aral muna!

daganator123-deactivated2017042  asked:

Would you ever consider drawing one of the other BTD boys? I'm interested to see what they would look like in your style! (Don't if you're too busy or don't want to,, just curious!)

since im like super biased and cant draw … strade and his greasy hair. . bc iam uncapable of drawing bishounens at the moment lolol have an akira hes a precious i love him..

my 13 year old student: SIR MAHAL KO PO TALAGA E *cries*

me outside: naku madami pa dyan, mag aral ka muna hija. *fake smile*

at the back of my head: AY PUKING INANG IYAN! TRESE ANYOS?! ANONG ALAM MO SA PAG MAMAHAL?!? SAMPALIN KAYA KITA NG SCIENTIFIC NA CALCU NG MA-SOLVE YANG PROBLEMA MO!?!?!?? IPAKAIN KO KAYA TONG DICTIONARY NG MAG KA-MEANING YANG BUHAY MO NG DI PURO LAB YANG NASA ISIP MO?!!?!? PERPEKIN MO MUNA UNG VERB TENSE NA EXAM NA BINIGAY KO?!?!?!

Aba'y ang bata gang iyun ay nakaka-pang galaite e.

  • Nanay : *may nakitang proposal ng lgbt sa facebook* kilala mo ba si ano *insert name*
  • Me : di nay. Bakit po?
  • N : kasi may proposal oh. Same sex. Hala ka, Nauubos na ang mga lalake.
  • Me : Dalian ko na ba nay? La kong boyps HAHAHAHAHA
  • Nanay : mag aral ka muna.
  • Hayyyy yung boss ko HAHAHAHAHA qtsy talaga.

Chinika ako nung driver ng Van hindi tuloy ako nakatulog. Nung una nagtatanong lang sya tapos biglang wag daw muna mag-aasawa tapos aral muna ganern. Saka nalang lumablayp kapag may trabaho na kasi kapag nandun ka na sa stage na yun, sila na yung kusang lalapit charot ni kuya. Preach hahahahaha

Hi Po

Sobrang nakukyutan talaga ako sayo. Ang ganda ganda mo tas ang brainy brainy pa. Pero hindi kita pwede icrush kasi parang little sister talaga turing ko sayo. Yung bang kakargahin tapos lalamutakin sa gigil kind of kapatid dahil sa sobrang cuteness. XD Magtiwala ka lang din sa gusto ng parents mo para sayo, kahit bibihira lang yung parents na ganyan yung support all through out. Para din naman sayo yun kung bakit mas gusto nila na mag aral ka muna kaysa mag work. Once kasi na kumikita ka na ng sarili mong pera, malelessen talaga interest mo sa pag-aaral. Pero tutal gusto mo rin naman yung course na yun, at sinabi naman nila na pag-aaralin ka. Grab the opportunity. Saka ka nalang mag work kapag natapos mo na yung course na yun. Ang swerte mo sa family mo, kaya unawain mo nalang. And kung titignan sa mas malaking aspeto, napakaganda opportunity talaga yan. Ingat ka jan palagi hihihi ;)

hi — twenty-four

punyeta akala ko last na yung kagabi kaso humabol ka pa pero syempre di ko naman pwedeng palampasin ka kasi love kita, yie kiligin ka pls. hahaha sobrang di ko ineexpect na magiging close ulit tayo kasi alam mo na medyo ilang ako sayo noon kasi uhm, alam mo na ulit. hahaha anyway, i’m always here for you no matter what, oki? basta vibe mo lang ako, magrereply naman ako agad. depends nalang kung alam mo na.. hahahaha kidding! goodluck sa studies!!! aral muna, oki? hahaha char, support ko kayo all the way. lumalayag na ship ko gagu. yung ship mo, tumaob na. di na ‘ko umaasa sa kanya, okay na ko na friends kami. mas cute yung ganon. hahaha i love you beh! pasalamat ka love kita kaya kahit tinatamad ako ngayon, tinuloy ko pa rin kasi ikaw nag-ta. ingat ka jan and see you soon! uwi kana ng pinas, please.

To my Future Girl.

Hi. Hahahahah! For now, I don’t have any single idea about who you are but I want you to know na I really can’t stop myself thinking about you. Nagkita na kaya tayo? Nakausap na kaya kita? Kumain ka na ba? Masaya ka kaya sa mga oras na ‘to? Sana okay ka lang, Alam mo lagi akong nag-aalala sa’yo pero tiwala naman ako kay God na hinding hindi ka nya papabayaan kaya ayos lang. Sobrang dami kong gustong ikwento sa mga oras na ‘to sa’yo at dahil hindi pa kita kilala, itatago at iipunin ko nalang sila para pag dumating yung tamang panahon, doon ko na sila ikekwento. Gusto ko ring malaman mo na napakatamad kong tao pero dahil sa’yo, namomotivate akong mag-aral ng mabuti, Pasaway rin ako pero pinipilit ko yung sarili kong magbago para pag dumating na yung tamang panahon, masasabi kong deserving na talaga ako para sa’yo. Sobrang excited na kong makilala ka. Sobrang excited na kong ipakilala ka sa family and friends ko, Sobrang excited na rin akong mameet yung parents mo para makapag-thank you kasi dahil sa kanila, meron yung mundong to ng ikaw. Sobrang excited na kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal. Sobrang excited na kong ipakita sayo kung gaano ka kaimportante sa akin. Sobrang excited na akong mag-effort para sa’yo. Alam ko namang mahaba haba pa yung landas na tatahakin ko bago kita makilala, Alam kong medyo matatagalan pa pero wag kang mag-alala, I will never get tired of waiting for I know to myself na it will be all worth it. Take good care of yourself ha? Wag kang mag-alala, In the future, ako na yung mag-aalaga sa’yo pero sa ngayon, ikaw muna. Kung may hilig ka mang gawin, wag kang mag-alala, kung ano man yan, Suportado kita dyan pwera lang sa pagpatay, pagnanakaw o panghoholdap ha? hahahahah. Sana, suportahan mo rin yung mga bagay na gusto ko sa buhay. Inaamin ko, hindi ako perpektong tao, pasaway pa nga eh… kaya sana matanggap mo rin ako at wag ka sanang mag-sawang intindihin ako kasi ako sayo, sobra kitang iintindihin at hinding hindi ako magsasawang gawin yun kahit gaano mo pa sabihin na sobrang hirap mong intindihin. Sa ngayon, aral muna tayo ng mabuti ha? Sana kahit na hindi pa natin kilala yung isa’t isa, magsilbi pa rin tayong inspirasyon para gumawa ng mabubuting bagay kasi in the future, para sa’tin rin naman yun eh. Mahal na mahal kita at willing akong gawin lahat nang bagay maipakita ko lang sa’yo yun. Kung minsan ka nang nasaktan o may nakasakit na sa’yo, Pasensya na wala ako sa tabi mo para i-comfort ka. Pasensya na kasi hindi kita nagawang resbakan. Wag kang mag-alala, Hindi ako katulad nila at tutulad sa kanila. Takot akong gawin yung mga ganong klaseng bagay, May nanay rin ako, mga babaeng pinsan at kaibigan, iniimagine ko palang na ginagawa sakanila yug mga yun, naiinis na ako at Ayoko rin kasi dumating sa point na in the future, gawin rin yun ng iba sa mga magiging anak natin. Etong blog na to, Gusto kong ipabasa sa’yo to in the future para malaman mo na kahit nung wala pa akong idea kung sino ka, sobra na talaga akong interesado sayo. Again, Ingat palagi, I love you. God bless! Let’s make God as the center of our relationship ha. Ngayon palang na hindi kita kilala, Sobra na akong nagpapasalamat sakanya. Sana ganon ka rin :-) -Makh.

To the guy who's going to love her next....

To the guy who’s going to love her next….

Para sa susunod na lalaking magmamahal sakanya.

– I honestly really don’t know why I’m posting this thing right now pero sa mga oras na ‘to, isa lang yung alam ko, Etong babaeng to. Mahal na mahal ko to. Sobrang importante neto sakin. I’m willing to do everything just to make this girl happy, no doubt. She’s a friend of mine, a great friend of mine, and just a friend of mine. Hindi naging kami, Walang kami at never magiging kami. Hindi kasi pwede eh. She’s too far, She doesn’t deserve long distance relationships. Alam mo yung gusto ko para sakanya? Gusto ko yung malalapit lang. Para they can do everything sweet. A girl deserve that kind of relationship, Yung kulitan, Yung may magb-braid ng buhok nya, Yung may movie marathon, Yung may hatid sundo tapos sasabihin mo dun sa tricycle driver, “Brad, Ingatan mo to ah, Papakasalan ko pa to.” Haha! Yung may mga ganon ba. Hindi yung skype skype lang. Hindi yung tawag tawag lang. Ni muka ng isa’t isa hindi nyo pa nakikita. Hindi ko to niligawan hindi dahil sa ayoko ng ganon kung hindi dahil sa ayoko magkaron sya ng ganong klaseng relationship.She’s too perf for a guy like me. She’s everything and I’m just nothing. I admire this girl so much and I aint sure if she feel the same way too. Maybe she did, once, Pero ngayon? I don’t think so. Haha! Maloko kasi ako eh. If you ever don’t know her that well, Let me introduce to you a bit of her and show you what to do’s because they’re the right ones; Alam mo ba brad, Etong babaeng to, Parang ako lang, Napakahilig mang-asar and at the same time, Sobrang sarap din asarin pero don’t get annoyed kasi ako na mismo yung nagsasabi na sya na ata yung pinakacute na babae sa buong mundo. Ang cute nyang asarin, Ang cute nyang maasar. I honestly could spend my whole life na inaasar lang sya at hinding hindi ako mab-bore dun. Kaya ko yun! Ang saya kasi eh. hahahah. Etong babaeng to, Makwento din naman kaso most of the time ako lang yung nagkekwento dito eh, Pero makwento sya! Gusto ko, Katulad ko, Maging makwento ka rin okay? Ayokong nab-bore sya sa lahat ng magiging conversation nyo. Kwentuhan mo sya ng kahit ano. Kahit tungkol pa yan sa utos ng nanay nila Roberto at Emman, Kahit tungkol pa yan sa mahiwagang bibingka, sa mga super powers ng mommy mo o kaya tungkol sa 'Kung paano magluto ng sinigang na lapis’ hahahahahah. Okay ba? :))) I want you to be funny too. Every girl deserves a guy who’s funny. Gusto ko makita ko to palagi na masaya. Gusto ko makita to palagi na nakatawa. Siguro naman hindi to mahirap pasiyahin eh, Kasi yung mga simpleng jokes ko tinatawanan naman neto! hahahah. Korni din pala to. hahahahah pero cute parin. Wag na wag mo nga lang sasabihing korni sya kasi magtatampo to. Masanay ka na rin kasi aasarin at aasarin ka neto ng bading. Pero wag kang magpapatalo, Sabihin mo dyosa ka, Sabihin mo rin na mas maganda ka sakanya, Itaas mo ang bandera natin, kahit na alam mong wala nang mas gaganda pa sakanya. Pag nagtampo nga pala 'tong babaeng to, Gusto nya yung nif-flood sya. Ewan ko kung bakit pero ayun yung gusto nya eh. Napansin ko lang. Pag nagtampo sya, Suyuin mo, Hindi yung sasabayan mo rin yung pagkatampo nya. Iflood mo, Kung p-pwede wag mong titigilan hanggat hindi kayo nagkakaayos. Wag na wag kang matutulog na magkagalit kayo. Wag na wag mong hahayaang matulog sya ng malungkot, Sasapakin kita pag ginawa mo yun. Seryoso ako. Mahilig nga rin pala to sa mga babies, Sobrang hilig nya makipaglaro sa mga bata, Wag na wag mo tong sasabihang immature o kaya childish dahil dun because I find that so attractive. Sobrang cute nya talaga. Wag na wag ka ring mangkakandong ng ibang babae kasi ayaw na ayaw nya non, Lalo namang wag kang mangbabababae mapakayo man o hindi, Make her feel that she’s the only one. Okay lang yung mafeel nyang marami syang kaagaw sayo pero never let her feel na magpapaagawka sakanila. Alam mo brad, Ang swerte mo dito kasi kahit gaano ka pa kadrama, Kahit gano pa kahaba yung mga sasabihin at ikekwento mo sakanya, Talagang makikinig sya at babasahin nya yung mga yun which is sobrang nakakatuwa. Sana lahat ng tao ganon no? Swerte mo talaga dito kasi eto yung tipo ng babae na sobrang simple. Walang arte sa buhay. Hindi sya ganon ka-demanding, kahit anong sabihin mo sakanya, okay lang. Kung ano yung desisyon mo, Okay lang din. Never ko pa tong nasaksihang magreklamo sa lahat ng ginawa ko. Sobrang mahal na mahal ko talaga to brad, Ewan ko nga kung bakit di ko niligawan eh. Minsan talaga may pagkatanga ako. Haha. Pero ayos lang. Siguro hindi nga talaga ako yung taong para sakanya pero kahit na ganon, Every minute of my life, Simula nung nakilala ko sya, Sya yung isa sa mga naging main sa prayers ko. Sabi ko kay Lord, Sana sya nalang yung para sakin, kung hindi man, sana mapunta sya sa taong deserving magkaroon ng isang katulad nya. Kaya nga, Binibigay ko na sa'yo eh. May tiwala kasi ako sa'yo. Naniniwala kasi ako na mas better ka sakin, na mas matino ka kesa sakin, na mas mapapasaya mo to kesa sakin. Ligawan mo to ha? Mahalin mo. Pakasalan mo. Hindi yung gagawin mo nga lahat ng yan tapos sasabihan mo ng sandamakmak na sweet words pero di mo naman pala liligawan. Pinaasa mo lang, Pinafall mo lang. O kaya yung naging kayo nga pero hindi mo naman pala papakasalan, Nakipagbreak ka lang, sinaktan mo lang. Wag ganon brad. Kung may balak ka mang ligawan to, Dapat sigurado kang mahal mo talaga to. Lamo namang importante sakin to diba? Ayokong nasasaktan to. at……… Wag mo gagawin yung mga sinabi ko as a favor, Gawin mo yun kasi talagang gusto mo. Magtino tino ka ha? Please lang, Wag na wag mong sasaktan yan, Yung mga sinabi ko, Importante yung mga yun, Mas importante pa sa secret formula ng krabby patty kasi dito nakataya yung kasiyahan ng prinsesa ko, ng rapunzel ko. Yung katinuan ng buhay nya, yung mga bagay na deserve nya. Ayun lang at maraming maraming salamat, Godbless!


at ikaw, Ms. Irina Angela Lising de Guzman, Naniniwala ako na someday, Mapapadpad ka rin sa blog kong to. Na if ever nga na mangyari yun, I really am hoping na sa mga oras na binabasa mo to ngayon, Masaya ka…. Sana masaya ka na kahit hindi na ganon kita yung presence ko sa buhay mo. Sana dumating tayo pareho dun sa puntong pag naaalala natin yung isa’t isa, Mapapangiti nalang tayo. Yung bang tunay na ngiti, Wala nang sakit. No more heartaches, No more feelings…. Wala nang panghihinayang. Ang drama ko diba? Hahahah. Pero seryoso ako. Sana dumating yung araw na pag naging successful ka na at nagkaroon na ng pamilya’t asawa, Sana maging masaya ka sakanila ng sobra sobra at sana dumating yung oras na pag natripan mo, maikwento mo rin ako sa mga magiging anak mo, Yung love story natin… Astig non siguro! Haha. Mahal na mahla kita. Lamoyan, Pero sa mga oras na to? Etong mismong oras na binabasa mo to ngayon? Hindi ko alam, Hindi ko sigurado kung nasaan na ko at anong ginagawa ko sa mga oras na binabasa mo to ngayon, Pwedeng i’m in a place kung saan masaya na ko at mapayapa na yung puso’t isipan ko pero pwede rin namang nam-mroblema parin ako kung paano ako makakamove on sayo pero nvm, It doesn’t matter. What matters the most is YOU. To end this, I want you to know na I do really love you. Maybe sa mga oras na binabasa mo to, Pwedeng oo parin at pwedeng hindi na pero kahit anong mangyari, Mahal parin kita bc sabi nga nila, You can’t unlove someone, You can just change the way you love them. Okay? Lastly, Natatandaan mo pa ba yung sinabi ko sayo na wala munang tayo ngayon, hindi muna tayo friends, tsaka na kita kakaibiganin pag okay na ako sayo? pag okay na tayo sa isa’t isa? Now, I think this is the right time to ask you…….. Friends? Sana pumayag ka :-) Aral muna oki? Sa mga oras na to, Kung nasan ka man ngayon, at kung nasan ako ngayon, eto yung eksaktong place na gusto ni God na kalagyan natin, kaya okay lang yan!:) and for additional, Kahit anong mangyari, I swear, Ikaw at ikaw lang ang magiging Rapunzel ng buhay ko. Haha pramis talaga :))) Soo that’s it! Godbless!!! Nice meeting you, Rapunzel!!! -Marc Michael L. Tan (Not your flynn & it sucks)

10 reasons kung bakit ka NBSB

NBSB. As in No Baon Since Bakasyon este No Boyfriend Since Birth. Sa panahon ngayon na usong-uso ang online dating at pabata ng pabata ang nagkakaroon ng lovelife, parang ang hirap paniwalaan na may mga young adult girls pa din ang hindi pa nakakaranas na pumasok sa isang relationship. Heto ang ilang reasons kung bakit theme song mo pa din ang Single Ladies ni Beyonce.

1.  Strict ang parents

Unang-una sa listahan. Karaniwang dahilan ng kababaihan pero true naman talaga. Meron pa rin parents na hindi pinapayagan magkaroon ng boyfriend ang kanilang mga girls usually because they’re just being protective. Hindi naman sila nagbabawal ng walang dahilan. Most probably, natatakot lang sila sa kung ano man ang magiging maling desisyon mo, kaya ka nila pinagbabawalan, meaning, baby ka pa rin nila. But if you really think you’re ready para sa isang relationship, pwede naman idaan sa mabuting usapan. Just remember, never break their trust and know your limitations.

2. Anti-social

NBSB reason number 2! Ayaw mo sa mga nilalang. Mas minamahal mo ang laptop mo at alam mo lang na lugar ay kusina at kwarto mo. Girl! Wake up! Hindi ka maliligtas ng pusa mo kapag nagka-zombie apocalypse. Hindi naman harmful ang makikipag-interact sa mga tao, especially sa mga boys. Hindi naman sila nangangagat – well, at least di lahat. We all need love. Hindi ka exempted don. Makakahanap at mahahanap mo rin ang katapat mo. Kaya kahit magtago at magkulong ka pa sa bodega niyo, love will find you! Brace yourself!

3. Collect and collect and then the end

Ikaw yung tipo na maraming nanliligaw pero dahil sobrang pihikan ang ending ay wala pa ring jowa. For short, nganga. Minsan naman, sa rami ng naghahabol sa’yo, dumarami rin ang hinahanap mo na characteristic sa isang guy. Ang resulta, nagkakaron ng comparison at lahat nakikitaan mo ng pagkukulang. Eh di wala. Wala pa din! Tip lang. Once a guy shows motivation na he likes you, tignan mo and pakiramdam mo kung may potential ba siya as your future lovey-dovey para kung wala man, bitaw na agad! At least sa ganong move, you both save yourself. Di ka aasa na siya na at di siya aasa na magiging kayo pa.

4. Standard level: Eiffel Tower

NBSB dahil to the highest level ang standards. Gwapong prinsipe na may ari ng paraiso at may pet unicorn. Wag ganon! Those kinds of guys only exist in movies and books. You don’t have to lower your standards in looking for a person to love. You just have to be realistic rather than idealistic. At for sure, makikita’t makikita mo na ang real-life prince mo. Who knows, baka dalhin ka pa talaga sa Eiffel Tower! Winner!

5. Pusong Bato

Baka naman may nagpaparamdam na pero deadma ka lang? O baka minsan ka nang umibig ngunit nabigo at piniling magpaka-bitter na lamang sa mundo? O ang malala, nagsaksak ka ng libong anesthesia! (Pero syempre imposible ‘yon kundi deads ka na at ‘di mo na nababasa ‘to diba) Open your eyes. Especially your heart friend! Who knows, the person meant for you is right around the corner. Turn on your GPS baka sakaling mahanap mo. Love is such a beautiful feeling. Bakit mo nirereject? Let the butterflies in your stomach flutter and be free your heart from the walls you build.

6. Arte Level 99

20 kilos of make-up and super duper uber picky sa food like omg! Kapag narealize nila na part ka ng maarte club, ang result? Turn-off agad ang mga guys. Hahanap na lang sila ng iba, yung tipo ng babae na mapapasaya na nila kapag binilhan nila ng turon pang-merienda. Keep things simple. It’s the secret on how to catch a guy. Hindi lahat ng lalaki gusto ng magaganda; yung iba simple lang, sapat na. BOOM!

7. Right love, wrong time

Aminin, napakanta ka. Ito yung ung tipong mahal mo siya, mahal ka niya, pero hindi kayo pwede kasi meron pa siyang ibang love. Pwede rin na kakagaling lang niya sa isang matinding heartbreak at hindi niya pa kaya ang magmahal muli. Aw sad. May reason kung bakit dumating siya sa buhay mo pero umalis din. May reason kung bakit single ka pa din. Kung right love nga talaga, babalik at babalik yan pagdating ng panahon. Uy, napakanta ulit siya.

8. Laters, baby.

“Aral muna bago landi!” or “Magpapakayaman muna ako!” Sige, isigaw mo pa! Hindi naman porket NBSB ay ibig sabihin sawi na sa buhay pag-ibig. Some girls just chose to live the single life for awhile. Maybe because they’re bound to enjoy young life flying solo, maybe they chose to prioritize building a career first before settling down with a person or sadyang ayaw muna nila ng sakit sa ulo lalo na ang sakit sa bulsa. Yun. Yun yon. Okay lang naman mag-chill chill muna. Darating din naman tayo dyan.

9. One-sided love

Definition: The horrible and horrifying feeling of falling in love alone. Loving a person without the satisfaction of receiving their love in return.

Ito na marahil ang pinakamsakit na dahilan sa listahan. You give your love but never received any love. Sadnu, Ikaw ang patunay na “You don’t have to be in an actual relationship to have “relationship problems”. In that case, stop giving love to that person who never appreciates it. Your love is too special! Don’t waste it on the wrong ones! Mas bigyan mo ng pansin ang MGA double-sided love sa buhay mo. The love from your family, friends and pets! Hooray!

10. You haven’t met Mr. Right

All you have to do is wait, darling. And once you meet him, it would all be worth it. Yung mga times na nagtatanong ka, “Bakit wala pa din?” or “Ganon ba ‘ko kapangit?” Kapag dumating na siya, makakalimutan mo lahat ng ganyang katanungan dahil nahanap mo na ang pinakamalupit at pinakamatinding kasagutan. At dahil dyan, isang malaking congratualations, sistah! Good luck sa buhay may pag-ibig! 

2

Happy July! I finished my computations for my second laboratory, cheered for my classmates in a basketball match (Engineering Sportsfest), had a lunch with my love after his game, went to a new cafe with my college bestfriend, picked up the lipsticks i ordered online, and had a little talk with my highschool friend and nephew before going home.

Bitiw na

Naiinis ako at gusto kong magalit sa’yo, pero alam kong wala ako sa posisyon para magalit at mainis. Ano nga ba naman ako? Ano ba ako sa buhay mo? Ano bang role ko? Naiinis ako kung bakit sweet ka sakin samantalang iba naman yung mga lumalabas na mga salita galing sa’yo. Syempre, ako na namang si tanga, nahulog na naman sa mga pinapakita mong gestures. Kailan ba ako matututo at ng hindi na ako masaktan? Nang nakita kasi kita, bumalik lahat. Lahat lahat. Past time mo lang ba ako? Kasi kung oo, ayoko na. Gusto ko ng bumitiw hangga’t maari at ibasura na lang yung nararamdaman ko sa’yo, kung pwede lang.

Karaniwang excuse ng mga single.
  1. “Aral muna.”
  2. “Ang love nandyan lang ‘yan. Darating din 'yan ng kusa.”
  3. “Bawal pa ako mag-syota e. Magagalit magulang ko.”
  4. “Ayoko na n'yan. Pare-pareho naman 'yan silang manloloko.”
  5. “Sakit lang sa ulo 'yan.”
  6. “Gastos lang 'yan.”
  7. “Saka na, 'pag nasa tamang edad na ako.”
  8. “'Di ko pa kaya humandle ng isang relasyon”
  9. “Panget ako. Walang mabubulag sa akin.”
2

Naniniwala akong may beauty and brains talaga. At masaya ako na ang kapatid ko yun. Wala ng mas sasaya pa sa akin dahil nagkaroon ako ng kapatid na hindi ko pinoproblema. I mean, hindi siya yung babae na nakikita ko sa Internet na puro angal sa Lovelife, ang daming napapansin sa paligid, insecure sa kapwa babae, at yung mga babae na maraming issues sa buhay.

Nung nakita ko to kagabi eh medyo napaluha ako seryoso haha! Kasi, araw-araw na lang siya na nasa kwarto niya. Minsan nga ako pa yung nagsasabi sa kanya na “Kim, wag ka na muna mag-aral! Maglakwatsa ka naman!” minsan ako pa nagiging bad influence dahil ako na iistress kapag nakikita kong subsob siya sa pag-aaral.

Pero makikita mo naman ang resulta. Siya yung tao na kahit hindi nakatingin si Mama at si Papa eh nag-aaral. Ako kasi nung pumapasok pa ako nung College? Isinisigaw ko kay Mama at Papa na nag-aaral ako para ibili nila ako ng gusto kong laruan o gadget. Hahahaha! Tapos after nun, wala silang result na makita kasi nilukot ko na yung papel kasi bagsak ako. Joke lang! Hahahaha!

Kaya gusto kong i congratulate ang kapatid kong si Kimberly Grace Mendoza!! Sa wakas Kim!!! Nakuha mo rin ang target mo! Minsan simpleng mayabang ka rin e no? Tipong ayaw mo ipost dati yung Dean’s Lister kasi alam mong kaya mong kuhanin  yung President’s Lister. Napasaya mo si Papa at Mama. Yun ang mahalaga. Yun ang aim natin bilang magkapatid. Ipakita natin sa magulang natin na worth it ang pagpapalaki nila sa atin. Wala ng mas sasaya pa sa anak na napasaya ang magulang nila at proud ang lahat ng kapamilya nila.

I’m so proud of you! Love ka ni Kuya :) Andito lang ako lagi para sayo. Handa kitang uwian lagi ng pagkain habang nag-aaral ka. Text ka lang, or tawagan mo ako as long na nasa labas pa ako. Congratulations ulit! :)

I quit.

I’m not that expressive talaga. I’m not even good at writing. I’m not good with words. This is not my thing. Pero I don’t care, I will still write for I want to show the world how incredible she is, how easily she can make me smile, how much I love her. She’s not a writer, She’s not a blogger, pero she’s the one who taught me how to write. Do you know that feeling? Meeting someone tapos parang every galaw nung someone na yun, napaka-poetically. She’s an art that I would love to have. She’s a masterpiece. And I will always admire her. Words will never be enough to show how lovely she is. Pero gaya nga nung sabi ko, kahit ganon, I still will write. Gusto kong i-share sa buong mundo yung nakikita ng dalawang mata ko. Yung naf-feel ko. Kaya eto ako, nagsulat ng nagsulat… Pero the time came na nasabi kong ‘it’s over, tama na, itigil na ang dapat itigil, i have to stop’, And I stopped. I stopped writing for months. And I came back again, not to write for her, anymore. I came back to start writing for the right one, for my future girl. And I did. And now, I’m quitting nanaman. I quit. For real, yes. Sorry. Hindi lahat ng babaeng nakakabasa ng blogs ko, para sakin. Ayokong mang-agaw. Kung magsusulat ako ng magsusulat, mauubusan ng mauubusan yung taong para sakanila talaga kasi yung mga dapat na sasabihin ng para sakanila, nasabi ko na. Ayokong maging dahilan ng pag-aaway ng kahit sinong couples dahil lang sa ganto ako tapos yung boyfriend nya hindi. Ayoko maging dahilan para makitaan ang isang tao ng kakulangan. Walang mali sa ginagawa ko. Hindi ako paasa. Sadyang ganito lang talaga kayo dapat itratong mga babae. Dapat nga mas higit pa dito eh. At bukod pa dun, I quit. Tama na siguro lahat ng na-blog ko. Marami pa akong gustong i-blog. Marami pa akong gustong i-share. Pero siguro tama na yung puro salita, hahanapin ko nalang yung future girl ko. Tapos sakanya ko na ipagpapatuloy lahat ng yun. Sa harap ko mismo nya sasabihin lahat ng gusto ko pang sabihin. Lahat ng gusto kong gawin, gagawin ko sakanya. Lahat ng plano ko, tutuparin ko kasama sya. Promise ko yan, gagawin ko talaga. Maraming nagsasabi, ang swerte daw ng taong para sakin. Hinding hindi ako magsasawang ulit-ulitin to, hindi ko pa sya kilala pero kung sino man sya, paniguradong mas mas mas swerte ako sakanya. Hindi lang po ako hanggang salita. Papatunayan ko na lahat ng sinulat ko at kaya ko pang sulatin, kaya kong tuparin, sa pamamagitan nya. Maraming salamat po sa lahat ng taong naniwala sakin at naka-appreciate sa lahat ng blogs ko. Let us all wait for the right time, para hindi masaktan. Wag magmadali. Darating din yung taong para sainyo, sa tamang panahon. Aral po muna tayo. God bless!

STUDENTS WHEN EXAMS ARE COMING 101:

Exam na next week. Ikaw ba yung estudyante na mahilig mag-paalala sa mga kaklase na malapit na exam para hindi lang ikaw yung nag-aalala.

Ayokong gumala muna, after exams na. Ikaw ba yung hindi na sumasama sa mga gala ng barkada kasi mas gusto mong mag-review kaysa gumimick.

Bukas na ako magrereview. Ikaw ba yung palagi na lang nagsasabi na bukas ka na lang magrereview hanggang sa isang araw na lang exam day na hindi pa rin nakakareview.

Pakopya naman notes mo oh! Ikaw ba yung tamad magsulat during discussion kaya bigla kang nagiging friendly sa mga kaklase mong masipag magsulat tapos hihiramin mo notes nila para may mareview ka.

Facebook, twitter at tumblr muna. Ikaw ba yung estudyante na palaging hindi makareview dahil mas inuuna mo yung pag-aaccept ng friend request, pagsta-status, pagla-like, pagti-tweet at pagba-blog.

Jowa muna bago aral. Ikaw ba yung mas inuunang makipagdate para makasama si bf/gf kahit na ang dami mo pang subjects na dapat aralin at intindihin, worst kailangang memorize-in.

Wag na magreview! Stock knowledge na lang. Ikaw ba yung estudyante na tamad na tamad magreview at ayaw na talagang magreview. Aasa ka na lang sa mga naintindihan mo during discussion pero ang worst lang eh hindi ka naman nakikinig nun. Asan ang stock knowledge?

Bahala na si batman. Ikaw ba yung estudyante na umaasa na multiple choice ang type ng exam para naman may maisagot ka kahit papaano. Dinamay mo pa si batman.

Review ng review. Ikaw ba yung estudyante na halos mapeperfect na ang exam dahil sa kakareview. Yung tipong nareview na, rereviwhin ulit. Kay-sipag na bata.

Kabataan nowadays be like “wag mo ko iwanan, mamamatay ako”, “hindi ko kayang mabuhay ng wala ka”, “ipagpapalit ko lahat para sayo”. Really? Libro muna bago lande, basa muna bago bukaka, aral muna bago anal pwe

May pangarap ako sa buhay at masasabi kong ayun  talaga yung pinaka lamang ko sa ibang kalalakihan.

Gusto ko makapagtapos ng pag-aaral. Pagkatapos nun, Magpapayaman muna ako tapos pag mayaman na talaga ako, bibili ako o di naman kaya magtatayo ako ng sarili kong planeta at doon ako titira ng mag-isa. Pupunuin ko yun ng mga chocolates at iba pang masasarap na pagkain at akin lang lahat ng yun… HAHAHA JOKE LANG, De eto na talaga, Pag nakapagtapos na ako, Maglilibot libot muna ako. Pupunta ako kung saan saan tapos malay mo, sa ganon ko na pala mahanap yung tinatawag nating the one. Gusto kong magkapamilya. Gusto ko ikasal sa taong mahal ko. Gusto ko ring makita someday yung sarili ko na naluluha sa loob ng simbahan nang dahil lang sa naglalakad yung taong mahal ko nang dahan dahan papalapit sakin at sa araw na yun, ayun na yung kasal namin. Gusto kong ikasal sakanya ng paulit ulit, kung maaari, every year pa eh! Basta ba sa tamang panahon simulan. Gusto kong gawing byenan yung mga magulang nya. Gusto kong maging kapatid yung mga kapatid nya. Gusto ko magka-anak. Gusto ko magkaron ng mga little princesses tapos gusto ko ako mismo yung magb-braid ng mga buhok nila (and I want my wife to be the one who will teach me how to do that). Hindi ako bading ah haha pero gusto kong paglaruan yung mga muka nila, pagsasabuyan ko ng kung ano anong make up ng asawa ko, lalagyan ko sila ng napakakapal na lipstick at kung ano ano pa hahahah, Experiment lang para maiba naman diba! Gusto ko sasabayan ko sila manuod ng mga disney movies. Gusto ko makita sa mga mata nila kung gano sila mag-gwapuhan kay Flynn Rider ng Tangled (ako kasi yun, naks jk). Gusto ko makipag-laro ng lutu-lutuan sa kanila, Gusto ko ako yung mamimitas ng mga dahon dahon sa labas ng bahay namin tapos susunugin namin (haha, my kind of lutu-lutuan talaga pramis. gayyysht). Sa pagdadalaga nila, Gusto ko ako yung bibili ng mga napkin nila (HAHAHAHAHA SOBRA NA TO) and I’ll make sure na hindi sila maiilang sa akin. Gusto kong maranasan na ako naman yung mag-iinterview sa mga manliligaw ng mga magiging anak kong babae (magiging masaya to panigurado! patay kayo sakin ngayooon haha. hot seat ba kamo? kayo naman gigisahin ko, gaganti ako jk) at syempre, gusto ko rin magkaron ng mga anak na lalaki. Gusto ko paglaki nila, sila mismo yung makakasama ko sa paglalaro ng basketball. Gusto ko silang makalaban sa larong dota o di naman kaya ng mga laro sa y8 (BOXHEAD 2PLAY HAHAHA). Gusto kong tulungan sila sa paghahanap ng mga chix (ay bad oh, jk lang haha). Gusto ko silang maka-inuman. Gusto ko silang turuan how to drive at gusto ko rin silang turuan kung ano ba yung dapat maging trato naming mga lalaki sa mga babae. Marami akong plano. Marami akong gusto pero alam kong bago ko maabot lahat ng yan, Iwas muna sa mga bagay bagay na alam kong hindi pa tama at dapat dahil nga hindi pa ito yung tamang oras, aral muna diba diba? Hi future, I’m getting ready at masasabi kong excited na talaga ako! -Makh.