antonellomaverickxclusive

September 1 naaaaaaaaa!

            Eh ano naman? Ano bang meron kase? ‘Di ko maalala. Pero ang alam ko e kung malalapit ako sa bahay ng mga ito ay malamang magsasawa ako kakakain. Kaarawan nga pala nila ngayon. Tinutukoy ko ay ang dalawang kumag na nakilala ko sa “TROPANG TUTONG”. Si antonello akala ko dati matanda pa sakin. Pero mukha lang pala. Mas bata pa pala saken 'to ng isang taon. Eh malibog pa sakin 'to e. S'ya ang tinaguriang “Libog King” sa TT. Maganda nga rin pala boses nitong kumag na 'to, noong kinanta n'ya ang “If you ever comeback” ng TheScript. Ang maganda noon nung pinakinggan ko 'yung cover n'ya, naka todo 'yung volume ng laptop. Pinagalitan ako ni mama sabi noise pollution daw.

            Eh ano naman kung September 1 na? Akalain mong may kasabay si antonello sa b-day n'ya, s'ya si Armie. Makulit din 'to e. Nagtatampo pa nga sakin. Nakilala ko din s'ya sa Tropang Tutong. Hiningi ko 'yung number n'ya dati nung unli call ako… Ayun, nainlab ata sa boses ko. Sana daw naging boses nalang ako. Buti pa boses ko ang gwapo. Maganda 'yung boses ni Armie, pang artista. Akala ko dati, noong unang phone call, may kausap akong celebrity e. 'Yun pala si Armie lang. Mabait din 'to. Minsan nga lang tinotopak din. Pero ayos lang, sanay na 'ko. Happy b-day ulit! 

             Ang tatanda na ng dalawa kong kaibigan sa tumblr. Patanda na kayo ng patanda! Habang ako, pabata ng pabata. At ang galing lang, kasabay ng mga b-day nila ang Monthsary namen ng gf ko. Limang bwan na kame. Nagtatagal na kame… Ang saya ko lang. Unang gf sa personal 'to,kaya 'di pa ko masyadong sanay. Ayun, baka wala nanaman akong maireregalo. Wala akong pera e… Basta ang tanging maireregalo ko sa kanya ay 'yung tunay na pag-ibig ko para sa kanya. Pwe. Ang drama. 

             Sa lahat ng mga nasabi ko, joke lang lahat 'yan. Pero sabi nga nila, jokes are half meant. Okay?