akoangprinsipemo

2

Gawan ko daw siya ng Describe blog eh, pero i refused to do so. Hindi niya alam na ginawan ko naman talaga siya. Pero mas gusto ko gawan siya ng describer blog + appreciation post. Hindi naman kasi talaga ako magaling sa ganito, kaya sana magustuhan niya kahit papano.

Describe blog: Gamit din niya ang universal theme (Greying). sobrang sarap magback-read sa blog niya. Dami niyang alam eh. Hahahaha! Ganda ng banner! Gwapo sa sidebar pic! Sana dun na lang siya forever. Buma-bakcground music din ang lolo mo! hahahha! Sarap lang pakinggan~ Pero magfocus tayo sa mga posts niya, kasi talagang kapupulutan niyo ng aral.

Blogger: Si josh, nakilala ko sa tumblr. Hahahaha! Akala ko noon mahirap ‘to i-approach eh, pero habang ka-ta ko siya noon, sobrang bait naman pala. :)

Natuwa ako nung nalaman kong sa PUP din siya nag-aaral at BS Accountancy ang course niya. Kasi mas naging close talaga kami simula nung nalaman kong Accountancy student siya sa PUP. That was my dream din kasi.

Nakapag exam na ako sa PUP bago kami magkakilala. And ayun nga, tinuring ko na siyang kuya ko, inspirasyon na din. Kasi talagang siya yung laging nangangamusta sakin about sa entrance exam ko, at nagche-cheer up na pasado ako dun.

Hindi nga nasayang ang pagch-cheer niya. Kasi pumasa ako sa PUP. Then may interview interview pa kasi dun, target ko talaga is accounatancy, sa kasawiang palad, nagclose yung course na yun. Naubusan kasi ng slots kaya nag BSBA Major in Marketing Management na lang ako.

Tapos talagang pinipilit niya akong 'wag muna lumandi sa college. Mag focus daw muna ako sa pag aaral ko. Dapat daw gumraduate ako ng may flying colors. Tatay ko ata 'to eh. Taas ng pangarap niya para sakin.

Sabi ko sa kanya magagawa ko lahat ng iyon as long as he will stay by my side and be my inspiration. Oo. Ganun ka drama. Pero pipilitin ko din naman. Sabi naman niya sakin kapag may bagay na nahihirapan ako pwede ako sa kanya lumapit at magtanong. :) Sobrang bait po talaga niyan ni Josh. Ewan ko ba, napakamapalad ko at naging kaibigan ko yan.

“You are beyond special that’s why you are unique.” yan ang hinding hindi ko makakalimutang sinabi niya sa'kin. Unique daw ako? ikr? hahahaha! chos. Unique din naman siya para sa'kin eh. :)) Ikaw po ang unang blogger na ginawan ko ng solo describe blog at appreciation post na din! Matuwa ka dapat! Smile. ^^,

Pero salamat talaga josh. :)) Alam mo yan. Hahahahah! Marami tayong alam sa isa’t isa sa labas ng tumblr. :) Text na lang. :) Ingat ka palagi! Hahahaha! :D Kitakits sa Campus! :)

PS: Sorry sa pagkuha ko nung dalawang mong picture ng walang paalam. :) Surprise nga kase! hahahahah!

Dahil nag-eeffort sya sa mga doodles nya sakin, at sobrang dami ko nang utang sa kanya. Isa lang to sa kabayaran sa mga doodle na yun. Sana magustuhan mo Josh, nag-effort ako dito. Wahahaha, kahit panget go lang. Lels. 3 hrs lang naman akong nakababad dito para gawin yan. Well wala naman akong magawa ehh kaya ginawa ko na yan. Wee eto na yung banner/fansign na sinasabi ko, sobrang daming tenchuuu sa doodles. :“> Sa next time nalang yung iba, kapag hindi ako busy. Yung mga nagdoodle sakin, tenkyu ulit!

Dear Josh(a.k.a. birthdayboy)

Bespren happy happy birthday sayoo. Hahaha ang tanda mo na, akalain mo yun 17 kana din. Hahaha, bespren alam kong madalas kong makikita ang ngiti sayong mga labi, alam kong madalas kitang naririnig tumawa, pero wish ko ngayong birthday mo, sana maging MASAYA ka, kahit itanggi mong hindi ka masaya, kahit pa ilang tawa ang ihalak-hak mo kahit ilang ngiti pa ang ipakita mo, alam kong minsan dumarating parin sa punto na nalulungkot ka, sana ngayong birthday mo maging MASAYA KA, yung saya na may nakikita akong galak, sa puso mo.

Tandaan mo lagi lang akong nandito, pag nalulungkot ka. Pm ka lang, ayoko ng GM, basta ayun, kahit naman meron na akong ano. Kahit mejo dumistansya ako, well nandito parin naman ako, yung distansya ko naman sayo ehh yung maririnig ko yung boses mo pag tinawag moko. Alam mo naman kasing madali syang magselos diba? Ayun, sorry bespren.

Sana walang kalimutan ahh, bestfriends FOREVER, walang iwanan, walang lampasan, walang isnaban. Sana maging masaya ka bespren, sana maging ok ang birthday mo, maging safe para sa lahat, ingat ka palagi bespren. Goodluck sa buhay at sa love life intay intay lang magkakaroon ka din nyan, hehehe basta pag nalulungkot ka, mag SU ka tawagan moko chos. wala akong pang SU ehh. Hahaha. Ayun happy birthday ulit, i love you as my bestfriend. Salamat kasi nanjan ka palagi.

Partida, less than 6 minutes ko lang ginawa to. Last minute bago pumatak ng 12:00 March 7, 2012. Happy birthday JOSH!

Tumblr Crushes:

  • tsubibongbata-Ikaw ang number 1 sa puso ko chos, hello Gab! Maybe this proves that im your real tumblr reader.
  • tumblrrmokong-Ikaw naman ang number 2 sa puso ko. Ang galing mo kasing bumanat ehh nakaka inlove, charot. Ehh basta diba banatero ka kasi, ayun nakakatuwa yung mga post mo kuya rael!
  • matabangutak-Si kuya rhads ang pang number 3 sa puso ko, suki nako sa blog ni kuya rhads, ang dami ko kasing thoughts na natututunan ehh.
  • beben-eleben-Kuya beben naman ang pang 4. Nakakatawa kasi yung mga pinagpopopost nya ehh, minsan may thoughts din about sa love, ayiiieeee.
  • akoangprinsipemo-Si bespren na pang 5 sa puso ko, hello miss na kita, pero naiintindihan mo naman diba? salamat sa pag-intindi mo sakin, salamat kasi lagi kang naka back-up!
  • chelaymahalay-Si chelay ang pang 6 sa puso ko, ewan ko ba kung pano ka nasama dito, ang daya ni tumblr talaga, ayun pero alam kong may dahilan kung bat ka nasama dito, pero bat wala si kuya guil. :(
  • royisdaneym-Si roy naman hindi ko din alam kung bat sya nandito at pang 7 sa puso ko, pero basta ang alam ko nagbabasa din ako sa mga posts nya.
  • olivue-Si kuya ralph naman ang pang 8, laman din ako ng blog nya, kasi nakakatuwa yung mga post nya, isa din syang personal blogger kasi kaya nagkakaunawaan kami.
  • whattadeuce-Si Kev puta naka abot pa nga ohh, sya yung nakakuha ng 9th place sa puso ko. Tae, well hanggang ngayon iniintay parin namin kung kelan yung time na kami naman yung gagwapo.

Kahit 9 yung nasa tumblr puso ko, STILL IKAW PARIN ANG NAG-IISA SA PUSO KO. :“>

jshclz asked:

How do you find the characters of your followers Kuya Josept? :) eto nalang po

I don’t have followers maybe your asking about my friends?

i know i really don’t give a message in each and everyone of them but i want to think that they treat me as their friend.i have few friends here that i regularly send a message not only here but sometimes on facebook.  i follow each of my followers to at least know what they have in mind and to understand them. if i unfollow some of them because they maybe deactivated or inactive for at least 3 weeks or more.

in my 3 months here in tumblr i can say that most of my followers are friendly and active, and i want to thank them for liking my post if they can relate to them..

Tumblr Crushes:

Yaaaan anon. As you requested. Hehehe, sa kanilang blog ako tumatambay madalas, kasi wala lang. De joke syempre ok yung mga posts hindi ko nga alam kung bakit wala jan yung iba siguro hanggang 9 lang talaga ang tumblr crushes. hehehe Ayun. Hello sa inyo, ngayon nalang ulit ako nagpost ng tumblr crushes.

Describe Blog (April 22, 2012) "akoangprisipemo"

akoangprinsipemo also known as Joshua Calzo

A guy with gifted mathematical skill and creative hands.

Josh is one of tumblr brothers ( i hope the feeling is mutual haha) A nice guy with nice smile, I actually has crush on him the first time we met at TP Luneta MU. We are in the same group ( he was late that time), I just smiled and do the “yes thing”

An Accountancy student from PUP. He is a future millionaire and I hope we are still friends. (share your blessing CPA)

His blog is full of his masterpiece, I mean his doodle were awesome. He even made one for me and gave it personally last ATCMU. He also post Random thoughts and ideas from his own head.

“Josh is one of my ideal bf” (sadly we’re brothers)

Katanungang Pam-Pilipinas

Isang katanungan ang natanggap ko sa text mula sa isang kaibigan. Nagtaka ako kung iniisip nya bang alam ko ang sagot o nanghihingi lang sya ng opinyon mula sakin.
Tanong nya, “Totoo bang malaya ang Inang Bayan?”.
Hindi ko talaga alam ang eksaktong sagot sa tanong na yan sa totoo lang. Kaya napaisip ako at nagbulay-bulay; gusto kong malaman ang sagot hindi para may maisagot sa katanungan nya kundi dahil gusto kong personal na malaman din yun sa sarili ko.

Inang Bayan - Tumutukoy sa bansang Pilipinas kung Pilipino ang nagsasalita.

Sa China, limitado ang anak na pwede magkarun ang dalawang mag-asawa; sa Pilipinas kahit ilan pwede.
Sa Saudi, bawal ang Biblia at magdaos ng mga gawaing pang-Kristiyano; sa Pilipinas pwede.
Sa Singapore, bawal kahit ang pagdura lang kung saan-saan; sa Pilipinas pwedeng-pwede.
Ilan lang ang mga yan. Siguro naman ay dyan palang masasabi na nating malaya talaga ang ating Inang Bayan (Pilipinas).

Pero nagkarun lang ako ng ibang view tungkol sa kalayaan. Hindi ba’t may kasabihang “Ang pagbabago ay nag-uumpisa sa sarili”?
Ang Pilipinas ay binubuo ng bawat isa sa ating mga Pilipino. Ibig sabihin, totoong malaya ang Pilipinas kung malaya ang bawat idibiduwal na bumubuo dito, at tayo yun!
Tanong: Malaya ka ba?
Ano ba ang pagkakaintindi mo sa kalayaan?
Yun ba yung kahit anong sabihin mo sa kapwa mo ay pwede?
Ang kalayaan ba para sayo ay yung walang sisita sayo kahit ano ang gawin mo?
Kung yan lang ang pagkakaintindi natin sa kalayaan, baka nga hindi na tayo aware sa ibang mga bagay.
Hindi natin namamalayan na ang ibang mga bagay tulad nalang ng pera ay inaalipin na tayo. Iniisip nating dahil marami tayong nakakamal na salapi ay alipin natin ito, pero ang totoo ay ito ang umaalipin satin dahil sa pagiging sakim natin dito. Ginagawa natin ang mga bagay na masama na hindi naman talaga natin ginagawa dati para lang magkarun ng salapi, yan mismo ang katibayan na alipin tayo ng pera.
Ang mga bisyo tulad ng alak, sigarilyo, etc., may makapagsasabi ba o makakapagpatunay na gumaling sya sa isang karamdaman o lumakas ang kanyag pangangatawan dahil sa mga bisyong yan? Wala! Yan pa nga ang mga naging dahilan para manghina ang isang tao at madaling namatay. Hindi ba’t totoo na alipin tayo ng mga bagay na yan? At kapag napuna tayo, sinasabi nating inaalisan tayo
ng karapatan sa ating kalayaang gawin ang nais natin.
Oo! nagamit mo nga ang kalayaan mong gawin yun, pero ang bagay naman na yun ang umalipin sayo nang hindi mo namamalayan at sya pang kikitil sa buhay mo
di kalaunan.

Ngayon, masasabi mo bang malaya ka talaga?
Alam ko na ngayon ang sagot sa tanong na binigay sakin.
Ikaw naman ngayon ang may pagkakataong mag-isip.

<’))><