ayoko eh

“Pero hindi iyon yung pinapakita mo.”

I want to stop whatever it is that’s happening between us. Hindi talaga ako pang-relationship na tao eh. Nakakainis lang. Anyway, we had our talk earlier. Sinabi ko na hindi ko talaga siya gusto pero ayan yung sinabi niya, na iba naman daw yung kinikilos ko sa sinasabi ko. Ayoko talaga eh. Hindi ko pa kaya. Pero what should I do? I just want us to continue being friends kahit na alam kong imposible kasi nga nasaktan ko yung tao. Ayoko talaga yung feeling na may taong masama yung loob sa'kin. Ang hirap kasi. For sure hindi na siya papasok bukas at hindi na niya ko kakausapin. Gusto ko ‘to ‘di ba? Kailangang panindigan.

WHEN MANONG ASKED, “SAAN ANG BABA?”

1. “To infinity and beyond!”

2. “Sa pinakamalapit na McDo. Kakain ng burger tapos magmomove-on.” 

3.  “Kahit saan manong tutal wala namang patutunguhan ang buhay ko.”

4. “Kasasakay ko lang pabababain niyo na agad ako? Pasasakayin tapos sa huli iiwanan din? Pare-pareho kayong lahat. PARAAAAAAA!!!! ”

5. “”Kapag sinagot ko po ba yan, libre na pamasahe ko?”

6. “Ah jan lang ho sa bertdeyan ng pinsan ko may konting inuman.”

7. “Bakit niyo tinatanong? Getting-to-know each other ito ‘no? Tapos ano, magkakadevelopan, magiging tayo tapos sa huli bubuntisin mo lang? Tapos mag-isa kong palalakihin ang mga supling natin? Gago ka pala eh! Hinde. Ayoko!”

8. “Dun po sa lugar na walang mga panget.” *looking to all the pasaheros*

9. “13° 47’ 0" North, 121° 2’ 0" East to be exact. 

10. “Diyan lang po sa may boundary… ng friendzone.”

11. “Depende po kung saan bababa itong cute na kaharap ko.” *sabay buka ng legs*

12. Dun po sa Hopeless Place ni Mareng Rihanna so I can find love din.” 

13. “Thank you for that wonderful question Manong. But i do believe that we find love right where we are so bababa na po ako ngayon. That would be all. Thank you.”

14. “Purok 7. Block 5. Kalye Pinaasa. Barangay Sinaktan Walang Forever. Magbbreak din kayong Lahat!!!”


Tapos kapag inabot na ni Manong ang sukli, sabay sigaw.

“#CHANGEISCOMING!!!!!”

7

last friday!! i forgot to post this pala :))

anyways ayon, 1pm uwian na eh kaso ayoko pa umuwi so tumambay kami ni Janine sa rotonda naghahanap ng mahahatak gumala at ng mapupuntahan. nag heart-to-heart talk na din kami while waiting and all that hahaha 2pm ayon nahatak namin si Paulo tapos nag Tagaytay kami!!! supposed to be Ground Zero kaso 3pm pa bukas, so nagSerin na lang kami. nag late lunch, umikot tapos nag joyride lang sa tagaytay hanggang Mendez. tapos pabalik sabi ko mag Starbucks kami sa Magallanes (lowered kasi yung dala ni Paulo so di kami makapag downhill at mcdo tags-calamba)

ayooon masaya naman hahaha 6ish pm bumaba na kami ulit. nagkwentuhan lang kaming tatlo sa starbucks. naging habit na talaga namin yan nag magSB pag nasa tagaytay… parang yan nga yung Corniche namin eh tapos SB hahaha saudi days!

may kasunod pa to –Sta. Rosa ;)

I’ve been listening to Ligaya by Eraserheads non-stop!!!! Yung tricycle kasi na nasakyan namin nung isang araw sobrang ganda nung mga songs (pinakanta Ligaya) as in ayoko na bumaba non eh :( hahaha :( tas ayun kanina sa classroom paulit-ulit kong kinakanta kahit na sobrang shitty ng boses ko boi haha and yeah guess what while i’m typing this i’m listening to Ligaya ahahahaha Eheads bakit kayo ganyan 

majefdm  asked:

Hindi ko alam pero gusto kitang yakapin. Feeling ko sobrang pain na yung nararamdaman mo, and ayoko yun. Alam ko eh. Ayokong nararamdaman ng ibang tao. :/

P.S. Higpitan mo yung yakap ha? As in yung sobrang higpit. :(

Ayoko na 😭 kahirap pala netong ap huhu. Di ko inexepect jusko. Andaming names na dapat sauluhin.

Bakit kase kailangan ko pang tandaan etong mga pangalan na to? Mga patay nanaman sila eh jusko. Mabubuhay ba sila kung maaalala ko ang mga pangalan nila? Hindi naman eh. Pahirap lang ‘to eh huhu

Ang aga ko antukin, tapos mejo nakatulog na din ako kanina. Haha

Napagisipan ko ng mabuti papanoodin ko, mag k-drama muna ulit ako. Itutuloy ko muna yung goblin. Kasi naman yung pamangkin ko binigyan ako ng copy ng mga kdrama kanina: oh my venus, cheese in the trap, at cinderella and four knights at yung DOTS. Eh andami ko pang papanoodin. Medyo puno na kasi yung memory ng laptop ko ng anime. Tapos nasira yung external drive ko. Eh ayoko idelete yung mga anime ko kaya papanoodin ko na yung k-drama para madelete ko na agad. Pero dahil gabi na. Bukas na ko maguumpisa.

Haha. Ge. :)

AWARE KAYO NA MAHAL KO KAYONG LAHAT DIBA

inspired ‘to sa balak ni @yhviia na magdrawing ng henlu fandom group pic, yung lumang 20 beautiful people challenge noong sinaunang henlu-on-tumblr days, at sa napulot kong dalawang balutan ng tablea sa bahay:

PLS SA PASKO GAWA TAYO NG THREAD NG MGA SELFIES NATIN WITH HOT CHOCOLATE

SHOUTOUT SA TEAM BAHAY, STRICT PARENTS SQUAD, AT TROPANG PROBINSYANA. 

ayun di man tayo magkakapiling at malayo pa man ang araw na magkatipon-tipon tayong lahat, sana sa kahit sa internet lang magkita-kita tayo. hot chocolate party ganun.

ayoko mang maging sentimental eh wala akong magagawa 4 months na ako sa pesteng fandom na ‘to *luha effect* at kahit di tayo naging ganun kaclose eh basta nagagalak lang ako’t nakilala ko kayong mga hayup kayo

PAKIKALAT NA LANG ‘TO PLEASE, GUSTO KO KAYONG MAKITA LAHAT. SALAMAT! :))))))))))


UPDATE:

1) ayan dahil marami sa inyong may trust issues/ sadyang di kayang magpost ng mukha nila sa internet:

OK LANG KAHIT DI KASALI MUKHA NYO SA FRAME.

OKS LANG DIN KUNG KUNAN NYO NA LANG NG PICTURE YUNG TASA NYO NG OVALTINE.

basta dama namin presensya mo sapat na!

2) hatinggabi ng 24 natin sisimulan ang thread mga kapatid ;))))

3) ano ba gusto nyo thread? submit sakin? individual posts tas may hashtag?

ayoko sa PBB!

ayoko lang. parang di naman totoo ung tagline nilang “teleserye ng totoong buhayminsan madalas kase halata namang tinuturuan din sila ng kung sino man. at eto pa ang napaka obvious, madalas ‘yung mga nakakapasok sa PBB eh mga may kakilala nadin sa showbiz, “may kapit” ika nga nung iba. kaya madalas lokohan nalang din yang PBB na yan. mas ok pa manuod ng noon time show! hahaha :D choz 

pero syempre pag may gwapo, baka manuod nadin ako hahaha

2

Tangina talaga ng kapatid ko eh binigyan nya kasi ako ng stik-o

John : Kuya, sayo nalang ‘to oh ayoko na eh.

Me : Naks, Ang bait naman osige lapag mo nalang dyan kainin ko mamaya.

*bumaba sya at tumakbo palabas*

Tapos ayun kinakain ko na sya habang nag ta-tumblr tapos tangina bakit kaya ang anghang nya? may limited edition na ba ng stick-o na spicy flavor tapos tiningnan ko bakit may nakausli na pula? tapos yun pala may siling labuyo na nilagay at isiniksik sa loob ng stick-o huhu pagbalik mo talaga dito sa bahay may kaltok ka sakin hays. hirap na talaga magtiwala ngayon eh dejoke lang ahuhuhu feeling hot ako ngayon kasi sobrang anghang parin leche.

Pwede bang mainlove naman ako dun sa taong pwede ding mainlove sa akin? Hindi yung lagi akong naiinlove dun sa mga taong wala naman akong pag-asa tapos sila pa yung sisihin ko kung bakit ako nasasaktan ngayon pero ang totoo kasalanan ko kasi napa-rupok ko pagdating sa pag-ibig. Tang ina! ayoko ng masaktan eh kasi walang taong nasasanay sa sakit, masasaktan at masasaktan ka pa din.