ayii16

8

MQwentuhan tayo mini meet up 2013. Nag enjoy ako super thank you sa lahat ng mga nakasama ko. Im so blessed makasama  kayo and makilala kayo. Thank you din sa mga organizer. Yung mga babae, sila shi? bayun? yung Foolish16 siya talaga kilala ko e. Tapos si tey, alien saka yung dau mabalacat girls and dion saka si pau? kalimutan ko yung iba :( pati pala si cess.

KWENTO:

So dapat talaga hindi na kami pupunta kasi halos lahat di pinayagan. Tumawag saken si bria sabi nya hindi na siya tutuloy kasi masakit pakiramdam nya yung kapatid ko naman ayaw na din umalis kasi nagtitipid siya dahil may pasok na siya bukas. Tapos insert drama ako sabi ko “punta tayo minsan lang to etc” So nahabag sila at nag si bihis din at gumora na kami sa Marquee Mall.

Pag dating namin dun nakita namin agad sila sa may park, naka upo sa grass, nakaikot sila tapos kwentuhan, medyo tahimik nga e, tapos pag ka kita ko kay ate dee sabay hi ako tapos nag hello na ako sa lahat. PAMPAM nga daw ako sabi nila. HAHAHAHAHA. After that naghintay pa kami ng mga darating then sumunod na sila Gino, Marj and Justine and etc.

Then binigyan nila kami sticker for our name. Then nag start kami dun sa 1st impression, susulat mo kung ano yung 1st impression ng bawat isa, syempre umulan ng compliment dyan, yung sa mga kakilala ko nga puro negative nilagay ko, maiba lang. tapos pag kabalik ng paper ko halos lahat ng nakalagay saken ‘NAKAKATUWA" KENGKOY"  “FUNNY” Now I know Im really a clown. lol

Pag katapos nun yung 2nd game namin yung ididikit yung sticker dun sa parts of the body, Mga parts of the body na nag sstart sa letter na sasabihin, paramihan ng points, but before kami nag laro may cheer ang bawat group. Feeling ko yun yung nakakatawang part. Grabe yung mag cheer namin “CHEERLESS” Nung nag start na yung game, ayun super dikit daw ng sticker haha. Ako nga yung unang model, lahat ng parts na maisip namin nakakaloka lakas “MAKABASTOS” May part na nag lead kami sa score but unfortunately hindi kami nanalo, Hirap kasi nung parts of the body na nagsstart sa letter R. So hindi namin na uwi ang Stick O. HAHAHAHA.

Lastly we went to KFC kasi daw sawa na sila sa Mcdo pero ano tong eksena na to, na sa KFC kami pero yung iba nag order sa Mcdo hindi talaga matiis. hahaha! Tapos humabol si ced, chumika, nawindang kami sa mga chika nya. Then nag patulong si Zac hanapin yung car nya na hindi nya alam saan nya na park. Kaloka. HAHAHA


Actually I have so much to say pa, pero after makita ni zac yung car nya we went back sa park tapos chumika pa kami hanggang gabi. Tapos umuwi na :>

MRT SCANDAL.

Yung feeling na 1st time kong sumakay ng MRT tapos may umutot pa na sobrang bagsik as in killer fart lol. Tawang tawa kami nila aki and belle, na amoy ng buong tao sa area namin, tapos lahat nagtakip ng ilong at nagpipigil ng tawa kasi naman sobrang imba yung utot haha! Tapos pag ka bukas pinto ng MRT may sumigaw “Hinga Hinga din pag may time” Tapos nag tawanan  lahat sa MRT hahahaha! Solid lang talaga. :>

10

Finally nakasama na din namin ang isa sa pinaka sexy at pretty na bebes si bebe chelle. Super bonding kami sa mall parang reunion lang ang nangyari, kahit 1st time pa lang namin na meet si bebe chelle parang ang tagal tagal nanamin magkakakilala. Iba talaga ang bebes. Once na bebes ka nagkakaisa sa lahat. Hahaha. Pumunta kami sa J.CO at dyan kami nag kwentuhan, baliwan, LULU. at marami pa. Nahihirapan ako mag kwento sobrang dami kasi nangyari eh. Pero isa lang alam ko. Masaya kaming tatlo ♥ Aki. Chelle. and me :>