ang tindi

10.27

Just got home omaaaaygad hahahaha ang haba ng araw na ‘to ha. From enrollment to Thor: Ragnarok to Trendsetter’s mini bazaar 😂 Ay pagod. Sobrang ganda nung Thor!!! 2 post credits ha!!! Ang tagal ng Black Panther at Infinity War!!!! Tapos, mej nakakamiss din pala yung siksikan sa mrt, pero sumpa talaga yung mga babaeng puro rant sa tren. Sana nag taxi ka puka. Anyway, good evening. Pagoda verzosa.

Masakit ang mang-iwan, masakit ang maiwan.

Alam nating lahat na masakit ang maiwan. Ang hiwalayan. Pero hindi porket ikaw ang nahiwalayan ay ikaw lang ang may karapatan na masaktan. Bakit? Simple lang. Hindi niya naman kasi maiisipan na hiwalayan ka kung wala siyang sapat na rason. Mahirap at mabigat yun sa pakiramdam.

At di rin ganun kadali tanggapin ang mga bagay na magiging rason para magawa mo ang ganung klaseng bagay. Una, kasi di mo inakala na kailangan pang umabot ang lahat sa ganung punto bago mo na-realize na tama na. O kaya naman ay iniisip mo na tama na yung pag-isip mo sa sarili mo, sakanya at sa relasyon niyo. Maiisip mo na importante rin na i-consider yung nga taong nasa paligid mo. Kahit masagasaan yung mismong relasyon ninyo. Maraming rason. At lahat yan masakit tanggapin, lunukin.

May kanya-kanyang rason ang isang tao para makipaghiwalay. Ang iba seryoso, ang iba trip lang. Pero maniwala ka man o hindi, yang mga trip na yan, nasasaktan din yan. Lalo na kapag na-realize na nila kung ano yung nawala sa kanila. Sakit nun. Para ka nang magla-laslas.

Iba iba ang tindi ng sakit. Iba iba ang impact. Pero nasa tao na lang yan kung pano niya iiha-handle ang sakit. Pero lagi lang natin tandaan na sa tuwing nasasaktan tayo, ibig sabihin nun, natuto tayong magmahal. At kahit ilang beses man tayong mabigo, hindi ito sapat na rason para bumigay ka nang tuluyan.

Ang sinag ng araw na nararanasan

Ang tindi ng init na nararamdaman

Ang angking liwanag na naibibigay

Ay katumbas ng iyong wagas na pagmamahal

Ang mga sinag ng iyong pagmamahal na nararamdaman sa pagitan ng aking mga labi

Ang tindi ng iyong nag aalab na pagmamahal sa mga oras ng aking pag hikbi

Ang liwanag na ibinibigay simula ng dumating ka sa aking buhay

Hanggang may araw tayong natatanaw

Habang buhay mong mararanasan ang aking wagas na pag mamahal

since friday kahapon, tatlong oras kaming may research pero buti nalang sabi samin magmeeting muna kami para sa topic, problem, at specific questions. all thanks to our research adviser kasi tinulungan niya kami magfinalize. within an hour, nakatapos na kami. and we were instructed to start writing na for introduction eh wala naman kaming sources dahil ngayon lang din naman namin plinano yun that’s why we ended up watching anabelle: the creation. ang tindi ng cinematography, panalo madam. nung unang part, group lang namin nanunuod and then dumating yung kabilang group so buong klase na yung nanuod. advantage talaga pag nasa amin yung projector. pwede kami manuod ng movie tapos buti may dalang speaker. hahahaha nakakagulat lang talaga lahat ng horror movies dahil sa mga sound effects. and after namin manuod, binabalak na naming imarathon yung anabelle. right from the first movie about her up to this latest movie entitled anabelle: the creation. pero syempre yung sunod sunod na. hahaha tapos nalss ako sa you are my sunshine, my only sunshine dahil dito sa anabelle: the creation. hahahahaha. so ayun hi? goodmorning.

Kape, Ice cream, Tsokolate at Ikaw...
Kape, ang tindi ng pagkahilig ko sa starbucks, hindi ko alam kung bakit, hindi naman ako mayaman para hanap hanapin ito dahil hindi ko naman afford bumili sa tuwing mag ccrave (wow big word) ako sa kape. Madalas nga naiinis na sakin yung ibang tao kasi ano ba daw ang nakita ko sa starbucks na yan, eh ang mahal mahal, ordinaryong kape lang naman. Ngiti lang lagi ang sagot ko sa kanila.

Ice cream, grabe kaya sa pakiramdam pag kumakain ka ng ice cream, yung tamis at lamig, tapos favorite flavor mo pa yung binili mo, parang wala ng mas sasarap pa dun. Lalo na kung wala kang kaagaaw. The best.

Tsokolate, isa pang kinaadikan ko, sino bang hindi adik sa chocolates? Yung tipong pag nakakita ka hindi mo maintay buksan para matikman mo na, minsan first time mong tikman kaya maninibago ka, pero kalaaunan, hindi mo namamalayan naadik ka na pala.

Ikaw, ang pinaka ayoko sanang kaadikan pero tulad ng tatlong bagay na nauna, iba kasi yung pakiramdam pag kasama ka, pag katabi kita parang wala nakong hahanapin pa, pag kausap kita ang saya saya ko, hindi tayo nauubusan ng topic. Pero dumating yung araw na sinaktan mo ako, yung unang pagkakataon pinalampas ko pa, pero nung paulit ulit na, tinanong ko na yung sarili ko, “hindi niya ba sinasadyang masaktan ako o naadik na din siya kasi kahit saktan niya ako ng paulit ulit, bumabalik pa din naman ako sa kanya?”

Ang hirap ng buhay no? Parang yung kantang Counting Stars ng One Republic, “I feel something so right doing the wrong thing and I feel something so wrong doing the right thing”. Alam na alam naman nating makakasama satin ang Kape kasi pwede yan makapag palpitate, makakasama din ang Ice cream at tsokolate dahil pwede tayong magka diabetes dahil diyan pero iniinom at kinakain pa din natin. Bakit? Kasi iba yung saya sa pakiramdam.

Parang ikaw, kahit nung una natatakot ako, tinuloy ko pa ding mahalin ka kasi napapasaya mo ko, kahit alam kong may posibilidad na saktan mo ko, minahal pa din kita. Siguro ikaw ang kape, ice cream at tsokolate ng buhay ko, hindi ko maiwasan, kahit alam ko na iisa lang naman ang kakahantungan nito — sakit sa puso.

Warning: Mga Paalala Bago Manood ng Diary Ng Panget The Movie
  • Sa umaga ng pagnood ng DNP, wag kang magkape. Hindi sya nakakakalma.
  • Wag mag-order ng softdrinks. Baka maihi sa kilig.
  • Wag tumapat sa aircon. Baka maihi ka rin sa kilig.
  • Wag magdala ng popcorn, hindi mo rin makakain.
  • Maganda kung kaunti lang ang tao na makakasama mo sa buong sinehan habang nanonood ka ng DNP. Pero mas maganda kung marami kayo, tipong puno ang buong sinehan. Kasi laptrip na yung pelikula, laptrip pa yung audience.
  • Okay ang na maingay yung audience, kesa ikaw lang mag-isa ang magwala soon.
  • Kung matindi ang Eyoss feels mo, pakalmahin mo bago ka pumasok ng sinehan. Kundi, sasakit ang puso mo paglabas mo. Ang. Tindi.
  • Wag mo basahin ang libro bago ka pumasok.Mas maganda kung kunwari unpredictable ang storya.
  • Wag umasang ang kalahatan ng libro ay isasapelikula. May ilang parteng BINITIN NILA AKO AT NAKAKAIYAK YON.
  • Hindi sya corny. I  swear.
  • Mabilis ang mga pangyayari sa simula.
  • Nakakakilig ang Eyoss. Hindi nga lang sobra.
  • SI IAN SYA HINDI SI MEMO
  • ANG CUTE NI NADINE LUSTRE
  • Nakakakilig ang Eyoss.
  • ANG KULIT NI CANDY PANGILINAN
  • ANG CUTE NI ANDRE PARAS
  • ANG GALING NI YASSI PRESSMAN
  • NAKAKAKILIG ANG EYOSS!!! <3
  • Mabantot ang mixed name ni Chad at Lory. Yeah. LORHAD. Pero bagay sila. Ily.
  • Sa kalagitnaan ng pelikula, isigaw mong “PANGIT AKO!!!” Malay mo, nasa loob lang pala ng movie house ang Cross ng buhay mo.
  • Lumayo sa dingding. Baka maghead bang ka sa kilig.
  • Pigilan ang sariling tumili pag nakita ang katawan ni James Reid. Mga 10x syang nag-expose. Warning.
  • WAG UMASANG MAKAKABODY HEAT SI JAMES REID.
  • Slang ni Jeyms. Ang. Sexy. Whaaaaah.
  • Inhale, exhale, sit back and relax. Mahirap na, walang medics sa sinehan.
  • Wag nang umasang may totoong Cross.
  • PERO HINDI MASAMANG IPAGNOVENA YON
  • And finally, WORTH IT ANG BINAYAD MO!!! <3
An Open Letter to the Man I Love the Most (IIF Fanfic)

Para kay mama. This is way overdue, I know.
************************

Dear Wesley,

The first time I saw you, I knew you weren't mine to have.

You were the popular guy. Always wanted, always taken.

And me? I was a bitch.

At one point, I even heard one of your friends making fun of me. They called me lots of names, until finally, one eventually stuck.

Your crazy friend called me a snerd and there was nothing left for me to do but to take it.

But you know what?

It hurt.

Kasi alam ko sa sarili kong I wasn't what you think I was, but if it meant I would be noticed by you, tinanggap ko nalang.

Sorry. Mukha na ba kong tanga?

Siguro ganun talaga pag nagmahal ka na.

Nawawalan ka ng reason, ng self-respect at self-appreciation kapag ang mahal mo may mahal nang iba.

Four years, Wes. Four years kong inantay na mahalin mo din ako. Pero sa dinami-rami ng naging girlfriend mo, ni minsan, hindi ako yung napansin mo.

God, I was stupidly inlove with you that I wanted to be a fling if it meant that I  could be with you!

Pucha naman.

Alam mo bang nasaktan ako nung nahalikan mo si Rachel nung elementary pa tayo?

Tangina, bakit sa dinami-rami ng pwedeng mangyari nung araw na yun, yun pa?

I bought a new dress for you.

I made myself up only to get noticed by you.

But you didn’t.

And it broke my heart.

After that I promised myself that I’d stop pining for you.

Sino ka ba para iyakan?

Maganda ’ko, and I deserve better than to hang on to someone who wouldn’t even give me the time of day.

But you know what?

One smile from you noong Freshman Orientation , and I was a goner.

Para akong tanga na kinalimutan nalang ang lahat.

Don’t get me wrong, though; I’ve liked a lot of boys apart from you - more handsome ones, smarter ones, even more athletic - but there was something about you that just keeps on catching my eye.

Which, I believe, is the reason why I got so obsessed (well, atleast that’s what my friends say) with you.

Nagsimula ang lahat sa pasimpleng tingin.

Magkaiba tayo ng section, kaya kinuntento ko nalang ang sarili ko sa pagsilip sa room niyo with every chance I got; palaging nagvo-volunteer kapag may kailangan ang mga cher ko sa teacher niyo,maglalakad ng mabagal sa tapat ng room niyo kapag lunch o kaya naman recess - minsan pa nga, nakakalimang cr ako sa isang araw masilayan lang kita.

Pusanggala, ang creepy ko di ba?

Sa bawat pagsilay ko sa’yo araw-araw, pipigilan ko ang kilig hanggang sa makaupo ako sa seat ko para lang kumisay sa harap hg barkada ko.

Ang barkada ko na sa sobrang supportive, kulang nalang ipagtulakan na nila ko sa’yo, mapansin mo lang ako.

Kami ang pinaka maingay sa games mo, ang mga weirdo na daig pa yung may megaphone kung maka-cheer sa’yo. Tapos palihim na sisilip kung nakuha ba namin ang atensiyon mo o kung nangiti ka man lang sa kalokohang pinauso ko.

Shit, napapansin mo ba yun?

Siguro hindi.

Sa dinami-rami banaman ng karibal ko at sa seriousness naman ng mukha mo, malamang nasa bola lang o di kaya naman sa flavor of the month mo lang ang focus mo.

Kung alam mo lang ang nararamdaman ko everytime na kumikindat o ngumingiti sa mga then girlfriend mo, tangina, sana sinapak mo nalang ako.

It was around our second year that I decided to give myself a chance and love someone else - like I said, maganda ako - hindi man pasa sa standards mo, pero putangina, maganda ako.

My boyfriend and I were together for almost five months, but we didn’t work out.

Alam mo kung bakit?

Oo, assumero. Nagbreak kami ng dahil sa’yo.

Na kesyo palagi nalang daw niya kong nahuhuling nakatingin sa’yo, na kapag naglalaro siya ng basketball, nasa’yo lang daw atensiyon ko kahit na siya ang chini-cheer ko. Ikaw nalang daw ang magaling, ikaw ang confident,  ikaw na lahat! 

Kaya nahiya ako, Wes. Hiyang-hiya ako kasi akala ko, ako lang ang may alam ng lahat. Nainis ako sa sarili ko kasi ginawa ko siyang second best… hindi ko binigyan ang sarili ko na mahalin siya kasi hung up ako sa’yo. Even though you never really knew that I existed.

Walang hanggang sorry nalang ang binigay ko sakanya nun. Nag-iyakan kami, niyakap ko siya habang paulit-ulit akong nag sorry sakanya kasi he didn’t deserve it.

Pero alam mo? To this day we remain friends. Sinabi niya na aantayin niya ko, until siya naman ang mahalin ko.

Tanga e.

Parang ako.

First sem natin ngayong fourth year highschool, nag -outing tayo. Beach.

May dalang alak nun yung mga kaklase ko at ilan sa mga classmates mo.

Responsable kang SC President, pero pinalampas mo yung time na yun kasi nga sabi mo, once lang naman, graduating na din naman tayo.

Halos dalawang taon na kong walang boyfriend at ikaw, kakahiwalay niyo lang ni girlfriend number 23.

Si Pepper.

Nang malasing na lahat, naglaro tayo ng Truth or Dare.

Truth or Dare, na matapos ang dalawang walang kwentang dare e nagkaroon na ng twist - kung sino mang matapatan ng bote, hahalikan sa labi ang sa tingin nila ay ang pinaka-attractive sa grupo; in a way, truth and dare na ang naging flow ng game.

Ginusto kong umayaw, pero pinagbawalan ako ng lahat - bawal ang kj, sabi niyo pa nga. Kaya hiniling ko nalang na sana, wag akong matapatan.

Unti-unti nang lumakas ang loob ko nung nakalimang ikot na ng bote pero di pa ko natatamaan. ‘Konting ikot nalang,’ sabi ko sa sarili ko, ‘malalasing na mga yan tapos ayawan na’.

Kaso tangina, ang tindi rin namang mantrip ng tadhana.

Nung nagkapayagan nang huling ikot na, sa’kin pa siya tumapat.

Ginusto kong magsinungaling nun, ginusto kong halikan nalang yung ex ko para matapos na, pero tangina. Bukod sa magiging unfair yun para sakanya, naisip ko na baka ito na ang sign para matupad na ang pinapangarap ko - na baka yung halik yung maging catalyst para ako naman yung mapansin mo. Ang maging si number 24.

Before I could talk myself out of it, I gathered all the courage I could muster, held your face between my hands and kissed you like my like depended on it.

It was awkward, yes. Hell, you froze like you couldn’t even comprehend why a stranger was kissing you like she has been in love with you for years (which was the truth)!

I was about to pull away when you latched your arm on my waist, the other behind my neck and pulled me closer. You kissed me back and for the first time in four years, I thought we had something.

Natulog ako nung gabing yun with a stupid smile on my face, and hope. Hope that finally, we were going somewhere.

That hope died the next day on our bus ride home. I tried calling you, hoping to see something on your face when you see me, but then there was nothing.

Dun na rin ako kinausap ni Barbs - the one who insisted on calling me a snerd.

Sabi niya, ‘Teh  piece of advice - yung halik niyo kagabi? walang meaning yun sa mga katulad ni Wes. Quit being stupid and move on. Save yourself and find someone else who’ll be worth it. ‘

Pero hindi pa rin ako naniwala. Sinabi ko sa sarili ko na insecure lang siya, na may iba siyang agenda kaya pinapalayo niya ko sa’yo.

It wasn’t until the next few days that I began to understand.

Ilang instances ba kitang nakita na nakatulala kay Rachel? Na iba yung ngiting ipinapakita mo sakanya kapag inaasar mo siya during club meetings, yung pagtingin mo sa way nila nina Barbs tuwing nakakashoot ka  trying to see if you’ve impressed her.

I have always felt invisible around you, but that realization took things to a whole new level. It’s not that I was invisible to you - you were just too busy focusing your attention on her that you didn’t have time to look at someone else.

I now knew what my ex felt like - to have been given a piece  of something that made you hope for something more, only to have it callously taken away from you.

With that thought my heart broke all over again.

Since then I have been through a phase in my life where I didn’t believe that I have any worth - tangina kasi, ano bang wala sa ‘kin?

Hindi ba ako maganda? masyadong masama ugali? O sadyang nasobrahan lang talaga ko sa tanga? Pinaniwala ko ang sarili ko na inlove ako sa isang tao na ni minsan, hindi man lang ako nilingon. Hindi man lang kinilala, at kahit kailan, hindi naman talaga ako pahahalagahan.

Nakakaputa, nakakasira ng self-confidence, nakakababa ng self- worth.

I felt completely rotten inside.

Siguro karma.

Karma kasi pinakawalan ko ang isang bagay na totoo kapalit ng isang bagay na sa isip ko lang pala magkakaroon ng chance.

Sising-sisi ako, Wesley.

Kung hindi lang ako tanga, I could’ve seen what my feelings for you really were.

It was love, yes. But it was only a love that was all in my head, a product of all the girlish fantasies that I’ve had of me and you.

A love that grew and was nothing but fiction, a feeling that I let myself fawn over and ended up with me taking the one that truly loved me for granted.

A love that although made me feel great all these years, I now realize that it isn’t real.

And with this thought, I decided to let you go and seek the one who will truly make me happy.

Wes, I am writing this letter not to make you feel guilty, but to thank you.

Thank you for all the happiness you made me feel throughout the years that I have loved you.

For making me realize that I shouldn’t force myself to chase for the love that I think I deserve, but rather wait for the one who will love me more than I’ve ever dreamed of.

To wait for that someone who will look at me the way that you look at Rachel.

To believe that I am worth more than what I think I am.

So thank you, Wes.

There will still be a part of me that will always love you, but I will now make sure that I will give the bigger piece of me to the one I’m meant to be with.

The one I will love more.

I hope we’ll both get to be happy and get the ones that we truly want.

Lovingly yours,

Maricar