ayos mo

Naniniwala ako na kapag the feeling is mutual ay may adjustments at mga sacrifices na kailangan gawin. We don’t need to be selfish dahil may dahilan bakit kayo nasa relasyon. Pwede kayong magtulungan. Wag natin itaboy ang isang tao dahil minamahal ka lang. Pwede kang magsabi ng mga paraan para maging ayos ang lahat. Pwede mo i-notice yung mga simple efforts niya at learn to appreciate. A simple thank you ay okay na rin. Super laking factor ng thank you at appreciation sa relationship.
—  Rhadson

arvin-savage  asked:

Sayo ba Malaki ?😂 Haha

1. Nakakababae ka na
2. Malaki man o hindi, wala ka na dun
3. Baka gusto mong imaginine kita habang sumusuntok ako sa punching bag ko? :)
4. Kung wala kang magawa, please wag ako yung guluhin mo
5. Marunong ka bang rumespeto?
6. Alam mo, ayos ka naman e. Mapag-suggest ka pa nga ng movies kaya hinahayaan ko lang na kausapin mo ko kahit ganyan ka.
7. Sorry kung maoffend ka man kasi naka-public to.
8. Mabait ako sa mabait pero mas savage ako sa savage.
9. For the sake of answering your question, hindi. Hindi malaki. Insecurity ko yun.
10. Imma block you so boy bye

TSAMU 2015 Nakakamiss!!
*Tumblr Summer Amazing Meet-Up

Kinalkal ko yung mga pics na nakasave sa laptop ko tapos nakita ko to. Ahaha biglang nag flash back sakin ng mabilisan yung mga memories ko dito sa Tumblr. Yung may mga tumblr buddy pa ko, yung ang daming pakulo ng mga famous, yung kahit abutin ka ng ilang oras kaka ayos ng blog mo okay lang. yung updated lagi ang BGM mo. Saka na mimis ko din yung Tumblr-KADAs na may mga pakulo every day kaya sisipagin ka talaga mag blog. Yung tiping every other month ata may meet-up. TSMU, TSAMU, TBTSMU, TSBMU, at kung ano ano pa! pati nga Halloween pinapatos non eh. Tapos na uso din yung fansign. Pag may famouse na ang follow sayo sa sobrang tuwa ng iba naka printscreen pa at ibBlog. Nauso din yung pag gawa ng mga personal GIF at dumating din yung time na halos lahat naging singer kaka gawa ng mga covers. Ahahah. Lumaganap yung mga lovers at love guru. Pati yung mga away na tumatak sa tumblr na alala ko. Hays. Ang bilis ng panahon. ang dami nang nagbago.

Yung TSAMU 2015 and pinaka huling Meet-up na napuntahan ko at pinaka amazing! kasi ang daming pumunta! From South, North, East at West! Nakakalunod yung happenings. Ang Saya ng lahat. Yung tipong pag di ka feeling close maiiwan ka. Ahaha. Kaso naging busy na sa life ang karamihan at isa na ko dun. Di ko na mahanap yung iba lalo pa nung bigla na lang di ko ma-access yung original account ko since 2009 nung Jan 1 , 2016. Iniyakan ko talaga yun at sinumpa ang Tumblr pero heto pa din ako. Balik loob sa tumblr. Ewan ko ba, di ko talga kayang mawala ang tumbr kahit na minsan dumadating yung time na hindi na ko ganon ka active. 

Hays Tumblr. Ang dami mo nang ma contribute sa memories ko. Sana Dumami pa lalo ♥

Minsan, hindi mo alam kung normal pa ba ‘yong mga nakikita mo. Kung ayos lang lahat at tatanggapin mo dahil sa nangyari na. Minsan, kapag mas pinili kang saktan,minsan mapapaisip ka kung hanggang dulo ka pa ba lalaban.

Mahirap kapag 'yong taong pinaglalaban mo eh tinataboy ka, mahirap kapag 'yong taong ginagawan mo ng paraan manatili sa 'yo e gumagawa na rin ng paraan para mapalayo ka sa kanya. Minsan, magugulat ka na lang na 'yong taong sobrang ayaw kang saktan dati e siya na 'tong gumagawa ng mga bagay na kahit kailan hindi mo maiisip na gagawin sa 'yo. Iyon siguro ang masakit sa parte ng mga taong sobrang nagmahal. 'Yong iniintindi mo 'yong mararamdaman niya, pero sila walang pake sa pwede mong maramdaman. Unfair, pero may magagawa ka ba? Mahal mo 'yong tao e.

Tatagan mo lang loob mo. Makakatulog ka rin ng maayos at gigising na nakangiti na walang inaalala na baka masaktan ka ulit.

Para sa akin, mahalaga ang oras. Kapag binigyan kita nito, ibig sabihin, mahalaga ka sa akin pero kapag nagbigay ako ngunit sinayang mo, ayos lang sa akin. Hindi ka na nga lang makakatanggap nito uli.

Sa mga naging rebound diyan. Ayos lang yan. I mean, ayos lang kasi nalaman mo agad na hindi sila ang taong para sa ‘yo. Maaaring naiparamdam niya sa 'yo na mahal ka niya pero sa huli dun ulit sila sa nakaraan nila pupunta. Minsan maging thankful na lang din dahil naging honest sila at hindi na niya pinatagal ang relasyon niyo.

Minsan kasi mapapaisip ka na sobrang imposibleng mangyari kasi super sweet at parang ayaw ka rin niya mawala e no? Wala e, ganyan talaga at hindi mawawala yung ganyang tao. Wala ka namang magagawa diyan. Minsan nagiging makasarili ang tao at madalas ikaw naman ang nagiging biktima.

I live to love.

Ano nga ba ang purpose natin sa mundong ito? Para sa akin, ang number one purpose ng tao sa mundo ay ang magmahal. Nandiyan na lahat eh - respeto, pagtitiwala, paggalang, pagpapasaya, pag-unawa, pagpapahalaga. Lahat nasa pag-ibig na.

Ang sayang magmahal no? Makita mo lang siyang nakangiti, ayos ka na. Malaman mo lang na maayos ang kalagayan niya, okay ka na rin. That’s love. Walang hinihinging kapalit. Walang panghuhusga. Walang ibang pansariling interes.

Nasasaktan man tayo sa mga pag-ibig na nababalewala, sa mga pagmamahal na hindi naa-appreciate, masakit man, patuloy pa rin. Patuloy pa rin tayo sa pagmamahal sa mga taong nasa paligid natin. 

Kaya ikaw, kapag nasaktan ka, huwag ka pa ring titigil sa pagmamahal. Yan kasi ang purpose mo. Sabi nga sa bible, “Love your neighbor as you love yourself.” 

Pag-ibig. Totoong pag-ibig. 

#LiveToFeel

“Hindi mo kami pinapabayaan.
Minsan nga kahit wala ng matira sa iyo,
ayos lang basta maibigay mo sa amin ang lahat.

Kahit minsan pa ay nagmumukha kang kawawa
ayos lang sa iyo basta kaming mga anak mo ay masunod lang lahat ng luho.

Pangako na mag-aaral kaming mabuti para masuklian lahat ng pagsasakripisyo mo.
Mahal na mahal ka namin Tatay!”

HAPPY FATHER’S DAY TO ALL THE FATHERS ALL AROUND THE WORLD!!!!!!!!!!!

WE LOVE YOU TATAY, TATANG, DADDY, DADI, DAD, FAFA, PAPA, PAPI, ERPAT, AMA, ITAY, TAY, OLD MAN, DE, !!!!!!!!!!!!

(( Manila had one job. ))

Paano nga ba kapag nagmahal ka na? Paano nga ba kung tinamaan ka na? Patawa, ilang beses na ba akong nagblog patungkol sa pagmamahal? Hindi ko na mabilang. Ilang beses na rin ba akong nag-isip tungkol sa pagmamahal? Ilang beses na rin ba akong nag-isip kung ano ang dapat gawin pag nagmahal na ako? Hindi ko na talaga mabilang. Syempre kapag wala pa, handa ka talaga. Syempre kung wala pang nangyayari, alam na alam mo sa sarili mo kung ano ang gagawin. Syempre kanino ka pa ba magkakaroon ng hints sa kung anong gagawin patungkol sa pag-ibig? Malamang sa ibang tao, sa pamilya mo, sa magulang, sa mga kaibigan o kahit sa mga nababasa mo lang. Patawa no? Tingin mo handang handa ka. Tingin mo kaya mo. Tingin mo ayos lang kung sakaling dumating kasi tingin mo nga handa ka. Tingin mo makakaya mo lahat. Mayabang ka kasi. Pero ganun naman siguro talaga. Hindi mo pa kasi natitikman kung ano talaga ang tunay na lasa ng pag-ibig kaya feeling mo alam na alam mo ang gagawin kung sakaling mangyari na.

Pero anong nangyari noong tinamaan ka na? Hindi ka makapaniwalang gumapang ka no? Hindi ka makapaniwalang pati dignidad mo kinalimutan mo alang-alang sa kanya kahit noong una ay talagang paniwala ka na hinding hindi mo kakalimutan ang dignidad mo once nagmahal ka na. Sabi mo pa, pag nagmahal ako hinding hindi ko ibubuhos ang sarili ko sa kanya, magtitira ako para sa sarili ko. Pag nagmahal ako, hinding hindi ko paiikutin ang mundo ko sa kanya. Naalala mo ba ‘yong sinabi mong never kang aayon sa mga bagay na tingin mo hindi mo deserve? Naalala mo? Pero anong nangyari ngayon? Okay lang sayo kahit kakarampot lang ‘yong nakukuha mo. Okay lang sayo na ginagawa kang second option. Okay lang sayo na saka ka lang niya kakausapin kapag wala na siyang makausap. Okay lang sayo. Okay lang. Tatanggapin mo lahat. Kasi ano ba sabi mo? Wala eh, tinamaan ka, nagmahal ka. Sabi mo kasi, mahal na mahal mo siya. See? ‘Yong mga akala mong magagawa mo, ‘yong akala mong mapipigilan mong mangyari ay hindi mo nagawa.

Wala naman kasi talagang exact precautions pag nagmahal ka na. Walang eksaktong gagawin once tinamaan ka na. Walang cheat sheets. Walang rules na kailangang sundin. Pag nagmahal ka, doon mo na rin madidiscover sa sarili mong may kaya ka palang gawin. Doon mo na malalaman kung ano ang kaya mong ibigay, lunukin, kalimutan at baguhin pag tinamaan ka na. Ang akala mong hindi ka selosa pero pag nagmahal ka, selosa ka pala, minsan malala pa, minsan nakakasakal na. ‘Yong akala mo hinding hindi ka mawawalan ng panahon at atensyon sa mga kaibigan mo, akala mo lang pala, kasi ang totoo hindi mo na kayang pigilan ang sarili mong paikutin ang mundo mo sa mahal mo ngayon. Minsan maiiyak ka na lang sa sobrang laki ng pagmamahal mo para sa isang tao. Na kahit magmukha ka ng tanga, magmukha ka ng walang pinag-aralan, na kahit minsan hindi mo na kilala ang sarili mo dahil sa lintik na pagmamahal na yan, sige ka lang ng sige kasi ano pa ba? Nagmahal ka lang naman. Nagmahal ka lang naman na kahit ano ay gagawin at magagawa mo para sa kanya.

Nakakatuwa ang salitang ito. Such a negative word. Meaning may problema. Pero alam mong malalagpasan mo. The answer to the problem is daanan mo lang. So the best way to answer ang salitang may pinagdadaanan is to walk it fast.

Ang problema lang sa atin, kaya naman talaga nating pag daanan pero anong ginagawa natin? Ginagawhan pa natin ng tirahan at dun pa tayo tumitira at nag tatagal.

Hindi dapat ganun! Ang problema dinadaanan hindi tinatambayan. Make yourself a path sa ikaka ayos ng sitwasyon mo.

Sa mga may pinagdadaanan, kaya niyo yan.
Daanan niyo lang at huwag tambayan. ^_^

Ilang isang minuto na ba ang nasayang mo?

Try mong umupo lang diyan ng isang minuto. As in, upo ka lang. Tapos wala ka talagang gagawin. Titigan mo lang ‘yung clock mo diyan sa desktop mo na gumalaw.

Gawin mo muna tapos tsaka mo i-tuloy ang pagbabasa… o kung atat kang magbasa, laktawan mo nalang 'to. Pero maghintay ka nalang kasi ng isang minutong walang ginagawa dahil highly recommended 'yun.

Ayos na? Tsaka mo talaga tunay na mararamdaman na kung gaano katagal ang isang minutong walang ginagawa. Pero sa totoo lang, sayang 'yung isang minuto na 'yun dahil 'yung isang minuto na 'yun, 'di ko na maibabalik sa'yo kailanman. Tipong sa buong mundo, marami na nangyari sa loob ng isang minuto pero ikaw, wala kang ginawa no'n — Chillin’ like a villain.

Kung iisipin mo rin, ilang isang minuto na ang dumaan sa buhay mo at sa buhay ko. 22 na taon na akong naninirahan sa mundong ito at ilang isang minuto na ang dumaan sa buhay ko ngunit wala pa akong napupuntahan, wala pang napapatunayan at maraming nasayang na isang minuto sa buhay ko.

Ang isang oras na walang ginagawa ay 60 na isang minuto [obviously] na walang ginagawa. Kung alam mo 'yung feeling kanina na walang ginawa ng isang minuto at nasayang, paano pa 'yung 60? E kung isang araw? Isang linggo? Isang buwan? Isang taon? Buong buhay mo?

Ang tawag sa babaeng baboy ay bagirl.

Sa tuwing sumasapit ang madaling araw, iisa lang naman ang pumapasok sa aking isipan, ikaw. Dahil sa laban ng aking utak at puso, nangingibabaw pa rin ang pagmamahal na aking inalay, sayo. Pagod man ang aking isip at katawan, binigyan mo pa rin ako ng lakas, salamat. Nawala ka man sa aking tabi, ayos lang dahil binigyan mo ako ng pag-asa para makayanan ang lahat, paalam.

BALLPEN.

Ang buhay parang pagsusulat gamit ang ballpen, kapag nagkamali ka, hindi mo na mabubura.

Madalas nating marinig ‘tong kasibahan na ‘to. Marami na ang nagsabe na ang mga pagkakamali mo, hindi mo na mabubura. Ang tanging magagawa mo na lang, ayusin yung pagkakamali na ‘yon. Kaya lang may mga pagkakataong parang kahit anong ayos ang gawin mo, wala pa rin. Unti unting nasisira na parang lahat naaapektuhan. Parang tintang nagtatae na sinisira yung gawa mo. Yung kahit anong gawin mo, parang mali na lahat. Parang wala ng tamang nangyayari sa buhay mo.

Ano bang magagawa natin sa mga bagay na tapos na? Diba magsimula ulit? Yun lang naman yung magagawa natin e. Ayusin kung anong nasira. Kung hindi na maayos, gumawa na lang ulit ng bago. At sa paggawa ng bago, dapat maging maingat na tayo. Dapat alam na natin kung ano na ba ang mas tamang dapat gawin. Kung ano man ang pagkakamali non, sana gawin nating isang lesson o gabay sa bawat pagharap natin sa araw araw. Hindi yung nasira na nga, hinayaan pa natin na mas masira. Nagkamali ka na nga, inulit ulit mo pa. ‘Wag mong habang buhay gawing tanga ang sarili mo. Hindi ka naman nabuhay para jan. ‘Wag kang tumigil kasi wala namang maghihintay sayo. Ang buhay mo, umiikot sayo at hindi sa ibang tao. 

Hindi naman porke ballpen ang gamit mo, hindi mo na pwedeng ayusin yung mali mo. Hindi lang naman sa ballpen umiikot ang buhay mo. Merong mga nakareserbang papel para magsimula ka ulit. HIndi mo man mabura, pwede mo namang simulan ulit.