angbitteeeeer

BADTRIP!!!!

      Yung kahit anong taboy mo, lalapit at lalapit pa rin siya sayo… Yung tipong mamatay ka nang maaga dahil sa taong ito. Yung tipong ikaliligaya niyang mabura ka na sa mudong ito dahil sa pagkamuhi mo sa taong ito.

     BAKIT! BAKIT? BAKIT ka nagkaganyan? yung tipong kahit ipahiya ka na sa buong sambayan eh tuwang-tuwa ka pang napapansin ka ng iyong kapaligiran kahit sa kahit anong anggulo eh hindi na ito magandang tingnan. OO, yan na lang siguro ang paraan mo para ika'y mahagip ka ng aming mga bilog na mata, kahit na hindi na sa paraang hindi maganda, eh ikaliligaya ng iyong puso’t isipang sabik sa kalinga.

    Alam mo, pwede mo namang makuha ang iyong mga inaasam-asam sa magandang paraan na ang lahat ng nasa iyong kapaligiran ay liligaya. isang tilang mga grupo ng mga indibidwal galing sa iba’t-ibang lugar na may iba’t ibang kapaligirang kinalakihan ay may mga ngiting hindi mo alam kung saan ang pinaghuhugutan. 

     Huwag kang mainis o magtaka kung bakit ganyan ang mga tao sa iyong ginagalawan, dahil ikaw mismo ang nag-uutos sa kanilang gawin ang mga ginagawa sa iyo ng mga itong malapit ng mamatay sa inis na walang hanggan… SA TINGIN NAMIN,,,, kung ipagpapatuloy mo yang NAPAKAGANDANG UGALI MONG YAN,, masarap kayang mabuhay dahil wala kang kaibigan. Walang lalong gustig umagapay sayo lalo na sa oras ng PANGANGAILANGAN. 

     KUNG mababasa mo man ito, at kung alam mo naman sa sarili mong ikaw ang tinutukoy ko, PAKIUSAP, mayroong salitang pagbabago hindi lamang sa diksyunaryo kundi sa lahat ng lugar na naghihintay mo siyang yakapin at isama sa buong buhay mo. Kung balot ka sa takot, WAG! tandaan mo, mukha lang malakas ang kalaban dahil alam niyan takot ka rito, pero hindi mo alam, daig mo pa ito lalo na kug isasapuso mo ang mga bagay na kayang makatalo rito…

Friendship vs Relationship

“iyak iyak, selos selos, hindi naman kayo, ano to #PBB teens?” . . Nako, malakas makatrend ngayon ang PBB Teens 4 pero hindi diyan ang pag-uusapan natin.. May nakausap kasi ako sa twitter, at kinwento niya ang kanyang istorya. Oo istorya parang it’s showtime lang yan. Gusto niyo bang marinig ang istorya?

Istorya Istorya Istorya Istorya Istorya Istorya (palakas ng palakas at pabilis ng pabilis)

Ok ang nakaraan, de joke lang. Ganito kasi ang nangyari, may nagsabi sa kanyang lalaki na “malay mo, maging tayo” at sa mga katagang yan, Umasa siya. Kaya ngayong nagkagirlfriend ang loko, iyak iyak na si Ate. Haha lakas makaPBB teens hahaha

tapos, hindi sa kanya sinabi na nagkagirlfriend siya, kung hindi pa kay pareng Zuckerberg, di niya pa malalaman. Ayun, iyak iyak ulit haha.

Ayun, napaisip ako, bakit parang close naman sila. Tinanong ko tuloy, magkaibigan kayo? Ayun, tumama naman..

Dito na ko magsisimula, intro pa lang yun hahaha. Ito na. Mahirap talagang kapag ang usapan magkaibigan at feelings. Di mo kasi alam kung anong pwedeng mangyari. Masarap ng may kaibigang laging nandiyan sa tabi mo lalo na kung down na down ka, masarap sa pakiramdam na may taong nandiyan sa tabi mo para makinig sa gusto mong sabihin, pero paano kung isa sa kanila, may magkaroon ng kakaibang pakiramdam. Mali iniinip mo, natatae siya, angal ka? Bigwasan kita diyan eh hahaha. Hindi, yung feel niya, siya na yung hinahanap niya. Ngunit paano kung hindi pala yun, at nagkakamali lang, at hindi magwork. Paano kung yung nararamdaman mo na yan dalamang siya ang lagi mong nakikita’t nakakasama, kasi siya lang nakakaintindi sayo, kasi siya ang lagi mong kaasaran, kasi siya ang tumatanggap kung sino ka. kasi siya. Kasi siya ahhaha Paano na ang friendship? Dalawa lang naman pwedeng mangyari, friends pa rin kayo, o friends pa rin kayo pero hindi na katulad ng dati at may isa pang pwedeng mangyari at ano naman yun? Yung wala ng pansinan, ilangan na lang. oh ano maiisip mo? Shunga ka? Lakas makavice hahahaha. Ikaw, kung ikaw mapupunta sa ganyang sitwasyon? Ano gagawin mo? kung takot ka naman, manahimik, magtimpi, makuntento, wag assuming! Hahahahah.. #AngBitteeeeer xD para lang tanga.. Hahahaha

Pagod ka na ba? Baka kailangan mo nito.

Hayyyy. Yan ang madalas sabihin ng mga taong pagod. Ikaw, nasabi mo na ba yan? sawa ka na ba sa ginagawa mo? Sawa ka na bang magpakatanga? O sawa ka na bang magpakamartir?

sarap siguro sa pakiramdam ng isang pahinga, sarap ng walang iniisip na problema. Isipin mo, sobra na ba ang ginagawa mo? sobra na ba na mali ang pinagbibigyan ng pagmamahal mo.

Oo, hindi mo magawang iwasan ang ginagawa mo na yan, kasi nasanay ka na, naging manhid ka na. Try mong ipahinga yan ng mahabang panahon, tapos gawin mo ulit, di na siyang masayang gawin no? Try mo sa iba, baka medyo magustuhan mo pa kasi may bago. At maiisip mo, dapat pala, matagal mo ng ginawa yan kasi mas magaan sa buhay ang nangyayari ngayon. Maiisip mo na mali lang talaga ang pinagbigyan mo ng maganda mong serbisyo/produkto. Malalaman mong nalugi ka na pala kasi may umaabuso ng hindi mo alam kasi iba ang nakikita mo at hindi ang totoo. - #AngBitteeeeer

hitit dito, buga diyan

ubo ubo ubo sunog!! May sunog! HUh? anong sunog? May naninigarilyo lang sa tabi mo. Ay, eh siraulo pala to eh, ano ba meron sa binalot na pinatuyong dahon na yan? May mabuti bang nadudulot yan? Eh ang alam ko, sakit lang naidudulot niyan ah!

SIGARILYO - in english, cigarette.. Ano ba meron sa iyo at tila ligayang-ligaya silang nahihitit ka? Ano ba meron sa iyo at inaaraw-araw ka nila? Ano ba meron sa iyo at hindi ka nila magawang maiwasan? Bakit! Bakit! May kemikal pa yatang halo yan na unti-unting kumukuha ng walang kamalay-malay na buhay.

May nabalitaan na ba kayong, isang tao, sa paninigarilyo, lalong lumakas, Isang tao, sa paninigarilyo, lalong humaba ang buhay.

Bakit di niyo maiwasan? Ano katwiran, kaligayahan? Anong kaligayahan nadudulot? Eh yung usok nga lang niyan, kasakit sa ilong, yun pang hinihigob, kulang na lang, pati yung papel isaksak sa baga eh. oo, kung kaligayahan nga ang maidudulot, bakit yun lang ba? Kalusugan? Walang apekto? Grabe, maawa ka sa baga mo! Maaawa ka rin sa mga taong nasa paligid mo. Hindi lang naman na nababahuan sila sa amoy, o hindi kanais-nais sa ilong, pati sila nadadamay sa usok na binubuga mo, ano kami walang ilong? Tsaka kapag namatay ka sa paninigarilyo mo? Ode iniwan mo rin ang taong nasa paligid mo.

Ano ba talaga meron? Hay. Tapos may nakikita pa ako sa mga kalsada ngayon, bata pa lang, marunong ng manigarilyo. Anong klaseng magulang mayroon ang mga yon? Bakit ‘di nila pigilan? O baka kasi kahit sila, nag-uutos na gawin yon? Ngunit sa paanong paraan? “Anak, bili mo nga akong isang kaha diyan sa kanto, pasindi mo na rin ah” .. Talagang anak pa inutusan. Hay! oh ano nangyare? Pati si junior marunong na ring higupin ang usok. kung sa kompyuter, may trojan virus. Parang ganyan rin yan eh, kunyari, may magandang naidudulot, di mo alam, kinakalaban ka na patalikod. Ikaw? naninigarilyo ka? Bakit ayaw mong itigil, ako na nakiki-usap, please, tigilan mo na. Kung di mo kaya, aba'y kayanin mo. Please! Ikaw! Wag kang maninigarilyo ah. hayaan mo na sila. Basta ikaw, diretso lang sa di paninigarilyo. Sa mga nagpoproduce naman ng sigarilyo, pasensya opinyon ko 'to. Yun lang. :) #AngBitteeeeer

banat nga ba?

   "Handa akong mamatay, mahalin mo lang ako"

ano ulit sinabi? handang mamatay? wag kayong maniniwala diyan, ode kapag namatay siya, pano ka? NGANGA na lang sa huli? Paano sarili mo? Balik sa simula kasi wala na siya.

    “Kukunin ko ang lahat ng mga bituin para sayo”

Isa ka pa. aanhin naman niya yon? Bling-Bling? uso pa ba yun? mabubuhay mo ba siya ng mga bituin mo? mapapakain? tsaka tiyak, patay ka rin, nandamay ka pa. ode nasunog kayo, kapag kinuha mo ang mga kumikinang na malilit esteng malaki na lumiliwanag na bagay na yan.

   "ikaw ang nagbigay liwanag sa buhay ko.“

naku naku, kinilig ka naman. ano Tingin mo sa sarili mo bombilya ka? kapag sinabihan kang ganyan, sabihin mo hindi naman ikaw ang hanap niya, at kapag nagtanong sino. sagutin mo, hindi sino, ANO, bakit? kasi ang hinahanap niya pala, bombilya, kung gusto niya kamong medyo makaluma, nandiyan ang gasera.

   "hindi mo lang alam, kung gaano kita kamahal”

lalo ka na! bakit sinasabi mo? hindi niya ba nadarama? o kasi hindi mo talaga kayang ipadarama sa kanya kasi hindi mo kaya! tumigil ka sa mga mabubulaklak mong salita kumilos ka!

 bitter? wala lang, nahawa yata ako ni @AngBitteeeeer ng twitter. hahaha

–ang inyong lingkod BIS bata Sa Isip

na nagsasabin tamaan, ode tinamaan, alang namang hindi, tinamaan nga eh.

Bakit Nga ba Ganun?

August 07, 2012. Bakit kaya may mga taong mahirap pakisamahan? Siguro, dahil di mo gusto aang ugali nito o istilo nito? O dahil Hindi talaga siya nakikisama kasi SARILI lang niya ang iniisipo niya. May mga tao namang tawagin na nating martir. Yung alam na nilang mali, yung ayaw na nila pero patuloy pa rin nilang ginagawa. Minsan, di natin alam kung ano nga ba talaga ang dapat mangyari. Kaya ang katanungan ko lang para rito ay BAKIT NGA BA GANUN?

ang laki ng problema mo dre!

“uy may problema ako.”

ano naman kako yun

“Wala akong crush eh, yun ang problema ko”

tumawa lang ako. kasi di ko alam ang isasagot ko.

tapos ngayon, nag-iisip ako 

ano nga ba ang sagot sa problema nyang iyon. at may pumasok sa isip ko at ito iyon.

    nung una, nagtanong ako sa sarili kailangan ba talaga yun? parang di naman siguro, di naman yun katulad ng pagkain at kung ano mang talagang kailangan ng tao para mabuhay.. pero di naman yun ang tanong niya, sasagutin ko na lang yung tanong, ang sagot ko ay ORAS! oo oras, siguro nagtataka ka, bakit ganyan ang sagot ko. hayaan mong ipaliwanag ko. Ode maghintay ka. ATAT KA dre??? Gusto mong makuha, paghirapan mo.. pagtrabahuhan mo.. hahaha.. ano daw?? hahaha… basta maghintay ka.. parang nawala na yung ewan hahaha.. basta.. ORAS lang ang makakasagot sa problema mo. ORAS, hintayin mo lang yan at darating sa buhay mo. Marami a namang bagay na pwedeng mangyari sayo, kung hindi pa ngayon, isipin mo na lang, pwede namang bukas.  Wag mong punuin ng mga bagay ang buhay mo ssa kaunting panahon, baka mapagod ka, hindi mo kayanin magsisi ka pa. oo, maikli lang ang panahong ibibigay sa atin para mamuhay rito, pero di naman siguro kailangang pagsabayin ang lahat, gawin nating balanse ang lahat. yun lamang, at sana'y makamit mo na ang gusto mong makuha. :) 

Isang Araw na naman ang dumaan

      4:14, Lunes, July 4, 2012… Malapit na namang matapos ang isang araw na akala mo’y walang kabuluhan. Araw na akala mo’y wala na naming nangyaring kapakipakinabang. Araw na akala mo’y pandagdag lamang sa koleksyon mo ng mga araw na walang pinagbago kundi ito’y lumilipas lang. Yun ang iniisip ng ating utak at ng ating kapaligiran. Pero kung ating titingnan, ang bawat araw ay dagdag na naman sa aaralin ng mga bagong henerasyon sa kanilang kasaysayan. Dahil sa araw na mga lumilipas, maraming nangyayari ng hindi natin namamalayan dahil siyempre hindi naman nakikita ang buong mundo at mga nangyayari rito.

“Hay buhay”, yan ang karaniwang mga salitang lumalabas sa bibig ng bawat pagod na tao na tila sawang-sawa na sa kanyang buhay o sa mga nangyayari sa mga bawat araw na nilalagi niya sa mundong ibabaw. Ito’y salitang mabentang-mabenta kanino man lalo na sa mga taong pagod. Naging tila isang karaniwang pangyayari na lang sa bawat nilalanag ang gumising, kumain, gumalaw, mapagod, at matulog sa isang araw. Pwera na lang kung may kakaibang pangyayari, pero ano mangyayari sa kinabukasan? Uulit na naman sa dati. Pero kung ating iisipin, mas lalo tayong maghahanap ng ikasisiya ng ating isipan kung aaraw-arawin natin ang mga kakaibang araw. Mas lalo tayong maghahanap ng bagong pangyayari. At ang masaklap, hindi na natin mararamdaman ang kasiyahan ng bawat isa at ang kalalabasan ay mundo na balot ng KALUNGKUTAN. Ang bawat buhay ng isang tao ay babalutin na lamang ng isang pangyayaring hindi natin magugustuhan. Mawawala na ang salitang kasiyahan, pwera na lang kung makakaisip ang tao ng ikasisiya nito pero sana naman’y ang maisip nito ay makabubuti hindi lamang sa mata nga tao, hindi lamang sa batas ng tao, hindi lamang sa ikagaganda ng mundo, kundi sana’y pati sa mata ng ating Panginoon. Hindi natin masasabi kung magkakaganito ba ang mundo o mas lalalala pa sa iniisip ko. Pero kung mangyayari man, sana’y maging mayos pa rin sa dulo.

Kaya kung ating pagtiyatiyagaang balikan ang mga nakaraan, maging kuntento na sa mga nangyayari at gawin na lamang positibo ang mga nangyayari kahit ito man ay hindi natin gusto. Namnamin natin ang sarap na ibinibigay ng isang araw sa atin, at magpasalamat tayo sa binubusog ang ating isipan at katawan sa bawat araw ng ating paglalakbay. At sana’y wag tayong magsawa sa mga araw na dumarating hanggang sa makamtan natin ang kapayapaang inaasam ng lahat, ang KAMATAYAN.

Ang Muling Pagbangon

     Habang binabagtas ang daan papuntang kung saan, biglang nasira ang aming sinasakyan kaya ako'y tumingin muna sa kung saan, at di ko alam kung sino ang nag-utos sakin para gawin yun, at doon ay may naainag ako na naging dahilan ng pagngiti ng aking mga labi ng ‘di ko namamalayan. Hindi ko inaasahang may hahaplos na luha sa aking mukha mula sa aking mga mata. Hindi ko napansing ako'y nakatingin na lang sa bagay na aking naainag at nawalan na ako ng ulirat at ito na lang ang bumalot sa aking isipan. Ngunit ano nga ba ang aking nakitang iyon at ganun na lamang ang epekto sa aking utak at inutusan ang aking buong katawan na manatili lamang sa kinauupuan at titigan na lamang ang bagay na nagpaalala sa akin ng aking kabataan.

    Mga batang kita sa kanilang mga mata’t ngiti na walang problemang kinakaharap. Mga batang nagtipon-tipon upang maglalaro sa labas at makihubilo sa ibang bata pa sa kanilang bayan. At teka, ano tong nakikita ko, bakit parang ang sarili ko ang nakikita ko. Naglalaro ng napakasaya. Maraming kaibigan. Kaygaan-gaan ng pakiramdam. Marami ring mga batang katulad niya na di alintana ang duming dumadapo at pawis na nagpapaligo sa kanila. 

    Habang tumatagal ang pagmamasid, naalala ko ang mga naging kaibigan ko nung ako'y musmos pa lamang. Ang isa ay kapag hinagis ko, yun ang nagiging dahilan ng pagtawa niya, merong kapag sa kanya hinagis ang nagbibigay galak sa kanya, meron tinatalun-talunan ko, may binibilang ko kahit minsan nagagalit ang aking magulang kapag siya ang aking kalaro, merong tatalunan ko siya, pero ang laro namin lagi ay may kasamang bato at yun lang ang ginagawa naming maghapon, minsan nagpaparamihan kami ng pwedeng mataya gamit ang iba ko pang kaibigan. Naalala ko rin yung maghaharangan kami, kahit magkasugat-sugat na, at lumabas na ang nagsusuplay ng oksigen sa mga lamang loob na nasa aking kaloob-looban ay tuloy lang ang aming paglalaro.

    At bigla kong napagtanto, naalala pa kaya nila ako? o kaya, nasaan na kaya ang mga iyon, sino na kaya ang kanilang mga bagong kalaro o kaibigan? Dahil sa pagod, ay inantok ako at nakatulog. 

    Kilala mo pa ba ako? isang pamilyar na boses, isang pamilyar ngunit malungkot na boses? Kilala mo pa kaya ako? Ang tagal na ting hindi nakakapaglaro, naalala mo pa kaya ako? yan ang paulit-ulit kong naririnig, palakas ng palakas, pagulo ng pagulo.. binabangungot na yata ako, pero isa lang ang naalala ko, pamilyar talaga ang boses niya pero hindi ko maalala kung san ko ba siya narinig o kelan ko pa ito huling narinig. “OK KA LANG BA?” yan ang katagang nagpagising sa akin. nanaginip na pala ako. Pero paggising ko, parang ang bigat ng pakiramdam ko, anlamig ng nararamdaman ko, punong-puno ako ng pawis. At parang may kakaiba talaga s pakiramdam pagkagising ko. May nagtanong sa akin, “uy napapano ka ba? at parang umiiyak ka pa, may sakit ka ba? kakaiba ka ngayong araw.. Malapit na nga palang maayos ang sasakyan, pinapalamig na lang ang makina.” Pagkatapos bigkasin sa akin ang mga salitang iyon, ay lumapt ang isa sa mga batang pinagmamasdan ko kanina. “Kuya, laro naman tayo.” walang anu-ano'y sumagot kagad ako ng oo, hindi ko alam pero may nag-uusto talaga sa akin kung bakit ako sumagot kaagad sa batang ngayon ko pa lang nakita sa buong pamumuhay sa mundong ito. Ngunit mga ilang saglit, nawala ang mga batang kakikita ko lang kanina. Pero sa paanan ko, bglang parang may sumikip. Kaya kaagad ko itong tiningnan, at laking gulat ko sa aking mga nakita. Ang aking mga kaibigan, kasama ko pala sa sasakyan. Nakalagay sila sa isang kahon, ang kahon na dati kong pinaglalagyan ng aking mga laruan at mga tinuing kong kaibigan nung ako'y musmos pa lamang. Ang batang kanina ko pa nakikita ay ang sarili ko. Ako yun nung ako'y walong taong gulang pa lamang. Ganon ako nung bata, kahit di ko kilala, inaaya kong maglaro kasama ang aking mga kaibigang hindi man sila buhay, buhay para sa aking ang mga larong iyon. ang tumbang preso, patintero, luksong-baka, tagu-taguan, text, jolens, sipa, chinese garter, at iba pa. Ang narinig kong boses sa panaginip ko ay ng sarili ko rin, napagtanto kong simula ng ako'y naghigh school, hindi na muli akong naglaro. Masyado kong sineryoso ang buhay, mula noon, hindi na ako ngumiti o tumawa man lang. wala akong naging kaibigan kahit isa, naging isang parang hangin lang ako na naglalakad sa isang lugar na ramdam pero hindi pinapansin. Isang hangin na kung saan saan na lang napupunta at hindi alam ang pupuntahan. Kaya aking gulat ng aking mga kasamahan dahil sa araw na iyon, dun nila ako unang nakitang ngumiti. Ang laki pala ng sinayang kong araw. Kaya simula ngayon, magsisimula ulit ako ng bagong buhay, bagong yugto at bagong istorya ng buhay. Magsisimula hindi man siguro sa pagiging bata,kundi maging isang masayahing tao na may masayahing pag-iisip kasama ang masasayang ala-ala  ng aking kabataang kayang magtanggal ng sobrang bigat na nararamdaman at kyang magpangiti muli sa isang taong nawalan ng pag-asa at saya sa kanyang buhay….

   ang masasabi ko lang, “NAGPAALAM MAN AKO SA PAGKABATA, PATULOY KO PA RIN ITONG ISASAMA AT GAGAWING PUNDASYON SA AKING PAGTANDA”

   — #ANGBitteeeeer (sana ok lang to,, walang maisulat eh hahaha)

ang simula...

  JUNE 3, 2012, 9:51PM, LINGGO.. ito ang petsa, oras at araw na tinatype ko ito. magaya nga si zuckerberg na habang nagbablog, umiinom. ‘De joke lang. hahaha. ok tuloy natin ang kwento.

    ang araw bukas ay LUNES, JUNE 4, 2012.. ano ngayon? hello! simula na kaya ng pasukan bukas. siguro sa mga college, merong nagsimula na at merong hindi pa, pwera rin sa mga pribadong eskwelahan, na baka sa isang linggo pa ang pasukan o nauna, hindi ko alam.. basta dun tayo saa mga elementary at high school, at mga piling unibersidad hahaha. naghahanda na ba kayo? siguro kung oo, malamang ilang araw pa, bago mabasa niyo ito.

    Tapos na talaga ang maliligayang araw niyo, buti at may baon at nagbibigay pa ng ngiti sa inyong mga mukha. Siguro excited na mga elementary, ang saya-saya nila kasi papasok na ulit sila.. yun nga rin ba sa mga high school, mga 99% siguro ng mga high school, gustong pumasok dahil hindi sila maag-aaral ulit, kundi makikita na naman nila ang mga mukha ng kaklasse nila, may kakwentuhan na naman, kakiskisang braso, kaakbayan habang naglalakad, at siyempre, mawawala ba diyan ang gala at libre? hahaha.

    Siguro yung iba diyan, hindi na makatiis hawak-hawakan ang kanilang mga BAGONG-BAGONG mga gamit, yung ba, malungkot kasi yung dati na lang, o yung pinagluman ni ate o kuya. Pero ang sigurado lang ko diyaan, sa dulo ng klase, wasak rin ang mga yan, pwera na laang kung masinop ka. 

    Meron na diyang hindi makatulog, kaya paggising kinabukasan pahirapan, pero di pa siguro mangyayari yun, kasi unang araw nga ng klase eh, mga excited ang lahat, siyempre pati magulang niyo excited din, kasi mananahimik na mundo nila sa bahay, at lalong lilinis ang bahay niyo.

    Meron na diyang kinakabahan kasi unang araw bilang isang high school, bilang isang mg-aaral ng mababang paaralan ng kung ano man. Siyempre, walang tatalo sa kaba ng mga magkacollege.

    Meron na diyang nag-iisip kung saan kakain kinabukasan. Ano ang gagawing paghahanda bukas. Sino ang mga kakausapin.

    Syempre, dun tayo sa uso.. alam na,, PEE-BEE-TEENs? hahaha. yung mg eksayted diyan, kasi makikita na naman si crush… Makikita si karelasyon na hindi rin naman magtatagal.. hhaha ambully eh noh?

    Nandiyan rin ang mga BULLY na kinatatakutan ng mga mahihinang estudyante, hindi pala mahina, edukado lang talaga, na hindi binaba ang kanilang lebel para lang pumatol sa isang walang kwentang tao, o talagang lampa lang.

     Nandiyan na rin ang mga cute na froshies sa high school dahil di mo aasahang ganun ka na pala kalaki. hahaha.. kung ikukumpa ra sa donut, smidgets o kaya munchkins.. kagutom tuloy. hahaha

    Siyempre hindi papatalo diyan ang mga kapre na nabubuhay sa umaga, yung mga estudyanteng hitit dito, hitit doon, grabe, kabata-bata, NANINIGARILYO? maaawa kayo sa mga baga niyo at siyempre saa magulang niyo.

    Nandiyan din ang mga emo emohan, may dugo sa braso, may dugo sa kuko, may dugo sa daliri, may dugo! sana, nagdonate na lang kayo, nakatulong pa kayo, nagawa niyo pang paduguin ang katawan niyo.

    Nandiyan rin na ang buhay ay umikot na sa libro at talino. alam naming nageenjoy kayo, try niyo kayang maglibot at maglibang sa ibang bagay, baka mabaliw kayo ah. hinay hinay lang.

     Papatalo ba ang mga di maubusang laway? Daldal rito, daldal doon, kulang na lang maikwento na ang buong talambuhaay at ibigay kay ate Charo.

      Marami pang iba’t-ibang uri ng estudyante at marami pang pwedeng maging uri ng estudyante. Pero isa lang masasabi ko, masaya rin namang mag-aral kahit papaano, dahil may natutunan kang bago, hindi lang yung galing sa libro, kundi natutunan mo ring matutunang buuin ang sarili mo.. Kaya bukas, ito ang simula. Ang Simula na paghihirap, at syempre ang dagdag istorya sa buhay estudyante ng buhay. yoon lamang, at ito si #AngBitteeeeer na nagsasabing hindi nila kasinggaling, nakakasabay rin. :) Good Luck at GOD Bless sa mga papasok bukas. INGAT! JUNE 3, 2012, 10:35PM.

ASK.FM sagot lang :)

“Sa tingin mo, nagseselos lang ba sya o hinihigpitan na ko?”

    ikaw, ano sa tingin mo? kung wala ka namang ginagawang mali, sa mata ng iba, sa mata mo, ituloy mo lang. Nagseselos siya, pero kung sobra na, sa tingin mo, tama pa rin? Hinihigpitan ka na rin siguro, pero syempre dahil rin siguro sa pagseselos.

   May alam akong ganyang istorya eh, pero ang nangyayari lang, pareho lang nasasaktan, pareho lang ‘di nagkakaintindihan, pareho lang naghihintayan. Ikaw, sa tingin mo kung sobra na, sabihin mo, hindi yung mananahimik ka lang, tapos ano, iyak-iyak sa sulok? MAG-USAP KAYO.. pero wag na magbilangan ng mga mali o tamang nagawa, bakit magbibilangan, para sa ano? pagalingan? 

   Kayo lang rin naman makakasagot sa tanong mo yan, kayo lang rin makakaayos, kayo lang rin naman ang makakatulong sa sarili niyo. :)

BillBoard

August 18, 2012..wooooooh!!! palapit na ng palapit ang taong 2013… at siyempre, parami na rin ng parami ang mga mukha sa daan. MGA MUKHA.. MGA MUKHA. (itutuloy)

  HAPPY FIESTA!!! mula kay blah blah blah

  nasalanta, mga relief goods may nakasulat.. TULONG MULA KAY blah blah blah

Lahat ng okasyon, lahat ng pangyayari, lahat paparaanan makita lang ang kanilang ngalan sa kung sang bagay.. kulang na lang yata ipagsigawan ang ngalan nila sa buong baranngay… 

May lugar akong nadaanan, ok na sana yung mga bandila na nagbibigay kulay sa mga daan para maipakitang may okasyon sa lugar na iyon, kaso bakit may epal? bawat eskinita, bawat paglingon mo, may makikita kang mukha. mukha. mukha na nakangiting pulitiko.. Di mo alam kung bumabati ba talaga o nangangampanya na? Minsan nga, nanawa na ako sa pagmumukha dahil araw-araw ba naman makikita ang kanilang mga mukha… giniba ang kalsada tapos inayos, PROJECT na yan. Fiesta? may pagbati na yan.. may gagraduate? may PANGALAN na nila yan. Eh kung ang ginastos nila run, pinantulong na lang nila sa nangangailangan, marami pang natulungan. Ano naman mapapala ng taong-bayan sa mga mukha nilang para namang makakalimutan. Wala na bang mapaglagyan sa kanilang mga tirahan, at di nakuntento at pati sa daan, ginawa ng PHOTO album ang isang baranggay..

(ang kasunod ng kanina)… MUKHA, MUKHA nga ng alam mo na… Di naman sa kinakalaban, pero kailangan, bawat bagay, may mukha at may nakabig bold ibang kulay ng kanilang pangalan? OK,  oo may ginawa ka para sa bayan, pero kailangan ipagSIGAWAN wan wan wan (papahina) wan wan wan.. sa BUONG bayan yan yan yan yan. Haayy, BATO BATO SA LANGIT, ang palihim na PINATATAMAAN, wag magagalit.. :P

Single? Unique oh!

sa inyong magbabakarda, ikaw lang ang single? Walang problema may karamay ka.

May nagtweet kasi sa akin ng sa kanilang magkakaibigan, siya lang daw ang single, ode sabi ko, ode masaya.

Kaya ngayon, ipapaliwanag ko kung bakit ko nasabing masaya. Masaya kasi lahat ng nararanasan nila, parang naranasan mo na rin kasi ikaw ang nakakarinig, at hindi mo naman alam kung sino nga ang tama kung nag-away sila, pero dun mo naman malalamang, kapag ginawa mo naman yun kapag hindi ka na single, maiiwasan mo na, kasi nakita mo sa kabarkada mo na nasaktan siya. Masaya kasi mapapansin mong sila hirap na hirap ikaw hindi. Wala kang pinoproblema, ang maiisip mo tuloy lahat sila nakakulong sa isang maliit na kulungan at sila'y nasasakal na, at ikaw naman sobrang laya..

Pero hindi naman sa lahat ng oras, lagi silang umiiyak o nasasaktan sa relasyong pinasok nila. May time din na masaya sila. Bakit di ka ba damay sa saya nila? Syempre, masaya siya/sila, syempre magiging masaya ka na rin. Dipende na lang kung naiingit ka. Pasensyahan na lang. Haha

Single? eh wag kang mag-alala, ibig sabihin magaling ka, kasi nagagawa mong mabuhay sa mundong bilog na umiikot sa mainit na araw ng walang kinakikiligan, kinapupuyatan, pinaghuhugutan. Nakaya mong mamuhay ng wala ang iniiyakan nila, tinitilian nila, o iniibig nila. maging proud ka na single ka lalo na kung bata ka pa kasi marunong kang maghintay, hindi ka atat na pwedeng mangyari sa buhay mo kasi alam mong darating at darating pa rin naman yan sa buhay mo. Kaya ikaw, kung single ka, humiyaw ka, Single ako, at hindi ako nahihiyang Single Ako. Hahahahaha diba angsaya?