angelito: batang ama

Kabataan nga naman ngayon.

Nagulat lang ako sa mga nalaman ko. Yung mga inaadmire namin dati na dancer ng isang dance crew eh may kanya kanya nang tinahak na buhay. Pero hindi naman iyon ang nakabibiglang balita. Dalawa sa kanila at ‘tatay’ na at yung isa ay 'magiging tatay’ pa lang. Nakakagulat lang dahil ka age lang namin sila eh. Around 16-17 pa nga. Hay nako, kahit masaya sila sa kalagayan nila ngayon, hindi pa rin natin maiaalis sa isip natin na bata pa sila. 

Ang bilis nga naman ng panahon. Kung dati'y ineenjoy pa nila ang pagka-teenager nila, ngayon isa na silang magulang. Sana'y maging mabait at responsable silang mga magulang. At sana hindi na sumunod yung iba pa nilang barkada na ka-age rin namin.

Hay, mga kabataan nga naman.

Walang masama sa pagkakaroon ng anak. Lahat naman siguro tayo gusto magka pamilya at magkaroon ng anak. Lahat naman yan may tamang panahon at dapat nasa tamang edad, pero sa panahon ngayon parang paligsahan na ang pagkakaroon ng anak, pabataan. kadalasan edad 13 pataas yung mga yan at kadalasan mga hindi na nakapagtapos ng high school dahil nabuntis  o nagka-anak, mga hindi na nag aaral inshort tambay at sa magulang parin nakadepende. Parang usong gamit lang, na kapag meron ka “IN” ka.. may napanuod akong dokyumentayo sa telebisyon tungkol sa ganyang bagay..

Reporter: Okay lang po ba sainyo na maagang nabuntis ang anak niyo?

Nanay: Okay lang naman, uso naman kasi yan e.

Nagpantig talaga to sa tenga ko, parang ibinugaw narin niya yung anak niya sa lagay na yun. Ano bang meron sa panahon ngayon? nung kapanahunan ko naman (Oo kapanahunan ko, tutal medyo matanda na ko at nasa tamang edad) bihira lang yun mga ganyang kaso. Hindi ko alam kung sino yung dapat sisihin, yung magulang o yung anak. Iba-iba kasi yung mga pinaghuhugutan at mga pinagdadaanan ng mga taong yun.

Ang pagiging magulang at pagkakaroon ng anak kasi (para sakin) hindi yan parang text post sa internet na kapag may mali pwedeng I-edit, at hindi yan parang spam ads sa internet na kapag na click mo pwedeng i-close anytime, kasi yan parang bilihin yan sa mga online shops sa facebook na kapag umorder ka kadalasan ang patakaran wala ng balikan at hindi pwedeng ipapalit. tsaka kung baga sa chess, touch move. ;) (ang modern lang. maliban sa chess. lol)

pero hindi ko sinasabing kasalanan yung maagang pagkakaroon ng anak, blessing nga yan e, pero sana habang bata pa enjoyin muna nila, makapag hihintay naman yung mga ganyang bagay e. ;)

Batang Ama or Single Dad whatever (DILF)

Bukod sa sobrang attractive  para sa'kin nung mga lalakeng nagyoyosi na nabanggit ko dito, Isa rin sa mga trip kong lalake ay yung mga young dads. Ewan ko ba. Sabi nga ni Myx sa'kin dati kung pangarap ko daw bang maging kabit. LOL. Wala naman akong balak, sobrang lakas lang ng dating sa'kin ng mga young daddy. Natutuwa kase ako sa lalakeng marunong mag-alaga ng bata. Dati nung OJT ko nagkacrush ako sa isa sa mga empleyado dun. Langya parang Tito ko na nga yun eh. Hindi siya young pero natutuwa ako. Iba yung dating sa'kin pag may asawa at anak na yung lalake. Ang awkward lang. Pero buti nalang 2 weeks ko lang siyang crush. Ito namang nagkawork ako, nagkacrush din ako sa isa sa mga empleyado dun sa kumpanya. Crush ko na sya nung una kong nakita, tapos nung nalaman ko na may asawa at anak siya, parang mas naging attractive pa siya para sa'kin. LOL. Weird. 

May nagtanong kase sa'kin kanina kung anong tipo ko sa lalake.Sabi ko gusto ko yung independent mature at Young Dads. LOL