and nawawala

May mga kaibigan tayo dati na lagi nating ka text, lagi nating kausap, minsan nga kapuyatan pa. Minsan dumadating yung araw na bigla na lang silang hindi magpaparamdam. Wala naman nangyari sa inyong dalawa pero bakit biglang nawawala? Ito yung tanong na hindi masagot ng karamihan, sila pa tong nagsabi na sana eh maging close kayo o kaya may mga pangarap kayong dalawa bilang magkaibigan. Pero wala eh, ganun talaga ang buhay.

Mapapatanong ka sa sarili mo.. Nasaan na kaya yung tao na yun? Ayun pa rin kaya number niya? Naalala niya pa rin kaya ako kasi naalala ko siya ngayon? O kinalimutan na niya ko? May bago na kaya siyang teksmate? May load kaya siya? Nanakaw kaya selpon niya? Napakaraming tanong na hindi mo sagot dahil hindi mo talaga alam..

Kasi may mga kaibigan na umaalis ng hindi man lang marunong mag paalam.

Anong role mo sa buhay?

• go-to-person ng mga taong walang matakbuhan tapos kapag tapos na sila sakin babalik na sila sa mga kaibigan nila na nawawala kapag kailangan nila. bigyan niyo naman ako ng konting appreciation. a simple thank you will do. ako na bahalang magdagdag.

Hindi lang naman kasi sa kanya dapat umiikot ang relasyon niyo eh. Dalawa kayo dun. Pareho kayo dapat. Hindi yung puro siya, na nawawala sa eksena yung ikaw. Nakakalungkot lang. Kasi kahit binabalewala ka niya eh, handa ka pa ring magpakatanga. Mahal mo eh. Tama? 

anonymous asked:

Kuya ano pong magandang brand ng ballpen. Yung magtatagal. Mas matagal pa sa relasyon naming dalawa.

frixion pilot. magtatagal yan at pwede mo pang burahin yung mga alaala niyo sa isa’t isa. at kung unti-unti na siyang nawawala sayo, dibale napapalitan pa rin naman yan.

“MAGMAMAHAL KA ULIT GAYA NOONG UNANG BESES MO ITONG SINUBUKAN.”

Halos 100 milyong bagong selyula ang nabubuo sa loob ng katawan natin sa loob lamang ng ilang minuto at halos 100 miyon din ang namamatay. Araw-araw, halos isang daang pirasong hibla ng buhok ang nawawala pero napapalitan din ito kaagad. Yung outer layer ng balat mo, napapalitan every 35 days. Yung patay na kuko mo tumutubo ulit after 6 months. Panibagong set ng red blood cells ang dumadaloy sa mga ugat mo every after 4 months. Nagkakaroon ka ng bagong skeleton every 10 years at nagreregenerate ang muscles mo every 15 years. 

Kung kaya ng iba’t-ibang bahagi ng katawan mo, kaya rin ng puso mo. Darating din ang araw na yung taong itinuring mong malaking bahagi ng buhay mo ay magiging parte na lang ng malungkot mong dati na hindi na dapat balikan. Mawawala din siya sa sistema mo at hindi ka na kakainin ng nakaraan. Maghihilom ang lahat ng elemento ng sakit at galit. Hindi man ganung kadali, mahabang panahon man ang bilangin, ilang bilyong bagong selyula man ang magpapalit-palit sa loob ng iyong katawan, pero darating ka rin doon. Malay mo, sa pagpapalit na ‘yon, maaring dahan-dahan ding pinapalitan ang emosyon mo hanggang sa magising ka na lang na wala na yung dating pagtingin. At kapag nangyari ‘yon, para ka na ulit bagong nilalang. At ang bawat durog na piraso ng puso mo ay mabubuo ulit gamit ang natitirang pirasong hawak naman ng iba para ibigay sa’yo ng buo. 

Magmamahal ka ulit sa panibagong pagkakataon gaya noong unang beses mo itong sinubukan.

masasabi ko na maganda yung nabili ko sa watsons, yung quick fx na pimple eraser. maganda sya, 2-3 days yung patubo na pimples nawawala na rin, madaling matuyo ang galing tygaan lang talaga. siguro mag 2 weeks na akong nagamit nito, effective talaga sya. maganda ‘to sa night, bago matulog. tulad ngayon kakaapply ko lang after mag lagay ng cleanser sa mukha. gusto kong ishare to lalo na sa mga problema nila yung pimple marks, dark spots, pati na rin yung dry yung balat sa mukha. gusto ko iupload sa yt pero di kaya hahaha nextime siguro.

Nalinis ko buong bahay namin cos nawawala yung ibang makeup at brushes ko at bigo akong makita sila :( tangina naiyak nalang ako kasi walang sumasagot sa mga kapatid ko kung saan napunta yung mga yon, hindi ko sila nagagamit simula nung nagstart internship ko, tangina talaga sobrang iniingatan ko tapos nawala bigla, parang sya lang? Charot. Pero ang sakit talaga ng puso ko, hindi ko alam san pa ako maghahanap. Ugh!!! :(

Mag-aapat na buwan na simula nung binigay ko sa’yo ang puso ko. Pakiramdam ko, sobra pa sa apat na buwan ang pinagsamahan natin. Lalo kasing lumalalim ang pag-ibig ko sa’yo. Hindi nawawala yung mga bagay na nakasanayan na natin, patuloy pa rin nating kinikilala ang isa’t isa, pero yun ang hakbang para tayo ay mas tumatag pa. Sinasabi natin ang ating mga nararamdaman, hindi pa rin natin nakakalimutan kamustahin at itanong kung ikaw ay nasaan. Kahit na malayo tayo sa isa’t isa, minsan kahit naiisip ko na nahihirapan ako, hindi ito magiging hadlang para maghiwalay tayo.

Kapag naiisip ko kung gaano ka lumalaban para sa akin mahal ko, walang kapantay na ligaya ang nararamdaman ko. Sobra kong naa-appreciate ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ka lang pinahiram sa akin ng Diyos, pero sana naman habang buhay na ito.

Ikaw ang pangarap ko, ang tunay kong pag-ibig, ikaw ang laman ng aking mga panaginip. Natatakot ako na ikaw ay mawawala, kasi alam kong hindi ko na makakaya pa, kapag ikaw ay kinuha Niya. Dahil sa’yo lahat ng bagay may kabuluhan na, natutunan ko ng maniwala sa pangarap ko, at natutunan ko na ring magtiwala ulit sa pag-ibig na binibigay mo.

Maraming salamat sa lahat. Sa pagkakataong makilala ka, sa pagkakataong matupad ang pangarap kong makasama ka. Hinihiling kong lagi lang akong nasa tabi mo, at sa akin ka lang palaging mahuhulog. Sana hindi ka na mawala pa sa’kin, at sana ibigay Niya sa akin ang matagal ko ng hinihiling.

Na maging asawa ka, at makasama ka hanggang sa aking huling hininga.

Appreciate Pain kapag okay ka na.

Sa totoo lang? Yung lahat ng pain na nararamdaman niyo ngayon ‘yong magtuturo sa inyo how to reserve Love for the right people. Hindi naman kasi naituturo kung paano mo mamahalin ang isang tao sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro or kahit anong quotes na nababasa mo sa Internet.

Kailangan mo maranasan ang lahat ng sakit na dulot ng pag-ibig. Kailangan mo tibayan at huwag isipin na wala kang kwenta dahil iniwan ka. May silbi ka at 'yon ang dapat mong tandaan. Iniiwan ka minsan ng taong mahal mo dahil 'yon ang kailangan para mag grow ka. Lahat ng tao ay nangako sa taong mahal nila na hindi sila mawawala. Totoo lahat ng 'yon. Sinabi nila 'yon kasi mahal ka nila nung mga araw na 'yon.

Ang Love, nagfe-fade kapag napabayaan. Ang Love, nawawala kapag nagkakaroon ng kahati. Ang love ay mararamdaman mo lang kapag willing kayong magsakripisyo para sa isa’t isa. Tandaan na always give and take dapat ang lahat ng relasyon to work. Kapag nasaktan ka at iniwan ka nila, hindi mo kawalan 'yon. Kawalan nila 'yon. Tandaan mo lang na kailangan may matutunan ka sa lahat ng relasyon na papasukin mo. Importante 'yon.

Pinipilit ko yung sarili kong wag masiyadong maging clingy ngayon kasi nakakatakot na baka masakal ka naman kasi sa totoo lang unti unti ka nang nawawala at ramdam na ramdam ko yun. Hindi naman ako tanga para di maramdaman pagbabago mo pero naniniwala akong maayo to at pagod ka lang sa mga bagay bagay. Maayos natin to, naniniwala ako.

anonymous asked:

Kuya ano pong magandang brand ng ballpen. Yung magtatagal. Mas matagal pa sa relasyon naming dalawa.

Hbw po. Nawawala na yung takip yung tinta halos di pa rin nababawasan. #proven

Sana Tayo Nalang

Nahihimbing ako
Sa saloy ng musika
Dulot ng iyong napakagandang tinig
Hinihiling na sana ganito lagi

Sa tuwing oras na ako'y nalulumbay
Laging ikaw ang nariyan
Walang ibang siya sa aking piling
Hindi tulad mo na ni minsan di nawala saking tabi

Nasisilayan ko ang nagniningning mong mga mata
Habang sa iyong binti ako'y nakahiga
Bumubulong sa nagtatalik na mga tala
Sabay ng awit ng musika
Na sana ikaw na lang

Mabuti ka pa
Andiyan sa aking tabi
Hindi nawawala kailanman
Sa bawat ngiti at mga luha kong naranasan

Ikaw na hindi ako kailanman iniwan
Sa bawat hakbang na ginawa
Sa lahat ng daang nilandas
Sa patuloy kong paglaban sa kalawakan

Tuwing kasama ka
Nasisiyahan itong sarili
Ngunit sa kabilang dako
Andirito ang pangangamba
Dahil baka di naman maaari
Ang salitang “Tayo”

Malaya ako
Ganun ka rin
Wala namang masama kung maging “Tayo”
Tanong lang ay ganun rin ba ang iyong damdamin

Sana tayo nalang
Na pareho ng bugso ng damdamin
Ipinapangako ko
Mamahalin ka ng buo magpasawalang hanggan

Babae ako.

Pinanganak akong maraming insecurities. Inaabot ako ng matagal na panahon bago ako maging confident sa sarili ko, bago ko masabing maganda ako at kagusto-gusto. Pero isang insulto lang, pabiro man o hindi, nawawala lahat ng kumpyansa na meron ako. Kahit pabiro mong sabihing tumaba ako kahit di naman, pakiramdam ko kailangan kong magpapayat. Hanggang sa hindi ko na makain yung gusto ko dahil pakiramdam ko tataba lang ako lalo. Kahit pabiro mong sabihing ang haggard ko, pakiramdam ko kahit anong ayos ko ay ang pangit kong tingnan. Kahit pabiro mong sabihin na ang jologs ko, pakiramdam ko kahit anong suot ko hindi sakin bagay. Babae ako, mahina. Masyadong sensitive. Madaling masaktan lalo na kung sa pisikal na anyo pa ang pag-uusapan. Gusto lang namin maging maganda para sa sarili namin, maging masaya kung sino kami. Pero sa dami ng napupuna ng iba, ang hirap maging masaya. Kaya sana, lagi mong itatak sa utak mo na babae ako. Babae ako na walang ibang ginusto kundi maging maganda pati na rin sa tingin ng iba, ang maramdaman na kahit ano mang flaws ko sa katawan ay pwede pa rin akong magustuhan.

Babae ako, at ang gusto ko lang ay pahalagahan ako. Kahit ano man ang itsura ko.

Para sa'kin, ikaw ang buhay ko.

May mga pangako tayo na hindi natin sisirain, dahil alam natin na ang mga pangakong yun ang dahilan kung bakit tayo nagiging masaya., yun ang dahilan kung bakit tayo tatagal. Alam kong walang sapat na mga salita para masabi ko ang nararamdaman ko para sa'yo. Yung andyan ka, yun ang nagpapalakas ng loob ko at nagpapasaya ng araw ko, kaya hindi ko matanggap na may ibang taong pilit na sumisira ng mga ngiti mo.

Wala na akong iniisip pang iba kapag kasama kita, kaya ipangako mo sa akin na kahit anong pagsubok pa yan, walang susuko, tatalunin natin lahat ng yan, at hindi natin maiisip kahit kailan na sukuan ang mga problemang darating.

Ako na siguro ang pinakamaraming dapat ipagpasalamat sa mundo nung dumating ka. Kaya patawad kung may mga pagkakataong nagtatampo ka, at salamat kasi kahit ganoon, hindi ka nawawala.

Mahal na mahal kita, salamat sa lahat mahal ko, salamat sa mga turo mo. Salamat dahil kahit ang dami nating pagkakaiba, kaya mong tanggapin lahat ng ito. Ang mga pagkakaiba natin ang totoong dahilan kung bakit bagay tayo, at ang mga pagkakamali natin ang daan para lalo tayong tumatag. At kahit na ano pa yan, hindi natin hahayaang masira kung anong meron tayo. Kaya wag ka na mag-isip pa ng mga bagay na ikakasama ng loob mo, kasi sa bawat patak ng luha mo, maraming saksak sa puso ang katumbas nyan na nararamdaman ko.

Wala na akong naiisip na makakasama sa mundo kundi ikaw lang mahal ko.

Yung feelings na bumabalik, yun yung feelings na hindi nawawala.

After months of being blinded by a temporary person, we started talking again. I admit we talk alot of nonsense. At first I was sure that it was nothing til i found out na may sineryoso ka ng girl & here i am, a girl who is completely different from who i was before. Sobrang nag selos ako & i didnt wanted to admit it to myself. Naging denial ako sa feelings ko, na kahit sinabi kong wala lang, WALA NA.. di ko napigilan bumalik lalo na when you told me things na lalong nagpagulo sakin.
I’m really scared of getting myself back from who i was before, because that girl was a completely shit & was fooled by love. Hindi na kasi ako ganon ngayon, strong na ko pakiramdam ko. Pero ayon nga, ever since makaramdam ako ng matinding selos parang onti onting bumabalik sa dati. Eto nanaman ako ngayon, nag seself pity because ur not even minding me. Alam ko naman na napipilitan ka lang na kausapin ako, siguro nga kasi dahil inlove kana sa iba. Na wala nalang talaga ko for you. I also got this strong feeling na hindi rin magiging okay to, kung ano man tayo right now. Pero ano nga ba tayo? Kasi kung merong kayo, e ano tayo? I know you hate this kind of drama & i also do to be honest. Part ng pagiging changed person ko yung pagkakaron ng walang pake pero theres this weak part of me na ganito. I tried not to talk to you, tinry ko naman pigilan feelings ko sayo. Diba nga hindi na ako yung namimilit ng taong ayaw sakin? Kasi alam mo yung unang maramdama ko yon sayo? Awang awa ako sa sarili ko. Kaya sinabi ko never ko na gagawin ulit yon. At alam mo yan. I was traumatized by my 1st heart break & it was you, you were the 1st one who broke my heart.

Nung nag message ako sayo nung wed night after natin magluto, totoo yung sinabi ko sayo non. Seryoso talaga ko sayo. Kung iniisip mo na manlalalaki ako or lolokohin kita, hindi ko kayang gawin sayo yon. Nung sinabi ko sayo na mahal kita, seryoso ko. Seryoso ko sa kung ano man yung meron satin, obviously wala. Seryoso parin ako.
It’s clear that you chose her over me but if and ever if magbago decision mo, mamahalin kita sa paraan na alam ko. Hindi kita sasaktan & iiwan. Kung iniisip mo na lolokohin kita hindi ko kayang gawin sayo yon. Kung di mo naman ako imsg not later than wednesday, i get it. I wont bother you anymore & i’ll respect your decision. I’ll let you be happy with her kung sakanya ka talaga masaya. you still have one day to decide i’ll wait til wednesday.

Anyway, I miss you mong.