akosimissdaydreamer

    Siguro kung mapapalayas ako sa bahay namin, kaya kong mabuhay sa kalye. Basta kasama ko yung gitara ko. Kung magutom man ako, hahanap ako ng pwestong maraming tao. Uupo sa isang tabi, maglalagay ng lata sa harap at tutugtog. Siguro naman kahit papaano merong maaawa at magbibigay ng barya. Kung sa buong magdamag makakuha lang ako ng limang piso, pwede na yun, pambili ng biskwit. Kung antukin naman ako, maglatag lang ako ng karton sa isang lilim pwede na, kayakap ko ang gitara.

     Kaso kung sa kalye ako mamumuhay, paano ako maliligo? Di pa naman ako tumatagal nang nanlalagkit ang katawan sa init. Tsk tsk. Di ko pala kaya. Weakness ko na, pagdating sa hygiene. Gusto ko mabango palagi, malinis. Kasi para sa akin, mas gumaganda ang mga babae kapag mabango at malinis. Kahit ano pang klase ng suot mo kung mabaho ka naman balewala rin diba?

     Anyways, ngayon na napag-isip-isip ko na, hindi ko na hahangarin pa na mapalayas sa bahay namin. Dito may kamang matutulugan, may pagkain sa ref, at higit sa lahat, may paliguan. Tsaka iba pa rin pag nasa bahay. May Mama akong matatakbuhan, may kapatid akong makaka-jamming at makakadaldalan, may pamangkin akong nakakalaro pero madalas nangungulit. Basta :“> There’s no place like home.

4

     Ito yung first meetup na napuntahan ko. Super sulit naman ang byahe mula Bulacan hanggang Alabang. Sobrang nag-enjoy ako :) . Syempre sinulit ko na ang punta ko. Nagpapicture na ko sa mga idol bloggers ko. Kay Kuya Rhads, Gyno, and Gellie. They were approachable and friendly. :) At ang kukulit nila. :) 

     Nakakatuwa si Gellie after ko magpapicture with her binigyan pa ko ng extra tumblr stickers :) She’s so nice! :) They’re all nice! For putting up an event like this. Job well done :) Congrats!