ako nga pala to

Embarassing Moment

Niyaya ako kanina ng friend ko sa sb, treat nya daw. So, magpapabebe pa ba ako? Ayun. Sya yung umorder. Naalala ko di nga pala ako pwede ng kape. Najejerbaks ako kapag uminom ako non. Wala na kong magawa (sana lang wag akong matae). Bes! Palabas na kame ng SM Marikina, biglang naramdaman ko ang tawag ni Doro. Jusmiyo! Sabe ko sa friend ko wait lang. So ayun n nga pumasok ako sa cubicle. Sa sobrang kapusukan ng aking ass, di ko na naisip ang aking pamunas! Haha WALA AKONG DALAWANG TISSUE/WET WIPES! PANYO KO LANG BES, PANYO!!!! Juskopooooo. At ayun na nga ang tanging paraan para sa aking kaligtasan. Okay na ang lahat, pagflush ko bes, walang lumabas na H2O! *SIRA ANG FLUSH. Wala na kong nagawa kundi tumakbo, magpakalayo layo sa masikip na espasyo ng aking naging panandaliang parausan at kaharian. Hahahahaha


Sorry sa tagalinis ng cr sa 2nd floor sa SM Marikina. SORRY NA BES. HAHAHAHAHA

𝓼𝓽𝓪𝓽𝓾𝓼: 𝕡𝕣𝕖-𝕒𝕝𝕡𝕙𝕒 𝕡𝕙𝕒𝕤𝕖

Hello world!

[Kasalukuyang kumakain ng cup noodles dahil nasa hotel kami for 7 days.]

Bale hindi ko ma-gets ‘yung buhay ko, ano. Wala kasi akong mapaglabasan talaga pero naalala ko na may Tumblr nga pala ako. Naalala ko na (mej) dito ako nagsimula at (mej) dito nagsimula ang lahat, kaya dito ko na din siguro tatapusin… ang lahat. Good bye, Pilosopogyno? Ito na ‘yung last blog ko pero hahatiin ko sa dalawa para lakas maka-Harry Potter 7 Part 1 at Part 2. Try ko lagyan ng hustisya ‘tong last 2 blogs ko na mala-<spongemock> piLoSoPoGyNo  </spongemock> na style dahil after nito, iiwan ko na ‘yung persona na ‘yun dahil sa mga susunod na rason…

[Tinanong ni Mom kung bakit hindi pa ako natutulog since may pasok pa ako mamaya pero sinabi ko na mamaya pa ako matutulog, para sakto ‘yung gising ko at hindi ako antukin sa trabaho.]

Simula bata pa ako, autodidact na talaga ako, yet scatterbrained. Hindi ko talaga actually alam kung anong meron sa akin noong bata pa ako. Ang alam ko lang ay nag-accelerate ako dalawang beses tapos hinakot ko lahat ng awards noong graduation Kinausap si Mom at in-offeran siya na ipa-special education ako, ngunit sa takot niya, pinaaral ako sa normal na school. Natakot saan? Na hindi ako maging “normal”.

[Paalis na si Mom papuntang trabaho. Libre ko daw si Dad pati kapatid ko ng McDo galing sa sweldo ko, kaso hindi ko narinig kasi busy ako nagta-type… tapos tsaka ko lang napansin na kinakausap pala ako.]

Ano ba masama sa pagiging hindi normal? Ano nga ba ang normal? Ano ba ang hindi normal? Anyway, hindi naman na importante ‘yun. Isa sa mga rason kung bakit hindi na ako active dito ay dahil malubha na talaga ‘tong hindi ako makapag-concentrate sa isang bagay, kaya hindi ko na kinakaya mag-blog ng mahaba dahil alt tab ako ng alt tab. Minsan kahit nanunood ako ng series o movies, natatagalan ako matapos ‘yung pinapanood ko dahil madaling nadi-distract talaga ang kuya niyo.

Isa pa sa mga rason ay wala na talaga akong masulat dahil halos lahat na ata ng topic na kaya kong i-topic, nasabi ko na… dati. Well, ilang taon na nakaliipas simula noong active na active talaga ako at feel ko namang marami na ulit akong pwedeng pag-usapan, pero feeling ko na hindi na appropriate sa blog ko na ‘to ang mga sasabihin o mga magiging topic ko, kaya iiwan ko na ‘to. Balak ko sana gumagawa nalang ng panibago pero hindi ko ide-delete ‘to. Sayang memories dito; memory hoarder pa man din ako.

[Very important: Napa-alt tab c acoe ng matagal ih. Muntik ko na makalimutan na nagba-blog pala ako.]

Bata palang ako, gusto ko na maging scientist. Ginusto ko din maging ninja. Nahilig ako sa games at sa computer at sa computer games, ginusto ko maging gamer. Tapos nilagay ko sa year book ko na gusto ko maging computer technician talaga. Nagustuhan ko ‘yung hip hop, ginusto ko maging rapper. Pinarinig sa akin ‘yung MCR, ginusto ko maging emo. Napamahal ako sa Chemistry, ginusto ko na maging chemist. Pagka-graduate ko ng high school, wala akong gusto. Sabi ng nanay ko na mag-Nursing ako, G ako kasi nandoon si crush. Umalis ako dahil feeling ko hindi para sa akin, nag-Music Production ako. Wala naman akong alam na instruments pero pinilit kong matuto, pumasa ako.

Masyado pa akong bata para mag-college (lalo na’t nag-Benilde) kaya umalis ako at sinabi ko na hindi rin siguro ‘to para sa akin. Sabi ng nanay ko na mag-I.T. nalang ako since magaling talaga ako sa computer at ginusto ko talaga ‘to. Nagkaroon ako ng banda sa school, ginusto ko ulit mag-Music. Mahilig ako mag-basa at research at ginusto ko maging researcher. Natuwa ako tungkol sa space at mga paradox and other stuff, ginusto ko maging astronomer. Na-inlove ako sa hacking, ginusto ko maging (gray hat) hacker. Marami pa akong gusto sa buhay ko, lahat pinag-aralan ko; lahat alam ko. Kaso doon ako nahirapan, lahat kasi gusto ko.

Hindi ko na alam kung ano nga ba talaga ang gusto ko sa buhay. Hindi naman pwedeng lahat ng ‘yun, gagampanan ko. Jack-of-all-trades, pweds pa siguro. Wala kaming major noong nag-I.T. kami sa Southville dahil lahat ng subject, tinutukan namin ng maigi para kapag nasa labas na kami, “magaling kami sa lahat”. Kaso hindi lang naman sa school natututo, kaya hindi lang I.T. stuff ang alam ko.

[Bigyan ko na kaya si Dad ng pera para makabili na siya ng pang-McDo namin? Gutom na ako e, tapos may McDo kasi sa baba. Baka gustom na din siya so…]

‘Yung iba kong gusto, nasa part 2 ng blog na ‘to. Sa sobrang dami kong alam at gusto, nahihiwalay na ako sa sarili ko. Naghihiwa-hiwalay na ‘yung sarili ko sa napakaraming branch o nagse-stretch parang rubber band. Pero walang napupuntahan ang rubber band kapag nase-stretch lang. Dapat hindi siya hinihila sa maraming places, diba? Ganun kasi nararamdaman ko ngayon. May mga bago na naman akong natutunan at namangha ako, tapos gusto ko naman ngayon tahakin ang daan na ‘yun. Hindi niyo pwedeng itanong sa akin na “Kuya Gyno, ano ba kasi talaga ang gusto mo?” kasi kahit ako, hindi ko talaga alam. Kung alam ko man, marami.

Balik sa dating tagline ng blog ko, “Wala kang mapupuntahan kung wala kang balak umalis” at mej naniniwala ako sa alchemy o rule ng universe na kailangan mong mag-give up ng isang magandang eklavu para makatanggap ka din ng isa pang magandang eklavu. Igi-give up ko ‘tong blog ko na ‘to na Pilosopogyno. Gusto ko mag-level up na din kasi, at gusto ko.͔̙͍.̻̥̣̠.̤ ̫̱͈̞̼͓   a̴̹͈̳̭̖̠n̡̮̫̪̩̙̩͇o͏̨̝̼͖͙̺ ̶̧̦̣͇̻̭̞́t̷҉̮͙͙̗͓̪̤o͏̴̸̭̭͙̣͓̺̭ͅͅ

?????????????????

ţ̽ͪ̍͆͏͚̱͜E̳̣̞̘̝̙̍̅͟k̾҉͏̧̪͇̙̘͇ã̺̤͔̝͗̀͘ ̛͍̭̞̥͛̽̏ͦͩ̂̃͠m̷̝ͣ̍̕͜a̺̯̲̱͆Y̸̲͍̘̝̺͙̲ͬ͊̒̃ͣ̈̋̕͞ ̷͖͎̋̔̄̍̂̄͐ͤ͛ͅG̢̈́҉̞͔͍̩̜̯̖͟Ḽ̡̺ͧͧ̑͐̾̍̇ͦͦí͉̺̤ͨ́͠ͅT̡͔̦̐̿ͯ̕c̻͓̿̄͝hͧ̔ͥ̍̓̀̌̽͏͇̖̣͙̖͞ Áͪ̔̋ͨͨ̽̍͏̵̨̻̖̺̣͚̬̝̠͙̬͓̘͓̗͔̰͉̕͝ͅŃ̸̤͍͕̦ͩ̅̽̂̌͗͗ͮ͐͊͌̈͒ͪ̆́̂̕U̷̷̯͕̟͗̅͗̄͞N͌ͨͨͣͭ̋͆͒ͦ͂͏̷̡̲̲̙͈̣̯͝Ā̢ͣ̔̍ͮ͝҉͇̩͇͕͉͇̻̻̦̩͈̬̗̫̪̳̖͢͟ ̸̷̴̺̫̳̯̙̻͚̤͕̖̘͍͇̜̦̼̻ͭ̄̽̽ͩ͒̔ͬ͌B̵̧͉̙̭̭͎ͧͯ̀ͥ̐Ê͍̯͓͔̲̼̭̳̍̋ͥ̀ͨ̍̇̚͜͝͠S̷̥̥̗͓̪̬͚̹̜̜̀̑ͨͪ͌́͡

Hintay

Pano kaya kung, tayo talaga sa huli pero kailangan munang mangyari ang buhay sayo, sa ating dalawa, bago mo maisip na ako nga din pala talaga?

Paano kung, ang bawat himig na nagpapatibok sa puso mo tuwing naaalala mo s'ya, ay ang mga kantang kikirot sa damdamin mo at s'yang tuturo sayo ng daan pabalik sa piling ko?

Paano kung, mangyayari lamang ang lahat ng ‘yon kung di ako bibitaw. Kung kaya kong lunurin ang nararamdamang panibugho sa saya na nasa isipan tuwing sinasabi mong “Tropa pa din tayo ha? Walang iwanan.”

Paano kung, lahat ng kailangan mo ay sabay nating maaabot. At hindi mo na kailangang durugin ang puso mo para matuto. Kung minsan man lang, sana mapansin mo din ang pag ibig na alay ko.

Hi.

Nababasa ko lately na para kang may problema sa work mo, family mo, at relationship mo? Tama ba. Kung ano man ang nararamdaman mo. wag mong sarilinin. Time will come na mawawala lahat ng sakit tas puro happiness na lang.

Smile ka. Ang ganda mo tas nag papatalo ka sa lungkot. Andito lang ako when you need a friend. Smile :)))))) parang ganito :)))))))))))))

Oo nga pala, yung post mo kagabi na walang makatanggap sayo kasi honest ka, no, you are wrong. May tatanggap sayo kasi napaka honest mong tao at napakabait mo. Kamahal mahal ka. Tandaan mo yan. :)

Sobrang daming tanong sa aking isipan
Hindi ko alam kung meron pa bang kasagutan.

Masaya naman tayo noong una
Pero ang lahat ng ‘yon ay sa una lang pala
Simula pagkabata
Marami na akong narinig na mga haka-haka
Pero bakit nga ba hindi pa ako naniwala?

Ah oo nga pala
Hinayaan ko ang sarili ko
Hinayaan ko ang sarili ko
Na maging tanga
Na mahalin ka ng sobra 
Sobra pa sa sarili ko

Nasira mo ako
Nasira mo ang tiwala ko
Nasira mo ang paniniwala ko
Nasira mo ang mismong ako
Nasira mo ang buong pagkatao ko
May dapat pa ba akong paniwalaan pagkatapos mong sirain ang mismong binuo mo?

“Kumusta?” 
Yan na lamang ang lagi kong naririnig mula sa iyo.
Kumusta? Bakit mo kukumustahin ang sinira mo?

Matagal na akong nagtitiis
Nagtitiis ako, baka kasi bumalik pa ang aking nais
Ngunit alam kong umaasa lang ako nang labis.

Bakit ba kasi?
Bakit mo ba kasi ako iniwan?
Bakit mo ako pinabayaan?
Bakit mo ako sinaktan?
Bakit?
Bakit naghanap ka ng kapalit?
Bakit mo ako pinagpalit?
Bakit mo ako hinayaang mainggit?

Dibale
Hahayaan ko nalang
Hahayaan ko nalang ang lahat na para bang wala nangyari.

Isusulat ko nalang
Isusulat ko nalang ang lahat ng gusto kong sabihin sayo
Dahil wala naman akong lakas ng loob umamin sayo
At baka nga ito pa ang makasira sayo.

Sana lang ang maging masaya ka sa pinili mo
Sana ay hindi mo pagsisihan ang ginawa mo
Walang papantay sayo
Kahit na iba na ang tinuturing mong pamilya mo.

Bago ko makalimutan ang lahat,
Wala akong nais na isumbat
Dahil kahit sa maikling panahon,
At madaling pagkakataon, ikaw ay naging sapat.

Pero putangina,
bakit kahit ang tagal tagal na
sobrang sakit pa?

Niloko, sinaktan, iniwan
Yang tatlong salita na yan,
Yan ang ginawa mo sa aming ilaw ng tahanan

Oo nga pala papa,
sa kabila ng lahat ng iyong ginawa
Mahal na mahal ka pa ng mama.

Hi.

Hay nako. Kinilig ako sayo kasi idol kita. Hahhahahaha. Jusko ba’t ka pumatol. Hindi ko alam sasabihin ko. Hahaha. Basta ang galing mo. Di ko nilalike post mo kasi baka maisip mo na papansin ako. Oo nga pala ako ang kumuha ng nawawala mong *** Hahhahahah. Pahiram muna me. lol.

Ayun nga, seryoso na, magaling ka mag sulat. Yung random thoughts mo, amazing. hays. Hello sayo. Sana magkaron ka ng mukha soon.

Magsisimula na yung practice namin sa chorale sa school namin pashnea! Malapit na nga pala pasukan hays. Pero excited na ako!! Namiss ko uniform namin hahaha. Pero ‘di rin pala, feeling ko maninibago ako sa mga bago kong kaklase ngayon hays, sana talaga pwede lumipat dun ulet sa seksyon ko kase alam ko talagang mao-op ako sa mga kaibigan ko eh ayokong makasama sila sa iisang room tbh, hindi dahil ayaw ko sa kanila kundi maiipit na naman ako sa sumbatan nilang dalawa ni friend haaays. Pero sige! Pagbigyan ko na sila tutal last year na naman namin na magkakasama at nandito na naman ‘to haaays! Magpapakilala na naman ako sa mga bago kong kaklase bwahahaha mag-iisip na'ko ng sasabihin pashnea! Pero sana makasundo ko sila no self hahaha k bye.

Kanina pa ako nakauwi galing sa office at nagpahinga lang ako dahil nakakapagod. 1st day ko nga pala at ang dami agad pinagawa sa office. Nagencode lang naman ako ng Weekly Assessment sa office. Habang nageencode ako kanina tapos nasa na April 25 ako. sabi ko “Shit! bakit ang daming transaction sa date na ‘to, nakakangalay na.”. Lumapit sa akn si Ma'am Arizza yung secretary sa office kasi malapit sa akin yung telephone. Nagulat ako dahil nakatitig siya tapos sabay sabi “Ma'am Remy ang bilis nito magtype oh! Uyy ang bilis mo magtype!” tas sabi ko “Mabagal pa nga po yan eh.”. Lol ang bagal pa nga nun ehh pero thank you kasi talaga sa Keyboarding Class namin nung 1st year college hahaha dahil sa typewriter naging keyboard warrior ako huhuhuhu.

Paano ba magsimula ulit?

Ang hirap maghanap ng tamang sagot para sa tanong na ‘yan. Hindi ako sigurado kung tama ba ang lahat ng magiging desisyon. Hindi ako siguro kung ito ba ang tamang panahon, kung handa na ba talaga ako?

Sige, simulan natin sa salitang “Okay ako, ayos lang ako. Buhay pa, gumagalaw pa 'yun nga lang hindi masigla. Hindi katulad dati na laging aktibo sa mundong ito.

Alam mo ang tagal na ng huling beses tayong nagkita, nagkausap, nagkadampian ng mga kamay. Kelan ba yun? Isang buwan?. Ay hindi halos isang taon.

Naalala ko pa 'nun sinabi ko rin na magbabalik na talaga ako. "Seryoso, Im back” Konting sulat,  iilang litrato, mga pagsagot sa tanong galing sa mga taong di ko kilala pero patuloy na nandyan at naghihintay ng mababasa, or yung iba naghihintay ng balita na pwede nilang ichismis sa iba.

Sa totoo lang nawalan ako ng gana, pakiramdam ko ang tanda ko na para dito. Pakiramdam ko hindi na ako “swak”. Hindi na para sa akin yung ganitong klase ng mundo. Maingay, minsan magulo pero kadalasan MASAYA.

Nakakamisss no? Nakakamiss magsulat ng kung ano ang nararamdaman mo. Tapos kapag nakumpleto mo, ipapadala ko sayo with feelings pa para maramdaman mo. 'Yung pakiramdam na magsusulat ka at wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Magsusulat ka lang ng kung ano ano. Base sa kung anong gusto mo.

Pero lahat ng sinulat ko ay binura ko. Kaya nga panibagong simula diba? Hindi mo na kailangan balikan ang nakaraan para lang sabihin na nakalampas kana sa lahat ng saya at sakit na naramdaman mo. Binura ko, kasi gusto ko. Kasi kaya ko ng pakawalan lahat ng ala-ala. Uy, wag mong isiping tungkol sa love life ko ito! Mali ka dyan sa iniisip mo, kasi ngayon masaya ako kahit single ako. Tungkol ito sa bagong simula.

SIMULA ng bagong pahina sa buhay ko. Wag kang magalala at hindi rin ako magaalala. Hindi ako magsusulat gamit ang Ingles, magsusulat ako sa tagalog para mas maramdaman mo ang nararamdaman ko. Para may connection tayo, bakit ako magpapakitang tao kung hindi ko naman mapapangatawanan? Ang gagawin ko lang magsusulat lang ako ng masaya.

Sya nga pala baka napapansin mo may sariling domain na ako medyo nakakaluwag luwag na kasi sa buhay, sumasahod ng sapat para mabuhay.

Asahan mong magiging masaya ang bagong paglalakbay na ito, marami tayong pagkwekwentuhan. At sana patuloy mo parin akong samahan.

Ako parin si Juankulot, walang nagbago mas magiging totoo lang ako.

Kwentong Adobo

Nagluto ako ng adobo tama sa alat, sa anghang, yung manok may lasa hanggang loob, hindi malambot hindi rin matigas ang patatas, kaya lang parang may kulang hindi talaga kasi ako marunong magluto nag-try lang ako kc gusto kong kumain ng luto ko kung masasayahan ba ako, ninanamnam ko talaga putangina may nakalimutan nga ako walang suka anak ng patola kaya pala, syempre di ko na pwedeng lutuin ulit kasi masyado ng lalambot ang karne sa patatas baka di ko na makain hays.

Parang pag-ibig lang talaga ang pagluluto pag kulang sa sangkap hindi kumpleto ang sarap, parang yung pagmamahal ko sa taong mahal ko kulang kaya di sapat. Nagluto lang nakahugot. 👅

So bale medyo miss q na pagging witty ni marco hahahaha nasan ba yun leche yan walang paramdam pero ang totoo ux2 q rin tlga maging witty… tapos chineck ko twitter nya kung buhay pa ba sya tapos aba gulat ako kasi birthday nga pala nya ngayon hala hapi bday brad hahahahahaahha kingina nasan ka na ba kasi huhuhu ikaw lang talaga kasama ko magpuyat dito hanggang mga 7am eh kasi malamang nasa ibang bansa ka hahahah pati pala si chels @chelseajpg  huhu nasan na kayo mga bakla miss ko na kayo parehas pero gago happy birthday talaga brad hahahaaha luv u mwa miss u ew @boytetano 

Aba! Aba! Talagang susunod sa yapak ng mga kapatid ah? Haha dia! Haha galingan mo sa laban mo sa Australia ha! Suportado ka namin nina mama at papa! Haha go go go! Pakitaan mo ako ng mala sirenang paglangoy! Ayan na matutupad na pangarap mo :) goodluck sayo dia! Galingan mo! Best swimmer of the family! Woot woot! Bye bye! Pasensya kana nga pala di ako nakasama sa pag hatid sayo kanina! On training kuya mo eh haha, basta galingan mo power! Power!

-nag mamahal kuya.