.l.b)

THE LUCKY ONE

Chapter 15

I went to Julie’s shop because I wanted to ask her if I have a chance. Oo I seem very desperate to have her pero kasi it’s Julie we’re talking about here. The girl of any man’s dreams. She’s the perfect one. The ideal one.

“Welcome to Sweet Tooth.” the girl behind the counter greeted me.

I must say that her shop is very cute. And a lot of people are really coming here. It’s as if this shop is the perfect replica of her sunny attitude. Her bubbly self and everyone’s drawn to it.

“Hi! Uhm… I’m looking for Julie?” I asked the girl behind the counter. I read the nameplate on her uniform and it read ‘Jana’

“Who are you sir? Para po masabi ko kay ma'am.”

“I’m Enrique, her friend. Surprise visit to kaya don’t tell her it’s me.” I said.

“Ah. Okay po sir. Uhm hintayin niyo na lang po si ma'am.” and she went behind the orange door. I sat on one of the white chairs and observed every detail of the place as I waited. The walls are painted white. Displays are orange and blue and there’s a freedom wall at the far right corner where customer’s can write, doodle or whatever they wanted to do with it. Then there are the cupcake displays, the cake displays and the menu board is a row or small blackboards with colorful chalks used for writing their special for the day. 

“Quen!” I heard that familiar voice. I looked at where it came from and saw her standing a few feet away from me. I smiled and waved at her and she walked to my table.

“Nabisita ka?” she asked.

“Yeah. I was craving for cupcakes kasi eh I remembered you told me about your shop kaya ta-da! I’m here!” I said. She laughed and waved to her assisant.

“Jana, give him our cupcake samplers tsaka coffee ha?”

“Yes po.” And she went back to the counter.

“So. Anong hangin naman nagdala sayo dito?” Julie asked.

“Wala. Haha. Actually I really have something to ask you.” I said.

“Oh ano yun?”

“Uhm. Julie, the first time I saw you sa flower shop, I really liked you from then on. I was even desperate to look for you again kasi I wasn’t able to get your name. Just a blurred picture of you going in your car. Then the second I met you, the time you went to our shoot, I felt lucky. Kasi I got your name and you even remembered me from the flower shop. Sobrang ang saya ko nun kasi I was thinking na mahirap makita ka ulit but then destiny must have wanted us to meet kaya yun. And then nung fashion week where we got to have our first real conversation kasi Elmo was busy inside. I even got your number and got to know you a little more. Ang saya grabe. Then finally yung lunch date natin. Julie, I have to be honest with you. I like you. And I think I’m falling in love with you. Will you give me a chance?” She looked really surprised with my sudden confession. And I’m not blaming her. Ang atat ko din kasi eh.

“Uhm…” she started. “Quen kasi…”

“It’s okay if you’re not ready yet. Ang akin lang naman is, I said what I’m feeling.”

“Quen, I’m so sorry pero I’m in love with someone else.” she said. Now I’m the one who’s surprised. I thought…

“W-what?”

“Quen, may iba akong mahal and I’m sorry if my actions toward you made me seem like I like like you. Quen, you’re a nice guy and I think a lot of girls deserve you more than I do. Madami diyan. Minsan nga nasa harapan mo na lang di mo lang napapansin eh.”

*****

I went to Julie’s and found her sitting in the middle of the floor, papers and pictures and books scattered around her. I picked one picture near me and looked at it. It was our barkada’s first outing way back our college days. Sa bahay nila Diva sa Cebu. We all looked awkward in the picture and I couldn’t help but to laugh.

“Moe!” she looked surprised that I was there. I smiled and opened my arms for her and she stood up and went for me. She hugged me and I could smell the scent of strawberries and vanilla again. Kahit pa pawis na siya, she still smelled great. I kissed the top of her head and she kissed my chin.

“Hello.” I greeted. “Bakit ang kalat sa bahay mo?” I asked. She looked at the clutter and giggled.

“I’m sorting them out para alam ko kung ano itatapon and kung ano hindi. Kasi dadating na sila Nana next week and Ninang will be with them. Ayoko namang makalat dito sa bahay kaya yun. General cleaning lang.”

“Eh asan si Angie?” I asked.

“She’s at the grocery.”

“Ah okay. Need help?” I asked as I held both her hands and intertwined it with mine habang niyayakap ko siya.

“Hm. Maybe later. Kain muna tayo?”

“You haven’t eaten yet? It’s 3pm Julie.”

“No. I ate already. Kaya lang baka gutom ka tapos nagwawala na mga alaga mo.” she said and pinched my tummy.

“Haha. No. I ate already.” I said. She nodded and wrapped her arms around my neck and tiptoed to kiss my nose. I smiled at her.

“Sige na nga. Help me here.” She dragged me to the middle and we started sorting out their things.

After cleaning, she went upstairs to take a bath while I sat on the couch and watched tv.

Her phone vibrated and I saw that it was a text message from Quen. I read the message shown on her lock screen.

'Thank you Julie! You’re the best.’

“Ano nanamang kalokohan to?” I thought aloud.

“Muppet, what do you like for dinner?” I immediately sat back on the couch and acted interested to the show on tv as I waited for her to come in the living room. “Muppet?” I heard her say. I looked at her and smiled.

“Anong sabi mo?”

“Sabi ko anong gusto mo for dinner.” she repeated.

“Hm. Ikaw?” I teased. She walked towards me and sat beside me sabay kurot sa tagiliran ko. “Aray!" 

"Anong ako nanaman?!”

“Hahaha. Eh ikaw gusto ko eh.”

“Tigilan mo ko.” she said and picked up her phone. She automatically smiled when she read the message and typed a reply.

“Sino katext mo?” I asked.

“Wala. Si Quen lang. Haha.”

“Bakit daw?”

“Wala naman. I just did something for him kaya yun. Nagtext lang ng thank you.”

“Ah. Anong ginawa mo for him?” I asked. She looked at me and smiled sheepishly.

“Are you jealous?” she asked.

“Ha? N-no!” I said.

“Weeeeh. Nagseselos ka no? Aysuuuus!” she teased while pinching my ears. “Hahaha. Di nga? You’re jealous.”

“No nga kasi.” I said again.

“Weeeeh. Nahiya pa to.”

“Julie, I’m not jealous.” she stopped pinching and tickling me tsaka na humarap sa tv.

“Okay. Sabi mo eh.” she said. I laughed at her and she looked at me, annoyance evident in her eyes. “Bakit ka tumatawa?”

“Wala lang. Hahahaha. Ang cute mo kasi eh. Hahahahahaha.”

“Tss. Bahala ka na nga diyan.” she was about to stand up when I held her by the arm. “Ano ba! Elmo let go!”

“No. Halika dito.” I said and pulled her until she was sitting on my lap. I hugged her from her waist and rested my chin on her shoulder. “Alam mo ba bakit di ako nagseselos?” I asked.

“Why?”

“Kasi po, alam ko namang mas pogi ako dun. Tsaka walang laban sa akin yun.” I said confidently. She giggled at what I said and rested her head against my head.

“Ang yabang mo naman.” she said.

“Bakit? Hindi ba? Ha?” I asked her. She turned around and sat on my lap again. She held my face and looked at it the way make-up artists looked at their subjects for the first time.

“Hm. Pwede na din.” she said. I tickled her and she laughed.

“Pwede na din? Yun lang?” I asked as I poked her sides.

“Hahaha. Oo. Pwede na.” she laughed. I continued poking her. “Haha. Stop it Moe! Di na ko makahinga. Hahaha.” she cried. I stopped and pulled her close to me. She leaned her head against my head and I hugged her by the waist. She stopped laughing and started brushing my hair with her fingers and slowly she closed the gap between us and brushed her lips against mine.

DING! DONG!

We were interrupted by the sound of the doorbell.

“Baka si Angie na.” she said and stood up to get the door. I followed her and saw who the intruder was.

“Shithead.”

*****

I opened the gate and was surprised to see Enrique. He was smiling widely and was carrying a box of doughnuts.

“Jules, hi!” he said.

“Uy! Hi, Quen!” I greeted him and nagbeso ako sa kanya. “Tara sa loob.”

“You alone?” he asked.

“No. Elmo’s here.”

“Uhm. Baka nakakaistorbo ako?” he asked giving me that smirk.

“Hahaha. Medyo pero okay lang. Sayang doughnuts.” I said and we both laughed. We walked to the door and Elmo was standing there. “Quen came to visit.” I told him. He looked serious but nodded and let us all in.

“So Julie. Ano na yung text ko sayo? Payag ka?” Quen asked. I looked at Elmo and he was busy playing with the throw pillow like it’s the most interesting toy on Earth. I stifled my laughter and shifted my gaze on Enrique.

“Yeah sure. That’d be fun.” I replied.

“Awesome! Moe, pare sama ka?” he asked him.

“Ha? Saan?” Elmo asked absent-mindedly.

“We’ll go mountain climbing in Banahaw. Wanna come?”

“Elmo’s afraid of heights. And he’s not very adventurous. Right, muppet?” I said and even placed my hand on his lap.

“Ha? Ah. Ayoko.” he said.

“So pano, Jules? Tayo lang?” Quen asked. Obviously knowing what is on my mind. Elmo snapped his head then looked at the two of us.

“On second thought. Pwede naman ako sumama eh. I wanna try hiking din naman.” he said. Enrique bowed his head and I could see his shoulders shaking.

“Sigurado ka?” I asked him.

“O-oo naman!” he replied but I could already sense that he’s really scared about the idea.

“Wag na. Kami na lang ni Quen. You won’t enjoy naman eh. Di mo hilig mga yan.” I said. He looked at me and I gave him a smile.

“Jules, pwede naman siya sumama eh.” Quen said.

“Naaah. Di siya mag-eenjoy. Baka nasa paa pa lang tayo ng bundok nangangatog na siya sa takot.” I said.

“Fine. Di ako sasama.” And he stood up and stormed out of the house. Enrique and I looked at each other after Elmo left and we both burst out laughing.

“Hahahahaha. Nice one Julie. Iba ka talaga.” he said and even high-fived me.

“Baliw. Ikaw din may plano nito eh.” I said.

“Tama nga sila. He does love you.” he said. I was surprised with what he said. Sila? Sino sila?

“Ha? Sinong sila?”

“Everybody. Your friends, my cousin Sab, Julia, lahat ng nakakakita sa inyo.”

“Ha? I don’t get it. Paano naman nila masasabi yun?”

“Julie, ang lalaki hindi yan nagpapatalo sa babae kung hindi niya yan mahal. And by the way Elmo acted today, he does love you. Nagseselos siya sa akin alam ko. And I know that he doesn’t know na binasted mo ko para sa kanya and that you’re helping me with someone. Kaya ang akala niya there’s something between us. Kaya siya nagseselos.”

*****

“Bwiset! Argh!!!”

“Hoy, ano nanamang problema mo?” Derrick asked. I went to his pad to calm my nerves pero the more I think about what happened earlier, mas nag-iinit ulo ko.

“Wala wala. Nabbadtrip lang ako.”

“Kanino nanaman? Alam mo pre pansin ko sayo sa akin ka lagi nagbubuhos ng galit eh. Mukha ba kong toilet bowl para paglabasan mo ng sama ng loob?!” he said.

“Shut up.”

“Hahaha. Oh kalma lang, muppet. Masyado kang mainit diyan baka maging abo ka.” he said again. I gave him a death glare and he raised his hands in surrender. “Sabi ko nga eh. Tatahimik na ko eh.” he said and went back to playing his xbox.

“Dude.” I called him.

“Oh?”

“Pag may gusto ka ba sa isang babae, nasasaktan ka ba kapag may kausap siyang ibang lalaki?” I asked. He stopped his game and looked at me seriously.

“Ako? Oo syempre. Ayokong may iba siyang kausap. Gusto ko ako lang. Gusto ko sa akin lang attention niya. Gusto ko kaming dalawa lang. Bakit?”

“Wala. Naisip ko lang.”

“Weh?! Inlababo ka no?!” he beamed.

“Tss.”

“Yihee. Alam mo dude, di ko alam kung sino yan pero may idea ako kung sino pero ito lang ha? Wag mo hayaan na mapunta sa iba yan. Kasi pag nangyari yun, di mo na mababawi yan. Baka habang buhay mo yan pagsisihan.” he said.

“Pero paano kung ramdam mo na mutual ang feelings?”

“Mutual pero may iba pa ding lalaking umaaligid?” he asked. I nodded and he smiled. “Hahaha. Brader, wag ka maging possessive masyado. Mutual naman pala eh. Malay mo friends lang sila nun. Parang kami lang. Tropa tropa chill chill. Diba diba?” he said and even grinned.

“Tropa kayo? Sure ka?”

“Oo. Ako pa ba?” he said. I looked away and bowed my head. He threw a pillow at me to get my attention back. “Tama ako no?”

“Ha?” I asked.

“Julie Anne Peñaflorida San Jose yan no?”

“Tss ewan ko sayo.”

“Kahit di mo sabihin obvious kaya.” he laughed.

“Huh?”

“Dude, para kang may neon sign sa katawan mo na nagsasabing 'I AM TOTALLY AND CRAZY IN LOVE WITH MY BESTFRIEND.’ na nagbblink pa.”

*****

I tried calling Elmo pero he’s not answering my calls. Grabe naman magtampo yun. Ang adik lang. I decided to go to his pad pero he’s not there.

“Asan naman kaya yung mokong na yun?” I asked myself. I was waiting for the elevator, still trying to call him.

“Jules?” I heard someone said. When I looked up from my phone, I saw him. Standing inside the elevator car. I immediately hugged him and he reciprocated my embrace.

“Galit ka ba?” I asked and looked up at him. He looked at me and smiled.

“Hindi ah. Bakit mo naman naisip na galit ako?” he asked.

“Eh kasi you stormed out of the house. Tapos tumatawag ako sayo di mo sinasagot. I thought galit ka.” I told him.

“Sorry. My phone’s on silent mode eh. Tsaka I came from Derrick’s pad. We were playing eh. Sorry.” he said and kissed my forehead.

“Eh bakit nagdabog ka kanina? Nakakahiya tuloy kay Quen.” his forehead creased at the name. “Moe…”

“Jules, let’s not talk about it okay? Basta di ako galit okay na yun.” he said. “Tara muna sa loob.” we walked hand in hand towards his unit in silence.

I can feel na nagtatampo siya sa akin because of how I acted earlier. Pero I was just testing him kung gaano ba niya ko kamahal. Although I know he loves me dahil sinabi niya and because people are saying it too pero kasi… Hay. Ewan ko ba. Lakas din ng trip ko minsan eh.

“Moe…” I called him the moment we got in.

“Hm?”

“Sorry.” I said. He turned around and faced me. “Sorry kasi kanina yung ano…”

“Wag mo na isipin yun. Wala yun.”

“Hindi lang wala yun. Kasi kasalanan ko naman eh. We were having a perfect moment tapos dumating si Quen tas nahati yung attention ko sa inyo tapos inasar pa kita about your fear of heights tapos…” I babbled. “It was my fault. We planned it really.” I confessed.

“What?” he asked, surprised.

“I uhm… I just want to know lang naman if you’re really jealous. Kasi…”

“You want to know kung nagseselos ako? Why?”

“Akala ko kasi nung una, hindi mo ko mahal. Kasi I thought na kaya mo lang nasabi yun because Quen and I became friends and akala ko kaya sinabi mo yun kasi ayaw mo lang na mawala ako as your bestfriend. Kaya…”

“Julie naman eh. Bakit nagddoubt ka sa akin?” I wasn’t able to answer him because I know that doubting his love was wrong. “Julie I love you. Akala ko okay na kapag sinabi ko yun. Yun pala I have to prove something pa din? Kailangan ko pa palang patunayan na mahal kita para maniwala ka?”

“Moe…”

“Julie naman eh. Bakit naman ganun? Don’t you think it’s unfair for me? I am loving you without any expections from you pero ikaw, hindi ka pala sure kasi akala mo I was just being a selfish prick?!”

“Moe hindi ganun…”

“It is like that! Ang daya daya mo. Ang unfair mo.” he said. I tried holding his hand pero he shook it away.

“Elmo…”

“Go home Julie.” and he went to his room and locked himself.

I was crying very hard as I walked out of his unit. Ang tanga ko naman kasi eh. Bakit ba kasi ginawa ko yun? Bakit ko ba kasi sinabi yung mga yun?

Maqui is right. I shouldn’t be doubting his love for me. Hindi ko na dapat itest kung gaano ba talaga niya ako kamahal. Kung yung pagmamahal niya ba sa akin eh totoo. Pero no. Me being the stupidest woman ever, doubted him and tested his love for me. Ang tanga ko. Ngayon tuloy, I don’t know if he will still love me the way he used to. If it will not change. Kasi ang tanga ko.

*****

Bakit kailangan niya ko pagdudahan sa pagmamahal ko sa kanya? Was it because I denied that I kissed her 3 years ago? Was it because I said I loved her in the middle of a fight? Was it because I tried hard not to show her that I am jealous of her relationship with Enrique? Why?

“Pare, intindihin mo si Julie. She loved you from the very start pero diba nga kasi you denied the kiss? Kaya siguro takot siya na baka dumating yung point na kalimutan mo din uli lahat diba?” Gino said.

“Pero dude hindi naman na eh. You know why I did that diba? Because I got hurt of what she said that night.”

“You were both scared. I can see it dude. Pareho kayong takot ipakita yung feelings niyo para sa isa’t isa. Kaya ngayon magulo yung situation niyo.” he said. “Alam mo, give each other space. Ayusin niyo muna yung sarili niyo before you two come back for each other. Para kapag naging okay na kayo, you two would be able to love each other without expecting anything from one another.”

*****

It’s been a week since I last saw Elmo and it sure felt like hell. I wanted to see him badly pero takot din ako na itaboy niya ko ulit. Mahal ko siya and nagsisisi na ko sa mga sinabi at ginawa ko.

“Jules, have you guys talked already?” Enrique asked. He has been my constant visitor since Elmo and I had a fight. I shook my head and tears started to brim from my eyes again. “Aww Jules. You’ll both be okay. Magiging okay din kayong dalawa. Just wait okay? Everything will fall back to its right place.” he said. I wiped the tears and sipped from my coffee cup.

“Hay. Sorry if I cried again. Di ko lang talaga matanggap na ganito kami. Kasalanan ko kasi talaga eh.”

“Tsk. Don’t blame yourself. Hindi mo kasalanan and hindi niya din kasalanan.”

“Quen paano kung di na siya bumalik? Paano na ko?” I asked him. “I can’t live without him. Ilang araw pa nga lang para na akong mamamatay. Di ko alam kung anong gagawin ko. I don’t know how to go a day without hearing his voice, his laughter, without seeing his smile, without seeing the crease at the side of his eyes everytime he grins at me, without feeling his warmth. Quen ano na mangyayari sa akin?” I started crying, panic evident in my voice. 

He sat beside me and put his arm around my shoulders.

“Shh. Everything will be okay Julie. He’ll be back. Mahal ka niya okay? At alam kong hinahanap niya lang sarili niya so that when he comes back, he’ll be a better version of him. And ikaw, instead of crying everyday, you should also prepare yourself. Para pag naging kayo na talaga officially, parehas kayong okay na. Diba?” I nodded but tears still fall from my face.

Isa Pa (One Shot)

NOTE: Not my best work. But someone requested for a one-shot, and this is all I could muster after a 9-hr straight workday. Sorry :(

“Break na daw sila ah.”

Parang regalo sa akin yung mga salitang ito nung sabihin ni Ate sa akin nung kausap ko siya kagabi sa video call.

“Bakit naman ngiting ngiti ka dyan, hoy? Di mo ba naisip na baka malungkot yung kaibigan mo ngayon? Heartbroken siya, siyempre. Isang taon din sila nun, noh”, pagsaway niya sa akin.

Natawa ako. “Eh yun nga eh, nabulag siya dun sa ugok na yun ng isang taon.”

Inirapan ako ni Ate. “Loko ka, Moe, ha. Kahit pano naman minahal din niya yun. Tsaka anong feeling mo, ngayong hiwalay na sila, magiging kayo na? Manligaw ka muna uy.”

“Wow, ha. Salamat naman sa vote of confidence mo sa akin, Ate. Tsaka bakit hindi? Matagal na kaming magkakilala. Walang ibang mas nakakakilala sa kanya kesa sa akin. At ganun din naman na walang mas nakakakilala sa akin kung hindi siya”, sagot ko naman.

“Uy, nagdrama daw siya bigla? Hay naku, anong balak mo? Nandito siya sa Pilipinas, nandyan ka sa Amerika. Ano, uuwi ka para sa kanya?”, tanong niya sa akin na natatawa.

Hindi ko siya sinagot, siyempre. Ang hindi niya alam? Oo…oo ang sagot sa tanong niya.

*********************

“Basta ayoko na pag-usapan yung lalaking yun”, sambit ni Julie habang kausap ko siya sa video call pagkatapos ko tawagan si Ate kagabi. Pagsagot palang niya sa tawag ko, alam ko nang kakatapos lang niya umiyak. O baka talagang hindi pa tapos pero ayaw lang niyang makita ko kaya pinigilan niya. Yan kasi siya eh, ayaw niyang may nakakakitang mahina siya, kahit ako pa na matagal na niyang kakilala. Gusto niya lagi siyang mukhang matatag. Macho nga daw kasi siya.

“Pwede bang tanungin lang kung bakit nakipaghiwalay ka sa kanya?”, tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. “Sino naman nagsabing ako ang nakipag-break?”

“Hindi nga ba? Eh kasi, ang tanga naman niya kung siya ang mang-iiwan sayo. Not to mention, ang kapal naman ng mukha niya kung ganun”, sagot ko naman agad.

Natawa si Julie ng bahagya. “Sira ka talaga. Salamat naman sa suporta, friend, pero siya ang nakipaghiwalay sa akin. Hindi daw kami magwowork-out kasi mas bata daw ako sa kanya. Ulul niya, ang sabihin niya matagal na siyang may gusto dun sa bago niyang katrabaho. Buwisit yun”, sagot niya sa akin. Narinig ko ang bahagyang paghina at nginig ng boses niya sa bandang huli ng sinabi niya. Hindi ko na ito pinansin.

Umiling ako. “Ang kapal naman ng mukha niya para gawin yun sayo. Di bale, buti nalang lumabas yung tunay niyang kulay bago pa kayo nagtagal.”

Hindi na naming uli masyado pinag-usapan ang hiwalayan nila. Ang mahalaga, nasigurado ko nang pwede na uli si Julie. Oo, makasarili yung iniisip ko, pero kung ikaw ba, mabigyan uli ng bagong pagkakataon para maitama ang katangahan mo, hindi mo ba ito kukunin?

***********************

Ganito kasi yan. Si Julie at ako, matagal na kami magkakilala. Naging magkaklase kami nung elementary palang. Tapos, dahil malapit ang bahay naming sa school, at sila Julie ay malayo, sa tuwing merong event na ginagabi sa school, sa bahay nakikitulog yang si Julie. Syempre, hindi kami magkatabi. Tabi sila ni Ate Isa. Tapos nung papunta na kami ng high school, lumipat sila Julie sa village namin kaya mas naging malapit na naman kami.

Si Julie, napakaganda niyan. Kaya madaming nanliligaw. Pili lang ang nagiging boyfriend, pero ni minsan, hindi niya ako naging boyfriend. Bakit? Kasi torpe ako. Nakakatawa man aminin, pero totoo. Matagal ko na gusto yang si Julie, Grade 5 palang kami. Napansin agad ni Ate yun pero wala eh, talagang hindi ko siya kayang ligawan. Hindi ko kasi lubos maisip ano naman ang magiging pag-asa ko sa tulad niya?

Kaya ayun na nga, mula Grade 5 eh nasa tabi-tabi lang ako, pasulyap-sulyap. Laging sumbungan tungkol sa problemang boyfriend pero hindi nagiging boyfriend. Eh ganun talaga. Tinanggap ko na yung kapalaran kong yun noon pa.

Tapos, nung second year college kami, kinuha ako ni Papa dito sa Amerika. Hiwalay na kasi sila Mama at Papa. May sarili nang pamilya si Papa dito. Kinuha niya ako dito para siya ang magpaaral sa akin ng college. Noong una, ayoko. Pero kasi maganda yung music program na nahanap ni Papa, eh yun talaga ang gusto kong kunin, kaya napapayag din ako.

Nung araw na hinatid ako ng pamilya ko at ni Julie sa airport para umalis, humagulgol si Julie at yinakap niya ako ng sobrang tagal na para bang ayaw na niya akong bitawan. Dun ko naisip na, “Teka, baka naman may pag-asa ako dito”, kaso siyempre huli na kasi aalis na ako. Kaya sinabi ko sa sarili ko, paguwi ko sa summer vacation, aamin na ako kay Julie.

Kaso, sa malas ko, may boyfriend na si Julie nung unang summer na umuwi ako. Nung sumunod na summer na paguwi ko naman, mayroon pa din. At nitong nakaraang summer lang na paguwi ko, yun na nga, boyfriend niya yung ngayon ay ex-boyfriend na niya.

Tatlong summer na yung pinalipas ko. Dadagdagan ko pa ba?

************************

“Basta pumunta ka sa airport bukas please?”, paki-usap ko kay Julie.

Mahigit isang buwan na simula nung  nagbreak sila ng dati niyang boyfriend. Simula nung araw na tinawagan ko siya para makibalita tungkol sa kanila, nung araw na namumugto ang mata niya, may mga ibang naging tawagan at usapan na din kami. Araw-araw naman din kasi kami nag-uusap niyan. Kahit madaling araw na dito, tinatawagan ko pa din yan pag hiniling niya. Hindi ko naman matitiis yan eh.

“Siguro dadating ka bukas noh?”, dagdag niya, sabay ngiti na para bang nasabik siya sa ideya na yun.

Natawa ako. “Julie, alam ko namimiss mo na ako pero diba kalagitnaan ng semester ngayon? Paano naman kaya ako uuwi?”, tukso ko sa kanya.

Nayamot siya at inirapan ako. “Sorry naman kung excited ako makita kaibigan ko noh. Eh teka, ano gagawin ko ba sa airport bukas?”, tanong niya uli.

“May padala kasi ako para kay Ate at kay Mama, kaso walang pwedeng kumuha nun bukas kasi pareho silang may lakad. Sige na, please?”, pakiusap ko uli.

Nagpanggap si Julie na para bang isang napakabigat na Gawain ito para sa kanya. Pero sa totoo lang, hindi din naman ako matiis nito minsan. “Sige na nga”, sagot niya sa akin, bahagyang pinahaba ang huling salita na para bang napipilitan lang siya.

“Salamat! The best ka talaga!”, sagot ko naman.

*********************

Alam ko dapat inaantok ako ngayon, lalo na’t iba ang oras ng Pilipinas sa oras ng Amerika. Dapat inaantok ako dahil napagod ako sa biyahe. Pero paano ka aantukin kung ang pagkakataong makuha mo ang gusto mo eh nasa harapan mo na?

Kanina pa ako dumating dito sa airport, exactly 28 hours simula noong huli kong nakausap si Julie sa video call.

Nagsinungaling ako sa kanya kagabi. Wala akong padala. Hindi busy sila Mama at Ate. Ang katotohanan niyan, kanina ko pa din sila kasama dito sa airport. Sinundo nila ako. Kasi, oo, umuwi ako para kay Julie. Kalagitnaan nga ng semester, pero dahil isang subject lang ang kinukuha ko ngayon, isang beses lang sa isang linggo ang pasok ko. Kaya pwedeng pwede ako umuwi ng ilang araw. Kahit kaunting araw lang yan, kukunin ko kung si Julie naman ang magiging kapalit ng pag-aabsent ko at pagod ko sa biyahe.

Kinakabahan ako. Gagana kaya ang plano ko? Sa mahigit isang buwan nang nakalipas simula nung naging single si Julie, hindi niya na uli nabanggit ang ex-boyfriend niya. At mukha naming masaya siya. Pwede naman na siguro naming subukang kami naman?

“Andyan na siya”, bulong ni Ate mula sa tabi ko.

Tumango ako nang nakita kong pumasok si Julie sa revolving doors sa first floor ng airport. Umalis si Ate sa tabi ko at bumaba para salubungin si Julie, hawak ang isang kahon. Sa loob ng kahon na iyon, may sulat.

Julie,

Sorry kung nagsinungaling ako kahapon. Sorry din kung natagalan ako masyado.

Elmo

Pinanood ko silang dalawa, si Julie nagulat sa pagkakakita niya kay Ate. Bakit nga naman hindi siya magugulat eh sinabi ko nga naman sa kanya na busy si Ate ngayon. Kaya nga siya dapat ang kukuha ng “padala” ko. Pinanood kong binuksan niya ang box at inilabas ang scroll na naglalaman ng liham ko. Bago pa man niya ito mabuksan, lumapit sa akin sa Mama. Tinignan ko siya.

“Bababa na din ako. Bahala ka na dito”, sabi niya.

Tumango ako at tumingin uli kay Julie. Nabasa na niya ang liham ko at kausap niya si Ate. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha niya. Si Ate naman, ngumingiti lang.

Maya maya pa, si Mama naman ang lumapit sa kanila. May hawak din siyang kahon. May liham din sa loob.

Julie,

Alam ko naguguluhan ka ngayon, pero ako hindi. Wala nang ibang bagay sa buhay ko na mas sigurado kesa dito.

Elmo

Hindi ko na hinintay ang pagbubukas ni Julie sa kahon. Tumalikod na ako at pumunta sa kuhaan ng padala. Sinabihan ko sila Mama na huwag sasabihin kay Julie na umuwi ako. Basta sabihin lang nila na may kukunin siyang padala.

Habang hinihintay ko si Julie dun, bumilis ang tibok ng puso ko at bigla akong nagdalawang-isip. Paano kung masira ang pagkakaibigan namin dahil dito? Higit sa lahat, yun ang kinakatakot ko. Hindi na ako natatakot na ma-reject dahil kung tutuusin, matagal ko nang nakondisyon ang sarili ko dun. Pero yung epekto nito sa amin ni Julie bilang magkaibigan, yun ang hindi ko matatanggap kung dahil lang ditto eh mawawala lahat ng pinagsamahan namin.

Bago pa man ako makaisip na umalis at tumakas, nakita ko sa malayo na naglalakad si Julie, hawak ang dalawang liham ko, binabasa uli ang mga ito, nakakunot ang noo.

Pinapawisan na ako.

Naglalakad pa din siya.

Nasusuka na ako sa nerbyos.

Malapit na siya.

Kailangan ko yata muna magbanyo.

Ayan na siya.

Bigla siyang tumingin pataas at nakita ko ang mabilis na pagbabago ng mukha niya: pagtataka dahil sa mga liham, bahagyang pangingilala nang una niya akong makita, pagkagulat, pagkatapos ay tuwa.

“Hoy, Elmo!”, sigaw niya, sabay takbo papunta sa akin.

Pinagtinginan kami ng mga tao, pero yan si Julie. Pag masaya siya, masaya siya. Wala siyang pakialam na madaming nakatingin.

Mahigpit niya akong niyakap at narinig kong bigla siyang humikbi. Umiiyak siya? Sa harap ng ibang tao?

“Sssh, wag kang umiyak”, bulong ko sa kanya. Niyakap ko din siya ng mahigpit.

Hindi pa din siya bumitaw sa pagkakayakap niya sa akin. “Eh kasi naman eh…ikaw…sinungaling ka…sabi ko na…eh kasi…ikaw talaga! Kasi naman!” Hindi na niya halos masabi ang gusto niyang sabihin dahil sa tuwa, na ikinatuwa ko din naman. Ibig sabihin namiss din niya ako!

“O tama na, tama na. Oo, sinungaling na ako, sorry na”, sagot ko.

Dahan-dahan na siyang bumitaw at agad pinunasan ang luha niya. Nang magkatinginan kami uli, natawa siya ang sinuntok ako sa braso. “Bakit di mo sinabing uuwi ka?”, tanong niya, sabay hikbi.

Natawa ako. “Pwede naman siguro surprise diba?”

Natawa siya. “Hay, naku ka. Ilang araw ka dito? Kailangan pumasyal tayo! Magkita-kita tayo nila—“

Pinutol ko ang pagsasalita niya. “Julie, shhh”, sabi ko. Nang tumigil siya, kinuha ko ang kamay niya at huminga ng malalim.

“Huy, anong nangyayari sayo?”, tanong niya sa akin, pero nakita kong may pag-aalinlangan sa boses niya. Na para bang gusto niyang malaman ang sagot sa tanong niya, pero parang ayaw din niya malaman dahil baka hindi niya kayanin ang magiging sagot.

Huminga ako uli ng malalim bago tuluyang nagsalita.

“Matagal na kitang gusto Julie. Mga bata pa lang tayo. Uhugin pa tayo nun. Naka-brace ka pa nun. Naka-pigtails. Uso pa Backstreet Boys at N*Sync. Wala pang Justin Bieber nun, pero gusto na kita. Cliché man tong sasabihin ko pero hindi ako umamin sayo dahil bestfriends tayo at ayokong masira yun. Tsaka, ang ganda ganda mo eh. Sino ba naman ako para magustuhan mo? Ilang taon kong tinago ito. Ilang taon kong kinimkim. Ilang taon akong tumahimik at tumabi sa sulok habang sinasaktan ka ng mga naging boyfriend mo. Galit ako sa kanilang lahat dahil hindi ka nila pinahalagahan. At itong huli, ito yung nagtulak sa akin para umamin na sayo. Ayoko na uling maiwan ng pagkakataon. Ayoko na uling may lalaking mananakit sayo. Hindi ka dapat sinasaktan. Napakabait mong tao para mapunta lang sa isang lalaking hindi marunong mag-alaga. Ako, matagal na kitang inaalagaan. Kahit alam kong wala akong pag-asa sa iyo, andito padin ako, laging nakaabang para tulungan ko o alalayan ka sa tuwing may lalaki na naming pumilay sayo. Sa tuwing nasasaktan ka, nasasaktan ako. Sa tuwing masaya ka sa boyfriend mo, masaya din naman ako, pero nasasaktan din. Pero nanaig yung pagiging kaibigan ko, kaya hindi ko pinakita yun lahat sayo kasi ayokong tumigil ka sa pangangailangan mo sa akin. Kasi parang yun yung lifeline ko eh. Parang yun yung role ko sa buhay, at yun yung role na gusto kong gampanan habang-buhay. Gusto ko pag masaya ka, ako yung dahilan. Gusto ko pag malungkot ka, ako ang dadamay sayo. Gusto ko magkasama tayo sa pagtupad ng mga pangarap natin, hindi lang bilang magkaibigan lang. Alam ko, masyado pa siguro maaga para manligaw, at kung ganun man, bibigyan kita ng oras pa. Pero gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita, at hindi ko na mababago yun. Ang nais ko na lang ngayon eh mabago yung tingin mo sa akin, mula sa pagiging kaibigan lang.”

Tahimik siya pagkatapos ko sabihin lahat ng iyon. Para akong nabunutan ng tinik nung ibinubuhos ko ang nararamdaman ko. Pero ngayon naman, parang mas malaking tinik yung nalunok ko sa paghihintay sa sasabihin niya.

Maya maya pa, ngumiti siya at pinitik ako sa ilong.

“Bakit kasi ang tagal tagal mo gumalaw? Ang tagal tagal na din kaya kitang hinihintay,” sambit niya.

Eto na yun. Sa wakas, nakuha ko na yung isa pang pagkakataon ko para makuha ko ang gusto ko. Bibitawan ko pa ba?

Niyakap ko siya ng mahigpit ng mga oras na iyon at pinagdasal kong sana hindi na matapos ang araw. Sana doon nalang kami habang-buhay, magkayakap, masaya, dahil sa wakas, tapos na kaming maghintay para sa isa’t isa.