baby babe babe

Mahal kita kahit na mainit ang ulo mo. Mahal kita kahit na gusto mo manakit ng tao sa sobrang frustration mo. Mahal kita kahit gaano ka kaingay. Mahal kita kahit na lagi kang nakasigaw. Mahal kita kahit na lagi kang busy at pagod. Mahal kita kahit na ayaw mong tumayo sa umaga at kahit na gaano ka kahirap gisingin sa umaga, dahil sobrang puyat ka sa gabi. Mahal kita kahit sobrang galit ka at kahit ako ay itulak mo pa. Mahal kita kahit gaano katigas ang ulo mo. Mahal kita kahit na hindi ko minsan maintindihan ang gusto mo. Kahit na gaano mo ako itulak palayo o kahit na gaano ka pa lumayo, hihilahin kita pabalik sa akin at mahigpit na yayakapin. Mahal kita at di ako magsasawang iparamdam sa'yo na nandito ako minamahal kita, kapag pakiramdam mo walang nagmamahal talaga. Mamahalin kita kahit na hindi umaayon sa plano ang mga pangyayari sa buhay mo. Mamahalin kita sa mga panahong pakiramdam mo, gumuguho na ang mundo mo.

Mahal na mahal kita, kahit na tingin mo sa sarili mo ay isang malaking disappointment. Mahal na mahal kita kahit pinagdududahan mo ang sarili mong kakayahan. Mahal kita kahit nawawala ka sa sarili pag minsan. Ako ang magmamahal sa'yo kapag hindi mo magawang mahalin ang sarili mo. Ako ang magiging tahanan mo, ang tagapag-alaga ng puso mo, ang motivation mo. Ibibigay ko lahat yun at marami pang iba. Mamahalin kita kahit na anong mangyare, at hindi na yun magbabago pa.