ang kapal ng mukha

Grabe gala ko nung sabado eno. Nagmcdo pa after kasi proud patay gutom kami. Tapos ayun inantok na sa sobrang antok nabitawan ko yung phone ko habang naglalakad odiba tas nung pauwi na kung di lang nabangga ulo ko sa taxi edi di mawawala antok ko. Pero ang kapal ng mukha kong gumala kahit may gala pa ko the next day (sunday // april 30).

Burger

Ang cute lang namin kanina ni elaine. Di kami pumasok ng lecture sa netsec kasi matic yon kapag after midterm exams hahahahahaha ang kapal pa ng mukha namin kasi kanina sa lab, nagtanong pa ko kay sir kung ano gagawin sa lec tapos wow, di pala kami pumasok no. Pero medyo nafeel na yun ni sir kasi ganon naman gawain halos 70% ng mga students??? Or kami lang talaga kasi gangster eh jks hahaha. Kita ko rin pala si babes kanina ilang weeks na kami hindi nagkkita kasi wed lang pasok nya potek? Ang saya nya??? Pero di rin nman kami masyado nakapagchikahan kasi may pasok kami spec4 eh hahaaha so ayon so fun tsaka pala nilibre ako ni kaiser ng burger today yey so bait nya ngayon idk why pero kanina sa mac lab puro asar sya kahit na tinutulungan na namin sya magdesign ng logo nya kainis pero oks lang luv pa rin namin sya hehehehehe and thankzu for the burger bezie. Ang daldal ko pota dami hanash sobrang init no? dama mo rin ba? ahahahahahahahahah bye di ko alam bakit burger title talaga neto pero masarap burger gagi ahahahhahahaha i luv mylayf so daldal qt bye

a-rain-nako  asked:

Dear Rain 🙈

Uyyyy ulaaaaan 😘😘 alam mo ba na ikaw yung reason kung bakit ang kapal na ng mukha ko dito sa tumblr. Hahaha sabi mo kasi sa akin before walang hiya hiya dito hahaha 😂 kaya eto ako ngayon barubal na magsalita dito charot! Anyway gusto ko sana makipaglaro ng mobile legends sayo kaso tungnu ng net namin Ulan mas mabagal pa sa mabagal. Alam mo yun ang sakit kasi e namamatay ako ng walang kalaban laban, natatalo ako ng wala akong magawa kasi wala naman akong choice kung hindi maghintay nalang na maging okay ulit. HAHAHA sa totoo lang? Hinugutan yung game 😂😂 miss you ulan! Labyu ulan mwa mwa 😘😘😘

anonymous asked:

Goyong strikes me as this tarantado kahit kanino kahit pa sa mga kaibigan niya pero punyeta pag ikaw ang minahal niya ng totoo ang suwerte mo kasi good boy na good boy siya pagdating sa iyo,wag lang magkamaling isumbong ng mga kabarkada niya ang mga kagaguhan niya sa iyo dahil talagang lagot sila (gusto niyang i-keep yung good boy image niya para lang sa iyo) Ayun lang naman ang naiisip ko :D

“Nililigawan ka no'n?! Seryoso ba yan?!”

It was already customary to hear such exclamations from your friends. Or from anyone in particular once the news have reached them. You basically wondered what made you the victim of this douchebag. You weren’t like the other women. /His/ women. You were single, yes, but married to your education. You gave no matter whatsoever in noticing the king of players, of heartbreaks, the penultimate of heartless blokes.

When you’d pass by him in the hallway, his gang all huddled around him snickering and endlessly sending winks to desperate girls almost on their knees, he was an invisible entity. He was. To you.

But to him, you weren’t.

“Hindi naman sa nililigawan.” you corrected them, rolling your eyes. “Kailan pa yun nanligaw? Ang ligaw na pagkakaintindi no'n eh one night stand, wal-wal, momol, at kung ano pang kahangalan.”

They dismissed the argument with a scoff. Bidding their goodbyes and “Magpahinga ka naman! Matuto ring lumandi, hindi lang puro laude!”, you were left alone in the classroom making one last revisions on your notes. It was getting dark when you finished. Packing up your belongings, it caught your attention that you weren’t alone anymore in the room.

“Huy, Miss Laude.” he called you by the nickname. Squinting your vision to get a better look at this intruder, it dawned on you that he looked like /him/.

Sighing and gripping your bag around your shoulder tighter, you acknowledged the younger lad.

“Julian.”

Unlike his brother, Julian was less evil. Sure, he was a bit of a rascal for acquiring high marks and initiating mischief (he always did slip from getting caught), but nevertheless he treated women more kindly than Goyong.

“Tsk.” he approached you, pocketing his hands. “Baliw na baliw na si kuya.”

“Maniwala.” you shrugged and made way for the opposite direction. Julian blocked the door. “Umalis ka diyan oy.”

“Nag-aaral na siya.” he continued. You raised an eyebrow. “Nababawasan na oras sa gala. Ngayong linggo nga wala siyang ibang pinatulan kundi ikaw.”

“Sabihin mo nag-aaksaya lang siya ng panahon.” you took a step to the left. The younger Del Pilar persisted. Frustrated, you expounded on your answer.

“Sabihin mo hindi ako maniniwala hanggang sa hindi ko pa nakikita. Tarantado siyang nilalang. Hindi ganun kadaling magbago.”

As though realizing the truth in what you said, Julian stepped aside and let you out: not saying anything further. You hurried out the building, annoyed and angry without never really comprehending why except that /the/ Gregorio Del Pilar existed. The man who knew nothing but to trifle with countless hearts.

Thinking of the devil, you swore you almost died of a heart attack upon seeing him outside.

“Laude.” he greeted you with his trademark smirk. The he’s-biting-his-lip-again smirk. He stood there casually. The light from the lamp post illuminating his features. The wind was cool, yet you felt a certain warmth from where you were frozen.

“Gago.” you replied and walked in a brisk.

“UY SAGLIT!” he hurried after you. “Laude uy! Suplada!”

“May pangalan ako!” you turned around, fury shooting from your eyes. “At ang kapal din ng mukha mong ikalat sa buong college na nililigawan mo ko!”

He winced. Lifting his palm to his head, he pleaded on.

“Isipin mo ha.” he paused and gathered his wits. You relished the sight. The Goyong Del Pilar wasn’t a smooth talker as he was known to be all along.

“Ano?” you challenged, crossing your arms.

“Kailan ko pa ginamit ang term na nanliligaw?”

“Um always?”

“Ni minsan hindi.”

You waited. He took a deep breath.

“Ni minsan hindi kaya maniwala kang seryoso ako.” his gaze didn’t betray his voice this time. You could tell. But you can never admit so.

“It’ll take me more than that to believe.”

“Fine.” he threw his arms and started backing away. “Pero sasabihin ko na sa'yo, Laude. Hindi ako ganun kadaling tumigil na lang.”

“Fine.”

“Isang linggo.”

“Huh?”

“One week.” his smile widened, with mirth dancing in it. “Magbabago rin isip mo.”

Hindi naman ako galit sakanya o naiinis the point is nagtataka lang talaga ako. like, how can someone be that? yung tipo na ang kapal ng mukha na mangamusta o kausapin ka na parang okay lang kayo, na parang walang nangyari well in fact wala siyang ginawa talaga. Kasi nung mga panahon na down na down ako, suicidal, depress, anxiety kicks in and all the people around me is shutting me down and she’s one of that. Tapos kung makapag chat akala mo hindi niya ako binalewala like what the fuck ang kapal ng mukha. Sobrang insensitive.

A DAY IN THE LIFE OF A MEDYO TAMBAY

Kapag naging pangulo ako ng Pilipinas, hindi ako mangungurakot pramis. Payagan niyo lang akong gumawa ng special holiday para sa mga tambay na katulad ko at tatawagin ko itong "National Kanto-tan Day.“ Libreng gin, isaw at pulutan para sa lahat ng tambay sa kanto at unlimited porn-surfing para sa mga nasa bahay. Para bigyang parangal ang mga tambay at ipaunawa sa lahat ang kanilang kahalagahan sa lipunan. Dahil utang na loob,  hindi biro ang tumambay. 

Isipin mo yun ha, Kain. Tulog. Tunganga. Internet. Nuod ng teleserye. Tunganga. Dumadami ang crush. Tunganga ulit. Repeat until fade. Kapagod no?

Ganyan ang buhay ko, for now. Nasa "In-the-meantime-mode”. Hindi naman dahil sa tamad ako kaya mas ginusto kong magpakatambay muna. Hello hello sound check, 4 years din kaya akong nagtrabaho. Sabihin na nating reward ko ‘to sa sarili ko para magkaroon ng ultimate “me time”. Katumbas ng Earth Hour ganun.

Kapag sinabing tambay ka, iisipin ng iba, isa ka sa mga “almost epidemya” ng lipunan. ( Shet. Sakit nun. Daig mo pa may ebola virus.) Dahil habang busyng-busy daw sa pagtatrabaho ang ibang tao, ikaw petiks lang sa bahay. Iniisip nila na napakaunproductive mo at wala ka man lang maicontribute to change the world. Pero dun sila nagkakamali. Kapag tambay ka, mas marami kang oras para makapag-isip ng malalim dahil wala kang ginagawa. Binibigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo para mas maging observant at mas maging aware sa paligid mo. Ultimo tunog ng kuliglig pakinig mo. Habang abalang-abala silang kumita ng pera, abalang-abala ka naman sa pag-appreciate ng tunay na “essence of life”. Ang buhay, pasarapan yan hindi pabusyhan,

Walang special requirements ang pagiging tambay. Ang kailangan mo lang ay double-layer na kapal ng mukha. Akala mo lang mahirap at hindi mo kaya. Pero kapag nagtiwala ka sa kakayahan mo na kaya mong maging tambay, magagawa mo. Just believe in yourself and believe in the power of “petiks”. Pero siyempre, kahit tambay ako, ayoko pa ring tinatawag na tambay. Maarte kasi ako. Dahil hindi naman talaga ako tambay, bumubwelo lang. At mas ayokong tinatawag na tamad, mas pinili ko lang na wag munang maging masipag pansamantala. May problema ba tayo dun? Hart. Hart.

PASALAMAT KA NURSING STUDENT AKO.

Kahapon pauwi na ako, galing sa school. Merong isang HS student na sumusunod sa akin, akala ko wala lang kaya binagalan ko ang lakad ko para mauna ako, and then bigla din nyang binagalan ang lakad nya. Tapos nung andun na ako sa harap ng bahay namin bigla syang tumawag “MISS! MISS!”, and you know what happened bigla nga pinakita ung penis nya and then nagmasturbate. I'snt that disgusting?? Ang bigla ko na lang nasabi sa kanya “UTOY, KUNG GAGAWA KA LANG DIN NAMAN NG GANYAN SISIGURADUHIN MONG MALAKI YANG SAYO PARA HINDI KA MAPAHIYA”.   And what’s worst nakalock yung bahay namin kasi umalis ang mama ko. Buti na lang andun ung susi kaya nakapasok agad ako. Ang nasabi ko na lang after that “TANGINA!!”. Ang naisip ko tuloy kahapon, PASALAMAT SYA NURSING STUDENT AKO (sanay na kami makakita ng mga body parts ng tao), eh pano kung ibang tao nakakita nun diba?

anonymous asked:

pano ako magiging crush ng crush ko? :( :D

AT DAHIL NASA MOOD AKO GUMAWA AKO NG CHOICES MO KUNG PAANO MAPAPANSIN NI CRUSH AT MALAY MO MAGKA-CRUSH DIN SIYA SAYO! =)))))))

The Lagundi – Dito gagamitin mong pagpapacute sakanya yang kagandahan/kagwapuhan mong natural tulad nang buhok mong maraming kuto tapos madilaw na ngipin. At ang matinde yung hininga mong nakakabuhay ng patay! :””> dejk haha. Ito yung walang make-up, walang arte sa katawan may mga ganung klase ng tao may mga attracted sa natural beauty at mapapansin ka.

FASHIONISTA BHOSZXC LOCA.zXc – Syempre kung alam mong marami kang tigidigdigdig at hindi na kaya ng natural lang at hindi ka kaaya-aya sa crush mo para saan pa ang avon at iba pang beauty products? edi Bugbugin mo ng make-up yung mukha mo tapos kung sa pormahan naman magsuot ka ng mga pang-fashionista tulad ng mala-gulong na earings from ponytail mag-fish tail ka tapos kung gusto mong kakaiba I prefer dickies mag-tube tapos panyo sa noo yung buhok mo na push-pataas parang albularyo tas naka nike na tsinelas medyo matinde nga lang tapos mukha kang gago.

JOLIBEE – “Bida ang saya” dito palagi mong papasayahin paliligayahin at lilibangin si crush sa mga jokes mo pick-up lines knock knock medyo magmumukha ka lang namang clown kung baka sakali lalo na kung tugma naman pala sa mukha pero ayos narin yan para naman kay crush may sideline ka pa kung nagkataon performer kana kumikita ka pa!

THE BE THE BE THE – “Magpasikat na its’ showtime!” dito magpapasikat ka kay crush gamit yung mga hidden talents mo na nadiscover mo thru banyo tulad ng pagkanta ng mala-anne curtez, pagsayaw ng wala sa timing tulad ni coleen may mga ganon nakaka-appreciate ng hidden talents.

THE KAPAL MUKS. – Mahihiya ang libro sa kapal ng mukha mo para lang mapansin ka ni crush. Ikaw yung tipo ng tao na sisigaw sa maraming tao ‘*insertname* crush kita! Anakan mo ko please mga trenta keri ko pa!* magtatanong ng walang halong ‘awkwardness’ kahit kulay or brand brief or panty ng crush mo hindi mo papaligtasin at kaya mong itanong sakanya pero goodluck nalang kung sasagutin niya ng matino!

THE GOOGLE CHROME – Kung classmate mo si crush pwede ka nyang mapansin sa pamamagitan ng utak mong nahihiya na yung computer. Yung tipong bawat sinasabi niya or tinatanong niya sayo kaya mong maipaliwanag thru scientific via google mga ganern nakakaputa lang yan kung minsan tapos mas dagdag points kung di alam ni crush yung tanong tapos tutulungan mo siya!

Nawa’y  makatulong sayo ito anon! balitaan mo ako kung may progress. :)

SELOSA

Elmo Magalona:

Good morning, Julie! What’s your schedule today? 😁

Nagulat siya nang biglang nagmessage nanaman sa kanya si Elmo. Kahapon kasi ay hindi naman ito nagparamdam sa kanya. Actually, hindi naman ito nagparamdam sa kanya mula nung Sunday after nila mag-usap.

Me:

Valenzuela today for Operation Linis by Puregold. Why?

Agad naman siyang nakatanggap ng reply mula rito.

Elmo Magalona:

Okay. Enjoy your day! 😊

Umirap siya sa ere at hindi na nagreply. Nasa biyahe siya ngayon papuntang Valenzuela para nga sa project ng Puregold.

Nagvibrate uli ang phone niya at nakatanggap siya muli ng message kay Elmo.

Elmo Magalona:

If it’s okay with you, pwede ba tayong magkita later? Please? I miss you.

“Wow. May I miss you ka na ngayon ha? Parang kahapon lang…”

“Anak sinong kausap mo?” tanong ni Tito Jonathan sa kanya sabay lingon sa kanya mula sa rearview mirror.

“Ha? Wala po, papa.” nakangiting sabi niya.

Nagtype na siya ng message kay Elmo.

Me:

Ikaw bahala.

Pagdating nila sa barangay na lilinisan ay nagpark agad si Tito Jonathan. Hindi muna lumabas si Julie dahil wala pa naman ang ibang kasama nila. Naisip na lang niyang magpicture at ipost ito sa instagram.

Agad naman siyang nakahakot ng pagpuri mula sa mga fans dahil sa bago niyang look. Sino ba namang hindi matutuwa diba? She looked gorgeous with her new hair.

Elmo Magalona:

Nice hair! You looked even prettier. 😊

“Makamessage naman agad. Eh kung nilalike mo kaya? Baka sakaling natuwa pa ko ng konti sayo.” sabi niya sa sarili.

“Tara na anak.” anyaya ni Tita Marivic saka na sila lumabas.

*****

Maganda ang gising ni Elmo. Bukod kasi sa panalo ang Miami Heat against Brooklyn Nets ay pinayagan siya ni Julie na makipagkita sa kanya.

“Ikaw bahala is the same as yes diba?” tanong niya sa sarili. “Hm. What to do before I see my girl?”

Inabala niya ang sarili sa paglalaro ng xbox habang nagpapalipas ng oras. Sure naman kasi siyang mamaya pa matatapos si Julie sa ginagawa niya at ayaw rin naman niyang kulitin ito. Baka kasi di na siya payagang tibagin yung natitirang pader na nakapalibot sa kanya.

Tanghali na nang magmessage uli si Elmo kay Julie.

Me:

Hey, don’t forget to eat lunch okay? Eat carbs. Wag puro salad. 😁

Agad naman siyang nakatanggap ng message sa dalaga.

Julie San Jose:

I’m eating lunch with the other volunteers. Don’t skip meals too.

Lumapad ang ngiti ni Elmo. Di bale na kung walang emoji o kung tarayan man siya ni Julie. Ang mahalaga ngayon ay may concern pa rin ito sa kanya.

Me:

Message me if your event’s done.

Julie San Jose:

Don’t you have work today?

“Psh. Concern?” natatawang sabi niya bago nagreply dito.

Me:

No, I don’t. Kaya makakapunta ako sa inyo anytime. 😊

Hindi na nakapagreply uli si Julie kaya naisip niya na baka busy na uli ito. Siya naman ay nababagot na sa condo niya. Lahat na ata ng laro ay nalaro na niya.

*****

Pagkatapos niya sa Valenzuela ay nagpahatid siya kay Tito Jonathan para bisitahin ang isang kaibigan.

“Julieeeeee!” bati nito nang makita siya. Agad siyang niyakap nito.

“Hello po, Tito Chuck!” bati niya.

“How are you? Yung album mo? Lovelife?”

Natawa si Julie sa dami ng tanong nito.

“Okay naman po. Uhm. By June siguro out na yung album sa record bars. Haha. Single and very happy pa din tito.” aniya.

“Nako, anak. You’re the next big thing na talaga. Proud na proud ako sayo! Yung first album mo malapit na mag-Diamond record. Excited ka na ba?”

“Hahaha. Tito talaga. Yung 9x platinum nga po di ko na macontain yung tuwa ko eh. Baka hinamatayin na ko pag umabot ng Diamond. Hahaha.”

“Ay! Kaloka kang bata ka. Basta proud ako sayo. Konti na lang talaga Diamond na. Inaabangan ko nga eh.”

“Haha. Thank you po.”

“Teka. Nagpagupit ka ba?”

“Ha? Ay. Hehe. Opo kahapon.” sagot ni Julie.

“You look gorgeous, anak. Alam mo pag nagpapagupit ibig sabihin may balak magbagong buhay.” kindat nito sa kanya.

“Haha. Nako. Nainitan lang talaga ako tito kaya nagpagupit ako. Hahaha.” nag-apir sila at nagtawanan.

Nagkwentuhan pa sila pagkatapos nun. Nagpost din sa twitter si Mr. Chuck at tuwang-tuwa naman ang mga fans dahil dun.

Makalipas ang halos 2 oras na kwentuhan ay nagpaalam na rin si Julie.

“Oh. Next stop, Araneta na ha?” sabi ni Mr. Chuck bago siya nagpaalam ng tuluyan kay Julie.

Pagkasakay ni Julie sa kotse ay agad naman silang umalis nila Tito Jonathan at Tita Marivic.

“San tayo nak?”

“Uwi na po, papa. May bisita po ako.” nakangiting sabi ni Julie saka na nagtype ng message.

Me:

I’m on my way home. Pupunta ka ba?

Agad naman siyang nakatanggap ng reply.

Elmo Magalona:

Yes. I’m on my way too. See you! 😊

*****

Nagmamadali si Elmo na bumaba sa parking lot at agad siyang sumakay sa kotse niya.

“Kuya, Novaliches po tayo.” utos niya sa driver saka na sila umalis.

Pagdating nila sa Novaliches ay sinalubong siya ni Tito Jonathan. Sakto kasi ay kabababa pa lang nito sa sasakyan at nakabukas pa ang gate.

“Parekoy!” bati ni Tito Jonathan sa kanya sabay akbay pa. “Nadalaw ka?”

“Ah eh. Good evening po, tito. Si Julie po?”

“Ah. Aakyat ka nanaman ng ligaw. Andun sa sala. Puntahan mo na lang.” ani Tito Jonathan sabay tapik sa balikat niya at mahina siyang tinulak nito papasok.

Kakamot-kamot siya ng ulo habang pinipihit ang doorknob ng main door nila at dahan-dahan pang sumilip sa loob. Walang tao sa sala at tahimik rin sa loob ng bahay kaya nagtaka siya.

“Kuya Elmo!!!” nagulat siya nang bumungad ang bunso nilang si Jac sa harapan niya.

“Uy! Hi, Jac!” bati niya.

“Hello, kuya! Sinong hinahanap mo? Si Ate Julie? Wala si ate umalis may pinuntahan. Sa malayo.” tuluy-tuloy na sabi ni Jac.

“Ha? Pero sabi niya–”

“Jac, niloloko mo nanaman si Kuya Elmo mo.” nag-angat siya ng tingin at nakita si Tita Marivic na nasa bukana ng kitchen nila. “Hello, parekoy.”

“Good evening po tita.”

“Andun si Julie sa taas. Maya-maya siguro bababa na yun.” ani Tita Marivic. “Jac, tawagin mo si ate dali.” utos ni Tita Marivic kay Jac.

Tumakbo naman paakyat si Jac at narinig ni Elmo ang pagkatok nito sa kwarto ni Julie.

“Ate!! Ate!! Andito si Kuya Elmo!” paulit-ulit na sigaw ni Jac. “Ateeeeeeee!!!”

Nagbukas naman ang pinto at narinig niya ang boses ni Julie.

“Oo na, Jac. Narinig naman kita. Sabihin mo teka lang.”

Tumakbo naman uli si Jac pababa ng bahay nila habang sumisigaw.

“Kuya wait lang daw po!” sabi niya. Hinatak niya si Elmo sa sofa at pinaupo ito. “Diyan ka lang kuya. Wait lang daw po sabi ni ate. Wait lang.” excited na sabi ni Jac.

“Okay, Jac. Dito lang si kuya.” sabi naman ni Elmo. Tumabi sa kanya si Jac at natatawa siya dahil mas aligaga pa ito kaysa sa kanya.

“Ayan na! Ayan na!” sabi ni Jac at nagtatalon pa sa sofa habang parehas nilang naririnig ang mga yabag ng paa mula sa hagdanan.

“Jac, wag ka nga makulit. Punta ka dun kay mama.” utos ni Julie nang makababa na ito.

“Hi, Julie.” bati ni Elmo sa kanya. Tinanguan lang naman siya ng dalaga.

“Bakit gusto mo makipagkita?” tanong ni Julie.

“Ah… Eh kasi namiss kita eh.” pabulong na sagot niya.

*****

“Ah… Eh kasi namiss kita eh.” pabulong na sabi ni Elmo.

“Weh.” irap niya.

“It’s true! I missed you.”

“Miss yourself. Kahapon kasama mo si Lauren diba? Tapos ilang araw kang di nagparamdam? Yung totoo? May Janine na, may Lauren pa?!”

Natawa naman si Elmo at saka siya hinatak nito para mapaupo sa tabi niya.

“Selos ka?” asar ni Elmo sa kanya.

“Hoy! Ang kapal din naman ng mukha natin no? Mas makapal pa mukha mo kaysa sa mga duming nawalis namin kanina eh!”

“Hahaha. Admit it, Julie. How many percent of your wall have I taken down? Nakikita ko na kasi uli yung selos sa mata mo. Just like before.” nakangising sabi nito sa kanya.

“Wala. 100% uli na buo yung pader. Nako Elmo ha. Tigilan mo ko sa confidence mo. Naaalibadbaran ako sayo.” sabi ni Julie habang nilalayo ang sarili kay Elmo.

Siniksik naman siya ni Elmo hanggang sa dulo ng sofa saka muling inakbayan.

“Baby naman eh. Wala namang ganyanan!”

“Tigilan mo ko please!” ani Julie.

“Aysuuuus. Ang Julie ko. Umiiral nanaman pagiging selosa mo. Baby, wala lang yun okay? Kaya ko lang naman kasama si Lo kahapon kasi niyaya siya nila Maxx na sumama sa event ng Havs eh.”

“Whatever. Sana kinain mo na lang yung Havaianas.” irap ni Julie.

“Aysus! Wala nga lang kasi yun. Masyado ka namang selosa.”

“Lakas talaga ng confidence.” bulong ni Julie.

“Julie, kung malakas confidence ko edi sana kanina ko pa ginawa to.” ani Elmo.

“Ang al–” hindi na natuloy ni Julie ang sasabihin dahil bigla siyang hinalikan ni Elmo sa labi. “Argh!!!!! Bwiset ka talagaaaaa!!!” sabi niya sabay suntok sa braso ni Elmo.

“Hahahahaha. You’re blushing! Hahaha.” sabi ni Elmo sabay turo pa sa kanya.

“Bwiset ka. Umuwi ka na nga!” sigaw ni Julie.

“Ayoko.”

“Uwi!”

“Sabihin mo munang nagseselos ka.”

“Wala akong dapat sabihin. Umuwi ka na!” sabi ni Julie.

“Hahaha. Ayoko.”

“Bwiset. Diyan ka na nga. Bahala ka diyan.” sabi niya at akmang aalis na nang hatakin siya ni Elmo.

“Sige na nga uuwi na ko. Ayaw mo naman ata talaga akong makita eh.” madramang sabi nito saka pa ngumuso.

Palihim na natatawa si Julie habang pinagmamasdan ang nakabusangot na si Elmo.

“Sige na. Next time na lang kapag di ka na masungit. Ganda-ganda mo pa naman tapos sinusungitan mo lang ako.” nakayukong sabi ni Elmo. Tumayo na siya at lumabas na ng bahay.

Palihim na sinundan ni Julie si Elmo hanggang sa labas. Nakabungisngis siya dahil sa itsura ni Elmo na mukhang nalugi. Pasakay na si Elmo nang nagsalita si Julie.

“Oo na. Negseselos na ko. Ikaw kasi eh. Ang gwapo mo masyado. Nagiging selosa tuloy ako.”


- THE END -

Mga bagay na nakaka bwisit.
  • Mga text ng text na mababaog ka daw pag hindi ka agad nagreply “Bakit, syota ba kita?
  • Yung mga humihingi ng follow back pero hindi ka naman nila pina’follow “ANG KAPAL NG MUKHA NYO!!!
  • Yung mga taong maya’t-maya kung mag GM “Kung hindi ka napapagod mag GM, Ako napapagod mag bura ng GM mo
  • Yung mga tao sa twitter na feeling artista at nagpapa retweet ng tweet nila para ma follow back ka. “Ginto ba yang follow back mo?
  • Mga tukmol na paasa at nagbibigay ng motibo pagkatapos iiwan ka pag na fall ka na “Anong kasalanan kong hudas ka?
  • Yung ibang blogger na nagpopost ng ‘Reblog nyo to kung sira ulo kayo.’ “Bakit pag nireblog ko ba yan, mawawala na yung mga pimples ko sa noo? Haaaa?!!!

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 14

After the 4-hour drive ay nakarating na sila finally sa Subic.

“Anvaya Cove, I’m here!” maarteng sabi ni Sef.

“Hoy. Mukha kang tanga.” Maqui told him.

“Che!! Gisingin niyo na nga si Julie nang makagora na tayiz sa villa.” sabi nito tsaka na bumaba ng kotse.

“Julie? Jules wake up.” sabi ni Elmo habang tinatapik ang balikat ng dalaga.

“Hmm?” she moaned but still remained asleep.

“Julie, andito na tayo.” sabi niya pa. Unti-unti nang dumilat si Julie tsaka na dahan-dahang umupo ng maayos.

“We’re here already?” she asked, still sleepy.

“Yes, H.” sagot ni Elmo.

Bigla namang tumingin si Julie sa kanya at saka siya nito inirapan at iniwan sa loob ng kotse.

“Ay ano ka na girl? Sleeping Beauty ang peg mo lang?” narinig niyang tanong ni Sef nang makalabas na sila ni Julie.

“Ts. Puyat ako kagabi okay?” mataray na sagot naman ni Julie. “Tara na.” sabi nito sabay sumakay sa golf cart kung nasan ang mga gamit nila.

Sumakay na rin ang tatlo tsaka na sila dinala sa villa nila. It’s about 2kms away from the beach pero makikita mo pa rin naman ang magandang view ng dagat.

They entered the biggest villa at saka na nag-ayos ng gamit.

“Sino yung gagamit ng kabilang villa?” Maqui asked them.

“Wala. Hindi pa pinapagamit yun because it’s not fully furnished yet.” Julie replied.

“Yeah. Tsaka yung villa kasi na yun, yun yung ipapagamit sa employees. Ito naman samen lang ni Julie.” Sef added.

“Huh? What do you mean inyo lang?” pagtataka ni Elmo.

“Ay medyo slow itey.” bulong ni Sef. “Kasi friend, this villa is owned by my ever beautiful bestfriend. Yung isa, company owned yun.”

“But the company is owned by Julie diba?” Maqui asked.

“Yes. Pero kasi yung villa na yun, matagal na nabili yun. Pero di agad napagawa since yung nangyari nga kay dear bff. Yung sa family niya.” sagot ni Sef.

“Ah. Okay.”

“Anyway, matutulog muna ako ha? Kayo na bahala sa rooms niyo. Basta wala munang iistorbo sa akin.” he heard Julie said. Tumayo na ito from the couch and carried her luggages.

“Uhm, Julie ako na.” Elmo offered.

Tumingin lang naman si Julie sa kanya at saka na siya nilagpasan nito leaving her things in front of him. Napangiti si Elmo saka na niya binuhat ang mga yun and followed her upstairs to her room.

“Here you go.” masayang sabi niya pagkalapag niya sa bag nito sa kama. Julie sat on the edge of her bed as she started to fix her things quietly.

“Ano pang ginagawa mo dito?” she asked, annoyed. “Labas na!” pagtataray niya pa.

“Ha? Ay oo nga.” sabi ni Elmo at agad na lumabas ng kwarto ni Julie.

Pagbaba niya ay nakatingin sa kanya sina Maqui at Sef.

“What?”

“Natarayan ka?” Sef confidently asked. Elmo just shrugged kaya natawa ang dalawang kasama niya.

“Haha. Ikaw kasi eh. Kung di mo talaga ginalit yun baka kinama ka na nun ngayon.” Maqui said as she laughs.

“Ay kaloka ka friend!” natatawang sabi ni Sef sabay tulak kay Maqui. “Pero truelaloo yun Mokong. As in kung di mo siya ineklavern lang basta baka sakaling cuddle cuddle na kayo nun ngayon. Hahahahaha.”

“Tss. Magbabati rin kami ni Julie.”

*****

Sa totoo lang, di naman natulog si Julie. She just wanted to be alone and think of ways on how to test Elmo’s sexuality.

Nakahiga siya sa kama niya habang nag-iisip.

“Ano bang pwede? Hm.” she said to herself. Gumulong-gulong siya sa kama at saka nag-unat. “Hay nako. Makapunta na nga lang sa beach. Yayayain ko si Sef and Maqui.” sabi niya saka na bumangon.

She changed into her black two-piece swimsuit tsaka pinatong uli ang cropped shirt niya. Tapos kinuha na niya ang shades and sunblock niya tsaka na lumabas ng kwarto.

“Sef, tara swi–” napahinto siya sa pagsasalita when she saw Elmo standing by the stairs at nakatingin sa kanya.

“Uhm. N-nasa beach– nasa beach sila ni Maqui.” Elmo stuttered.

“Ah. Sige.” she replied tsaka na nagpatuloy sa paglalakad.

“Yan lang susuotin mo?” Elmo asked her. She smiled before she turned around to face him again.

“Oo. Ano naman?”

“Uhm ano kasi… Baka lang…”

“Wala kang paki sa susuotin ko okay? Nasa beach tayo so normal na ganito ang suot ko. If you want magsuot ka rin ng ganito. May extra ako sa bag.” pagtataray niya tsaka na lumabas bago pa makawala ang kilig at tawa niya.

Masama ang tingin sa kanya nila Maqui at Sef when she reached their place sa gitna ng beach.

“Bakit?” pagtataka niya.

“Mukha kang tanga. Bakit tawa ka nang tawa?” Sef asked.

“Wala. Kasi si Elmo. Hahahaha.” tawang-tawang sagot niya.

“Bakit?” Maqui asked, sounding interested.

“Pinagalitan niya ko because of what I’m wearing. Hahahaha.” sumalampak siya sa beach towel sa tabi ni Maqui at saka pa tumawa ulit. “You should’ve seen his face. Yung mata luluwa na sa sobrang laki. Tapos his jaw literally dropped. Hahahahaha.”

“Gaga ka talaga. Lalong maguguluhan yung pinsan ko dahil sa ginagawa mo eh. Hahahaha.” natatawang sabi na rin ni Maqui.

“Kaloka ka bff. Bet mo bang magsuicide sa confusion ang suitor de beki mo?” Sef asked and joined them as they laugh. “Gagita ka talaga.”

“Haha. Thanks.” Julie said.

“Eh asan na siya? Hindi ba magsswimming yun?” Maqui asked.

“Ewan ko dun. Baka susunod na din.” Julie replied sabay higa sa towel niya.

*****

Naglakad na papunta sa beach si Elmo. Susundan ang tatlo para mabantayan niya si Julie. Baka may umaaligid sa kanyang lalaki dahil sa suot niya.

“Tsk. Bakit ba kasi naimbento pa ang two-piece? Kaya madaming lalaking nagiging manyak eh.” he told himself.

He reached the sandy part of the beach and looked for them. Naglakad-lakad siya at saka nakita si Sef at Maqui na galing sa restaurant sa may hotel malapit dun.

“Maq! Sef!” tawag niya sa mga ito.

“Uy! Kanina ka pa namin hinihintay eh.” Maqui said nang makita siya.

“Si Julie?” he asked.

“Andun sa umbrella. May kasamang boylaloo.” sagot ni Sef.

“Ha?”

“Ay nako, ang gwapo Moe. Promise. As in drop dead handsome yung guy!!” kinikilig na sabi naman ni Maqui.

“S-saan yung umbrella? Kanina ko pa kayo hinahanap eh.” he said.

“Ayun oh! Yung orange beach umbrella dun. Bobita naman oh.” pagtataray ni Sef.

Tinignan na ni Elmo ang tinuturo ni Sef and sure enough, Julie is sitting under the umbrella while she talks to some guy he doesn’t know who.

Lumapit siya rito at saka nagsalita.

“Julie.” he called. Tumingin si Julie at ang lalaki sa kanya.

“Oh?”

“What are you doing?” he asked.

“Isn’t it obvious? I’m talking to Toffer. Diba?” sabi ni Julie sabay tingin pa sa lalaki. Tumango naman ito at saka ngumiti kay Julie.

“Uhm. Toffer dude.” sabi nito sabay lahad ng kamay kay Elmo. Hindi naman pinansin ni Elmo ang lalaki. He looked at Julie who is making googly eyes with this Toffer guy.

“Julie can we talk.” sabi niya.

“Mamaya na pwede?” masungit na sabi ni Julie. “Toffee, punta tayo sa snack bar.” pagyaya ni Julie. Tumango naman ito saka na siya tinulungan tumayo.

Elmo sat on the sand, looking pissed kaya naman nang dumating sila Maqui at Sef ay tinanong siya ng mga ito.

“Hoy. Anetch nangyari sa iyo at ganyang di mapinta fezlak mo?” Sef asked.

“Ts. Sino ba kasi yung Topaz na yun na kumakausap kay Julie ha? Feeling niya naman.”

“Toffer kasi.” Maqui said. “Tsaka bakit pa nagagalit ka? Inaano ka ba nila?”

“Didn’t you see the way he looked at Julie? Para niyang nirerape si Julie sa utak niya!”

“Grabe ka friend alam mo yun? Ang hard mo.”

“No I’m not. I’m just saying the truth. As in grabe siya makatitig kay Julie.”

“Teka nga. Nagseselos ka ba?” Maqui asked and even raised an eyebrow at him.

“N-no!!” he yelled.

“Weh?” tanong ng dalawa.

“Ts. Diyan na nga kayo. Tinamad ako magswimming.” inis na sabi niya sabay tayo. He walked away from them nang sumigaw si Sef.

“Try mo magpa-spa baka sakaling kumalma ka!” he yelled. Hindi na lumingon si Elmo sa kanila at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

“Ts. Kung makadikit akala mo mauubusan ng lalaki.” bulong niya sa sarili niya habang naglalakad papunta sa spa. “Humanda ka saken Julie Anne.”

*****

“Uy, thanks ha.” Julie said to Toffer.

“Sure no problem. Why are you avoiding that guy ba? Boyfriend mo ba siya?” tanong nito sa kanya.

“Ha? N-no. Manliligaw ko lang.” she replied.

“Really? Ayaw mo sa kanya?” tanong pa uli nito sabay abot kay Julie ng inorder nilang snacks.

“Not that I don’t like him. Actually gusto ko siya to the point na feeling ko in love na ko sa kanya. Haha. Ang cheesy ba?” she laughed.

“Haha. No, no. Ayos nga eh. Pero if you really like him, bakit mo siya iniiwasan?” tanong nito.

“Magkaaway kasi kami. And yun. Balak ko siyang pagselosin. Hahaha.”

“So naisip mo na ako yung guy na pwede magpaselos sa kanya?” he asked.

“Hm. Yeah. Kung okay lang sayo. Grabe ang kapal ng mukha ko to even ask you to make him jealous. Hahaha. Eh kakakilala lang natin. Sorry ha?” she babbled.

“Haha. No it’s okay. Mukhang effective nga eh. Look oh, he walked out on your friends.” sabi nito sabay turo kay Elmo na paalis na sa beach.

“Haha. Hayaan mo na siya.” she said.

“Hm. Anyway. How long will you guys stay here?” he asked.

“3 days lang. Why?” she replied.

“Cool. May party kami ng friends ko sa isang araw. You guys can come. And pwede natin pagselosin yung manliligaw mo. Haha.”

“That’d be great! Sige I’ll tell them.”

“Cool!”

“Uy ha, thank you talaga.” Julie said.

“You’re welcome Julie.” Toffer replied.

“Sige. I’ll go back to my friends.”

“Okay. I’ll see you guys tomorrow then?”

“Sure. I’m sure susundan nanaman ako ni Elmo.” Julie replied tsaka na nagpaalam uli.

*****

Paglabas ni Elmo from the spa ay nakita niyang nagkakasiyahan sa beach. He walked towards it and nakitang may beach party pala.

“Moe!” narinig niyang tawag nila Maqui at Sef sa kaniya. He looked at them through his shades. Lumapit ang dalawa sa kanya tsaka siya hinatak papunta sa pwesto nila.

“Tara sali tayo!” Maqui told him.

“Ha? Ayoko! Kayo na lang ni Sef.” tanggi niya.

“Bilis na! Kakaltukan kita!” sabi ni Maqui at aamba pa ng sapak sa kanya.

“Gora na friend. Tamo oh!” sabi naman ni Sef sabay turo sa gitna ng malaking bilog na ginawa ng mga tao sa buong beach.

Tumingin siya sa sinasabi ni Sef and found Julie and Toffer as one of the contestants. Magkahawak pa ang kamay ng mga ito.

“Seriously?” he asked himself.

“Bakit?” pagtataka ng dalawa.

“Holding hands agad?! I mean, come on! Kakakilala lang nila kanina ah.” he said habang tinuturo sila Julie at Toffer.

“Eh anetch bang pinuputok ng butchi mo? Eh gandarabels bff ko eh. Papable din naman si Toffer baby kaya gorabels na!” mataray na sabi ni Sef.

“Tara na, Moe. Laro na tayo!!” hinatak na siya ni Maqui at saka na sila tumakbo sa gitna katabi nila Toffer at Julie.

“Maq!” tawag ni Julie kay Maqui. “Kasali din kayo?” Julie asked.

“Oo!! Haha.” sagot ni Maqui. Nag-apir silang dalawa at saka na nagtawanan.

“Okay players! The game is called Channel Race. So what you’ll do is to dig and make a channel from that sand dune down to the water. Then you will place a pingpong ball on the end of the channel and pour water so that the ball will move down the water. Understand?” the host said.

“Alright!!” sigawan ng players except Elmo. Hindi niya kasi talaga maatim na makitang magkahawak ang kamay ni Julie at Toffer.

“Okay. When I say go, you will run towards the sand dunes and will start making the channel.” sabi ng host. Tumango na sila at saka hinintay ang signal nito.

“Elmo head in the game!” Maqui yelled at him.

“Tsk.” tanging sagot niya.

“Ready? Set? Go!!!” sigaw ng host. Nagtakbuhan na sila but Elmo stayed on his place. Nakita niya kasi how Toffer carried Julie para mas mapabilis ang takbo.

“Elmo!!!” sigaw ni Maqui.

“Friend! Takbo na over there!!” narinig naman niyang sigaw ni Sef. He shook his head tsaka na tumakbo rin papunta sa sand dunes.

They made the channel as instructed at saka na pinagulong ang bola papunta sa dagat. Pero dahil nga last sila ni Maqui na nakabuo ay natalo sila.

“Yeheeeeey!!!” he heard Julie shout. Sila kasi ang nanalo.

“We did it!” sigaw naman ni Toffer sabay yakap kay Julie.

“Ts. Flirt.” he whispered.

“Ano yun, Moe?” Maqui asked.

“Wala.” sabi niya tsaka na naglakad paalis.

“Uy! Teka lang!” habol ni Maqui sa kanya. “Jules tara na!” pagyaya naman niya kay Julie.

Naramdaman ni Elmo na sumusunod na sa kanya sina Maqui and Julie pero hindi niya pinapansin ang mga ito. Mainit ang ulo niya. Naiirita siya.

“What’s his problem?” he heard Julie asked.

“Hm? Ewan ko.” Maqui said. “Baka nagseselos? Hahaha.”

And oo. Nagseselos siya.

Say Something (1/3 - julie)

(Julie)


SLAAAAP!

Alam kong malakas ang sampal na iyon pero wala akong pakialam. Wala syang ideya kung gaano ako nasaktan, umiyak at kung gaano ako katagal naghintay kahit wala syang sinabing babalik sya.

Nakakainis. Galit ako sa kanya. Ayaw ko na syang pakinggan, ayaw ko na syang makita. Pagkatapos nyang paasahin ako at durugin ang puso ko, babalik sya at hinalikan ako na parang wala lang? Ang kapal talaga ng mukha nya. At ang pinakanakakainis pa, na kahit anong galit ko sa kanya, hindi ko maitago sa sarili ko na na-miss ko sya. Miss na miss ko sya.

“Umalis ka na! Ayaw na kitang makita!”

Tumingin sya sa akin at biglang parang gusto kong hawakan ang namumulang mukha nya at mag-sorry. Pero galit ako at nasasaktan ako, ayaw kong ipakita sa kanya na mahalaga pa rin sya sa akin. Na mahalaga pa rin ang lahat ng gusto nyang sabihin. Napakarami kong gustong itanong, pero naglalaban ang isip at puso ko kung ano ba ang dapat kong gawin.

“Julie.” Sa pagsabi nya ulit ng pangalan ko, praang gustong manlambot ng mga tuhod ko. Parang gusto ko syang lapitan at yakapin. Namiss ko sya talaga. Yung mukha nya na napakaamo, ang amoy nya, ang kabuuan nya. Hindi ko alam kung paano ko nagawang pigilin ang sarili ko habang nakatingin sya sa akin at nakikita kong nasasaktan din sya.

“Please, Elmo. Umalis ka na. Wala na din naman tayo dapat pagusapan.” In a way, totoo iyon. Hindi nya ako girlfriend at wala naman talaga syang responsibilidad na magpaliwanag sa’kin. Pero sa pagitan naming dalawa, may espesyal na unawaan. Alam naming pareho kung gaano kahalaga ang isa’t isa, na kalahati ng puso ko sya lang ang laman. Alam naming kahit 16 years old pa lang kami nun ay minahal na namin ang isa’t isa. At mahal ko pa din sya. Mahal ko sya. At masaya ako na makita sya ulit. Pag-alis nya noon gusto ko syang hanapin, gusto ko syang sundan sa kung saan mang bahagi ng mundo sya napdpad. Kung inaya lang nya akong sumama noon sa kanya, hindi ako magdadalawang isip na hawakan ang kamay nya’t sumama sa kahit saan. Sya lang ang minahal ko sa loob ng napakahabang panahon, noon pa man, kahit bago pa man nya ako mapansin, mahal ko na sya.

“Meron. Marami.” Hindi na nya pinansin pa ang sakit na binigay ng sampal ko. Ilang beses kong binawi ang mga kamay ko sa kanya pero bandang huli’y hindi na nya ako binitawan. Hindi ko magawang tumingin sa kanya nang diretso at hindi maalala kung paano ako umasa, naghintay at naging tanga sa loob ng apat na taon. Pero hindi ko na rin naalis ang mga tingin ko sa kanya. Paano nga ba kalimutan ang lahat ng nararamdaman mo sa isang tao kung hindi mo sya magawang hindi tignan?

“Ayokong makinig sa iyo.”

“But you have to. I’m sorry. I’m so sorry. Julie..I missed you. Sobra kitang na-miss. And you’re the very reason…why I came back. I came back for you.”

Hindi ko na rin nagawang pigilan ang mga luha ko, lalo na’t nakita kong sya ang unang umiyak. Hindi iyon ang unang beses na makita ko syang umiyak, pero yun ang unang pagkakataon na ako ang naging dahilan. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako na kahit anong gawin ko at kahit anong gawin nya, hindi nagbabagao ang epekto nya sa ‘kin. Naaalala ko na madalas sabihin ng papa oo noon, ‘Kapag minahal mo ang isang tao at hinayaan mo syang hawakan ang puso mo, kahit kailan, kahit anong mangyari, sa iba mang paraan, mamahalin mo pa rin sya.’ Ganun si Elmo sa buhay ko. Sya ang pinakaunang lalaking nagpatibok ng puso ko at kahit kailan hinding hindi ko na mababawi pa ang bahagi ng puso ko na ibinigay ko na sa kanya noon pa man.

Huminga ako nang malalim at pilit na hindi pinahalata ang naging epekto sa kin ng mga titig nya, ng mahigpit na paghawak nya sa mga kamay ko, ng buong presensya nya sa kuwarto ko. “Bakit ka umalis…bakit mo ko iniwan?” Hindi sya sumagot. Nakita ko iyon bilang pagkakataon na sabihin na sa kanya ang lahat. Hindi na nakaya ng puso ko ang bigat at galit…at pangungulila.

“Naghintay ako. Hinintay kita dun buong gabi.” Hindi na rin nakayanan ng mga luha ko at tuluyan ko nang nilabas lahat. “Ang sabi mo, pagdating mo okay na ang lahat. Hindi ko iyon naiintindihan pero alam ko…alam kong kahit ano pa iyon, para iyon sa akin. Pinaramdam mo sa kin na partte ako ng mga plano mo, na kasama ako sa lahat ng mga gusto mong gawin. Alam ko bang….kung darating ka nun at itatanong sakin kung gusto kong sumama sa iyo, handa akong iwan ang lahat…para lang makasama ka?” Umiyak ako sa harap nya. At alam kong nasasaktan sya habang tinitignan ako.

Totoo iyon. Mga bata pa kami noon pero di ibig sabihin na hindi pa namin naiintindihan ang napakaraming bagay. Hindi kami magboyfriend pero higit pa roon ang mayron kami. Marami pa kaming gustong gawin pero mas gusto naming gawin ang lahat ng iyon nang magkasama. Nagsimula kaming mangarap nang sabay, gumawa ng mga plano na marahil pagtatawanan ng iba pero para saming dalawa ay wala iyong kasing halaga.

Madalas nyang ikuwento sa akin noon na ilang beses na syang lumayas para hanapin ang mga lugar at bagay at mga taong magpapakita sa kanya sa kung ano ba talaga ang buhay, ang mundo. Isa iyon sa mga bagay na minahal ko sa kanya. Magkaharap lang ang mga bahay namin at magkaibigan ang mga magulang namin, at kahit hindi nya ako napapansin alam ko lahat ang mga nangyari sa kanya. Matalino sya, matapang at naniniwala syang may mas higit pa sa mga bagay na nangyayari na mas okay kesa sa kinalakihan at kinasanayan mo. Naiinggit ako sa kanya noon sa tuwing nalalaman kong nakaalis sya, may bahagi ng pagkatao ko na nangarap na sana kaya ko rin iyong gawin. At mas hinangaan ko pa sya kapag nababalitaan kong bumabalik sya. Kahit anong gusto nyang umalis at makita ang mundo, hindi pa rin nya kayang tukuyang iwan ang mga taong nagmamahal sa kanya.

Nung gabing iyon, tinawagan nya ako. Magkita raw kami sa bus station at may sasabihin sya. Magdala daw akong damit na kahit ilan, konting pera at iba pang gamit. Inisip ko na noon na isasama nya ako sa byahe nya, matagal na nyang binabanggit ang bago nyang plano na lumipad sa Thailand, sa Africa at sa Europe. Kung papakinggan mo sya noon, tatawanan mo sya’t hindi mo iisipin na seryoso sya. Pero naniniwala ako kay Elmo at naniniwala ako sa lahat ng mga plano at pangarap nya.

Bago ako umalis ng bahay noon, nagpaalam lang ako na lalabas kasama sya kina papa, pero sa loob-loob ko, kung sasama man ako kay Elmo sa kahit saan hindi ko iyon pagsisisihan. Ganon ko sya kamahal noon. Naging parte sya ng pagkatao ko, at alam kong ganun din ako sa kanya.

Nauna akong dumating ako sa bus station at tinext ko sya kaagad. Hindi sya sumagot, naisip kong gumagawa pa sya ng paraan para makatakas sa magulang nya at magpaalam kay Megan. Dumaan ang isang oras, wala pa din sya, wala pa ding sagot sa text at tawag ko. Dumaan pa ang ilang oras hanggang sa mag-umaga na’t di ko namalayan na nakatulog pala ako sa kakahintay. Hindi sya dumating. Hindi nya ako tinext o tinawagan man lang. Pag-uwi ko saka ko nalaman na umalis na pala sya. Wala na sya.

Unti-unti nyang binitawan ang mga kamay ko saka sya nagbaba ng tingin. Nagpatuloy ako. “Inisipp ko nun kinabukasan, babalikan mo ‘ko. O kaya sa sumunod na linggo. Pero hindi ka na bumalik. At wala akong ideya kung nasaan ka. Alam mo bang….naghihintay ako sa iyo araw-araw. Ikaw ang iniisip oo bago ako matulog, paggising ko sinisilip ko iyong bintana mo para tignan kung nandyan ka na. Napakadaya mo, Elmo. Bakit mo ginawa sakin iyon?! Sinayang ko ang matagal na panahon kakahintay, kakaisip sa iyo. Galit ako sa iyo! Ayaw ko na sa iyo! Wala na akong pakialam sa iyo!”

Syempre hindi iyon totoo. Wala na akong ibang minahal ng kagaya ng pagmamahal ko kay Elmo. At kahit nasaktan ako nang husto alam ko sa puso ko na hindi pa nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya.

“Kaya umalis ka na! Tapos na ko sa iyo. Ayoko na!”

Nang itulak ko sya’s bigla nya ulit hinawakan ang kamay ko, ang kanang kamay ko. Nakatingin pa din sya sa sahig. Saka sya unti-unting nagtaas ng tingin at sinalubong ang mga galit na titig ko. Doon ko lang napansin na wala pa rin ipinagbago ang mukha nya, maliban sa mga mata nya wala akong makita kundi lungkot at sakit.

“Dumating ako, Julie.”

“Ano?!”

“Dumating ako. I saw you, you were sleeping. I even sat next to you.” Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nya. Pero kita ko sa mga mata na nagsasabi sya ng totoo.

“Andun ka? Pero bakit-”

“I was planning to ask you to go with me. To go explore the world with me. Noon, ako lang ang kasama sa mga plano ko. But when I realized that I’m in love with you, naging parte ka na lahat ng mga plano na iyon. I wanted to tell you where I want us to go, then once we turn 18 we’re going to get married and then we will continue to travel until we’re 25 and then I would ask you if you want to have kids. When I went to the bus station to meet you, I was carrying all of those plans and dreams with me, all i needed is your ‘yes’.”

Pakiramdam ko ay bigla akong nagkasakit. Bumilis ang pagtibok ng puso kasabay ng paninikip ng dibdib ko. Nakatitig pa din ako sa kanya habang hinahayaan ko na lang na pumatak ang mga luha ko. Umiiyak din sya.

“But when I got there, and saw you…I realized how selfish I was. Habang pinapanood kita naalala ko lahatng mga sinabi mo sa akin noon na gusto mong maging teacher at gusto mong maging estudyante si Megan at Gwen paglaki nila, na gusto mo ding doktor para maalagaan ang papa mo, and you can’t decide what weighs more. Naalala ko nung sinabi mo na gusto mong palakihin ang food house nyo, na pagagawan mo nang mas malaking kusina ang mama mo. Naalala ko lahat ng mga bagay na gusto mong gawin, and I remembered how happy and excited you were while telling me all of your plans. And then it hit me. I asked myself, if I will ask you to come with me, will you say yes? And if you would, would i want you to leave everything behind for me? Would i want to take you away from your family, from your friends and from your dreams? Hindi. Hindi ko iyon kaya. O kung kaya ko man, ayokong gawin. That’s why I left…without you.” Hindi man nya pinapakita o pinapahalata, wala mang syang pakialam sa napakaraming bagay, mabuting tao pa din si Elmo. Mabait sya at kaya nyang magmahal. At hindi ko na alam kung ano na ang kaya ko pang maramdaman para sa kanya nang malaman ko na ang dahilan.

“Bakit hindi mo man lang ako ginising?! Bakit hindi ka man lang nagpaalam?!”

“I couldn’t do that.”

“Bakit?!”

Matagal nya akong tinitigan bago pa man sya sumagot. “Because even I’d thought of changing my plan and not take you with me, once you’re awake and once I see how much I want to be with you, I will forget to care about anything and still ask you to go with me. I could be selfish with anything Julie, but not to you, not with you.”

“At sa tingin mo, hindi ka naging selfish nung umalis ka?” Hindi nya ako sinagot, at naging masakit iyon. Binawi ko ang kamay ko sa kanya saka ko pinunasan ang mukha ko. “Pagod na ko, Moe. Umuwi ka na.”

“You’re never gonna forgive me, won’t you?”

“Hindi ko alam. Ayaw na muna kitang makita.”

“Julie-”

“Umalis ka na-”

“I love you. Do you still love me?” Lalong naging masakit nang sinabi nya iyon. Gusto ko syang yakapin at sabihing maahal ko pa din sya pero kahit sya pa rin ang umookipa ng pinakamalaking bahagi ng puso ko, marami na ring nagbago sa loob ng apat na taon. Hindi na ganun kadali ang kalimutan ang nangyari para makapagsimula ulit. Lalo na nung panahong bumalik na sya para sa ‘kin.

“Elmo-”

“Julie, anak?” Biglang tumawag si mama sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

“Po?”

“Nandito na si Darren, ready ka na raw ba?”

Nagsalubong muli ang mga tingin namin ni Elmo at alam ko kung ano’ng ibig sabihin ng mga tingin nya. Huminga ako nang malalim at sumagot ulit ako kay mama.

“Pakisabi po sandali na lang!” Pag-alis ni mama sa may labas ng pintuan ay nilapitan ko ang binatana at saka nilingon si Elmo. “Umalis ka na, please.”

“Who’s Darren?”

Karapatan din nyang malaman ang isa sa mga nagbago habang wala sya. “Boyfriend ko.”

Pag-alis ni Elmo ay dumiretso ako sa banyo at nagkulong doon ng ilang minuto. Pagupo sa may toilet bowl ay doon na ako umiyak nang umiyak. Pakiramdam ko nanariwa ulit ang malalim na sugat na dumurog sa puso ko apat na taon na ang nakalilipas. Galit ako kay Elmo at hindi na maalis pa ang mapait na alaalang iniwan nya ako sa panahong mahal na mahal ko sya, pero nang bumalik na sya hindi ko pa rin maitago na sya pa rin ang lalaking minahal ko bago pa man nya ako minahal.


Sya ang first love ko at sya rin ang unang lalaking nagpaiyak sa akin, at iyon ay bago pa man nya ako napansin. Bago pa man ang prom kung saan ako ang dinala nya bilang prom date nya.

Para sa isang babae, hindi masaya ang gustuhin ang isang lalaking hindi man lang napapansin ang presensya mo pero madalas, sapat na iyong nakikita mo sya at alam mong hindi sya mawawala sa paningin mo.

Matagal na kaming magkaharapang-bahay ni Elmo, naging malapit na kaibigan nina mama’t papa ang mga magulang nya. Magkalaro din ang mga kapatid namin kahit na malayo ang agwat ng mga edad nila, gustong gustong binibisita ni Gwen si Megan para makipaglaro rito. Sa mga pamilya namin, si Elmo lang talaga ang walang pakialam. Wala syang napapansin at laging nasa harap ng computer o nagbabasa ng libro o tumatambay nang mag-isa sa tahimik na lugar. Siguro iyon na rin ang dahilan kung bakit ko sya napapansin. Gusto ko syang maging kaibigan at gusto kong maging malapit sa kanya. Pero kahit anong gawin ko nun ay hindi pa rin nya ako pinapansin.

Parehas kami ng school simula elementary at lagi kong naririnig ang mga kaklase kong babae at sa ibang klase na nagkakagusto sa kanya. Nagpatuloy iyon hanggang sa naging magkaklase kami sa unang taon ng high school. Lalong dumami ang nagkagusto sa kamisteryosohan nya’t kaguwapuhan. Hindi sya nagbago hanggang high school, tahimik pa din sya at walang kaibigan, at walang pinapansin na kahit sino’ng babae. Pero ako, mas lalo ko syang nagustuhan. At habang tumatagal ay saka ko nararamdaman ang sakit ng pagmamahal sa taong hindi ka naman nakikita.

Hindi kami naging magkaibigan pero may isang pagkakataon na napagtanto ko kung gaano sya kagusto at kasabay din nun ang unang pagkakataong sinaktan nya ang puso ko.

Firs year high school kami noon at matatapos na ang school year. Hinati ang year namin sa sampung grupo at binigyan ng kanya-kanyang task na lilinisin sa dulong bahagi ng campus. Magkasama kami sa grupo at 4 pang kaklase. Napunta sa group namin ang kalahati ng soccer field, clinic at ang memorial park.

Paborito ni Elmo ang memorial park at lagi ko syang nakikitang nakaupo sa may bench swing at nagbabasa ng iba’t ibang libro na may mapa sa cover araw-araw. Nang araw na iyon ay kaming dalawa ang in-assign ng leader namin sa memorial park. Natuwa ako at nainis din dahil kahit na kasama ko si Elmo ay parang wala din sya doon. May tubig pa ang pond sa park na iyon noon at may paskil na WISHING POND. Nang lilinisin ko na ang paligid ng pond ay napansin kong wala si Elmo. Saka ko sya nakita sa bench swing at nakahiga.

Nilapitan ko sya, at iyon ang unang pagkakataon na lumapit ako sa kanya, na nag-usap kami.

“Hindi mo man lang ba ako tutulungan? Hindi ko kayang linsin tong buong park.” Hindi sya sumagot at nakayakip pa rin ang panyo nya sa mga mata nya. “Elmo! Ano, di mo ba ko tutulungan?!”

Nagulat ako nang bigla syang tumayo at inagaw ang walis na hawak ko at saka sya pumunta malapit sa pond at nagwalis. Sinundan ko sya.

“Ako na lang ang magwawalis, magtanggal ka na lang ng damo.” Nagulat din ako nang bitawan nya ang walis at nagumpisang magalis ng damo sa paligid ng pond. Lihim akong napangit at kinilig. Iyon ang unang pagkakataong kami lang dalawa ang magkasama at naramdaman kong nararamdaman din pala nya na andun ako.

Hinihintay ko syang matapos sa pagalis ng mga damo nang mabaling ang atensyon ko sa nakapaskil sa tabi ng pond. “Ano bang dapat gawin dito para makapag-wish.” Hindi ko sya itensyong kausapin at sarili ko ang kinakausap ko, pero nagulat ako ulit nang sumagot sya.

“Tsk. Throw a coin.” Bigla nyang sabi. Tumingin ako sa kanya at seryoso pa din sya sa ginagawa nya pero wala naman syang ibang pinagsabihan nun kundi ako lang, kami lang naman ang naroon.

“Tapos?”

“Make a wish.”

“Paano?”

Nahalata ko sa reaksyon nya na naiirita sya pero natutuwa pa din ako dahil pinapansin at kinakausap nya ako. Tumayo sya’t kumuha ng coin sa bulsa nya. Saka sya may binulong sa coin at hinagis iyon sa pond. At sa lakas ng paghagis nya’y natalsikan pa ko ng tubig. Tumayo ako at lumapit ng konti sa kanya.

“Anong ni-wish mo?”

“You’re not supposed to reveal your wish.” Lihim akong natawa at natuwa at kinilig, at lalo ko pa syang nagustuhan. Di ko akalaing naniniwala pala sya sa simpleng pagwish sa wishing pond na madalas mga bata lang ang gumagawa.

“Bakit sa coin?”

“It’s just a prop.” Lumaki sa mayamang pamilya si Elmo at madalas silang nagbabakasyon sa America at may mga pinsan din syang taga-States kaya’t mas madalas ko syang marinig magsalita ng Ingles.

“Kahit ba walang tubig sa pond pwede pa ding mag-wish?”

Halata na talagang naiirita sya sa pagtatanong ko pero sinagot pa rin nya ang tanong ko. “It’s not the coin or the pond, it’s your faith on your wish.” Saka nya hinagis ang mga damong nabunot nya at naglakad palayo sakin.

“Teka saan ka pupunta?”

“I’m going home. You’re asking too much stupid questions.”

“Teka!” Hinabol ko sya. At bigla akong napahinto nang tumigil sya sa paglalakad at hinarapan ako. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na tinignan nya ako sa mga mata.

“What?!” Masungit lang talaga sya.

“Hindi pa tayo tapos.”

“So what? Linisin mo na lang to mag-isa.”

“Ha?! Di ko kaya linisin to lahat.”

“I don’t care.”

“Pero teka-”

“And don’t follow me. I don’t like you.” Saka na sya tumalikod at iniwan ako.

Iyon ang unang beses na pinagsisihan ko na gusto ko sya. Pero iyon nagtagal ang galit ko sa kanya. Bata pa ako noon at hindi ko dinamdam masyado ang sinabi nya sa ‘kin pero hindi ko iyon nakalimutan. Kahit nasabi nya sa aking hindi nya ako gusto hindi iyon naging dahilan para mawala ang pagkagusto ko sa kanya. Sa katunayan nga mas lalo pang lumalim ang kung ano mang meron ako sa kanya, pinili ko na lang na dumistansya at mahalin sya sa malayo sa ganoong paraan kasi naisip kong di na nya ako ulit masasaktan.

Naging sapat na sa akin ang pagmasdan at panoorin sya sa malayo sa loob ng 2 taon nang biglang may kumatok sa pintuan namin isang araw at nakita ko sya. Hindi ko mapigilan ang hindi mangiti, naisip ko siguro ay dahil na-miss ko sya, kahit na hindi naman talaga kami naging malapit sa isa’t isa.

Kasama nya ang mama nya, si Ms. Maggie. Kung ano’ng kinatahimik at kinasungit ni Elmo’y kabaligtaran naman nya ang mama nya. Mabait si Ms. Maggie at napakamaalalahanin. Masaya kaming nag-usap habang lihim akong kinikilig dahil sa dulo ng mga mata ko’t nakikita ko si Elmo na nakatingin sa akin. At nang magtama ang mga mata namin ay doon ko napagtantong hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya, at lalo pa iyong nadagdagan.

Posible bang mahalin ang isang taong ayaw man lang na tignan ka? Sa akin, oo. Siguro sa napakatagal na panahong sinusundan, hinahangaan, binabantayan at pinapangarap sya, naipon lahat iyon sa puso ko. At nang magkaroon ulit ako ng pagkakataong mapalapit sa kanya, naramdaman ko na lang sa puso ko na mahal ko na sya. At kahit kailan ay hindi ko iyon naramdaman sa kahit kanino.

Pumayag ako na maging prom date nya sa dalawang dahilan: una, pagkakataon ko na iyon na maging malapit sa kanya kahit isang gabi lang na hindi na bilang isang teenager na makulit at crush na crush sya, at; pangalawa, simula nang umapak kami sa high school ay sya na ang pinangarap kong makasayaw sa prom.

Matapos ang araw na iyon ay bumalik sya sa dati, hindi na nya ulit ako pinapansin sa school at sa tuwing magkakasalubong kami sa labas ng bahay namin at bahay nila’y parang wala lang. Pero ako, di ako makapaghintay na pumunta ng prom kasama sya.


Dalawang araw bago ang prom night, nasa may office ako ng Science club namin nang may nakita akong mga nakakalat na mga coins. Saka ako may biglang naalala at kinuha ang mga iyon at nagtungo sa may memorial park.

Paglapit ko sa may pond, wala na roon ang paskil na WISHING POND at wala na rin iyong tubig, imbes ay puno iyon ng ipot ng mga ibon at tuyong dahon at damo. Pero kinuha ko pa din ang mga coins at isa-isa ko silang ginamit sa mga wish ko. Sana maging masaya ang prom. Sana maging magkaibigan kami ni Elmo. Sana isayaw nya ako sa prom. Lahat ng wish ko ay tungkol sa kanya at hindi ako nang hinayang sa kahit isa man sa mga iyon.

Saka ko biglang naramdaman na may iba akong kasama doon. Lumingon ako at nakita sya. Natural, nandoon sya. Iyon ang paborito nyang lugar sa buong school. “Oh, Elmo.”

“Hey.” Hindi ko inaasahang papansinin nya ako. “What are you doing?”

“Nagwi-wish.” Hindi ko alam kung bakit lihim akong natawa at nakaisip ng paraan para gantihan sya.“

"What makes you think a dry pond full of bird poop could grant wishes?”

Nilapitan ko sya saka ko pinakita ang natitira kong coin. “Hindi iyong pond o yung coin, kundi iyong faith mo sa wish mo.”

Nagreact pa sya pero hindi ko na pinansin. Hinagis ko ang natitirang coin saka ko sinabi sa kanya na ang dahilan lang kung bakit pumayag ako na maging prom date nya ay dahil sa gusto ko ding pumunta at dahil sa mabait ang mama nya. Iyon ang maliit na ganti na naisip ko at di ko akalaing magkakaroon iyon ng epekto sa kanya, lalo na nang tinanong nyang bakit ayaw ko sa kanya.

“Ikaw ang may ayaw sa akin, kaya ayaw ko na din sa iyo.”

Hindi ko na sinubukan pang tignan ang naging reaksyon nya sa sinabi ko at tinalikuran ko na sya at iniwan gaya ng ginawa nya sa akin dati. Hindi ko na rin inasahan na maaalala pa nya kung bakit ganun ang inasta ko sa kanya. Ang importante sa akin nun ay nakaganti ako. Tuluyan nang nawala ang tampo ko sa kanya matapos ko syang sungitan, pero ang malalim na nararamdaman ko ay naroon pa rin.

Wala man akong binulong sa huling coin na hinagis ko ay hindi ibig sabihin na wala iyong kasabay na wish. Bago ko iyon inihagis at habang nakatingin ako kay Elmo ay isinigaw ko sa isip ko ang huling hiling na gusto kong matupad. Sana dumating ang araw na makita rin nya ako at mahalin.

At totoo nga na kapag naniwala ka nang husto sa wish mo at naghintay ka sa tamang panahon, ay matutupad din iyon. At hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na nagkatotoo ang matagal ko nang hiling.

„„„„„„„TBC ;)
Isa Pa (One Shot)

NOTE: Not my best work. But someone requested for a one-shot, and this is all I could muster after a 9-hr straight workday. Sorry :(

“Break na daw sila ah.”

Parang regalo sa akin yung mga salitang ito nung sabihin ni Ate sa akin nung kausap ko siya kagabi sa video call.

“Bakit naman ngiting ngiti ka dyan, hoy? Di mo ba naisip na baka malungkot yung kaibigan mo ngayon? Heartbroken siya, siyempre. Isang taon din sila nun, noh”, pagsaway niya sa akin.

Natawa ako. “Eh yun nga eh, nabulag siya dun sa ugok na yun ng isang taon.”

Inirapan ako ni Ate. “Loko ka, Moe, ha. Kahit pano naman minahal din niya yun. Tsaka anong feeling mo, ngayong hiwalay na sila, magiging kayo na? Manligaw ka muna uy.”

“Wow, ha. Salamat naman sa vote of confidence mo sa akin, Ate. Tsaka bakit hindi? Matagal na kaming magkakilala. Walang ibang mas nakakakilala sa kanya kesa sa akin. At ganun din naman na walang mas nakakakilala sa akin kung hindi siya”, sagot ko naman.

“Uy, nagdrama daw siya bigla? Hay naku, anong balak mo? Nandito siya sa Pilipinas, nandyan ka sa Amerika. Ano, uuwi ka para sa kanya?”, tanong niya sa akin na natatawa.

Hindi ko siya sinagot, siyempre. Ang hindi niya alam? Oo…oo ang sagot sa tanong niya.

*********************

“Basta ayoko na pag-usapan yung lalaking yun”, sambit ni Julie habang kausap ko siya sa video call pagkatapos ko tawagan si Ate kagabi. Pagsagot palang niya sa tawag ko, alam ko nang kakatapos lang niya umiyak. O baka talagang hindi pa tapos pero ayaw lang niyang makita ko kaya pinigilan niya. Yan kasi siya eh, ayaw niyang may nakakakitang mahina siya, kahit ako pa na matagal na niyang kakilala. Gusto niya lagi siyang mukhang matatag. Macho nga daw kasi siya.

“Pwede bang tanungin lang kung bakit nakipaghiwalay ka sa kanya?”, tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. “Sino naman nagsabing ako ang nakipag-break?”

“Hindi nga ba? Eh kasi, ang tanga naman niya kung siya ang mang-iiwan sayo. Not to mention, ang kapal naman ng mukha niya kung ganun”, sagot ko naman agad.

Natawa si Julie ng bahagya. “Sira ka talaga. Salamat naman sa suporta, friend, pero siya ang nakipaghiwalay sa akin. Hindi daw kami magwowork-out kasi mas bata daw ako sa kanya. Ulul niya, ang sabihin niya matagal na siyang may gusto dun sa bago niyang katrabaho. Buwisit yun”, sagot niya sa akin. Narinig ko ang bahagyang paghina at nginig ng boses niya sa bandang huli ng sinabi niya. Hindi ko na ito pinansin.

Umiling ako. “Ang kapal naman ng mukha niya para gawin yun sayo. Di bale, buti nalang lumabas yung tunay niyang kulay bago pa kayo nagtagal.”

Hindi na naming uli masyado pinag-usapan ang hiwalayan nila. Ang mahalaga, nasigurado ko nang pwede na uli si Julie. Oo, makasarili yung iniisip ko, pero kung ikaw ba, mabigyan uli ng bagong pagkakataon para maitama ang katangahan mo, hindi mo ba ito kukunin?

***********************

Ganito kasi yan. Si Julie at ako, matagal na kami magkakilala. Naging magkaklase kami nung elementary palang. Tapos, dahil malapit ang bahay naming sa school, at sila Julie ay malayo, sa tuwing merong event na ginagabi sa school, sa bahay nakikitulog yang si Julie. Syempre, hindi kami magkatabi. Tabi sila ni Ate Isa. Tapos nung papunta na kami ng high school, lumipat sila Julie sa village namin kaya mas naging malapit na naman kami.

Si Julie, napakaganda niyan. Kaya madaming nanliligaw. Pili lang ang nagiging boyfriend, pero ni minsan, hindi niya ako naging boyfriend. Bakit? Kasi torpe ako. Nakakatawa man aminin, pero totoo. Matagal ko na gusto yang si Julie, Grade 5 palang kami. Napansin agad ni Ate yun pero wala eh, talagang hindi ko siya kayang ligawan. Hindi ko kasi lubos maisip ano naman ang magiging pag-asa ko sa tulad niya?

Kaya ayun na nga, mula Grade 5 eh nasa tabi-tabi lang ako, pasulyap-sulyap. Laging sumbungan tungkol sa problemang boyfriend pero hindi nagiging boyfriend. Eh ganun talaga. Tinanggap ko na yung kapalaran kong yun noon pa.

Tapos, nung second year college kami, kinuha ako ni Papa dito sa Amerika. Hiwalay na kasi sila Mama at Papa. May sarili nang pamilya si Papa dito. Kinuha niya ako dito para siya ang magpaaral sa akin ng college. Noong una, ayoko. Pero kasi maganda yung music program na nahanap ni Papa, eh yun talaga ang gusto kong kunin, kaya napapayag din ako.

Nung araw na hinatid ako ng pamilya ko at ni Julie sa airport para umalis, humagulgol si Julie at yinakap niya ako ng sobrang tagal na para bang ayaw na niya akong bitawan. Dun ko naisip na, “Teka, baka naman may pag-asa ako dito”, kaso siyempre huli na kasi aalis na ako. Kaya sinabi ko sa sarili ko, paguwi ko sa summer vacation, aamin na ako kay Julie.

Kaso, sa malas ko, may boyfriend na si Julie nung unang summer na umuwi ako. Nung sumunod na summer na paguwi ko naman, mayroon pa din. At nitong nakaraang summer lang na paguwi ko, yun na nga, boyfriend niya yung ngayon ay ex-boyfriend na niya.

Tatlong summer na yung pinalipas ko. Dadagdagan ko pa ba?

************************

“Basta pumunta ka sa airport bukas please?”, paki-usap ko kay Julie.

Mahigit isang buwan na simula nung  nagbreak sila ng dati niyang boyfriend. Simula nung araw na tinawagan ko siya para makibalita tungkol sa kanila, nung araw na namumugto ang mata niya, may mga ibang naging tawagan at usapan na din kami. Araw-araw naman din kasi kami nag-uusap niyan. Kahit madaling araw na dito, tinatawagan ko pa din yan pag hiniling niya. Hindi ko naman matitiis yan eh.

“Siguro dadating ka bukas noh?”, dagdag niya, sabay ngiti na para bang nasabik siya sa ideya na yun.

Natawa ako. “Julie, alam ko namimiss mo na ako pero diba kalagitnaan ng semester ngayon? Paano naman kaya ako uuwi?”, tukso ko sa kanya.

Nayamot siya at inirapan ako. “Sorry naman kung excited ako makita kaibigan ko noh. Eh teka, ano gagawin ko ba sa airport bukas?”, tanong niya uli.

“May padala kasi ako para kay Ate at kay Mama, kaso walang pwedeng kumuha nun bukas kasi pareho silang may lakad. Sige na, please?”, pakiusap ko uli.

Nagpanggap si Julie na para bang isang napakabigat na Gawain ito para sa kanya. Pero sa totoo lang, hindi din naman ako matiis nito minsan. “Sige na nga”, sagot niya sa akin, bahagyang pinahaba ang huling salita na para bang napipilitan lang siya.

“Salamat! The best ka talaga!”, sagot ko naman.

*********************

Alam ko dapat inaantok ako ngayon, lalo na’t iba ang oras ng Pilipinas sa oras ng Amerika. Dapat inaantok ako dahil napagod ako sa biyahe. Pero paano ka aantukin kung ang pagkakataong makuha mo ang gusto mo eh nasa harapan mo na?

Kanina pa ako dumating dito sa airport, exactly 28 hours simula noong huli kong nakausap si Julie sa video call.

Nagsinungaling ako sa kanya kagabi. Wala akong padala. Hindi busy sila Mama at Ate. Ang katotohanan niyan, kanina ko pa din sila kasama dito sa airport. Sinundo nila ako. Kasi, oo, umuwi ako para kay Julie. Kalagitnaan nga ng semester, pero dahil isang subject lang ang kinukuha ko ngayon, isang beses lang sa isang linggo ang pasok ko. Kaya pwedeng pwede ako umuwi ng ilang araw. Kahit kaunting araw lang yan, kukunin ko kung si Julie naman ang magiging kapalit ng pag-aabsent ko at pagod ko sa biyahe.

Kinakabahan ako. Gagana kaya ang plano ko? Sa mahigit isang buwan nang nakalipas simula nung naging single si Julie, hindi niya na uli nabanggit ang ex-boyfriend niya. At mukha naming masaya siya. Pwede naman na siguro naming subukang kami naman?

“Andyan na siya”, bulong ni Ate mula sa tabi ko.

Tumango ako nang nakita kong pumasok si Julie sa revolving doors sa first floor ng airport. Umalis si Ate sa tabi ko at bumaba para salubungin si Julie, hawak ang isang kahon. Sa loob ng kahon na iyon, may sulat.

Julie,

Sorry kung nagsinungaling ako kahapon. Sorry din kung natagalan ako masyado.

Elmo

Pinanood ko silang dalawa, si Julie nagulat sa pagkakakita niya kay Ate. Bakit nga naman hindi siya magugulat eh sinabi ko nga naman sa kanya na busy si Ate ngayon. Kaya nga siya dapat ang kukuha ng “padala” ko. Pinanood kong binuksan niya ang box at inilabas ang scroll na naglalaman ng liham ko. Bago pa man niya ito mabuksan, lumapit sa akin sa Mama. Tinignan ko siya.

“Bababa na din ako. Bahala ka na dito”, sabi niya.

Tumango ako at tumingin uli kay Julie. Nabasa na niya ang liham ko at kausap niya si Ate. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha niya. Si Ate naman, ngumingiti lang.

Maya maya pa, si Mama naman ang lumapit sa kanila. May hawak din siyang kahon. May liham din sa loob.

Julie,

Alam ko naguguluhan ka ngayon, pero ako hindi. Wala nang ibang bagay sa buhay ko na mas sigurado kesa dito.

Elmo

Hindi ko na hinintay ang pagbubukas ni Julie sa kahon. Tumalikod na ako at pumunta sa kuhaan ng padala. Sinabihan ko sila Mama na huwag sasabihin kay Julie na umuwi ako. Basta sabihin lang nila na may kukunin siyang padala.

Habang hinihintay ko si Julie dun, bumilis ang tibok ng puso ko at bigla akong nagdalawang-isip. Paano kung masira ang pagkakaibigan namin dahil dito? Higit sa lahat, yun ang kinakatakot ko. Hindi na ako natatakot na ma-reject dahil kung tutuusin, matagal ko nang nakondisyon ang sarili ko dun. Pero yung epekto nito sa amin ni Julie bilang magkaibigan, yun ang hindi ko matatanggap kung dahil lang ditto eh mawawala lahat ng pinagsamahan namin.

Bago pa man ako makaisip na umalis at tumakas, nakita ko sa malayo na naglalakad si Julie, hawak ang dalawang liham ko, binabasa uli ang mga ito, nakakunot ang noo.

Pinapawisan na ako.

Naglalakad pa din siya.

Nasusuka na ako sa nerbyos.

Malapit na siya.

Kailangan ko yata muna magbanyo.

Ayan na siya.

Bigla siyang tumingin pataas at nakita ko ang mabilis na pagbabago ng mukha niya: pagtataka dahil sa mga liham, bahagyang pangingilala nang una niya akong makita, pagkagulat, pagkatapos ay tuwa.

“Hoy, Elmo!”, sigaw niya, sabay takbo papunta sa akin.

Pinagtinginan kami ng mga tao, pero yan si Julie. Pag masaya siya, masaya siya. Wala siyang pakialam na madaming nakatingin.

Mahigpit niya akong niyakap at narinig kong bigla siyang humikbi. Umiiyak siya? Sa harap ng ibang tao?

“Sssh, wag kang umiyak”, bulong ko sa kanya. Niyakap ko din siya ng mahigpit.

Hindi pa din siya bumitaw sa pagkakayakap niya sa akin. “Eh kasi naman eh…ikaw…sinungaling ka…sabi ko na…eh kasi…ikaw talaga! Kasi naman!” Hindi na niya halos masabi ang gusto niyang sabihin dahil sa tuwa, na ikinatuwa ko din naman. Ibig sabihin namiss din niya ako!

“O tama na, tama na. Oo, sinungaling na ako, sorry na”, sagot ko.

Dahan-dahan na siyang bumitaw at agad pinunasan ang luha niya. Nang magkatinginan kami uli, natawa siya ang sinuntok ako sa braso. “Bakit di mo sinabing uuwi ka?”, tanong niya, sabay hikbi.

Natawa ako. “Pwede naman siguro surprise diba?”

Natawa siya. “Hay, naku ka. Ilang araw ka dito? Kailangan pumasyal tayo! Magkita-kita tayo nila—“

Pinutol ko ang pagsasalita niya. “Julie, shhh”, sabi ko. Nang tumigil siya, kinuha ko ang kamay niya at huminga ng malalim.

“Huy, anong nangyayari sayo?”, tanong niya sa akin, pero nakita kong may pag-aalinlangan sa boses niya. Na para bang gusto niyang malaman ang sagot sa tanong niya, pero parang ayaw din niya malaman dahil baka hindi niya kayanin ang magiging sagot.

Huminga ako uli ng malalim bago tuluyang nagsalita.

“Matagal na kitang gusto Julie. Mga bata pa lang tayo. Uhugin pa tayo nun. Naka-brace ka pa nun. Naka-pigtails. Uso pa Backstreet Boys at N*Sync. Wala pang Justin Bieber nun, pero gusto na kita. Cliché man tong sasabihin ko pero hindi ako umamin sayo dahil bestfriends tayo at ayokong masira yun. Tsaka, ang ganda ganda mo eh. Sino ba naman ako para magustuhan mo? Ilang taon kong tinago ito. Ilang taon kong kinimkim. Ilang taon akong tumahimik at tumabi sa sulok habang sinasaktan ka ng mga naging boyfriend mo. Galit ako sa kanilang lahat dahil hindi ka nila pinahalagahan. At itong huli, ito yung nagtulak sa akin para umamin na sayo. Ayoko na uling maiwan ng pagkakataon. Ayoko na uling may lalaking mananakit sayo. Hindi ka dapat sinasaktan. Napakabait mong tao para mapunta lang sa isang lalaking hindi marunong mag-alaga. Ako, matagal na kitang inaalagaan. Kahit alam kong wala akong pag-asa sa iyo, andito padin ako, laging nakaabang para tulungan ko o alalayan ka sa tuwing may lalaki na naming pumilay sayo. Sa tuwing nasasaktan ka, nasasaktan ako. Sa tuwing masaya ka sa boyfriend mo, masaya din naman ako, pero nasasaktan din. Pero nanaig yung pagiging kaibigan ko, kaya hindi ko pinakita yun lahat sayo kasi ayokong tumigil ka sa pangangailangan mo sa akin. Kasi parang yun yung lifeline ko eh. Parang yun yung role ko sa buhay, at yun yung role na gusto kong gampanan habang-buhay. Gusto ko pag masaya ka, ako yung dahilan. Gusto ko pag malungkot ka, ako ang dadamay sayo. Gusto ko magkasama tayo sa pagtupad ng mga pangarap natin, hindi lang bilang magkaibigan lang. Alam ko, masyado pa siguro maaga para manligaw, at kung ganun man, bibigyan kita ng oras pa. Pero gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita, at hindi ko na mababago yun. Ang nais ko na lang ngayon eh mabago yung tingin mo sa akin, mula sa pagiging kaibigan lang.”

Tahimik siya pagkatapos ko sabihin lahat ng iyon. Para akong nabunutan ng tinik nung ibinubuhos ko ang nararamdaman ko. Pero ngayon naman, parang mas malaking tinik yung nalunok ko sa paghihintay sa sasabihin niya.

Maya maya pa, ngumiti siya at pinitik ako sa ilong.

“Bakit kasi ang tagal tagal mo gumalaw? Ang tagal tagal na din kaya kitang hinihintay,” sambit niya.

Eto na yun. Sa wakas, nakuha ko na yung isa pang pagkakataon ko para makuha ko ang gusto ko. Bibitawan ko pa ba?

Niyakap ko siya ng mahigpit ng mga oras na iyon at pinagdasal kong sana hindi na matapos ang araw. Sana doon nalang kami habang-buhay, magkayakap, masaya, dahil sa wakas, tapos na kaming maghintay para sa isa’t isa.

anonymous asked:

Random lang. May naging gf kasi ako sa net. poser ako at di niya alam na babae din ako. 8 months kami. lagi niya sinasabi sa akin na wag ko daw siya iiwan dahil kapit na kapit na siya, nung nalaman niya yung katotohanan iniwan na niya ako. 2 weeks palang may boyfriend na agad siya. Sa tingin mo ba nakalimutan na niya talga ako?

Ang kapal po ng mukha niyo.
#sorrynotsorry