ako'y sayo lamang

Ako'y Sayo Lamang - Xian Lim

Sana'y ako ang pagbigyan ng puso

Pangako sa'yo, ikaw ang iibigin

Araw-gabi ikaw ang nasa isip

Unang tingin, ako ay nabighani

Tunay kong nararamdaman 

Sa'yo magpakailanman

Ako'y sa'yo lamang

Ibibigay higit sa kaya

Ako'y sa'yo lamang

Bigyan mo sana ng pag-asa

Sayong sa'yo lamang

Tiwala mo ay iingatan

Ako'y sa'yo lamang

Iyong iyo lamang… ako


Ako'y sayo lamang

Hindi na ito iba sainyo.. yung kanta pag nageemote si Xian Lim at si Kim Chiu sa My Binondo Girl. Habang binabasa ko yung sagot sa TA ng isang anon sa blog ng kaibigan ko, yan yung BGM. hindi napigilang tumulo ng luha ko. Nararamdaman ko eh. Tumatagos. Para akong ibon na may pakpak nga pero hindi makalaya. Hindi man ako nakakulong pero hindi ako makawala. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Gusto kong hanapin ang sarili ko, gusto kong kumawala sa san man ako naiipit ngayon, pilit kong ipinagdiodikdikan sa isip ko yung mga sinasabi nila sakin na kaya ko. Pero kelan pa? kelan ako matututo. Maski ako, hindi ko alam kung pano magsisimula. Kung hindi ko naman sisimulan, hindi ako matatapos. Hindi ko alam kung ano bang exaktong mga salita ang dapat kong sabihin. Hindi ko madescribe yung nararamdaman ko. Pagod na ako. Pagod na akong madapa, bumangon, dumepende. pero kelangan kong ituloy ang buhay… dapat. 

youtube

Xian Lim brought me to this link. This is super cute! :)