babae ba ako

Si Lamok At Si Pekpek Short
  • Kanina nang naglalakad ako may sumusunod sa aking matandang babae na nakapekpek short kaya naisipan kong pumasok sa 7/11 sa may Malibay dito sa Pasay.
  • Para bumili ng ice cream na tag-20php dahil sa sobrang init at ako'y pawis na pawis.
  • Habang nasa loob ako ng 7/11, nakita ko rin siya sa loob at tingin pa rin siya nang tingin pero hindi ko napinansin.
  • No'ng nasa counter na ako, nagulat na lang ako kasi nasa harapan ko na siya pero may mga bitbit na ito. Siguro bibili (sa isip ko), kung hindi ako nagkakamali nasa 40's na siya.
  • LAMOK: Excuse me po, napansin ko lang po kanina pa kayo sunod nang sunod sa akin?
  • BABAE: Ay! Sorry, iho... kung ganyan naging reaction mo. Naalala ko lang kasi ang anak kong namatay n'on napatingin ako sa'yo.
  • LAMOK: Ay naku! Sorry po, may maitutulong po ba ako?
  • BABAE: Puwede bang sabihan mo ako ng "GOODBYE MA" pag labas ko dito?
  • LAMOK: Ay! `Yun lang po ba? Ok sige po maliit na bagay.
  • Lumabas `yong babae tapos sumigaw ako ng "GOODBYE MA", pagtingin ko sa counter ay laking gulat ko sa bill na babayaran ko... P300.
  • LAMOK: Teh, ba't ganyan ang babayaran ko, Eh, ice cream lang naman binili ko, ha?
  • CASHIER: Sabi kasi n'on babaeng umalis ang anak n'ya raw ang magbabayad.
  • LAMOK: Ay hindo!t Patay tayo diyan! Naisahan na naman ako. Grrrr!
  • LESSON:
  • Huwag basta-basta nakikipag-usap sa mga taong hindi mo kilala lalo na kung tila kahina-hinala ang kilos nito na nakbuntot sa`yo. At lalong 'wag ka basta-bastang naniniwala sa mga kuwento namula sa mga taong `ngayong mo palang nakita ang mukha nito.
  • Sa panahon ngayon, marami ng kadramahan para lang makapaglinlang ng kapwa.