ang maganda

6

City of Laoag

Maraming beses na kong nakapunta dito pero ngayon ko lang ‘to iba-blog. Hindi parin nakakasawang tignan. Yung tipong mapapasabi ka na lang “Ang layo sa Manila, ibang iba talaga”. Sobrang disiplinado mga tao, walang traffic at hindi ka makakakita ng nagtatapon ng basra kung saan saan, sobrang linis. Sobrang sasarap pa ng pagkain, lalong lalo na yung empanada. Oo naglipana na dito yung mga malls at iba’t ibang establishments pero nandun parin talaga yung mga dating istrakturang walang kupas, talagang makikita mong inaalagaan nila. Ang maganda rin dito, hindi lang sa Laoag maski sa ibang bayan dito sa Ilocos, pinatutuunan nila ng pansin ang mga bata. Sobrang gaganda ng mga playground para sa bata at hindi lang para sa bata meron din sa matatanda na habang naglalaro si bagets, magehersisyo si mommy at daddy. Ang sarap bumalik dito, kug pwede lang tumira na dito.

Yung Taong ‘Yon.

Isang araw, magigising ka at mapapangiti na lang bigla. Mapapangiti kasi, maaalala mo na may isang taong maganda rin ang gising dahil nag-exist ka. At yung taong ‘yon, kaya kang bigyan ng isang libong dahilan kung bakit masaya siya na kasama ka.

Yung taong ‘yon, wala siyang pake kung maingay ka. Wala siyang pake kung mahilig kang kumanta kahit sintunado ang boses na meron ka kasi para sa kaniya, mas masarap marinig ang boses mo kesa sa playlist na tumutugtog sa cellphone niya.

Yung taong ‘yon, wala siyang pake kung matakaw ka. Wala siyang pake kung aagawin mo pati ulam niya. Ayos lang kung gusto mong kumain ng tsokolate at iba pang matatamis na pagkain, basta alam niya na healthy ka.

Yung taong ‘yon, wala siyang pake kung iyakin ka. Wala siyang pake kung madrama ka. Okay lang sa kaniya kung sa simpleng eksena sa tv, humahagulhol ka na. Ang mahalaga sa kaniya, mapunasan ang luha mo ‘pag hindi mo na talaga kaya.

Yung taong ‘yon, wala siyang pake kung bipolar ka. Wala siyang pake kung ngayon masungit ka, tapos malambing ka naman mamaya. Para sa kaniya, walang katumbas ang bawat araw na nakikita ka niya, at bawat minuto na kasama ka niya, pinapahalagahan niya ng sobra. Kasi para sa kaniya, isa lang ang mahalaga at alam niya. Mahal ka niya at dun siya masaya.

Yung taong ‘yon, hindi mo pa siguro nakikilala. Pero, wala kang ibang dapat gawin kundi ang maghintay. Hindi ang maghintay na ipakilala siya sa’yo ng tadhana, kundi ang maghintay sa perfect time ng Diyos na magset ng meet-up para sa inyong dalawa. :)

Photo: Maribel F.

4

03042017 - Cultural Center of the Philippines

Nanuod kami ng Swan Lake kaso ilang beses akong napapapikit na sa antok hindi dahil hindi maganda. Maganda ang play kaso hindi para sa akin ang panunuod ng ganito. Hahahahaha.

4

Nagkakilala tayo ng hindi natin inaasahan, nagpakilala ka sa tamang timing na nilaan ni lord sa ating dalawa, matagal mo na akong sinusubaybayan, mga post ko na galit sa mundo, at ikaw na nagsasalita sa sarili mo na bakit ako nagkakaganito, bakit hindi ko nalang bitawan yung mga nakakasakit sa akin. Nagpakilala ka sa puntong desidedo na akong magpakamatay, hindi ganun kaganda ang umpisa ng ating pagmamahalan, ang daming pagsubok agad na pinagsasalamat ko dahil mas tumatag ang ating relasyon sa mga pagsubok na dumaan na, yung pinagplanohan lang natin ang una nating pagkikita na akala nating dalawa na hindi naman matutuloy pero natuloy siya, at nasundan pa ng madaming pagkikita. para sa iba kay ikli palang ng ating pinagsamahan pero para sa ating dalawa ay para tayong mga dating kaluluwa na nagmahalan na dati at pinagtagpo ulit ng tadhana ngayon. Hindi man maganda ang ating umpisa, pero sisiguraduhin natin na ang ating kinabukasan ay maganda. Lahat naka plano na, unti unti nalang natin tong tutupadin sa tamang panahon. Marami pang pagsubok ang dadaan sa atin mahal ko, at sa mga dadaan na yan ay alam nating dalawa na walang bibitaw dahil hindi din naman natin kaya, dahil ako sayo lang sasaya at ikaw ay sa akin lang sasaya. Ang ako ay para sayo lang, at ang ikaw ay para sa akin lang.

Payo ko sa mga taong iniwan ng taong mahal nila.

Malamang na ang unang tatanungin nila ay kung paano na sila kinabukasan na wala na ang taong mahal nila? Ano ang gagawin at kung paano uumpisahan ang bukas na mag-isa. Para sa akin isa ito sa mga pinakamahirap dahil wala na yung taong sumanay sa ‘yo at nangako sa ‘yo na maganda ang paggising mo sa umaga dahil palaging may magmamahal sa ‘yo.

Kung desisyon na nila ang iwan ka, ang pinaka the best na gawin ay hayaan sila sa gusto nilang gawin at patunayan sa kanila na sila ang nawalan. Hindi lahat ng humahabol ay inaabutan ang taong hinahabol nila. Minsan naman parang larong pambata, ang tagal mong taya tapos kapag nahuli mo sila ayawan na. 

Parang sa pag-ibig, pilit mo silang hinahabol at sa oras na makuha mo ang atensyon nila dahil sa pagiging makulit mo ay lalo ka lang masasaktan dahil napalitan na ng inis ang dating tao na puno ng pagmamahal. Huwag mo hayaang dumating sa punto na naiinis na ang taong hinahabol mo dahil lalo ka lang mawawalan ng pag-asa at patuloy siyang maghahanap ng bago.

Sa tingin ko ‘yon ang naging mali ng karamihan. Sila na yung sinaktan at niloko, sila pa yung naghahabol at humihingi ng pasensya. Hindi ba’t kayo dapat ang hanapin nila after nila makapag isip na hindi pala nila kaya na mawala ang isang tulad mo? Palagi kong sinasabi at paulit ulit kong sasabihin na know your worth dahil hindi mo deserve ang masaktan kung pagmamahal lang naman ng tapat ang ginagawa mo. Guys, sayang ang panahon sa paghahabol kung hindi na rin naman talaga maaayos. 

Minsan, pinuputol ang ugnayan para mag grow at matuto sa mga pagkakamali at pagkukulang sa isa’t isa. Hindi porket sinabi mong mahal ay papatunayan mo sa pamamagitan ng pagpapakatanga sa kanya dahil sa hindi mo paglisan. 

Mahalin mo ang sarili mo. Mahalin mo ang mga tao sa paligid mo. Mahalin mo ang lahat ng taong nakikita ang worth mo. Iparamdam mo sa kanila na importante rin sila dahil hindi ka nag-iisa sa mundo. Tanggapin mong wala na siya. Dahil ang tao? Hindi mo makakalimutan, matatangap mo lang na wala sila. Hanggang masanay sa sakit at maging manhid na.

Love life. Be happy :)

youtube

Sa wakas, napanood ko na rin ang IDILY. Akala ko talaga di ko na ito maabutan kasi wala akong bakanteng oras, pero buti nalang wala akong ganap kagabi. 

Nagustuhan ko ang pelikula, pero masyado ata akong nag expect (dahil din siguro sa intense na pagmarket nito at ang ganda rin ng trailer). Hindi ko sinasabing hindi maganda, ha. Nagustuhan ko siya, at umiyak pa nga ako (mamaya na ang detalye ng ito hahaha) sa ibang parte. Maganda rin ang musika, kaso masyado atang nagdepende ang pelikula rito para ipakita ang mensahe ng mga eksena, pero ayun okay pa rin naman. Magaling na magaling ang mga artista, at pota shet di ko kinaya si Paulo Avelino huhuhu.

At yun nga, naiyak ako sa (SPOILER ALERT!) eksena kung saan inamin na ni Carson ang nararamdaman niya kay Dio. “7 years. 7 years kitang minahal.” Punyeta sobrang sinubukan kong hindi maiyak pero wala. Buti nalang di masyadong obvious. Gago tong IDILY e, masyado akong nakarelate lol. Medyo pareho kami ng karanasan ni Carson – 3 years kong minahal ang isang matalik na kaibigan (hindi 7 years pero matagal na rin yon), at nung halos handa na akong mag confess, may lecheng nangyari. Hahaha ayoko nang magpaliwanag kasi baka matrigger na naman ako. Basta ang importante ay okay ako, maliban nalang kapag nattrigger ako at napipilitang maalala ang sakit wow.

Di ko alam kung kaya ko tong panoorin ulit kasi nga masyadong masakit. Siguro kaya ko na pag nakapag move on na talaga ako. Hahaha kung di niyo pa napanood, panoorin niyo na habang nasa sinehan pa! :)

P.S. Ang ganda talaga ng 3D version ng Burnout huhuhu. Salamat IDILY sa pagpaalala sa akin kung gaano kaganda ang kantang ito.

Lagi ko itong iniisip. Maganda ang plano ng Diyos sa akin. Maganda ang plano Niya sa ating lahat. Kailangan lang natin ay ang magtiwala at kumilos.

Pero bakit may mga pagsubok pa rin? Bakit may mga sakit pa rin tayong nararanasan sa buhay? Bakit bumagsak tayo sa exam? Bakit hindi tayo naaappreciate ng mga boss natin sa trabaho? Bakit wala ka pa rin lovelife hanggang ngayon? Bakit hindi natin nakukuha ang mga gusto natin?

Madalas na tanong ko rin yan noon. Dumating pa nga sa puntong parang wala namang nangyayari sa buhay ko. Na kahit ilang beses akong magdasal, wala pa rin. Nawawalan na ako ng pag-asa. Doon tayo bumibitiw. Doon tayo nawawalan ng gana. Doon tayo susuko na.

Pero nagdasal ako na parang hindi ko na kayang humawak sa Kanya kaya sana, Siya na ang humawak sa akin nang mahigpit. Kasi alam kong never Niya akong bibitiwan. Sa kapit Niya at sa hawak ko sa kamay Niya, doon ko na-realize na hindi Niya naman ako pinapabayaan. AKO ANG UMAALIS SA KANYA. AKO ANG UMIIWAS.

Ganun naman eh. Parang paggawa ng bahay. Sa umpisa puro kalat, puro mabibigat na bato. Nakakapagod sa umpisa. Pero kapag hindi ka sumuko at nagtiwala ka sa Blueprint na gawa ni God, makikita mo ang magandang bahay at magandnag buhay na regalo Niya sa’yo.

In short, huwag kang susuko. Huwag kang titigil. Huwag kang bibitiw sa Kanya. Yakapin mo Siya. Isumbong mo ang mga nasa puso mo. Kausapin mo Siya. At lagi mong isipin na MAHAL NA MAHAL KA NIYA. :)

Mahal Niya tayo.

Masyadong maganda ang buhay para mag-isip ka ng mga bagay na ikalulungkot mo. Ngiti lang. Titigil din ang ulan at sisikat na muli ang araw. At makikita mo na ang makulay na bahaghari.

Hindi kita inaasahang dumating sa buhay ko. Pero ikaw yung pinakamagandang nangyari. At ang maganda pa doon? Hindi kita hinanap, dumating ka lang bigla habang abala ako sa pagiging masaya mag-isa. Pinatunayan mong mas masaya maging masaya kapag dalawa.

Yesterday I literally cried dahil sa inis. Feeling ko this whole March yung lagi akong naka split off. We have a new policy kasi sa office na yung plotted work off is good for one month. You can’t request. Kailangan mo lang intayin at magdasal na sana maganda ang ibigay sayong schedule. I’ve been wishing na sana weekends ang maibigay sakin kasi ang gala or bonding with friends should be weekends since normal ang schedule ng work nila unlike me. Dumating na yung bagong sched ang I’m happy as af kasi I got Sunday and Monday na off which is pwede na kasi I still have Sunday. Then next week pinalitan na naman nila yung schedule ko ng Saturday and Sunday then pinalitan na naman ng Thursday and Friday like WTF?!!! I have plans na kasi they implemented that policy na FIXED WORK OFF FOR 1 MONTH. MID OF THE MONTH NA PINAPALITAN PA NILA YUNG SCHEDULE KO. ang swerte ko pa dahil ako lang. Ako lang yung pinalitan ng schedule sa buong team. Kamusta naman? I asked my TL about this. Naka leave siya so I understand if di niya aasikasuhin or maasikaso yung concern ko but pagod na pagod na ako. Literal na pagod. I am looking forward sa schedule na yan and sacrificed my two days work off para sa pinlano kong lakad then bigla bigla nalang iibahin dahil sa service level na hindi mapasa? Like is it my fault? Ang sama ng loob ko. So accepted my fate. Malas ka Bella. Sa lahat ng babaguhin ikaw pa. Ngayon pa na may nakaplano ka ng lakad like 1 month ago. Ngayon pa na nakaplano na lahat. I posted on Facebook (which is not so me) and rant this shit but that rant is not that offfensive. I posted “ Sa lahat naman ng babaguhin ang sched ikaw pa. Kung kailan nakaplano na yung lakad mo 1 month ago. Baka naman. Baka naman!! ” then friends commented and my Tl sent along message on our group chat saying that yes we have freedom of speech but should make sure blah blah blah blah blah and boom it’s me she’s talking about. I replied. She told me na nakaka nega daw makabasa ng ganung post na we should be positive always. Like yeah I can be positive but not all the time! Asar na asar ako. I know maliit ng bagay but I need time for myself and rest! Split off every week is like hell. Parang ilang oras lang yun compared sa two days work off and ang unfair kasi hindi ko makuha yun. Haays.

anonymous asked:

Actually, hindi ka naman maganda eh, yung ilong mo ang laki. Hindi ka attractive.

Okay lang hindi maging maganda sa iba, basta alam ko na kung sino talaga ang maganda sa paningin ng mahal ko. Yun naman ang mahalaga eh. So god bless sayo. Mwa 😘💕