anodetohappiness

5

TP Luneta Meetup 2012


      Sa meetup na ‘to sagad na ata napagdaanan ko bago pa ako makadating sa Luneta. Pagdating namin dun ni Joyce prinoblema pa namin ang pagtawid sa bahang kalsada sa may PNU, kung nasaan ang Kanlungan ng Sining at kung paano namin i-aapproach yung mga taong nandoon. Nung lumapit na kami dun ang unang kumausap sa'min si JOY tapos sumunod si SY na nagsabing pang tongue twister ang URL namin :)

      Grinupo kami sa apat na group na naging masaya at ang leader namin ay si Gab at Nelle :) Pinagawa kami ng yell/cheer per group na ang naging inspiration ng group namin ay ang cute na aso na si Stanley. Nag butt spelling ng TEAM STANLEY for the win ehh :P Nagkaroon ako nang madaming bagong kakilala sa MEETUP na 'to. Tsaka mabait nga pala talaga si Sy :) Mahilig niyang idaan sa pagpapatawa yung mga gusto niyang sabihin na medyo maganda kaso minsan dahil dun hindi sineseryoso nang iba. Tulad nang House Rule: Na bawal maging maingay kapag may nagsasalita sa harap.

      Worth it nga pala yung 100 php na binayad namin kumbaga sa tagalog SULIT. Sobrang effort lang din talaga ng TP Admins/Organizers. Thank you po sa effort niyo super naging masaya ang meetup dahil na din po sa pagod at panahon ninyo para planuhin ito :) Ang TP Luneta Meetup po pala ay hindi isang SCAM :) Best meetup I’ve attended so far :) THANK YOU :)