ange-is-gabe

Ano kaya ang kanilang nararamdaman?

Sa gabing tahimik at payapa
Sa ibabaw ng kama ko habang nakatirapa
Hindi ko maiwasang isipin
Ano nga kaya ang kanilang damdamin

Ano kaya ang kanilang nararamdaman
Ano kaya ang nararamdaman ng mga kastila
Tuwing ikinikwento sa kanila ng mga libro ng kasaysayan ang mga kalupitang ginawa ng kanilang mga ninuno sa ating mga pilipino
Sa bawat buhay na nawala dahil sa kanilang mga ginawa

Ano kaya ang kanilang nararamdaman
Sa tuwing ipinaaalala ng nakaraan kung paano nila marahas na sinakop ang mga lalawigan
Sa bawat ebidensya at larawan na kanilang matatagpuan na magpapaalala kung pano nila tayo pinamunuan
Ano kaya ang kanilang nararamdaman

Pano nila naaatim at nakakayanan
Na tanggapin na dahil sa kanilay ilang libong buhay ang nagkaroon ng katapusan
Sa mga kasalanan na di naman nila ginawa kailanman
Nahatulan ng walang basehan

Ano kaya ang kanilang naramdaman
Nung nalaman nila na ganoon pala ang kinahantungan
Ilang ulo ang napugutan
Ilang katawan ang nasugatan

Ano kaya ang kanilang naramdaman
Kung nasaksihan nila ang mga patak
Ng mga dugong dumanak mula sa mga sugat na ginawa ng pag galos ng kanilang bolo at itak
Ano kaya ang kanilang naramdaman

Simulan muli natin sa umpisa
Ngayong gabing tahimik at payapa
Sa ibabaw ng aking kama habang nakatirapa
Ano kaya ang IYONG naramdaman

Ano kaya ang iyong naramdaman
Sa tuwing ikinikwento sayo ng mga tulang sinulat ko kung gaano ako sayo ay nasaktan
Sa lahat ng mga pasakit na ginawa mo saking katauhan
Ano kaya ang iyong naramdaman

Ano nga ba ang iyong nararamdaman
Ngayong sinasabi ko sayo kung paanong sinakop mo ang aking isipan
Sa tuwing makikita mo mga larawan ng ating pinagsamahan
O tuwing maaalala mo ang masasayang araw na iyong winakasan noong bigla ka nalang lumisan

Paano, paano mo kaya naatim at nakayanan
Na dahil sayo ilang tao ang aking sinakripisyo at isinantabi ang kahalagahan
Paano mo nakayanang akoy pagbintangan sa mga bagay na wala naman akong kinalaman
At paano mo nagawang ako ay hatulan kahit alam mo namang wala akong kasalanan

Ano kaya ang iyong naramdaman
Ngayong alam mo na kung ano ang kinahantungan?
Noong panahon ako ay iyong hinawakan
Ngunit sa huli ay binitawan din naman

Ano kaya ang iyong mararamdaman
Kung sakaling nakita mo akong hirap na hirap at lubos na nasasaktan
Sakaling kasama kita habang ako ay lumuluha ng dugo
Daladala ang sakit ng pagkabigo

Ano kaya ang iyong naramdaman?
Wala lang ba sayo ang lahat ng iyong nasaksihan?
Ikaw kaya ay nasasakal?
Ay teka, hindi mo nga pala ako minahal

Muli nating balikan
Noong ako ay iyong hinalikan
Kung paanong ang kamay ko ay iyong hinawakan
Tangina ka isa kang malaking kasinungalingan!

Js Prom (2/12/16)
Js prom ang isa sa pinakamasayang event sa highschool life. Haha. Honestly nag enjoy naman ako. Masaya. Truly magical and truly heartbreaking. Haha. Umamin kasi sakin yung taong gusto ko. Nagaminan kami. (landi diba? 😂✌)
Then ayun. Haha. He’s fvcking selfless. And worst, I am selfless too. Kaya ang ending kahit gusto namin ang isa’t isa bumitiw na lang kami kasi madaming masasaktan. Gusto ako ng kaibigan niya at gusto siya ng kaibigan ko. Haha. Masyadong complicated. Hay. Nakakainis. Pero wala eh. Maybe hindi pa lang talaga to yung tamang oras. Mas okay na to. Atleast hindi nasaktan mga kaibigan namin diba. Hays. Okay. Haha. Nagenjoy pa rin naman ako. :) unforgettable ang gabing yun. Sobra. Bitin nga lang. ✌

Pag sinabi ba talagang move on, dapat move on as in walang wala na? Hindi ba natin pwedeng bigyan ng iba’t ibang klase ng ‘move on’? Kasi siguro naman iba’t-iba ang pananaw natin sa salitang yun. Hindi ba pupwede yung sabihin nating nakamove on na sa sakit, nakamove on na sa araw na nangyari yung bagay na halos ikaguho ng mundo mo, nakamove on na sa gabi-gabing ang mga unan ay basa ng mga luha, pero hindi parin nawawala yung nararamdaman? Sinabi lang mo lang naman nakamove on ka na eh. Pero di naman ibig sabihin nun hindi mo na mahal agad. Pwede naman yun diba? Tanong lang naman…

nagmahal, iniwan, nasaktan.

“Hindi ko magawang maging masaya sa pagkakataon na to lalo na’t alam kong nakalimutan mo na ko. Alam kong hindi naging madali pareho satin ang lahat. Pero bakit parang ako lang ang sumubok na ayusin lahat ng ito? Bakit parang ako lang yung nagmahal at nasaktan? Bakit? Bakit?

Naalala ko yung gabing ‘yon. Yung moment na sinabi mo na ayaw mo na. Itigil na natin. Tama na. Nasasaktan na kita. Yon ang sabi mo sakin. Ayoko maglakad papalayo sayo. Gusto kitang tignan sa mata. Hawakan Ang kamay mo yakapin ka ng mahigpit at wag magsalita. Gusto kong iparamdam sayo na nandito lang ako, hindi ko kakayanin kapag nawala ka. Hindi kita iiwan. Isipin na Ikaw at ako lang. Walang ibang nakakakita. Pero ang nagawa ko lang ng gabing yon ay umiyak sa harap mo, halos lumuhod at magmakaawa na ‘wag mo akong iiwan.

Lumipas ang panahon na hindi na kita nakakausap. Umaasa na sa paglipas ng mga araw eh lumilipas din ang nararamdaman ko sayo? Kaso hindi. Ang sakit-sakit. Simula umaga hanggang gabi ikaw ang naiisip ko. Kapag pumipikit ako ikaw ang nakikita ko, yung mga masasayang oras na kasama kita? Halos gumigising ako araw-araw ng hindi ko alam ang pangalan ko dahil ang totoo ikaw parin ang naaalala ko. Hindi ko nga alam kung kaya ko pa ba ngumiti tulad ng dati? Hindi ko alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Darating yung pagkakataon na iiwan mo ko. Oo alam ko yon. At nangyari na nga. Pero hindi dahil ako ang nangiwan at sumuko. Nakakalungkot dahil Ikaw. Hanggang ngayon hindi parin sakin malinaw ang lahat o sadyang hindi ko parin tanggap? Hindi naman kita niloko? Wala naman akong iba? Pero bakit kailangan husgahan ang buong relasyon ninyo ng dahil sa hindi pagkakaintindihan o pagkukulang? Ang labo? Hindi pa naman huli ang lahat diba? Pwede parin naman bumawi? Pwede parin naman subukan? Pero bakit tinapos mo na ang hindi pa natin nasisimulan? Papunta na tayo eh. (hopes)

Nagmahal lang naman ako hindi naman ‘yon pagpapakatanga. Pero Wag mo ni-lalang Ang pagmamahal. Dahil sa panahon ngayon ayan ang pinakamahirap hanapin at ibigay. Kung tutuusin walang love na nagkukulang. Di yan nasusukat. Hindi yan nabibilang sa pagkakamali, kung ilang beses nahatid sundo o magkano ang naregalo mo. Siguro may mga taong hindi lang kaya magpahalaga sa mga simpleng bagay o sadyang hindi lang ako enough. Nakakalungkot lang din isipin na ang realidad sa panahon ngayon ay mas maraming walang alam kung pano talaga magmahal kesa sa mga taong punong-puno ng pagmamahal. Pero alam mo katulad ng palagi kong sinasabi sayo. Simula ng makilala kita mas nakilala ko yung sarili ko. Matagal narin kasi simula ng nakaramdam ako ng ganito. Nagpapasalamat ako sa sandaling nakasama at minahal kita. Tanga na kung tanga pero oo aaminin ko hanggang ngayon umaasa parin ako. Sa ngayon hindi man tayo para sa isa’t-isa atleast dumating yung araw na naging masaya ako at sana naging masaya ka din…

words from: https://www.facebook.com/TheArtidope

youtube

http://www.eaglenews.ph/dennis-trillo-at-solenn-heusaff-pinangunahan-ang-mga-biker-sa-trip-lakbay2love-outdoor-premiere-night/

Dennis Trillo at Solenn Heusaff, pinangunahan ang mga biker sa “Trip: Lakbay2Love” Outdoor Premiere Night

Hinahanap hanap natin ang isang pelikulang love story na, may advocacy at inspirasyon pa. Iyan ang taglay ng pelikulang “Lakbay2Love” na pinagbibidahan nina Solenn Heusaff at Dennis Trillo.

Kalimitan nating pinapanuod ang premiere night ng isang pelikula sa loob ng mga sinehan. Subalit kakaiba ang ginawa ng Erasto Films sa Lakbay2Love. Ginanap ang outdoor premiere screening nito sa ground ng Quezon Hall Ampi-Theater ng University of the Philippines, Diliman, Quezon City. Pinangalanan nila ang event na ito na Trip”.

Pero bago yan, sa pakikipagtulungan ng up bike share at firefly brigade, isang nakaka-excite na bicycle group ride muna sa loob ng UP campus ang ginawa ng mga audience at nakiisa dito sina Dennis at Solenn.

Ang highlight ng gabing iyon ay raffle ng mga trek bicycles na ginamit nina Dennis at Solenn sa pelikula na may sign ng dalawa. Nagkaroon din ng mga performances mula kay Mr. Joey Ayala, Gig Manila at siyempre sa dalawang lead casts ng pelikula. Kaya nagmistula din mini-concert ito.
Ang “Lakbay2Love” ay ang first biking feature film ng ating bansa. Ito ay rated “G” or “General Patronage” ng MTRCB at nakakuha naman ng grade A sa Cinema Evaluation Board.

Mapapanuod na ang Lakbay2Love sa mga sinehan at movie theaters simula Feb. 3 nationwide.

x

https://youtu.be/zlLeB5ym4Tc

Isang Gabi ng Pamamalakaya

https://www.wattpad.com/214745936-paralawod-isang-gabi-ng-pamamalakaya

Maaga pa lang ay namalengke na ako ng mga babauning pagkain. Bumili rin ako ng gasolina para sa makina ng bangkang aming gagamitin sa pamamalakaya. Iba naman ang naatasang bumili ng yelo at magbuhat nito patungo sa sasakyang-pandagat namin. May mga magsusuri naman ng makina at kabuuang bahagi nito, gayundin sa mga banyera, plastic, at lambat.

Nang araw na iyon, muli na naman kaming dadayo sa karagatan ng Samar upang doon ay makipagsapalaran. Ilang araw na rin kaming dumarayo dahil tila naubos na ang mga isda sa karagatang sakop ng aming bayan.

Buo ang loob namin na makakahuli kami ng mas marami kaysa sa mga una naming huli.

Bago tuluyang dumilim, naghahanap na kami ng mapupuwestuhan. Marami-rami na rin ang mga bangkang magbabakasakali sa gabing iyon ng masaganang huli, kaya mas mahirap ang makakita ng perpektong lugar na aming pakakawalan ng lambat.

Habang naghahanap, napansing kong nagkalat ang mga ibong puti sa karagatan. Animo'y mga senyales sila ng presensiya ng mga isda dahil
sa tubig sila nakatingin. Ang iba nga'y nakaabang na sa mga boya ng lambat.

Natuwa ako. Ganoon din kasi karaming ibon ang nakita noong unang beses kong sumama sa paglalaot at unang beses na nakaranas ako ng masaganang huli.

Kaya lang, lumayo pa ang bangka namin doon sa may mga ibon. Hindi ko na inusisa ang timonero kung bakit. Nanghinayang lang ako.

Nakahanap na kami, ilang minuto ang lumipas. Malayo kami sa mga bangkang nauna pa kaysa sa amin.

Pagkatapos maipakawala ang mahabang lambat para sa tamban— mumurahing isda ngunit masarap kapag inihaw, muli kong namasdan ang paroo’t paritong mga ibon. May dumapo pa nga sa aming boya. Kinatuwa kong muli ang pangitaing iyon.

Tatlong oras din kaming naghintay. Kasama na doon ang aming paghahapunan. Kasama na rin doon ang pagdaan ng dalawang malaking pating at ang paglitaw ng malaking pusit, na hindi nila nahuli, gayundin ang kuwentuhan.

Natakot ako sa kuwento ng kasamahan namin tungkol sa isdang may tulis. Bigla na lang daw itong tatarak sa mukha ng mangngisda, lalo na kapag may hawak kang ilaw, petromax, flash light o kahit anong maliwanag na bagay. Nakakatakot. Ayoko na tuloy dumukwang sa dagat.

Sa loob ng tatlong oras na iyon, narinig namin ang tatlong magkakasunod na putok ng dinamita. Hindi ko alam na ganoon pala ang tunog ng dinamita. Kung hindi nga lang nila pinag-usapan, hindi ko malalaman. Talamak daw talaga ang ilegal na pangingisda, kaya naman apektado ang maliliit na mangingisda, na kagaya namin.

“Aria!” bulalas ng lider namin, matapos niyang malamang lumubog na ang mga boya.

Isang madugong aksiyon ang naganap. Mabilisang paghila ng lambat paahon sa bangka. Sa bawat paghila ay kumikinang ang lambat dahil sa masaganang huli. Sobra ang tuwa ko, naming lahat. Hindi ko na lang ininda ang sugatang kamay ko dahil sa tusok ng palikpik ng isda.

Walang mapagsidlan ang aming ligaya. Wala na rin akong mahihiling pa sa gabing iyon. Naranasan at nakita ko na halos lahat ng mga bagay tungkol sa dagat at pangingisda. Nakita ko na rin kung paanong ang mga isda mismo ang lulukso sa aming bangka. Pakiwari ko noon, nasa mundo ako ng pantasya. Pambihira ang tagpong iyon. Tila nagsi-circus ang mga isda. Mabuti na lang, maliliit lang sila. Hindi sila ang isdang may tulis, kundi tumarak na ang isa sa dibdib ko.

Wala na rin kaming mapagsidlan ng aming mga isda. Napuno na ang dala naming dalawampu’t anim na banyera. May tatlo pa kaming lambat na tatanggalan ng isda.

“Ikarga natin at ibenta sa mambabagoong,” suhestiyon ng isa naming kasama.

“Lulubog tayo,” sagot ng aming lider.

“Tawagin natin ang mga kasamahan natin,” banat naman ng isa. Kinuha ang cellphone at tumawag.

Isang malaking problema tuloy ang maraming huli. Ikakapahamak naming lahat kapag ikinarga namin ang lambat na ‘mata-mata’ kung tawagin ang huli. Hindi rin namin puwedeng iwanan ang mga lambat, dahil magagalit ang may-ari.

Wala kaming nagawa kundi magtawag ng saklolo mula sa 'kapit-bangka’.Ibinigay namin ang huling tatlong lambat na punong-puno ng isda. Laking pasasalamat nila sapagkat wala pa silang huli. Hindi pa raw lumubog ang mga boya nila.

Habang hinihintay silang makatapos sa pagtatanggal ng isda sa lambat, sinabi ng lider namin na ang bangkang iyon ang gumamit ng dinamita kanina. Ang mga isdang dapat sa lambat nila pumasok, sa lambat namin dumiretso. Natawa ako. Ang karma nga naman, marunong!

Habang dahan-dahan na bumiyahe pauwi ang aming sasakyan, iniisa-isa ko ang mga aral sa buhay ng karanasang iyon.