ang supremo

Spirit of the Coin pt. 2 of 4

Title: Spirit of the coin ft. Mabinaldo, Bonizal and Gresca.

  Part 1

Medyo naging  Grusca-centric ang part na’to haha. Whelp. Same warnings apply. Usapang lasing at kalokohan. Nadagdagan ng usapang hashtag hugot. Also, wag kalilimutan na ito po’y  isang crack!fic utang na loob. Haha.


“Patunayan mo!” dagdag ni Goyong na napatayo na rin. “Kung ikaw nga si Aguinaldo, sabihan mo kami ng isang bagay na hindi alam ng kahit sino.”Inirolyo ni Emilio-kuno ang kaniyang mga mata. “Hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko sa inyo.” Sabi nito na sumandal na sa upuan at napapatong ng ulo sa palad ng kaniyang kamay na nakapatong sa armrest. “Ang kailangan ko lang gawin ayon sa batas ng kabilang mundo ay lumabas kapag tinawag at hintayin at umasang pabalikin ninyo ng maayos. Hindi niyo nga ako natawag ng maayos, ang pagbalik pa kaya?” Muli, siya’y nagbuntong hininga. “Ano nanaman ba itong napasukan ko.”


Hinayaan ng apat na mag-emote sa kinauupuang monobloc si Emilio-kuno at muling nagkumpulan.

“Mga pre, sigurado ba talagang si Emilio Aguinaldo yan?” bulong ni Jose, sumisilip ng kaunti sa multong kinakausap ang sarili.

“Mukhang kamukha naman niya.” Sagot ni Joven.

Nag-scoff si Rusca. “Porke’t kamukha siya na agad? Baka double-ganger.”

“Bobo, doppelganger ‘dun.” Saway ni Goyong. Gaya ni Jose, sumisilip-silip din ito kay Emilio-kuno. “Pero paano naman tayo makakasigurado kung ayaw rin naman magkuwento ng Flat Tops ‘to.”

Keep reading