arko ni noah

MATATAPOS RIN

August 07, 2012. Umuulan na naman.. Ang sarap ng aking pagkakahimbing. Isang tila isang panahong pahinga sa ‘king murang katawan ang nangyari ngayong araw. Paglabas ko ng aking tinutuluyan ay napamulat ang aking mata sa aking mga nakita. Akala ko’y namali lang ako ng tingin. Pero ito’y aking nilapitan at hindi nga ako nagkakamali. Isang tila maliit na ilog ang bumagtas sa Pureza Street kung saan malapit ako tumutuloy. Nakakatakot, nakakakaba, yan ang dapat nararamdaman ko pero hindi. Hindi ko alam kung ano, basta ang alam ko, maraming tao ang lumulusong sa baha, siguro ang mga bata ay lubog na. Susunod na kaya ito kay Ondoy? Di ko alam, basta ang nakikita ko ay delubyo. At dahil wala ngang madaanan, naghanap ako ng makakainan sa ibang lugar. At sa nakita ko, ay may telebisyon, Grabe ang mga binabalita. Tila buong Luzon ay binaha na. Ito na kaya ang pagbuo sa ikalawang arko ni Noah?

Likas na sa ating mga Pilipino na masayahin kaya nagalak ako nung nagpapatugtog pa ang ibang bahay na masasayahing kanta. Tila walang nangyayaring kakaiba sa paligid nila. Siguro kesa nga naman ang mukha nila ay hindi maipinta, ngumiti na lang at hintaying matapos ang tila isang delubyong nangyayari.

Dito masasabing sa kabila ng kadiliman ay may liwanag ka pa ring makikita kahit ito’y medyo may kaliitan. Dahil siguro ang isang maliit na bagay ay kayang makapgawa ng napakalaking pagbabago.

Sana’y maging ligtas ang lahat pagkatapos ng hunos na ito.  At umaasa akong may mgpakitang bahaghari sa kalangitan ng sa simula ay mapalitan kagad ng kasayahan ang magiging dulot ng pangyayaring ito.