alingjoy

Halamanization

(Nagtatry ako gumawa ng film entitled Malay Mo pero di ko masimulan kasi…)

*Ang mga nakasulat dito ay pawang kathang isip lamang. Wag agad maniwala.

From the root word “halaman”. ‘Yan ay ang pag-convert ng sarili mo para ikaw ay maging halaman: nilalang na walang feelings, walang emosyon at walang kalibog-libog sa katawan. Magcoconcentrate ka sa non-love aspects of life. 

-Ramon Bautista

Ang halaman ay isang living thing na nangangailangan ng araw, tubig, at oxygen para mabuhay. Mag-isa siyang gumagawa ng pagkain niya sa araw-araw at lumalaki siya ng kusa. May pakiramdam ba sila?

Pwede ka rin kayang maging halaman. Walang feelings at nakafocus lang sa mga non-love aspects of life gaya ng pera, trabaho, pagkain, bahay, atbp. Mapapansin mo sila ang may pag-asang yumaman kasi driven sila magtrabaho. Talagang sa pag-iimprove lang ng sarili sila nakatuon. Sila rin yung mga successful sa life (Yung iba) pero mag-isa.

Paano ba nagiging halaman ang isang tao? Baka kailangan magsikap kasi napakahirap ngayon kumita ng pera. Baka naman sila yung gusto munang maging stable kaya nagpapayaman. O yung gusto lang talaga nila yumaman. Meron ding kakagalling lang sa relasyon o kahit yung failed na love interest. Sinusumpa niya ang bawat makita niyang magkarelasyon na maghihiwalay din sila at sa bawat lalapit na pwedeng prospect ay iniiwasan muna kase natuto na. O sila yung deny nang deny na may nararamdaman sila pero ayaw ilabas. Ayaw kase maalaska. Sa kakaiwas mo, magiging halaman ka din.

Alam mo masaya rin kayang maging halaman. Meron kang time para sa sarili mo. Pwede kang magtravel o kumilala ng iba’t ibang tao. Mag-aral ng bagong instrument. O maghanap ng bagong hobby. Pwede mo rin ubusin ang lahat ng pera mo para sa mga luho mo. Pwede ka rin magpakafit para pag tapos ka na sa halamanization, may asset ka na agad.

May mga instance rin na napapatanong ka sa sarili. May dumarating na tao sa’yo. Halos lahat ata ng standards mo nakuha. May mga signs na nga na pwede mo ituloy pero bakit wala ka pa ring nararamdaman? Walang sparks sa inyong dalawa? Halaman ka pa rin kaya? Bakit ganun? Napakasakit. (Takteng linyahan to’) Sa tagal tagal mong hinintay na magkaroon ng isang <3. Bakit ngayon pa? Siguro eto pa yung residue ng pagiging halaman mo o kaya di mo lang alam na may nadedevelop ka ng halaman syndrome na sarili mo lang ang kaya makagamot o baka naman talaga hindi pa siya ang “The One”. Alam mo ba ang dahilan kung bakit ganito? Bakit ba kita tinatanong?

Pero malungkot din pala maging halaman no? Successful ka nga pero mag-isa ka. Minsan nasasanay na yung katawan mong wala nang maramdaman kasi namaster mo na ang ways to halamanization at hindi mo na kayang iunhalamanize. Ikaw halaman ka ba?

Bakit ba bawal madaliin?

(Kuha ni Michael Reyes nilagyan ko lang ng filter)

*Eto yung first coverage namin sa UP fair. Salamat Amplify.ph :)

Babala asawa ni… Ang lahat ng nakasulat dito ay bahagyang kasinungalingan. Bahala ka nalang kung ikaw ay maniniwala o magpapaloko.

“Masarap umibig. Masarap ang inspirasyon. Huwag lang minamadali. Lahat ng bagay nasa tamang panahon.” - Lola Nidora

*Walang basagan ng trip. Maganda kasi talaga ang sinabi ni lola. Parang di kayo nanonood ng Eat Bulaga.

Bakit kaya hindi siya pwedeng madaliin? Bakit ba tayo kelangan mahirapan? Bakit ba tinatanong kita?

Andami sa panahon natin ngayon ay puro madadali na. Fast food, Social media, cellphones, buhay ng tao, relasyon, atbp. pwera nalang sa kotse. Palagi kasing traffic walang hiya!

Naalala niyo pa ba dati yung mga liham, libro, library, camerang defilm, photo album, mga picture frame, harana, karoling, pamamanhikan at paglalaro sa labas? Napansin niyo bang wala halos gadget? Walang internet? Lahat ay talagang mahihirapan ka muna bago mo makuha yung gusto mo. Tulad na lang ng film. Ilang linggo mo pa yang aantayin para lang makita mo yung picture mo nung nagbirthday ka. Ang mga subject pa sa picture ay buong pamiliya. Hindi yung cake, regalo, kamay o paa. Talaga kasing pinapahalagahan ang film noon. Every shot counts.

Diba ang sarap pag ikaw talaga mismo ang gumagawa. Nandoon ang oras at panahon mo para lang sa kaligayahang gusto mo at ibibigay mo. Mas rewarding kaya ang pagsulat ng liham at ipadala eto sa <3 mo kesa sa text o social media. Sobrang usual na kasi yan sa panahon ngayon. Pag nakatanggap ka ng sulat, palagi nalang tubig, Meralco o credit cards na tinataguan mo. Sobrang dali na kasi ng komunikasyon sa atin

Bakit hindi mo gawing espesyal lahat ng ginagawa mo. Instead na sa IG mo ilagay yan, bakit hindi ka gumawa ng photo album ulit ng may mahawakan ka ulit na litrato. Ang pangit lang kasi sa bisita pag dumalaw, yung ipapakita mong album galing sa Social media. Iba parin ang nahahawakan.

Dati rati kung paano manligaw ang mga lalaki sa babae ay sobra sobra ang ipapakita mong determinasyon para lang mapatunayan mong talagang <3 mo yung anak nila. May igib, sibak ng kahoy, harana, at pamamanhikan. Bakit ba nawala na yan sa tradisyon? Dahil ba wala nang puno kaya wala nang sisibakin? Di na pwede mag-igib kasi may nawasa na? Bakit wala nang harana kasi may soundcloud na? Sa Bibliya nga si Jacob pitong taong nagsilbi para lang makuha si Rachel. Yung pag-iibigan nga ni Paris at Helen nagsimula pa ng gera. Paano mo nalang ipapakita yung determinasyon mo sa kakatext mo? Walang kahirap hirap.

Mas maligaya ang mararamdaman mo pag nahirapan ka. Ramdam mo ang bawat pasakit mo para lang makuha ang gusto mo. Para kang nakasagot ng problem sa Physics na sinamahan ng Calculus. Kaya pwede, wag kang magmadali.

*Sobrang babaw. Wag mo nang pansinin. Hindi ko ito sinulat pero bat ipopost ko pa rin. Pero hindi ko ito sinulat. Gabi na kase.