alala ng nakaraan

11 Painful things.

Bringing back the feeling you`ve learned to forget. Yung nakalimutan mo na ang lahat. Yung nakalimutan mo na yung taong gumawa sayo nun. Yung nakalimutan mo na lahat ng sakit. Sa wakas, nagawa mo ng makalimot. Pero di ba wala ng mas sasakit sa bagay na muli na namang bumalik pagkatapos mong kalimutan sa mahabang panahon. Maaaring may gumawa ulit sayo ng ganun kaya bumalik lahat ng sakit mula sa nakaraan. Maaaring nakita mo ulit yung taong gumawa sayo nun. Maaaring may nagpaalala sayo..isang bagay, isang scenario o isang tao.

Reminiscing the good times. Inaalala mo lahat ng masasayang bagay tungkol sa kanya. Mga panahong kasama mo pa sya. Mga oras na nakikita mo sya. Inaalala mo ang lahat dahil namimiss mo sya. Namimiss mo na ulit maging masaya. Ngumiti kagaya ng dati. Tumawa ng walang iniindang sakit. Hindi masakit mag-alala ng nakaraan. Ang masakit ay yung katotohanang hindi na yun muling mauulit pa.

Trying to hide what you feel. Hindi mo masabi yung nararamdaman mo. Wala kang lakas ng loob para ipaglaban yung paniniwala mo. Pinapili mong tumahimik. Mas gusto mong walang sabihin. Natatakot ka kasing masaktan. Natatakot kang magkamali. Natatakot kang husgahan ng iba. Natatakot kang mapagtawanan. Ayaw mong mag-alala sila. Ayaw mong maging mukhang kawawa.

Loving someone who loves another. Masakit makitang iba yung mahal nya. Hindi ikaw yung hinahanap nya. Hindi ikaw yung iniisip nya. Hindi ikaw yung gusto nyang makasama. Masakit makitang masaya sya sa ibang tao. Masakit tanggapin na hanggang magkaibigan na lang kayo. Mahirap maka-move on. Mahirap ngumiti..magpakatotoo. Dahil sa tuwing nakikita mo sila, wala kang magawa kundi magkunwaring okay lang..magkunwaring wala kang nararamdaman..nagkukunwaring walang nakikita.

Having a commitment with someone you know would not last. Mahal na mahal mo sya. Mahal na mahal ka nya. Masaya ka ngayon pero hanggang kailan? Alam mo kasing hindi kayo magtatagal. Alam mong isang araw mawawala rin sya sayo. Kukunin din sya sa nakatakdang panahon. Masakit tanggapin ang katotohanang hindi mo pwedeng makasama ang taong mahal na mahal mo ngayon. Wala kang magawa kundi i-treasure nalang ngayon ang bawat oras at minutong kasama mo pa sya.

Shielding your heart to love somebody. Na-inlove ka na sa bestfriend mo? Na-inlove ka na sa taong sweet sa lahat? Na-inlove ka na sa playboy? Na-inlove ka na sa playgirl? Na-inlove ka na sa taong taken na? Na-inlove ka na sa taong kasama mo simula pagkabata? Kung ou, alam kong pinigilan mong mainlove. Ginawa mo ang lahat para hindi ka magkagusto. Pinigilan mo kasi hindi pwede.. kasi hindi dapat., kasi wala kang mapapala.. kasi aasa ka lang.. kasi masasaktan ka lang.. kasi ayaw mo syang mawala.

Loving a person too much. Mahal na mahal mo sya. Lahat binibigay mo. Palagi mo syang ipinaglalaban. Walang oras na hindi mk pinatunayan na mahal mo sya. Buong buhay mo na sakanya na. Buong puso mo nilaan mo na. Wala ka ng tinira sa sarili mo. Ang masaklap, lahat ng ginagawa at binibigay mo sa kanya.. hindi nya kayang gawin o ibalik sayo.

Right love at a wrong time. Mahal ka nya, mahal mo sya pero bawal. Maraming tutol sa inyong dalawa. Maraming humuhusga. Maraming nagagalit. Maraming nadadamay. Masakit pero kailangan mo syang iwanan. Kailangan mo syang layuan. Kailangan mo syang kalimutan. Dahil kung hindi maraming masasaktan. Hindi kayo magiging masaya dahil maski kayo masasaktan lang at mapapagod kakalaban.

Taking risk to fall in love again. Sobra ka ng nasaktan noon. Lahat ng minahal mo, iniwan ka lang. Lahat ng naka-relasyon mo, niloko ka lang. Lahat ng nakilala mo, pinag-tripan ka lang. Sinira nila yung tiwala mo. Sinira nila yung paniniwala mo tungkol sa masayang parte ng pag-ibig. Nabalot ka ng takot. Inuunahan ka ng mga hinala. Masyado ka ng maingat ngayon kaya nung dumating na yung taong totoong nagmamahal sayo, kahit gusto mo na rin syang mahalin.. hindi ganun kadali..hindi ganun kabilis.

Accepting that it was never meant to be. Nakilala kita ng hindi ko inaasahan. Naging magkaibigan tayo. Hindi tumagal nagkagusto ako sayo. Sabi mo sa akin, mahal mo rin ako pero hindi meant to be na maging tayo. Ganun talaga ang buhay. May taong darating sa buhay mo pero hindi meant to be na magstay sa puso mo.

What if`s. What if hindi nya ako magustuhan? What if hindi ako manalo? What if hindi ko kaya? What if magkamali ako? What if mapahiya lang ako? Puro what if`s nalang sa tuwing may mga bagay na gusto kang gawin pero inuunahan ka ng mga pwedeng mangyari na nagiging dahilan para hindi mo na ituloy.. nagiging dahilan para sumuko ka na agad.