ang haggard ko

Babae ako.

Pinanganak akong maraming insecurities. Inaabot ako ng matagal na panahon bago ako maging confident sa sarili ko, bago ko masabing maganda ako at kagusto-gusto. Pero isang insulto lang, pabiro man o hindi, nawawala lahat ng kumpyansa na meron ako. Kahit pabiro mong sabihing tumaba ako kahit di naman, pakiramdam ko kailangan kong magpapayat. Hanggang sa hindi ko na makain yung gusto ko dahil pakiramdam ko tataba lang ako lalo. Kahit pabiro mong sabihing ang haggard ko, pakiramdam ko kahit anong ayos ko ay ang pangit kong tingnan. Kahit pabiro mong sabihin na ang jologs ko, pakiramdam ko kahit anong suot ko hindi sakin bagay. Babae ako, mahina. Masyadong sensitive. Madaling masaktan lalo na kung sa pisikal na anyo pa ang pag-uusapan. Gusto lang namin maging maganda para sa sarili namin, maging masaya kung sino kami. Pero sa dami ng napupuna ng iba, ang hirap maging masaya. Kaya sana, lagi mong itatak sa utak mo na babae ako. Babae ako na walang ibang ginusto kundi maging maganda pati na rin sa tingin ng iba, ang maramdaman na kahit ano mang flaws ko sa katawan ay pwede pa rin akong magustuhan.

Babae ako, at ang gusto ko lang ay pahalagahan ako. Kahit ano man ang itsura ko.