ay ikaw lang pala

Pinakilig. Araw araw kayong nag usap, hanggang mahulog ang sarili sa taong sandali lang nakausap. Sarap sa pakiramdam makatanggap ng pa fall na salita, hanggang sa ikaw ay napa isip na niloko ka lang pala. Hindi namalayan na pampalipas oras ka lang niya, dahil sinayang ang oras sa taong mapansamantala. Kaya ngayon sakit sa pakiramdam ang nakuha dahil akala mo'y totoo, ang hindi mo alam ay pinakilig ka lang pala.

Kinilala, Pinakilig, Iniwan. Karamihan ganito palagi ang problema kung bakit mabilis masaktan dahil sa attachments at sa kilig na nagaganap. Nakilala mo lang siya at nag usap kayo, pakiramdam mo na magaan ang loob niyo sa isa’t isa dahil sa kung paano kayo mag usap. Hanggang sa araw araw ng kinausap, araw araw na na-hulog ang loob dahil sa sarap ng usapan. Pakiramdam mo’y parehas kayo ng nararamdaman sa isa’t isa, pero nag kaka-mali ka. Ikaw lang pala ang nahulog sakanya pero siya naman ay hindi ka kayang saluhin. Kaya’t iniwan ka nalang basta basta na para bang walang nangyari.