aremography

Hahahaha. Ngayon ko lang naisip na pwedeng gawing flash ung “J” dun sa logo. Teehee. Hello There. ~_____~ Natapos ko na yung jersey design kaya sinusunod ko na tong logo. :P Gogogogog.

*Hindi pala yan ung actual colors. saka ko pa aayusin ung kulay pag okay na yung detalye. dahil nakavector naman yung image :)

BINAGO KO YUNG NAKIKITA NYO NGAYON. PWERA YUNG FLASH SA TAAS. LOL. 

Spent 3 hours conceptualizing a simple logo.

3:30 pm ako nagsimulang magisip ng logo design for a photographer. As of now, nakakatatlong baso na ako at apat na packs ng biscuit. At ngayon nagluluto pa ako dahil nagugutom nanaman ako. Matagal ako magconceptualize ng isang bagay dahil sinisgurado kong ineencorporate ko dun yung subject ko. 

kanina pa ako gumagawa dito at nagiisip kung paano. Iba’t ibang concept na din ang naisip ko mula sa mukhang-portrait na logo hanggang sa mukhang-pang-outerspace na logo. Tumingin na din ako sa net for ideas at luckily, marami naman akong nakita at dahil dun lumawak pa lalo yung concept na naiisip ko. 

at sa huli, nakaisip na din ako kung paano ko gagawin. Hehe. Kaya dun sa mga nagsasabing madali lang gumawa ng logo design. THINK AGAIN. Kasi kung gagawa ka ng design dapat nasusunod mo yung limang ito: Simple, Memorable, Timeless, Versatile at Appropriate.