ang kikitid

Ang totoo, umaasa pa.
— 

Yuyuko lang.
Iiling.
Tatanggi.
Ngingiti na tila ba'y walang silbi
Ang isang ikaw na minsan ay inibig
Ngunit pumiglas at kumawala sa aking bisig.


Ang totoo, umaasa pa.


Doon sa mga baka at sana.
Sa mga biro at laro ng tadhana.
Sa mga bagay na ipinapubaya sa bahala na.
Sa mga iyak at tawa.
Noong tayo ay magkasama… Pa.


Ang totoo, umaasa pa.


Doon sa mga pangakong sana'y hindi napako.
At kahit saan man magdako
O kung sino pang tao
Ang umako
Ang pagsinta ko ay para parin sayo.


Ang totoo, umaasa pa.


Sa mga dasal at hiling sa bituin.
Mga awiting sabay nating kakantahin.
At hahawiin
Kung ano man ang sakit o pighati sa damdamin.


Umaasa pa.


Na sasabihin sa akin ang mga katagang paulit-ulit na buod sa aking isip.
Mga senaryong likha sa panaginip.
At sa isang saglit,
Ang hangin ay iihip,
Yakapin mo ako ng mahigpit.
Sasaya katumbas ng langit
At kakapit
Sa iyong mga bisig
Iisa-isahin ang mga gusto at hilig
Sandali pa, ang mundo ay kikitid
Pipihit,
Sisikip,
At sayo ay didikit
Kasabay ng paglapat ng labi habang nakapikit.


Sasabihin ba?

“Patawad mahal, ako ay nagkulang.”
“Patawad mahal, ako ay muling balikan.”


Iniibig.
Iniibig.
Iniibig kita.
Nakakagago.
Nakakatanga.
Dahil oo, nakakainis pero oo.
Umaasa parin ako sayo.


Tangina, totoo.