at choosy ako

IDEAL GIRLFRIEND: Personality > Looks

Hindi naman ako choosy pagdating sa mga babae. Sadyang mahirap lang talaga kung padalos dalos ka na magkaroon ng relasyon. Kaya kong maghintay kung kahintay-hintay naman talaga kahit pa abutin ng anim, pito, walong buwan, isang taon. Bakit hindi. Mahirap kasi pumasok sa isang relasyong walang kasiguruhan. Wala kang pinanghahawakan.

Maganda. Sexy. Makinis. Matangkad. Matalino. Magaling kumanta o sumayaw. Sikat. Ano pa ba? Hindi ko naman kailangan yang mga iyan. Aanhin ko yan. Tatanda rin naman tayo, papangit din tayo, Kukulubot din ang mga balat natin. Siguro nga kaunti na lang ang tumitingin sa personality. Pero di bale, siguro marami-rami pa naman kami kahit papaano. Ang pagiging simple, walang arte sa katawan, pagiging totoo at pagiging masayahin ay napakalaking factor para magustuhan ang isang babae. Alam ko iba-iba ang mga babae, hindi lahat ganito, hindi lahat ganyan. May kani-kaniyang gusto at ayaw. Babae kasi iyan eh, ganyan talaga. Minsan din masaya, pero minsan moody. Kailangan lang intindihin sila.

Ideal girlfriend. Yung babaeng sasamahan ka sa mga kalokohan, yung babaeng ngingiti lang kahit may problema, yung babaeng selosa (ang cute tignan), yung babaeng kahit hindi marunong kumanta, kakantahan ka pa rin, yung babaeng may prinsipyo, yung babaeng may pangarap, yung babaeng marunong magseryoso, yung babaeng masarap kasama habang buhay.

Physical attributes. Kumbaga sa pagkain ito yung sidedish. At yung Personality. Ito yung mismong main dish.

Kaya ako, ang pipillin ko ang girlfriend ay

Personality > Looks