ang saya lang ng araw na to

gusto ko mag-coffee, gusto ko mag chill, mag-pahangin. gusto ko makipagkwentuhan, hanggang sa kung saan saan na umabot yung pinaguusapan nyo at di niyo namamalayan na ang saya nyo ng dalawa. i want to have someone na hindi mag aaya umuwi kasi gusto lang nya ko kasama the whole day or night, ang saya siguro. yung tipong ayaw mo na matapos yung gabing yon at parang kulang pa yung isang araw para sulitin yung pagsasama niyo. i want that :((

Sobrang mahal kita at itong nakaraang tatlong buwan, ay nakapagbigay sa atin ng parehong lungkot at saya, pero ganunpaman, nananalo pa rin ang ating pagmamahalan. Sobrang importante mo sa buhay ko, ang tanging hiling ko lang ay mapasaya kita mahal ko. Bawat araw na lumilipas lalo akong napapamahal sa’yo. Kahit napakasimpleng bagay lang na gawin mo, sobrang saya na ng puso ko. Lagi kang nasa puso at isip ko. Hindi ko akalain na darating ka pa, yung ikaw na magbibigay sakin ng saya. Binigyan mo ako ng bagong dahilan para mabuhay. At habang buhay kong aalagaan ang pagmamahal na iyong binigay. Mahal na mahal kita.

Ang sakit sa dibdib tuwing di tayo nagkakaintindihan. Tuwing nagkakatampuhan tayo dahil sa mga simpleng bagay.

Ang sakit sa dibdib pag tinitiis mo ako. Pag bigla mo nalang ako di kikibuin tapos ayaw mo sabihin kung bakit. Pag ang tipid ng mga reply mo sakin tapos ang cold cold pa ng dating.

Ang sakit sa dibdib tuwing malapit na tayo magkita tapos biglang hindi natutuloy. Yung sobrang excited na ko makita at makasama ka tapos macacancel kasi may gagawin ka pala.

Ang sakit sa dibdib ma layo sayo. Yung kailangan pa bumilang ng ilang araw o kaya isang linggo bago kita makasama ulit.

Pero lahat ng yan kaya kong tiisin. Mahal kasi kita eh. Mahal na mahal kita. Kahit masakit, okay lang. Kasi di parin nun mapapantayan ung saya na nararamdaman ko tuwing okay tayo at magkasama. Tuwing malapit ka sakin at abot kamay lang kita. Kaya titiisin ko nalang lahat ng yan, kasi mahal kita.

Sa darating na valentines day wala akong kadate dahil wala akong gusto hehe. Isa pa, ginawa ko na lang eh may sinulatan akong letter para sa kabigan kong babae. Suicidal kasi siya minsan kapag biglaan siyang inaatakeng depression niya, kaya naisip kong sulatan siya ng letter. Isa pa gusto niya daw ng letter, kaya yun na lang naisip ko, kaysa sa roses and chocolates blah blah haha luma na yun pwe. Uhm ano pa ba ang update sa buhay ko, hmm wala na eh puro quiz araw-araw, tapos monthly test na namin next next week and then research hahahah ang saya magaral! tangina

Gusto kitang yakapin. Gusto kitang kausapin. Baka sakali lang gumaan ang loob ko. Baka sakaling umikli ang gabi na nakakapagod. Baka sakaling humimbing ang pusong hindi makatulog o kahit idlip man lang. Baka sakaling bumalik ang sigla at saya na minsan ay hindi ko hiniling at kusa lang dumarating. Gusto kitang makasama. Bilang isang kaibigan. Bilang isang kasangga sa bawat hirap at pasakit na hatid ng mundo. Bilang isang anghel na biyaya ng langit. Gusto kitang madama. Gaya ng init ng araw sa gitna ng tag-lamig. Gaya ng ulan sa gitna ng tag-tuyot.

Gusto kitang makasama. Lalo na sa mga oras na mabigat ang mata at nagbabadya ang ulan. Lalo na sa mga panahon na mahirap lumusong sa baha. Kailangan kita. Gusto kitang makasama sa mga panahong hindi ko makita ang ilaw sa dulo ng tinatahak kong lagusan. Gusto kitang madama. Lalo na sa mga araw na hindi ko alam ang init sa lamig dahil pareho akong napapaso at nasasaktan.

Baka sakali lang na mabigyan ng kasagutan ang mga pag-aalinlangan.

Baka sakali lang na mahanap ko ang kulang.

Gusto ko sanang umibig. Gusto ko sanang mapagbigyan ang hiling. Hiling na sana maging masaya muli. Hiling na sana magbalik.

Baka sakaling dumating.

Wag mo pilitin maging masaya.

Kung malungkot ka, doon ka muna. Part kasi yan. Hindi mo naman marerecognize ang saya kapag wala ang lungkot diba? Kaya minsan, kapag malungkot ka, wag mo pilitin maging masaya. Dahil mas malungkot ang mga bagay o kaya hindi maganda kinakalabasan kapag pinilit. Endure the pain, that will end. Not soon but I believe that will end. Magigising ka na lang at paunti unti, ngi-ngiti ka na ulit, pero sa ngayon kung malungkot ka, dyan ka muna. Hanggang sa mawala na lang. Araw-araw naman mababawasan yan. Hindi naman mawawala ang sakit overnight. Kahit gustuhin natin, impossible naman yan. Kahit gumamit pa tayo ng iba’t ibang technique, kapag nawala yung nagpapasaya sa atin, matik na malungkot na tayo. Para bang di na natin alam saan tayo huhugot ng lakas para maging masaya. Sa una lang yan, pero wag kang mastuck dyan ha? Lipat ka din pag alam mo na na kaya mo na at alam mong pwede na. Pero I suggest, kung malungkot ka ngayon, endure it, feel it.

HINDI 'YAN ANG TUNAY NA PAG-IBIG.

Kung ang kailangan mo lang ay ang atensyon mula sa kanya.
Kung kailangan mo lang ng papuri at may magsabi sayo araw-araw ng maganda ka.
Kung kailangan mo lang ng makakasama dahil natatakot kang mag-isa.
Kung kailangan mo lang makisabay sa mga kaibigan mong may syota na.
Kung kailangan mo lang siya dahil naiinip kana, at
Kung kailangan mo lang siya dahil nalilibugan ka.

Gusto ko lang ipaalala sayo na hindi ‘yan ang tunay na pag-ibig.

Minsan nalilito lang tayo, akala natin pagmamahal na ‘yung nararamdaman natin sa isang tao pero ‘yung totoo hindi pala. Masyado lang tayong nabulag sa hiwaga ng pag-ibig, masyado lang tayong nadala sa saya na dulot nito at hindi na natin alam kung tunay na pag-ibig pa ba ang nararamdaman mo.

Marahil masaya ka sa kanya oo, pero naisip mo ba na masaya ka dahil mahal mo siya? O dahil nagagawa lang niya 'yung mga bagay na gusto mong mangyari sa relasyon niyong dalawa?

Ang tunay na pag-ibig ay walang hinahanap na kapalit. Magmahal ka kung magmamahal ka na walang iniisip na maiibalik ang pagmahahal na ibinigay mo sa kanya.

Ang tunay na pag-ibig ay kayang tumanggap. Kahit ano pang pagkatao ang meron siya. Tanggapin mo rin ang mga pangit at hindi lamang ang mga magagandang katangiang nakita mo sa kanya.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng atensyon at oras, kung hindi sa nabubuong pagmamahal at pang-unawa sa pagitan niyong dalawa.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi namimili. Darating ang hindi mo inaasahang tao sa hindi inaasahang pagkakataon. Sa ayaw mo man o sa gusto wala ka nang magagawa kapag tinamaan ka na nito.

Ang tunay na pag-ibig ay kayang magsakripisyo. Handa mong ibigay ang sarili mo ng buong buo para lang sa taong mahal mo.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi selfish. Hindi lang kasiyahaan mo ang dapat iniisip mo kung hindi pati ang kaligayahan niya mismo.

Ang tunay na pag-ibig ay tumatagal. Kahit subukin pa kayo ng tadhana, dumating man ang maraming tukso at problema hinding hindi kayo bibitaw sa isa’t-isa dahil ang tunay na pag-ibig ay pangmatagalan at walang hangganan.

Tapos.

Hindi kita masisisi kung napagod ka na. Hindi kailaman pwede mong idahilan na nawalan ako ng oras sayo. Maaring nabawasan, pero hindi nawala. Alam mo mahal, kung mahal mo talaga ang isang tao kahit na isang minuto mo lang yan kasama? Sobrang saya mo na. Sobranv liligaya ka na. Hindi man kasing dami ng oras na nilaan ko sayo dati ang binibigay ko, pero lagi kong sinisigurado na sa isang araw na lilipas, kahit na minuto mayroon ka. Mahal nag bago ba ako o sadyang hindi na ako ang mahal mo?

Mayroon pa kayang tao na kaya akong mahalin sa kung ano ako at tutuparin ang mga salitang: “Hinding-hindi kita iiwan anuman ang mangyari dahil mahal na mahal kita.”.

Tangina. Yung mga damdaming pilit kong ikinikubli ng halos isang linggo, bumabalik. Yung kirot, yung lungkot, yung pagiging walang kwenta, yung takot at yung trauma, nararamdaman ko na naman sa mga sandaling ito.  Ang sakit. Nandoon pa din kasi yung tanong na “BAKIT KA SUMUKO?” 

Bakit ka umalis dahil lang sa dahilan na HINDI KA NA MASAYA? Alam naman nating parehas na darating talaga yung panahon na sa sobrang tagal na natin, nawawala na yung kilig at saya araw-araw. Pero nag-effort pa din ako na maayos ko yung tayo pati yung ayaw mo sa akin. Hindi ako sumuko kasi akala ko magkasama nating malalampasan yun. Pero ako na lang pala yung gumagawa nang paraan. Naisip ko kulang pa ba yung pagmamahal at panahon na ibinigay ko sayo na halos wala nang natira para sa akin kasi masaya na ako pag napapasaya kita? Hindi ako nanunumbat kasi kusa kong ginawa yun dahil mahal kita. Pero ang sakit kasi. At pag naalala ko yung nangyari, pakiramdam ko wala akong kwenta. Bumuo na tayo ng pangarap para sa isa’t isa. Di ba nga dapat this April, magkasama na tayo sa iisang bubong? Pero naglaho na. Naglaho na ang mga binuo nating pangarap. Naglaho na ang TAYO.

- 02192017

So February 14 ngayon which means araw ng mga puso so dahil dito kami sa davao ngayon for our internship ayun kumain ako kasama ng mga classmates ko sa mang penongs tapos ayun lang wala ng ka ekekan para sa mga single na gaya ko HAHAHAHAHAHAHAHA ang saya lang.

Pakiramdam ko Instant kupido ako sa friends ko binigyan ko sila kanina ng calligraphy-poem letter  bale 6 na babae tapos 2 lalaki sila tapos natuwa sila. Nagustuhan nila yung gawa ko kasi wala pa daw gumagawa nun sa kanila.  Ang sarap talaga sa feeling sulit yung tinta ng pen at yung specialty paper na ginamit ko, bihira lang talaga ako mappreciate kaya kinikilig din ako kasi nakita kong ang saya saya nila. Kahit paano maayos din yung Pitch Presentation namin apos ang taas ng Midterm Grade ko sa isang subject, tapos nagkaroon din kami ng moment ni A tambay kami sa park tapos natawid namin yung isang main road na talagang bawal tawiran nakakatuwa lang bihira lang kasi yon saka ang daming tao dun sa underpass. Tapos binati ko din si Papa at Mama, wala lang nakakatuwa ang araw na ‘to :)

Valentines?

Parang normal na araw lang sakin. Pumasok ng school nag exam pa at quiz. Ang saya diba? Di pa kame nakapag kita ngayon haha sad nu. Wala eh bawi nalang next time. Sumabay pa yung sobrang lamig na panahon. Sabi ng tropa ko siguro daw hininga daw ng mga single yung malamig na panahon lol. Pumasok pa sila na mga naka itim mga baliw talaga.

Wag na kayo malungkot kung wala kayong ka valentines ako nga inaya ko nalang ermat ko kumaen eh haha. O kaya i treat niyo nalang sarili niyo diba. Pero sa loob nalang kayo ng bahay sumakit kase mata ko sa labas eh.

February 13, 2017

Halos wala akong tulog kagabi, hindi rin ako masyado nakapag-aral. Sobrang pagod ng araw na to, wala rin ako kadate bukas pero hindi ko alam bakit ang saya ko. Di ko alam kung lutang lang ako sa kakulangan sa tulog o dahil happy talaga tong araw na to. Siguro dahil sa worth it yung pagod sa HR, ang cute kinalabasan ng office!! Tapos baka dahil na rin pumasa ako sa assessment. Basta alam ko, masaya ako. Yun na yon. Hihi sana araw araw ganito 💕

As I walked home, I had this big smile across my face. I thought about today. I couldn’t stop smiling. I looked up at the trees with hopes of seeing fireflies but there were none. I looked at the sky and there were many stars. And the moon–God it’s just so beautiful. I wanted to see the fireflies but I saw something more beautiful. I love this day. I feel so happy I could cry.

2

Parang isang panaginip kung maituturing ang mahalin ng gaya mo; masarap,masaya at magaan sa pakiramdam. Tinaas ako ng pagmamahal mo sa sobrang taas napapatanong na lang ako ng “nasa langit na ba ako?” sapagkat labis ang ‘yong pinadama.

Di ko namamalayan ang oras at araw na nagdaan sapagkat labis ang saya kapag kapiling ka kung kaya’t hindi ko namamalayang unti-unti na pala akong binababa ng pag-ibig mo. Mula sa pinakataas ay bumababa na ako–bumababa na ang halaga ko sa iyo.

Gaya ka pala ng isang tsubibo;ipapalasap kung gaano kaganda ang tanawin ngunit pagdating sa tuktok sa oras na nasisiyahan ka na sa nakikita mo dun naman ibaba ng pa unti-unti ang sinasakyan mo. Parang pag-ibig mo, pinalasap mo sa akin kung gaano kasaya ang umibig pero dumating din ang oras na hinila mo ko pababa sa kadahilanang hindi mo na ako kailangan dahil may iba ka na pala.

6

Ang saya ng araw na to. Bukod sa applicants for the upcoming grade 7 students na naki-fc ako HAHA okay ang kapal ng fes ko oo na HAHAHA nakakwentuhan pa namin si ate anggeeee yiieee never ko talaga naimagine yon, kahit kay ate elaiza huhu. Ang saya lang sadyaaa. Tas pinakita ko pa kay ate yung photo ko na kamukha ko siya and surprisingly, she agreed! Magkamukha kami, sobra. CHAROT ang dyosa ni ate. Saka may picture na kamiii!! Ang awkward ko nung umakbay si ate gusto ko talagang umakbay din HAHAHAHA pero f ko ang fc ko pag ganoin grabe. At yung “yuuuccckkk!!” ko sadya ay winning pa rin. Weeeeell.

Napakwento na ako HAHA grabe

Parang tayo pero hindi

Ito yung sitwasyon na turingan natin mag-boyfriend/girlfriend yung tipong iniingatan niyo ang isa’t-isa nagmamahalan kahit na walang label yung sitwasyon. Pero hanggang kailan kayo magiging kontento sa ganito? Paano kung isang araw isa sa inyo may mahalin na iba? Hahayaan na lang ba natin na mawala yung pinagsamahan at pagmamahalan natin?

Minsan mahirap maging kontento sa pansamantalang saya kaya habang maaga at nasa sayo pa siya lagyan mo na ng label para kahit na may mang-agaw may karapatan ka dahil sayo siya.

5 YEARS FROM NOW GANITO PA RIN KAYA TAYO?

Sabi nga ni Popoy kay Basha,  “Bash, five years! Itatapon mo lang lahat?!”

Kung andun ako sa eksenang yun, tatampalin ko silang dalawa dahil ang aarte nila. Tapos eepal ako, “Pinagsasasabi mo! Bakit ko itatapon eh wala naman akong balak iwan?! Blog lang ng blog!!”

Akalain mong limang taon na pala akong naghahasik ng kawalanghiyaan at mga walang kakwenta-kwentang bagay gamit ang blog ko? At kung isa ka sa mga nabiktima nito, kawawa ka naman. Nadamay ka tuloy sa mga kalokohan ko. lol.

3,903 blog posts. Sobrang saya ko talaga pag may naiiblog ako. Pakiramdam ko kumpleto yung araw ko. Dahil kapag may naikwento ako, ibig sabihin nun may nangyari sa buhay ko. Malungkot man yun, masaya o parang wala lang, atleast ‘may nangyari’. May significance. Naidokumento ko yung buhay at emosyon ko sa sa lengguwaheng alam ko.

459 drafts. Madaling ikwento kung bakit ka masaya pero kapag malungkot ka, parang feeling mo hindi pa naiimbento yung eksaktong salitang makakapagpaliwanag ng lungkot na nararamdaman mo. Kaya minsan, nananatili na lang sa drafts. Unpublished. Bakit mo pa ipopost ang kalungkutan mo kung pwede mo namang paniwalaan na bukas hindi lang luluhod ang mga tala, kekendeng kendeng pa? Loneliness is panandalian lang.

2,996,015 page views. Kung icoconvert yan sa peso, tangina milyonaryo na ako. Hindi ko na kelangang magtrabaho pa dito sa Doha. Pero hindi ako pumayag na imonetize yung blog ko. Kahit anong click, refresh at ilang page views pa ang gawin mo, kahit isang singkong duling wala akong kikitain diyan Sabi pa, kung pumayag man lang daw sana ako eh di sana may napala ako sa pagbblog ko. Pero hindi nila alam na higit pa jan yung ginawa ng blog ko sa buhay ko. Sapat na sa’kin yung sumasaya ako kapag nakakapagblog ako. Hindi pa ba malaking bagay yun?

781 pahina.  Sa 781 pahina ng blog ko, never akong nagbackread. Never kong binasa yung mga naisulat ko na. Blog lang ako ng blog. Iniukit ko kase sa itlog ko na susubukan ko lang basahin ang kabuuan ng blog ko kapag dumating ako sa puntong hindi ko na kayang paniwalaan ang tunay na kahulugan ng happiness. Kaya pasalamat na lang ako ngayon dahil hindi ko pa naiisipang magbackread. :)

30,269 followers. Alam kong hindi basehan yung dami ng followers para masabi mong magaling na blogger ka. Pero hindi yan yun ang punto ko. Kahit paano naging interesado ka sa buhay ko at sa mga sinusulat ko dito. Napansin mo ‘ko. Naglaan ka ng oras para kilalanin ako sa pamamagitan ng blog ko at nirespeto mo kung ano ako pati na yung mga opinyon ko. At dahil dito, maraming maraming salamat ha?

—-

Ako pa rin ito, si israelmekaniko. Yung ordinaryong blogger na nakilala mo 5 years ago. At magbblog pa din ako dahil masaya pa ako sa ginagawa ko. :)

Ang sarap siguro nung feeling na magising ka katabi yung taong mahal mo at alam mong mahal ka? Yung matatawa na lang kayo dahil parehas pa kayong may muta sa mata. Yung okay lang kahit hindi pa kayo nakapag-toothbrush kasi sa simpleng smack lang, nabuo niyo na agad ang araw ng isa’t-isa. Yung parang ayaw mo pang bumangon dahil ramdam mo ang pagmamahal sa mainit na yakap niya. At higit sa lahat, yung araw-araw kang nagpapasalamat sa Diyos dahil araw-araw ka ring may reason na maging masaya. Saya na dala ng “lifetime gift” na ibinigay Niya.
—  Walang Taong Bobo. Tanga Meron. #250

Yung wala na yung excitement kapag naglolog-in ka sa Tumblr. Kapag nagbabasa ka sa dash, hindi kana maaaliw. Mapapagod ka ng ayusan yung blog mo, mapapagod ka ng mag-isip ng mga bagay na pwedeng i-blog. Hanggang sa umabot sa point na magiging inactive kana dito. Dati kapag nagiging inactive ka nagwo-worry ka na baka natambak na yung mga messages sa inbox, baka sobrang saya na nila at namimiss mo yung fun. Pero ngayon, wala ng ganung feeling.

Tapos maiisip mo nalang na magdeactivate nalang. Total hindi kana din masaya dito. Wala din naman sigurong makakapansin na mawawala kana. Yung mga dati mong kaibigan, yung mga dati mong kasabayan, karamihan sa kanila wala na din dito. Dagdag lungkot lang talaga yung mga ala-ala na ang saya-saya niyo pa dati dito. Umaabot kayo ng madaming araw puro kulitan at post ng kung anu-ano lang sa dash. Pero sana huwag mong ituloy ang magdedeactivate ng blog mo.

Kapag kasi binura mo yung blog mo, parang tinapon mo na din yung mga masasayang ala-ala na nangyari sa Tumblr, kasama na yung mga taong naging parte ng pagiging buhay blogger mo. Lilipas din yan! Babalik din yung gana mo. Kasabay kasi ng pagbabago ng Tumblr, nagbago na din yung mga tao dito. Nabawasan man tayo, marami namang dumating na bago. Huwag ka matakot magsimula ulit. Alam naman din natin na magdeactivate ka man at mawala ng matagal na panahon babalik at babalik ka pa din dito kasi tahanan mo na ang Tumblr.

Dear you,

Ilang araw, buwan at taon na ang lumipas ngunit sa tuwing narinig ko ang mga bagay na may kinalaman sa'yo ay nagbabalik ang isang libo’t isang saya at ang dagitab na tanging sa'yo ko lang nakita. Hindi ito ang patuloy na pagtugudug ng puso, lilinawin ko lang, ngunit ito yung uri ng alaala na masarap uliy-ulitin, ulit-ulitin, at ulit-ulitin katulad ng pagkagusto sa paborito mong lasa ng sorbetes. Matamis. Linawin ko lang ulit, ayaw kong masundan at madagdagan ang nagtapos nating istorya. Gusto ko lang siyang sariwain, namnamin na katulad ng pagnguya sa bubble gum na kapag nawalan na ng lasa ay itatapon na lang. Sa ganung paraan ko gustong ubusin ang lahat ng saya at lungkot ko sayo. Ayaw kong itapon lahat ng bagay na meron ako mula sa'yo dahil kahit papaano, naging parte ka na ng buhay ko. Kahit bali-bali-baligtarin pa natin ang mga bagay na pwedeng baliktarin ay hindi na mababago at mawawala sa puso at isip ko. May sarili kang emosyon na ikaw agad ang unang maiisip pag ako'y nagbabalik tanaw.

Mahal pa nga yata kita ang tagal tagal na niyang naninirahan dito. *turo sa puso* Masisisi mo ba ako? Sana hindi mo ko ikinahiya at pinanghinayangan. Sana lang talaga.

Magmumove on ulit,
A.