apieceof

3

Day 1: Your bestfriend

Her name is Daniella. She’s my “okay lang kahit anong itsura ko o nakahubad ako sa harap niya“ kind of friend.

Grade 4 - S.Y. 2007-2008
May isang bruhang pumasok sa room namin. Hindi ko siya kilala. Kasama niya yung nanay niya at bitbit pa ng nanay niya yung bag at SUITCASE niyang pink. Wala nang upuan sa paligid, sa tabi ko nalang kasi tahimik at may pagka-introvert ako no’n. So ang ending, naging seatmates ang isang tahimik at isang hindi maitikom ang bunganga (joke lang lavyu). Hindi ko namamalayan, nagiging madaldal na din ako. Dahil sakaniya, nagstart ang social life ko.

Grade 6 - S.Y. 2009-2010
Nagkaroon na ako ng barkada. Pangalan ng grupo namin, “SOSSYBABES/BABES SOCIETY” Dun ko unang naexperience ang magcommute, magmall ng di kasama family, magpunta sa bahay ng kaibigan, etc. First time ko rin magkaroon ng bisitang kaibigan ng birthday ko. Pero parating silang dalawa lang ni Jowny. After grad, nagswimming pa kami. Hatid sundo pa kami ng ever supportive daddy ko. Lol. Then sinama ko rin siya nung wedding anniv ng parents ko, nagswimming. May 19, 2010

First-year HS - S.Y. 2010-2011
Dahil tapat lang siya ng school namin eh pinuntahan namin siya nung first week. Tapos mej matagal din kami di nagkita. Basta ang alam ko, ilang beses naming binalak dahil nagseserve siya no’n sa simbahan sa LNS bilang Maiden (girl version ng Knights) tapos gusto ko magjoin kaya lang 10am dapat ako pupunta ng Sunday pero parating hindi ako nagigising or hindi nagigising Daddy ko. Hahatid ako syempre, hindi pa ako gaanong marunong magcommute.

2nd year HS - SUMMER VACATION
Holy week. Kasama daddy ko sa 12 apostles so naging ultimate photographer ako halos buong Holy Week. Hindi ko alam kung Black Friday yun kasi nakablack kami or Holy Thursday kasi ang naalala ko is washing of the feet. Basta nagkita kami sa simbahan, Sacred Heart Parish Church. Nagbless ako sa mama niya then siya din sa parents ko. Nakita namin yung mga Knights and Maidens then boom. Napag-usapan naming magjoin. So after holy week, finally, sabay na kaming nagsserve sa altar.

Today - 2017
Siya yung nasasabihan ko ng lahat ng bagay. Kahit yung pinakakaluluwa ko, kilala niya. Never niya akong hinusgahan. Nasasabi at nagagawa ko lahat kapag kasama ko siya. Minsan kahit papuntahin ko siya ng bahay tapos hindi pansinin. Minsan naman, hindi ko na siya hinahayaang magsalita. Siya yung hindi ako mahihiyang abalahin kahit may bibilhin lang ako sa kung saan saglit. Ngayong nasa Manila siya for her OJT, naiinis ako kasi lagi akong mag-isa. Wala akong maaya kaya nakakulong ako sa bahay. Tuwing uuwi siya, makikiagaw pako kila Tita.

SO AYUN. SOBRANG THANKFUL KO KASI MAY BESTFRIEND AKO. Ayaw nga lang niya ng dramas kaya magkukwento ako sakanya kapag okay nako. LOL