ange is the best

8

endless list of favorite movies: Brokeback Mountain (2005) dir. Ang Lee

We coulda had a good life together. Fuckin’ real good life. Had us a place of our own. But you didn’t want it, Ennis. So what we got now is Brokeback Mountain. Everything’s built on that. That’s all we got, boy, fuckin’ all. So I hope you know that, even if you don’t never know the rest…I wish I knew how to quit you.

criterion.com
The BFI’s List of the Best LGBT Films of All Time
For the past thirty years, the British Film Institute has been honoring the best in contemporary and classic LGBT cinema from around the world, with its annual BFI Flare: London LGBT Film Festival. In celebration of the festival’s three-decade . . .

The BFI polled filmmakers, critics, and programmers to determine the best LGBT films of all time.

we shall remember them lol

I guess you could say this is a FAN art.. get it?! becuz it’s.a.. fansdfhgrwhags haha .. I’ll go now

So I’ve been holding on to this since last year (hence the signature lol) and I’m finally posting because my very wonderful and lovely and hella S/O @ultimategenderwizard / @chatnoirisms wrote me a drabble to go along with it <3333 That will be below the cut, so if you like it, make sure to give them a shout!!! 

Keep reading

The moment I knew I need some improvement

I think this anon arrived at my account last year. Naalala ko pa noong una ko tong binasa sabi ko “tangina neto, ginagawa akong tanga porket tama grammar ng pinagsasabi niyang kshitan” tapos nasa isip ko wala akong pake kung mali grammar ko, basta nailalabas ko ang nadarama kong hinanakit sa damdamin. Until bigla akong nadepressed, to the thought na baka sa una pa lang pinagtatawanan na nila ako, na yung ibang mga blogs na nagpopost about wrong grammar poet ay ako, feeling ko lahat ng bagay na kapintas pintas sa blog ko ay totoo. Suddenly my blogging confidence just went from 100 to 0. Nawala na parang bula ang confidence ko para magsulat, pakiramdam ko bawat sulat ko ay ijujudge ng iba, baka may makita silang maling grammar at kung ano-ano pa kaya tumigil muna ako ng ilang buwan, though nagpopost ako minsan pero binubura ko kapag hindi ako satisfied sa mga words na nakasulat dito. Eto din ang dahilan kung bakit nainsecure ako sa utak ko, the way I think, the times where I forget some basic words at dumating din sa point sa kung saan nagtatanong ako ng kung anong english neto which I dont usually or ive never done before. Halos mabaliw din ata ako, pero slight lang dahil akala ko imbis na tumalino ako every year, mas bumobobo yata ako, kasabay na rin sa pressure ng mga kaklase ko sa school, mga taong nagsasabi na akala nila nung una nila akong nakikilala ay matalino daw ako pero weird lang dawa pala. Hanggang sa sunod-sunod ko ng nareralize na ang baba na yata ng tingin saakin ng mga taong nasa paligid ko, they’ve treated me as someone na walang kwenta, hindi nila kailangan when it comes to academic matters, or basta related sa mga smart stuffs kuno. Doon ako bumaba ng bumaba hanggang sa wala na akong tiwala sa sarili ko.

Pero hindi ako sumuko, oo corny ang linya na yan pero putangina dahil sa iba kong kaibigan dito sa tumblr, kilala niyo na kung sino kayo, sila yung tumulong sakin para maencounter ko ang insecurities ko. Sinabi nila sakin na natural lang sa isang baguhang manunulat ang makakuha ng ganyang criticism, though I took it way too serious on my side dahil first time ko lang ang mapansin ang grammar ko sa pagsusulat, Tangina natatawa ako sa drama ko dahil diyan sa anon na yan, pakyu kang anon ka kahit na good criticism mo yan nainsecure ako ng pagkatagal tagal at hanggang ngayon meron pa rin epekto sakin.

Eto lang ang conclusion ko sa long post na ito:

Sa dinami rami ng sinabi ko, ang gusto ko lang iparating ay dadating tayong lahat sa point na kung saan akala natin wala tayong insecurities, pero meron pala at sobra ang magiging epekto nito sa pagka tao natin. The best way to conquer it is try to embrace it, sa paraan ko dahil nga sa nainsecure ako sa pagiisip ko or the way I write, umino ako ng memo plus gold at hindi po ito sponsored pero kung balak po ako isponsor ng memo plus gold hihi contact me po, charot lang. Ayun nga, I tried to exercise my brain, nagbasa ako lalo para maexpand ko pa ang vocabulary ko at I tried my best to write a poem na galing talaga sa puso ko at hindi para sa sake ng blog na ito.

It's A Challenge Celebration!

 (image courtesy of @atc74.. Thanks Ang.. You’re best!)

One thousand of you absolutely, the most wonderfully, the bestest, the most terrific people are following my blog!! I have no words!

Just kidding, I really do have plenty of words!

Seeing how today is my birthday (the 11th) and I hit this milestone the other day (1117 followers as of this morning!) I’m gonna host another challenge. I love watching movies and binge watching TV shows. So that will be the focus of my challenge!

Under the rules, I have listed 50 movies/shows. Pick one and run with it! Have your characters reenact the movie or a scene from it, have them watch the movie/show in you fic, use the soundtrack from the movie, have one of your characters constantly quote from a movie: use the movie or show however you want. Just have fun with it!!!

Forever Peeps tagged under the cut, plus a few others. If you wish to be added to the tag list, click the link on my master list. And as always, if you wish to be removed just let me know.

So, on to the rules and your choices, all of which are below the cut!

Mamas Master List

Rules:

Keep reading

So I passed UPCM. Elated, but at the same time pressured to be always at my best para sa mga taong gagamutin at tutulungan ko pagdating ng araw. See you soon, batchies of Class 2022! Let’s always do our best para laging mabigay natin ang best natin sa mga future patients natin! #MedStory #UPCM2022 #FutureDoktorNgBayan

Thank you, Lord for this! More inspi for thesis and to graduate this sem! No choice e. Hahaha.

Masyado kang mabait para masaktan.

Ayan, dito mo naman makikita yung mga taong na friendzoned. Sa sobrang bait mo sa kanila, ayaw ka nila i take as risk para sa relasyon. Minsan kaya naman talaga nila makipag relasyon sayo eh. Kaso nga ayaw nila mawalan ng isang mabuting tao sa kanila if ever hindi naging maganda ang takbo ng relasyon. Minsan kasi akala natin kaya natin eh. Pero sa huli maglalabasan ang mga ugali na hindi naipakita dahil nga magkaibigan lang naman kayo. Napaka ironic na ganun minsan ang nangyayari no? Tipong all you want is the best for them still sa huli hindi mo nakukuha yung bagay na gusto mo if ever na ma fall ka dun sa tao na yun.

Minsan naiisip ko, kaya siguro madalas nasasaktan yung mga tao kasi patuloy silang nag tatake risk sa taong hindi naman ganung ka OK. Kasi dun sila nag sesettle sa taong hindi naman masama pero medyo bad boy. Yun bang mga taong worth the risk. Tipong mawala man, edi ok lang. Pero kung mapatino nila edi mas ok.

At yung mga mababait, ayun. Patuloy na nagbibigay lang ng payo. Patuloy na nasa likod lang at naka masid sa taong mahal niya at pinapangarap niya na nasasaktan lang kasama yung taong “Worth the risk”.

Dahil nga ba “We accept the love we think we deserve?” o gusto mo lang i explore ang iba’t-ibang tao kung ano mai ooffer nila sayo? Sino nga rin naman tayo para husgahan yung mga medyo bad boy diba? Basta ang alam natin masama sila kasi sinasaktan nila at hindi binibigyan ng importansya ang taong pinapahalagahan mo.

To go or not?

Sa June 3 meet up namin. Undecided ako kung pupunta ako or hindi.
Reasons not to go:
•Baka mahuli ak ng mama ko na umalis ako at nagpunta ng MoA
•Wala akong pera, may babayaran pa akong 1,500PHP sa inorder ko (kung di nawala pera ko edi sana nasettle ko na yun!!)
•Mahiyain ako.
•First time ko sila mamemeet. Tas sila nakapagmeet na before!!!!
•Ang awkward kasi di na kami ganong nag-uusap. Hi hello kamusta okay lang ang convo namin lagi.
•Takot talaga ako sa Mama ko huhuhu.
•Gusto ko panoorin knb kaso baka wala na sa cinemas
•May nangyari dati samin ng kaibigan ko?? Ang mali ng pagpephrase ko. Gago ko. Basta tinanong niya ako kung best friend ko pa ba siya tas sabi ko no. Sobrang sama kasi ng loob ko nun sa kanya. Ngayon di na kami nag-uusap.
•Si Mama talaga. Huhu.
•Baka bombahin MoA nakakatakot huhu
•Ang awkward talaga!!! Hello!!!! Sa isa sa kanila ako nagsasabi ng probs and alam nung isa na nanonood ako ng gay porn tas lalaki yun. Imemeeet ko siya?
•Wala ng 600 pera ko. Huhu hello pano pa ako makakakain??????
•Baka di matuloy (or SANA HAHAHA)

Reasons to go:
•1st time matutuloy meet up namin after 2 years!!
•Pupunta din kasi yung nag-iisa sa grupo namin na taga-Cebu.
•Gala with friends is life.
•Nagtatampo si bestfriend. Huhu
•Nagtatampo sila pero may kasama akong ayaw din pumunta hehehe. (DAPAT BA TONG NANDITO??)
•Gusto ko sila makitaaaaa.
•Nakakakonsensyang di pumunta.
•I wanna enjoy my life, my youth. Charot.
•Minsan lang kasi talaga :((
•Baka di ko na sila makita next time.
•Nandun yung dati kong best friend huhu. Baka magkausap ulit kami tas maging close. Nakakamiss din yun. Kaso di nakakamiss umasa sa kanya.
•Baka mas maging close sila lalo huhu tas kapag sumama ako next meet up if magkakaron, OP na aketch
•GUSTO KO PUMUNTA

Andami kong rasons pero ayaw ko talaga pumunta pero nanghihinayang ako. Huhu idk. Send help.

6 months na tayo baby girl :)

Ilan lang to sa mga memories natin. At alam ko na mas marami pang memories ang makukuha natin:


First monthsary, EK/Tagaytay.

Sobrang saya nun, kasi yun yung lahat ng first natin. Yung akala natin na magiging awkward tayo sa isa’t isa. Hindi nangyari. Masaya lang. Sobrang saya. Yung hindi pa tayo nakakauwe, pero gusto ko ng planuhin kung kelan tayo ulit magkikita.Sobrang bait mo.  Sobrang ganda mo pa. Simpleng simple lang suot mo, pero ang ganda kasi, nakakainis. HAHA! Hiyang hiya ka pa sa kilay mo.

2nd monthsary, Video Call.

Nagpaint ako for us. Hindi tayo nakapagkita nun, pero nagvideo call tayo, tapos iyak ka ng iyak kasi nga hindi mo akalain na may regalo ako. After 2 days nagkita tayo, nagpunta tayo sa Venice dito sa Taguig. Sobrang saya mo kahit na may problema nun, kasi matagal mo na ako hinihiritan na mag-Venice tayo. So yun. Happy, kasi dun ko binigay yung ring sa'yo. :)

3rd monthsary, Baguio.

Pinagluto mo ako, kumain ako for the first time sa tupperware habang naglalakad, kasi sobrang gutom na ako. Happy syempre, ako naman yung first time na magpunta ng Baguio, ewan ko, di ko talaga trip noon eh. Pero nag-enjoy ako, kasi hawak ko yung kamay mo the whole time. Binigyan mo ako ng Jar of Love nun. Sobrang suprise yun, pero di mo alam na may naghihintay na surprise sa'yo pagdating nga Valentines day.

4th monthsary, Tondaligan.

Simpleng kulitan lang ‘to. And yes, pinagluto mo ako ulit. :) Madaling araw palang nasa beach na tayo, tapos naghihintay ng sunrise pero di ko nakita kasi nasa kabilang side. Eto yung time na pinagluto mo ako ng chicken, tapos naglaro lang ako sa dagat habang binabantayan mo (parang bata lang). Tambay lang tayo sa Calasiao.

5th monthsary, Surprise visit sa School.

Sira na kasi yung phone niya matagal na, so bumili ako ng bagong phone niya. Pero hindi niya alam. Hindi niya alam na nagbyahe ako papunta sa San Carlos ng madaling araw para lang maabutan siya sa class. Kinuntsaba ko lang yung kaklase niya para iabot sa kanya yung regalo ko. Panatag na ako na hindi na mapuputol yung communication natin. And happy ako, kasi nasurprise na naman kita.

6th monthsary.
Eto na nga. REGULAR NA AKOOOO! Woooohhh!
Nagpapasalamat ako na umabot tayo ng kalahating taon. Wala akong balak magresign at regular na ako sa trabaho ko bilang asawa mo. Hindi ako magsasawa na mahalin ka, alagaan, intindihin at pasayahin. Kasi mahal na mahal kita, at wala na akong mahihiling pa talaga.

Masaya ako na nalagpasan na naman natin ang isa sa mga problema. Alam ko na binibigay naman natin pareho yung best natin para magwork ang relasyon na ito. Marami mang intriga, marami pang naninira, wala naman silang magagawa kung hindi tayo bibitaw di ba? May mga kasalanan ako, may mga kasalanan ka, pero at the end of the day ang importante lang, ay hindi naman natin kayang wala ang isa’t isa, kaya walang sense na mag-away pa. Hindi importante kung sino ang tama, at sino ang mali, ang mahalaga, mas mahal natin ang isa’t isa kesa sa pride natin. Mahirap man na magkalayo tayo, yung hindi natin basta mayakap ang isa’t isa kapag may problema, sa maikling panahon ng relasyon natin, natutunan kong tanggapin ang lahat ng mga problema. Mas lalo kitang minamahal sa paglipas ng panahon. Natutunan kong magpakumbaba, natutunan kong magpatawad, natutunan kong mangarap na kasama ka, at makasama ka sa habang panahon. Natutunan kong ngumiti ng totoo, natutunan kong mag-appreciate kahit na sobrang liit na bagay. Nagdadasal ako na sana wala ng ibang manira pa, at wala ng paalam sa ating dalawa. Kahit na anong away ang dumating, hinding hindi tayo bibitiw ha? Mahal na mahal kasi kita, at sa'yo ko naramdaman ang tunay na pagmamahal.

Napatunayan natin sa maikling panahon na kaya natin ang mga problema. Kaya nating ngumiti sa harap ng pagkakalayo natin sa isa’t isa. Kaya nating umintindi kapag mahina ang isa. Kaya nating to habang buhay ha?

Ang pagmamahal na to ang kasiyahan ko, at pangako hindi ko ito ipagpapalit sa kahit na ano o sino. Ikaw ang katuparan ng pangarap ko. Mahal kita, mahal kita talaga ng totoo.

Juice colored nakalimutan ko na naman magpabarya ng pera 1,000 php pera ko tapos nagcocommute ako. Send hallllpppp. Ito ang pinaka-ayaw ko e. Mas mahirap pa to sa aamin ka sa best friend mo na may gusto ka sa kanya. Hahahaha 😭🙄