awfuldudung

Every Blog Deserves to be Followed.

Aminin man natin at sa hindi ay kailangan talaga ng followers. Unang una bilang sila ang ating magiging mga mambabasa at pangalawa maging kaibigan natin sila. Bonus pa nga minsan na may nagkakatuluyan.

Eh bakit nga ba kailangang may followers ? Syempre para may makabasa nung mga pinaghirapan nating isulat. Tsaka para may makaappreciate ng kada letrang binuo natin para maging blog entry. Haha medyo malalim.

Pero eto lang talaga. Lahat tayong blogger may mga tinatagong brilliant idea na dito natin sa tumblr o kahit sa ibang blogsite nailalabas.

Yung mga brilliant idea na yan ang dapat na nababasa ng bawat followers natin. Kasi paniguradong kapupulutan nila ng aral ang bawat blog entry o kaya naman inspirasyon.

Pero di naman talaga bilang ng mga followers mo ang mahalaga. What really counts is your readers and those who appreciates every blog entry you post. Wala kasing kwenta na marami kang follower pero di naman nila pinapansin mga sinusulat mo.

Parang tinanggap nila yung binigay mong tinapay pero di naman nila kinain. Sayang. Di man lang nila maa-absorb yung sustansyang meron yung tinapay na binigay mo. Di man lang sila makakapulot ng bagong kaalaman dun sa sinulat mo.

Bonus na din na magkaroon ng mga notes ang kada entry mo sa blog mo.

Lahat ng Blog kahit ano pa mang uri yan personal o photoblog man kahit porn pa eh kailangan ng followers na makakaappreciate ng bawat entry na ipopost nila.

URL: http://awfuldudung.tumblr.com/

BLOG: Simple lang. Picture niya ang background. With BGM.

Your tumblelog (residing at awfuldudung.tumblr.com) is called Insaned Thoughts and given the description “Lost Soul | Born Under Leo | 17 | Hopeless Romantic | Future Media Practitioner | Theater Actor | Dancer | Bathroom Singer | Professional Mirror Model | Narcisstic | BulSUan | Blue Personal ang Blog na to. Pawang mga kasabawan ng utak at pagmumukha ko ang kadalasang makikita mo. Hindi ako SNOB i-TA mo lang ako para magkausap tayo. Nagbibigay ako ng payo pero nasa iyo na yun kung susundin mo. Mabait ako. Nagmumura. Matakaw. Huwag ka sanang maumay sa mukha ko :D”.

BLOGGER: Mabait tong si Kuya Dudung. May sense and masayang kausap. Maaasahan sa mga advices. Mabuting kapatid :)

You have been an active tumblelogger since Tue, 29 Dec 2009 and overall you have made the total number of 1744 posts. Your last post was on Sun, 17 Feb 2013. That means 1.52 posts were made per day, and in case you haven’t noticed, your tumblelog is 3.14 years old.

MESSAGE: Hi Kuya! Thank you sa mga advices ha. Stay kind. Stay handsome. Stay awesome :)) At pahabol, oha. dami mo kalook a like, tanggapin na lang kasi. haha :D Ingat palagi. God Bless :*

DB

http://awfuldudung.tumblr.com/

Theme : 

sobrang cool at cute. halatang pinag-isipan  talaga. Hindi basta basta nalang nilagay dun, yung  tipong madami siguro syang kinunsulta bago sya  makapag decide kaya sobrang OK nung result.

Blog:

napaka straight forward. Yung pag nag backread ka lang ng unti, makikilala mo na agad yung blogger. May mga reblogs din. May mga blogs na malalim yung pinaghuhugutan. Mahilig din syang magpost ng mga pictures and stuffs :)

Blogger:

Nice and approachable sya pagdating sa mga TA. Kasundo ko to kasi pareho kamin ng course at broadcasting din major nya.  Pogi to.. self proclaimed hopeless romantic and bathroom singer daw na wala naman sa itsura .. Mukang matalino.. yes! san ka pa?

Message :

ey DUDE! nice meeting you :) wish granted. eto yun e.. dahil mabait ka sakin kanina at dahil kakarakas kita. para sayo to. Stay nice and keep your faith :) Sana maging close pa tayo. Pag may tanong ka tungkol sa course natin TA mo lang ako. God bless you always I’ll be praying for you and keep safe. KUDOS!!! 

– ate haYELL

Putanginang Kahapon.

Di naman talaga lahat ng nangyari kahapon eh di maganda sa totoo lang nag enjoy naman ako ng sobra sa pagdayo nung mga katropa ko dito samin. First time na nasulit yung videoke namin. May mga dumadayo kasi dito pero di katulad nung kahapon.

Bakit putangina ? Unang una kasi nga diba kahapon lang ulit kami nagkita nung pinakamamahal kong ex simula nung magbreak kami. Hahahaha. Tropa din naman kasi kami kaya kasama sya. Ang nakakaputangina lang dun eh kasama din yung isa pa naming tropang lalaki tapos para kasing naglalandian sila. Shit ! Magharutan daw ba sa harap ko.

Tapos nung medyo tipsy na si ex kasi ako yung tanggero nilasing ko talaga sya ahaha. Tagumpay pero wala ako din ang talo. Kitang kita ko na sa iba sya sumasandal. Fvck ! Pero sakin naman wala.na yun ego ko na lang siguro na sa iba na sya nakikipag flirt at di na sakin. Case Closed.

Pero ang pinaka kinakainis ko eh di pa kasi alam ng parents ko na wala na kami. Tapos kahapon nakikita nila lahat ng ginagawa namin… Nila. Nahihiya ako kasi parents at mga kapatid ko pa ang nakakakita.

Tapos ayon nalasing din naman ako pano ba naman tatlo lang kaming matatag na umiinom dun sa tatlong set ng shembot. Yung iba naming tropa pashot shot lang madaya eh. Pero buti ako matatag.

Pero nasa huli ang tama nung shembot kaya pagkauwi ko bagsak at di na ko nakapaghilamos. Shit.

Putangina talaga ang kahapon !

Plasticity.

May isang bagay akong natutunan ngayong araw. Kung may problema ka o sama ng loob sa isang tao di ka dapat sabihin mo sa kanya ng harapan kasi walang mangyayari kung patuloy kayong magparonigan at magpaplastikan.

Masyado ng madumi ang mundo. Dagdag pa sa polusyon yung mga taong plastic kaya sana wag na tayong dumagdag pa sa mga yun.

Isa pa mas mabuting magkaayos kayo nung mga taong kaaway mo kesa naman may kagalit ka na nga, dagdag ka pa sa polusyon ng mundo.