ay ang galing

3

Minsan, pakiramdam natin alam na natin lahat, na sa dami na ng mga napagdaanan natin ay ang galing na natin. Pero ipa-rerealize sa atin ng mundo na hindi pala.

Na marami ka pa palang hindi alam. Na ang bobo-bobo mo pa pala. Na hindi ka naman pala laging tama. Na masasabi mo na lang, “ pucha, ganito pala ako katanga?” Masakit pero totoo.

At sa oras na inisip mo na magaling ka na, doon lang matatapos ang pagnanais mo na matuto pa ng ibang bagay. Doon hihinto ang pagnanais mo na tumanggap ng iba pang kaalaman.

Dahil ang buhay ay isang mahabang proseso ng pagkatuto. Nasa sa iyo na lang kung hahayaan mong lamunin ka ng mapanlinlang na mundo.

Salamat sa mga pagkakataong tulad nito. Habambuhay kong gugustuhing matuto.