angelettekayetty

7

Sila talaga yung mga iniidolo kong blogs. Hindi dahil famous sila. Yan yung mga blogs na madalas kong bisitahin at madalas ako magbabackread, natuto ako sa kanila ang dami nilang alam sa lahat ng bagay iba-iba man sila ng binoblog pero lahat may sense at may matutunan ka. 

Hindi ko sinasabing walang sense yung ibang blog na nakikita o nababasa ko sa dash pero iba kase yung impact at dating ng blog nila sa paningin ko. Alam kong maraming magagaling na bloggers dito, pero sila talaga yung nakakatawag ng pansin saken lalo na kapag nakikita ko sila sa dash. Yan yung mga muka ng madalas ko abangan sa dash. 

Hindi ko rin sila kilala sa personal bukod kay angelettekayetty na nakita ko sa personal nung may meet-up sa SM Calamba. Sabagay, iba-iba naman kase tayo ng basehan sa mga ifofollow natin. Sa pitong yan, hindi lumilipas yung isang araw na hindi ko bibisitahin yung blog nila. 

Yun lang naman yung gusto kong sabihin, wala akong ibang intensyon na kahit ano dahil alam ko at alam nyo din na lahat tayo dito eh may iniidolong blogger. Natutuwa lang ako sa kanila. Hindi ko rin alam kung pinafollow ba nila o hindi, pero sakin hindi na mahalaga yun. 

Sa inyong pito kung mababasa nyo man ito: Pasensiya na kung nagnakaw ako ng mga pictures nyo. Ibabalik ko din agad! :) Salamat! Wala sanang magalit.. 


PS: “Kinakabahan ako kase baka biglang may mag TA na kapit sa famous or what.  NO! Wala talaga akong kahit anung intensyon. Hindi kase ako ganun kagaling magblog, pero dahil sa kanila, nakakakuha ako ng idea kung anong iboblog ko, saka ginagawa ko rin silang inspirasyon sa larangan pag boblog.”

“Relationships are very simple. You either get married or you break up.”

angelettekayetty

Ito yung masakit kapag In a Relationship ka yung ikaw mismo yung magbabago ng status mo dahil wala na kayo ng taong mahal mo. Yung iba minsan nilalagay pa “Married or Engaged” pero hanggang kelan nga ba yang status na yan. Dalawa lang naman yan eh! 

  • It’s either you MARRIED 

Kung talagang kayo na para sa isa’t-isa. 

  • Or you BREAK-UP

Kapag hindi niyo na nakayanan.

Ang relasyon walang kasiguraduhan yan hanggat hindi pa kayo kasal dahil ang tao pwedeng magbago ng isip at nararamdaman para sa taong mahal nila. Maaring ngayon mahal na mahal ka niya, o kaya naman bukas isa ka nalang nakaraan para sa kaniya. at yun yung pinakamasakit dun!