backreaders

Sobrang namimiss ko si Kuya Val. Naalala ko noon, isang text ko lang sa kanya tatawag agad yon. Pag may kaaway ako, siya pa una aaway. Pag may nananakit sa akin, kulang na lang bugbugin niya sa inis (lol kami lang nakakaalam neto nung anong nangyari at kung sino at kung kailan to haha!) isa siya sa pinakamahalagang tao sa buhay ko, kasi wala nga akong kuya. Silang dalawa ni Kuya mackoi ang naging kuya ko talaga. Yung turing sa akin parang kapatid talaga. Walang araw na di ko naiisip si Kuya Val kasi sobrang namimiss ko na siya. Hanggang backread na lang ako ngayon sa blog niya kasi ayokong magbasa ng convo namin sa fb kasi nakukulitan siya sa akin gawa ng miss ko na nga siya non tas busy siya sa werk haha tas pati sa viber pero lagi siya nagkkwento sakin kapag may kashitan na nangyayare sa werk niya pero pag nagreply ako isseen naman ako. Haaaay. Sana makausap kita ulit kahit sa panaginip ko tutal lagi naman ako nananaginip. Haha. Love you Kuya Val. Magkikita rin tayo ulit sa tamang panahon.

May nagba-backread din kaya sa blog ko? Yung tipong nakatambay lang sya tapos hindi alintana yung connection kasi naaaliw sya sa mga nababasa nya. Kahit hindi nya nila-like o reblog, basta tamang backreading lang yung ginagawa nya. Meron din kaya? Ewan, wala siguro. Hindi naman ako famous e kaya siguro yung blog ko nilalangaw. Haha. Ilaglag daw ba ang sariling blog? Hahaha!

Kung sakali mang meron nga, ano naman kaya yung mga naging reaksyon nila? Ito kaya:

  • “Shet! Ano bang pinagsasasabi ng blogger na ‘to?!”
  • “Pakyu! Walang kwentang blog! Such a waste of time!”
  • “Taragis yan! Puro sabaw lang dre. Nag-blog pa sya!”

AWTS! Hahaha. Hay naku, paano nga kaya kung ganyan yung mga comment nila? Isa lang masasabi ko: PAKYUTU!

  • Unang-una, hindi ko kayo pinilit magbasa sa mga post ko.
  • Ikalawa, ang ganda kaya ng blog ko. Hindi nyo lang magawang i-appreciate kasi iba ang taste nyo, ok?
  • Ikatlo, kung follower/s ko kayo, auto-unfollow agad. Di kayo kawalan.
  • Ikaapat, Sinabihan nyong walang kwenta yung blog ko, yung sa inyo ba may kwenta?!
  • Ikalima at pinakahuli, ulitin mo yung unang-una.

Ang dami kong sinabi e wala naman talagang tumatambay sa blog ko. Feeler kasi! Hahaha. Ok.

I’ve been backreading RDJ Advises Chris Evans on his Life Choices and I actually thought to myself “Wow, Chris has really come out of his shell” before remembering I wrote them all and then it got a little weird